"Kayo na?" rinig kong tanong ni Kit habang kumakain kami ng lunch sa canteen ng school. Napatigil ako sa pagsubo at hinintay ang isasagot ni Rusty. Nakita ko pang nag-angat s'ya ng tingin sa akin bago ibinalik ang tingin kay Kit at ngumisi.
"Hindi pa. Pero tingin ko, papunta na 'dun..." sagot n'ya. Nag-iwas ako ng tingin at binalik ang atensyon sa pagkain kahit na ang totoo ay nawalan na ako ng gana. Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan. Pangiti ngiti lang ako sa mga usapan nila kahit di naman talaga ako natutuwa sa nangyayari.
It's been a week simula nang makasakay ko si Max sa jeep. Akala ko, pagkatapos ko s'yang makita at makausap ulit, matitigil na ako sa kakaisip sa'kanya. Pero kabaligtaran yata ang nangyari dahil magmula ng araw na 'yun, mas madalas ko na s'yang maisip at palaging inaabang abangan sa school.
Natutukso akong ulitin ang ginawa kong pag-aabang sa'kanya sa gate ng subdivision para magkasabay kami ulit sa pagpasok pero pinipigilan ko ang sarili ko.
Pinopormahan na s'ya ngayon ni Rusty at base sa mga kwento n'ya ay mukhang malaki ang chance na maging sila nanga. Rusty and I are friends at ayaw kong isipin n'yang dinidikitan ko si Max habang pinopormahan n'ya. I still know how to handle this kind of situation. Kahit hindi sabihin ni Rusty na ilugar ko ang sarili ko sa kung saan ako dapat, 'yun ang gagawin ko. Dahil 'yun naman talaga dapat.
Bro Code: Never hit on your bro's potential girlfriend.
Kahit wala akong nakikitang pagbabago sa closeness nila ay di parin dapat maging dahilan 'yun para lumapit lapit ako kay Max.
Lalo na at naamin ko na sa sarili ko kung ano talagang nararamdaman ko para sa'kanya. Gusto ko na naman mapamura sa isip.
Well, yes.. I like her. May gusto ako kay Max. Sa kaka-Tsong ko, ayan at nahulog na ako sa'kanya! Damn!
I just realized it while rereading our old conversations and found myself smiling like an idiot! Like what the hell? This is really crazy! I know I shouldn't have fall for her coz she's off limits. Tinuring ko na s'yang tropa. Isa pa, hindi s'ya ang type ko. I used to hate loud women. I'm more into simple but elegant. Well, Max is simple but she's never elegant. Ang lakas nga 'nun manapak at tumawa!
Pero kahit ganun, I can't help but fall for her crazy yet cute antics. It's rare... she's rare. Kakaiba s'ya sa lahat ng babaeng nakilala ko. There's something about her that made me wanna see her and badly wanna be with her. Yung parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko s'ya naramdaman sa paligid. I know this isn't just a simple crush. Kasi hindi naman ako naakit sa'kanya physically katulad ng nangyari sa akin noon kay Ginger. It's something else... It's just... I don't know. It's deeper than that.
Minsan sinasadya kong pumasok ng maaga dahil alam kong maaga s'ya palaging pumapasok. At minsan ay sinasadya kong dumaan sa classroom nila para lang masilip kung nandoon na s'ya.
"Gav!" nagulat ako nang tawagin ako ng classmate at member din ng basketball team na si Denmar. Nang lingunin ko s'ya ay kunot noo s'ya at nagtatakang tinuro ang classroom namin.
"Oh, Tol? Bakit?" tanong ko.
"Hindi ka pa papasok sa room?" takang tanong n'ya. Tsaka ko lang narealized na nakalampas na pala ako sa classroom namin at nasa tapat na ng sunod na section.
What the hell, Gav?
"Ahh... una ka na 'tol! May kailangan ako sa pinsan kong third year." palusot ko at napakamot sa batok. Lihim akong nagpasalamat nang makita kong tumango tango s'ya.
"Oh sige, una na ko kung ganon!" sabi n'ya. Tumango lang ako at saka sinundan pa s'ya ng tingin habang papasok sa classroom namin. Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Nang malapit ng tumapat sa classroom nina Max ay sinadya kong bagalan ang paglalakad. Pumipito pito pa ako at nakikipag highfive sa mga taga ibang section na nadadaanan ko.
"Oh, Gav? San punta mo, pre?" tanong ni Albert. Tinanggap ko ang hand gestures na inaalok n'ya at saka tinuro ang corridor.
"May dadaanan lang sa third year, pre!" sagot ko. Tumango naman s'ya napangisi.
"Sino? Bagong chix?" tanong n'ya. Umiling lang ako at tumawa.
"Pinsan ko lang." sagot ko. Tumaas baba ang kilay n'ya na parang hindi naniniwala habang may halong pang-aasar. Umiling lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Napapalingon halos ang mga babaeng kaklase ni Max nang padaan na ako sa room nila. Nakatambay sila sa tapat ng room at nagkukwentuhan ng kung anu ano. Nagbulungan pa ang mga ito nang makitang parating ako.
"Uy, o! Yung crush ni ano!" nakangising sabi ng isang may kaliitang babae sabay hila sa kasama n'ya at pasok sa loob.
May ibang bumati sa akin at nagpa-cute pero nginitian ko lang sila. Pasimple akong luminga sa loob ng classroom nila, particularly sa gawi kung saan ang upuan n'ya. Sa kanang dulo ng classroom ang upuan n'ya kaya doon tumama ang paningin ko.
"Napapadalas si Gav dito, 'no? Baka may pinopormahan!" rinig ko pang bulungan nang ibang babae sa gilid. Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy lang ang pasimpleng paghahanap kay Max sa loob.
Nakita ko s'yang nakapatong ang baba sa likod ng palad na nakapatong sa mga libro sa ibabaw ng desk n'ya. Kaharap n'ya 'yung babaeng maliit kanina at 'yung kasama n'yang tumakbo papasok sa loob. Nakakunot ang noo ni Max habang ang dalawa ay tinuturo turo s'ya at parang kinakantyawan. Nakita ko pang inambaan n'ya ng suntok ang dalawa at tuluyan ng isinubsob ang ulo sa mga libro.
Nangingiti ako habang nagpapatuloy sa paglalakad. Nang nakalampas na ako sa classroom nila at nakarating sa pinakadulong section ng fourth year ay pasimple akong umikot para bumalik na. Napakusot pa ako sa ilong ko nang humalo na ako sa mga pabalik ng estudyante. Naiiling ako sa kalokohan ko pero okay na 'yun kaysa magdamag akong mag-isip sa'kanya kung hindi ko s'ya makikita sa isang araw.
***
Isang araw ay hindi pumasok si Rusty. Papunta na kami ni Kit sa canteen para mag-lunch nang makita n'ya si Mariel na mukhang sa labas ng school kakain. Wala itong kasama. Kitang kita ko ang paghinto ni Kit sa paglalakad habang sinusundan ito ng tingin. Nang makalabas na ito sa gate ay saka palang s'ya gumalaw para magpatuloy sa pagpasok sa canteen. Imbes na sumunod ako sa'kanya ay hinila ko s'ya paalis doon at tinulak tulak palabas ng school. Takang taka s'ya habang nililingon ako habang panay ang tulak ko sa'kanya.
Mahal mo pa 'di ba? Then do something, asshole!
"Teka, Gav-"
"Move your ass out and hurry bago ka pa tuluyang mawalan ng pag-asa kay Mariel." sabi ko habang malakas na tinulak s'ya palabas ng gate. Napamura pa s'ya nang muntik s'yang sumubsob sa isang babaeng estudyanteng palabas din ng school. Tumawa ako at kinawayan na s'ya.
If only I got that chance... hinding hindi ako tatanga at maghihintay lang sa isang tabi.
I sighed deeply.
Kung hindi lang ganito kakomplikado ang sitwasyon. If only I realized it early. If only I didn't waste my time chasing for the wrong person. Ako sana 'yung nauna. Hindi na sana ako nahihirapan ngayon. I still hope I'd get my chance, too. Sana meron pa... Sana dumating pa. Dahil hinding hindi ko 'yun palalampasin. I would never waste that one f*****g chance.
Nag-angat ako ng tingin kay Kit na tulala parin sa harapan ko. Tumaas ang kilay ko at itinuro ang likuran n'ya. Mukhang tsaka palang s'ya natauhan. Tsk!
"Ayun na, o! Takbo na! Bagal mo, gago!" kantyaw ko at inginuso si Mariel na nasa gilid na ng highway at akmang patawid na. Agad s'yang lumingon sa kinaroroonan nito at nagmamadaling tumakbo. Nakita ko pang tinaas n'ya ang kamay n'ya at kumaway sa akin. Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa nakita kong pasimple s'yang bumuntot kay Mariel at hindi manlang sinubukang kuhanin ang atensyon nito. Napailing ako.
"Lakas ng loob maging advicer ni Rusty sa panliligaw, pero sariling lovelife hindi maayos!" bulong ko at inayos ang bag para bumalik na sa canteen pero bago pa ako makalingon ay nakita ko na sina Max na papunta rin sa gawi ng pinuntahan nina Kit. Kasabay n'ya ang dalawang babae na palagi n'yang kasama sa tambayan. Tumawa s'ya at sinapo sa ulo ang dalawa at saka inakbayan ang mga ito at saka sabay sabay silang naglakad.
Mula nang sagutin ako ni Ginger ay hindi ko na s'ya nakikitang kumakain sa canteen. Dati rati ay madalas pa namin s'yang nakakasabay sa pagkain. Hindi naman nababanggit ni Rusty ang dahilan kung bakit hindi na s'ya nakakasabay sa amin. Hindi nalang din ako nagtatanong dahil baka kung ano pa ang isipin n'ya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para sundan sila. Hindi nga nila halos napansin ang pagsunod ko dahil masyado silang maingay at masaya sa pagkukwentuhan habang naglalakad. Nagtatawanan at nagkakantyawan pa sila. Napapangiti ako kapag nakikita kong pinipitik ni Max ang tenga ng dalawa kapag tinatangka ng mga itong kantyawan s'ya.
"Ikaw naman crush mo si ano- aray!" napatigil ang mga ito sa panunukso sa'kanya nang higitin n'ya silang parehas at akmang pag-uuntugin. Natatawang lumayo ang dalawa sa'kanya.
"Wala nga sabi akong crush 'dun! Kaibigan ko lang 'yun! 'Wag kayong papahuli sa'kin, a?!" banta n'ya sabay habol sa dalawa. Mabilis na naglakad narin ako para masundan sila.
Sino kayang pinag-uusapan nila? Sinong crush ni Max? Si Rusty? Malamang s'ya nga... Hmmm. Sige lang, Gav. Makinig ka pa sa usapan. Lalo ka lang masasaktan.
Nang makita ko kung saan sila pumasok ay nagdalawang isip pa ako kung susunod sa loob o hindi. This carinderia only serves their specialty which is goto. At hindi ako kumakain 'nun. Napangiwi ako nang makita kong walang ibang sineserve kundi puro iyon. Seriously? Mabubusog ba sila d'yan?
Bumuntong hininga ako at pumasok na sa loob. Iginala ko ang paningin sa paligid at nakita ko sila Max sa isang pang apatan na table. Naglakad ako palapit sa gawi nila. Nakatalikod s'ya sa gawi ko at ang dalawa n'yang kasama ay nakaharap sa akin. Kitang kita kong nanlaki ang mata ng isa n'yang kasama nang makita ako.
"Si Gav!" rinig ko pang sabi nito na nakaharap kay Max. Nakita ko pang umiling si Max.
"Tumigil ka na, Kat. Sasapakin na kita d'yan?" rinig ko pang sabi ni Max at inambaan pa ito ng suntok. Nakita ko naman ang katabi nito na tumingin din sa akin at bahagyang yumuko pa para makausap si Max. Nakangiting lumapit ako at tumigil sa likuran n'ya. Unti-unti pa s'yang lumingon at medyo nagulat pa nang makita ako. Ngumiti agad ako sa'kanya.
"T-Tsong?" utal na sabi n'ya na parang di makapaniwalang nasa harapan n'ya ako.
"Akala mo kasi binibiro ng binibiro, e!" natatawang sabi nung babaeng tinawag n'yang Kat. Nginiwian s'ya ni Max. Natatawang umikot ako para makaupo sa tabi n'ya.
"So, dito ka pala kumakain ng lunch, Tsong?" sabi ko at ginala ang paningin sa paligid. Karamihan sa mga kumakain ay mga estudyante rin sa school namin at ang iba ay mga college students na. Napalingon na ako sa'kanya nang hindi s'ya sumagot. Agad namang iniiwas n'ya ang paningin sa akin at ginala rin ang paningin sa paligid.
"A-Ahh, oo, e! M-Masarap kasi ang goto dito. T-Tsaka mura pa!" pilit ang tawang sabi n'ya. Tumango tango ako at may lumapit ng isang serbidora sa amin.
"Tatlong order nga, Miss..." sabi ni Max at napatingin sa akin. "I-Ikaw, Tsong? Snack ka lang ba? Hindi ka kumakain ng goto 'di ba?" alanganing tanong n'ya kaya napalunok ako. I wonder what she's thinking why I'm here? Tumikhim ako at hinarap ang babae.
"Make it four, Miss..." sabi ko sa babae. Takang napatingin silang tatlo sa akin. Hindi ko sila pinansin.
"Drinks, Sir?" tanong ng babae. Napatingin ako kay Max. Mukhang nakuha naman n'ya ang gusto kong sabihin at s'ya na ang sumagot.
"Softdrinks na lang sa'min!" sabi n'ya. Tumango ang babae at saka umalis na. Nang makaalis ito ay hinarap ako ni Max.
"Bakit ka nga pala mag-isa, Tsong? Nasaan si Kalawang? Si Kiting?" tanong nito. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Hindi n'ya alam na absent si Rusty? Akala ko pa naman ay madalas na silang nagtetext? Pinilig ko ang ulo bago sumagot.
"Absent si Rusty, e. Si Kit naman sinamahan si Mariel mag-lunch." sagot ko. Tumango tango lang s'ya na parang kuntento na sa isinagot ko. Hindi n'ya ba tatanungin kung bakit absent ang manliligaw n'ya? I terminate those silly questions in my mind. Ang dapat kong problemahin ay kung paano ko kakainin ang goto na inorder ko. Hindi pa man ay nasusuka na ako. Hindi ako sanay kumain ng mga lamang loob ng mga hayop kahit gaano pa ka-special ang luto ng mga iyon!
Nang dumating ang order namin ay titig na titig ako sa bowl ng goto sa harapan ko. Nagsisikuhan ang dalawang kasama ni Max habang s'ya naman ay nakatingin sa akin. Napalunok ako at hinawakan agad ang kutsara. Nahagip ng paningin ko ang ginagawa ng dalawa n'yang kasama kaya ginaya ko iyon. Piniga ko rin ang kalamansi at saka hinalo iyon sa goto.
"K-Kain na..." yaya ko sa'kanya at nauna ng sumubo. Halos mailuwa ko 'yun nang malasahan ko ang karne ng baka. Pasimpleng uminom ako ng softdrinks para mailunok iyon. What the hell, Gav?
Ganun ang ginawa ko hanggang sa maubos ko. Bawat subo ng goto ay sasabayan ng inom ng softdrinks. Kung alam ko lang ay mas malaking softdrinks na ang inorder ko!
"Maanghang ba?" nakangiwing tanong ng isang kasama n'ya. Narinig kong nagpigil ng tawa si Max.
"Ha?" tanong ko.
"Panay kasi ang inom mo ng softdrinks..." sabi nito. Napalunok ako at ngumiti ng pilit.
"M-Medyo maalat lang..." palusot ko. Napatingin ako kay Max nang maglapag s'ya ng tissue. Nag-angat ako ng tingin sa'kanya.
"Pawis na pawis ka..." bulong n'ya at tinuro ang leeg ko. Agad kong kinuha ang tissue at nagpunas ng pawis. Nang tumayo sila para magbayad ay pinigilan ko sila at ako na ang tumayo.
"Ako na, Tsong..." sabi ko sabay tayo at lapit sa counter. Tumango lang sila at tumayo narin.
"Hintayin ka nalang namin sa labas, Tsong..." sabi ni Max. Tumango lang ako dumiretso na sa counter.
Nang lumabas ako ay mag-isa nalang s'yang naghihintay sa akin.
"Saan na sila?" tanong ko nang makalapit sa gawi n'ya. Nag-angat s'ya ng tingin at tinuro ang dalawa na medyo malayo na sa amin.
"Nauna na. Magrereview pa raw sila sa quiz." sagot n'ya at nagyaya ng umalis. Tumango ako at napahawak sa tyan habang naglalakad. Parang umiikot ang tyan ko at gusto kong ilabas lahat ng kinain ko.
"Ikaw ba nakareview ka na-" napangiwi ako nang pakiramdam ko ay babaligtad ang sikmura ko. Napatingin s'ya sa akin.
"Tapos na. Ayos ka lang ba, Tsong?" nag-aalang tanong n'ya. Tumango ako susubukan sanang ngumiti pero patakbo na akong gumilid sa daan at saka doon sumuka ng sumuka.
"Tsong!" sigaw ni Max at saka tumakbo palapit sa akin. Umakma akong pipigilan s'ya para hindi n'ya makita ang itsura ko pero huli na. Nakalapit na s'ya at hinilot hilot ang likod ko. Mariing napapikit ako.
Wala na. Turn off na 'to sa'kin! Nakakahiya!
Umalis s'ya saglit at pagbalik n'ya ay may dala na s'yang mineral water at biscuit. Inabot n'ya sa akin ang tubig at agad kong ininom iyon. Narinig ko ang mahinang tawa n'ya kaya napatigil ako sa pag-inom. s**t! Pakiramdam ko ay pulang pula ako ngayon dahil sa hiya!
"Dapat kasi hindi mo nalang kinain..." pigil ang tawa na sabi n'ya. Nang lingunin ko s'ya ay nag-iwas s'ya ng tingin. Mukhang nagpipigil talaga s'ya na wag tumawa.
"Tss..." sabi ko at saka inirapan s'ya. Sukat sa ginawa ko ay hindi na n'ya napigilan at kumawala na ang malakas n'yang tawa. Nahawa narin ako sa tawa n'ya kaya nagtatawanan na kami habang pabalik sa school. Inaasar n'ya pa ako habang naglalakad kami.
"Kung nakita 'yun ng mga fangirls mo, naku! Ewan ko nalang kung may matira pa sa mga fans mo!" sabay halakhak n'ya at subo sa akin ng biscuit. Napapailing ako habang tinatanggap ang sinusubo n'ya.
Wala akong pakialam kung ma-turn off at mawala silang lahat... basta nand'yan ka. Kahit ikaw lang ang matira.
"So, ipagkakalat mo?" nanliit ang mga mata ko. Lalo s'yang tumawa.
"Depende!" sagot n'ya at ngumisi. Napailing ako at biglang may naalala.
"Sorry nga pala, Tsong..." simula ko. Nawala ang ngisi n'ya at napalitan ng pagtataka.
"Ha? Bakit ka nagso-sorry?" tanong n'ya.
Tumitig ako sa'kanya. "Sorry for not recognizing you after that night..." sagot ko. Nakatitig lang s'ya sa akin na parang hindi makuha ang sinasabi ko.
"Nung prom...." paliwanag ko. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha n'ya. Nag-iwas agad ako ng tingin. Hindi s'ya nagsalita.
Fuck.
Galit pa rin ba s'ya?