Kinabukasan ay masayang masaya si Rusty. Hindi na ako nagtaka dahil expected ko na 'yun. Nagkabit ako ng headset sa tenga at tinodo ang volume para hindi ko marinig ang usapan nila ni Kit at nagpanggap na tulog. Napadilat lang ako nang tapikin ako ni Rusty. Sa gulat ko ay natanggal ko agad ang headset sa tenga at napatingin sa'kanya. Hindi ko ine-expect na kakausapin n'ya ako. "Bakit?" tanong ko. "Let's talk. Sa labas..." sabi n'ya at nauna ng lumabas. Mahinahon naman ang pagkakasabi n'ya kaya tumayo agad ako at sumunod sa'kanya. Sinundan ko s'ya sa labas at nakita kong papunta s'ya sa tambayan. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Ipinilig ko ang ulo ko. I think, I am going to hate this place from now on. Umupo s'ya sa bench at tumanaw sa malawak na soccer field. "Anong sa'tin?"

