"Si Luke ang babantayan mo this year, Gav. Nag-inform kasi si Vincent na hindi s'ya makakapaglaro this year dahil nanganak ang Misis n'ya. Wala s'yang oras magpractice."
Nilunok ko ang iniinom na Gatorade habang tumatango sa sinasabi ni coach. Kakatapos lang namin magpractice at halos isang buwan nalang ay Christmas party na.
"Ako na n'yan! Umuwi na kayo para di na kayo masyadong gabihin. Malapit lang naman ang bahay ko..." rinig kong sabi ng kaibigan ni Max dun sa dalawang bagong volunteer na nakausap ko nung nakaraan.
Wala na naman si Max ngayon. Balita ko ay nandito s'ya nung nakaraang practice. Hindi ako nakaattend dahil sinundo ko sina Mommy sa airport. Hinatid n'ya lang si Gizelle dahil nakapagdecide na ang kapatid ko na dito nalang mag-aral. Well, mas okay 'yun para mababantayan ko s'ya. Mahirap na!
Binalik ko ang atensyon kay coach pero hindi pa man s'ya nakakapagsimulang magsalita muli ay may nakaagaw na ng atensyon ko.
"Popormahan mo na?" rinig kong tanong ni Kit kay Rusty. Nakaupo sila sa bleacher hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ni coach. Napatingin na ako sa gawi nila. May sinabi si Rusty pero masyadong mahina para marinig ko. Nakita ko nalang na tumatango tango si Kit dahil sa kung anong sinagot ni Rusty.
Popormahan? Sinong popormahan ni Rusty?
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nairita. Dahil ba hindi ko narinig 'yung sagot ni Rusty o dahil sa posibilidad na kilala ko na kung sinong popormahan n'ya?
"Gav?" biglang tapik ni coach sa balikat ko. Inalis ko ang tingin ko sa gawi nina Rusty at binalik ang atensyon sa'kanya. f**k, Gavin! Focus!
"Narinig mo ba 'yung sinabi ko?" tanong n'ya. Napalunok ako dahil sa kahihiyan.
"C-Coach... I'm sorry, may naalala lang ako. Ano pong sabi n'yo?" tanong ko. Kumunot ang noo n'ya at tinignan din ang gawi nina Rusty pero agad ding binalik ang tingin sa akin.
"Sabi ko, nakausap ko na 'yung advicer n'yo. You will take special exams for the last grading period. Then after that, puro practice na tayo." sabi n'ya. Tumango tango lang ako. Nakita kong tumayo na sina Rusty at Kit at mukhang pupunta na sa locker.
"Thanks, coach. Mag-aadvance review na kami..." sabi ko. Nang tapikin n'ya ang balikat ko at nagpaalam ay agad na akong tumakbo para sundan sina Rusty. Paliko na sila papasok sa shower room nang maabutan ko. Hindi pa muna ako lumapit sa kanila.
"Pupuntahan mo ngayon?" rinig kong tanong ni Kit kay Rusty. Tumango si Rusty at pabirong siniko s'ya ni Kit. "Saan kayo? Plaza? Tang ina, pre! Ang korni mo talaga!" kantyaw ni Kit.
Agad na lumapit ako at sinabayan ang lakad nila.
"Anong sa'tin?" natatawang usisa ko. Lumingon si Rusty sa akin at parang nag-aalangan pa kung sasagot. Bago pa s'ya nakapagsalita ay sumagot na si Kit.
"Nagbibinata na 'yan, Gav! Manliligaw na!" nakangising sabi ni Kit. Ngumisi si Rusty at nagkamot sa batok. Tinignan ko s'ya.
"Talaga? Who's the lucky girl?" tanong ko pa kahit kabado na ako sa isasagot n'ya. Pinilit kong ngumisi nang mapatingin si Rusty sa akin. Hindi ko sigurado kung anong klaseng tingin ang binibigay n'ya ngayon sa'kin.
"Si Max, pre..." seryosong sabi n'ya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nawala ang ngiti ko. Nang makita kong titig na titig s'ya sa akin ay huminga ako ng malalim at pinilit na ibalik ang ngiti ko. Hindi ko nga lang sigurado kung anong naging dating nun. Hindi naman kasi ako plastik na tao. Kapag ayaw ko, kapag masaya ako, kapag malungkot, kapag galit, makikita mo 'yun sa mukha ko. Masyado akong transparent. At sa mga oras na 'to ay parang ayokong makita n'ya kung anong nararamdaman ko.
"Ah..." 'yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko. Ni hindi ko na kayang ngumiti kahit na peke. Umangat ang kilay n'ya nang makita ang reaksyon ko.
"Bakit, Gav? May problema ba kung liligawan ko si Max?" tanong ni Rusty na ikinagulat ko. Hindi ko inaasahan ang direkta n'yang tanong. Kunot noong tinignan ko s'ya pero ilang sandali lang ay nagbago na ang ekspresyon n'ya. Tumawa s'ya at tinapik ako sa balikat.
"Ako naman ang tulungan mo ngayon?" tanong n'ya sabay ngisi sa akin. Tumawa ako ng bahagya. Pati sa pandinig ko ay nakakaloko ang dating ng tawa ko.
"Kayang kaya mo na. Bestfriend mo naman 'di ba?" sabi ko habang nakatuon ang atensyon sa harap. I can't even look at him. Baka mamaya ay mabasa n'ya pa ang nasa isip ko. Nakita ko pa ang pagtagal ng titig n'ya sa akin pero binalewala ko na lang 'yun at tumuloy na sa isang cubicle para makapagshower. Bago ako tuluyang makapasok ay narinig ko pa ang sinabi ni Kit.
"If you'll miss this chance again, baka tuluyan ng mawala 'yun. You're not even sure if she's still waiting for you..." seryosong sabi ni Kit. Mukhang marami s'yang alam tungkol sa dalawa.
"Kaya nga kikilos na. Baka maunahan pa ng iba..." rinig kong sabi ni Rusty. Glass lang ang pagitan namin sa isa't-isa kaya kitang kita ko ang pagbaling ng ulo n'ya sa gawi ng cubicle kung nasaan ako. Parang sinadya n'yang iparinig sa'kin iyon. Binalewala ko nalang at pinagpatuloy na ang paliligo.
Now, I'm 100 percent sure that he was the one who hurt Max. Kung ano man ang dahilan ni Rusty bakit n'ya nagawa 'yun ay wala na akong balak alamin. Kung gusto parin s'ya ni Max hanggang ngayon, wala akong magagawa doon.
Ilang beses na napailing ako at frustrated na napasabunot sa buhok. Bakit ko ba pinagtutuunan ng pansin ang bagay na 'yun ngayon? This past few days ay wala ng laman ang isip ko kundi si Max. Hindi ko s'ya gustong isipin pero kusa nalang na dinadalaw n'ya ang isip ko.
Of course, we're friends, right? Natural naman na may concern ang magkakaibigan sa isa't-isa. Yeah, right... I was just concerned. 'Yun lang.
At the back of my mind, gusto ko ng makita si Max dahil kapag hindi ko s'ya nakikita ay masyado akong nag-iisip tungkol sa'kanya. Hindi ko naman s'ya naiisip dati kapag palagi kaming magkasama at nag-uusap. Kailangan ko na talaga s'yang makita para matigil na ako ng kakaisip sa'kanya.
The next day, sinadya kong maagang pumasok kahit wala kaming klase ng first period dahil may biglaang lakad ang teacher. Luminga ako sa gate ng subdivion para makita kung parating na s'ya. Alas syete ang pasok n'ya kaya alam kong ganitong oras ay papasok na s'ya. Hindi nga ako nagkamali dahil ilang sandali lang ay nakita ko na s'yang palabas ng gate ng subdivision. Napangiti agad ako at hinintay ang paglapit n'ya sa gawi ko.
Nakahalf open pa ang mga mata n'ya at parang tamad na tamad. Nakatali ang buhok n'ya at may suot parin na cap. Ni hindi n'ya ako napansin nang dumaan s'ya sa harapan ko. Nakasunod lang ako sa likod n'ya habang palapit s'ya sa side kung saan pupwedeng mag-abang ng jeep.
Agad namang may dumaan na jeep na halos punuan na. Pero tingin ko ay kasya pa naman ang dalawa. Pumasok na s'ya at nakasunod pa rin ako sa'kanya. Hanggang sa nakapasok na kami sa jeep ay hindi n'ya parin ako napapansin. Ni hindi nga n'ya namalayang magkatabi na kami sa upuan. Tinaas n'ya ang kamay n'ya para makakapit sa hawakan ng jeep at sinandal ang mukha sa braso n'ya at saka pumikit. Nakita ko pa s'yang napangisi at bumulong bulong.
"Hanggang sa jeep ba naman naaamoy ko..." bulong n'ya. Hindi ko masyadong naintindihan 'yung iba dahil papahina 'yun. Nakapikit s'ya paharap sa akin kaya kitang kita ko ang mukha n'ya.
Bakit nga ba hindi ko agad napansin na s'ya 'yung babaeng nakausap at nakasayaw ko sa prom? It's been a year pero tandang tanda ko parin lahat ng napag-usapan namin. Napailing iling ako at agad nag-abot ng bayad para sa aming dalawa.
Nang minsang pumreno ng malakas ang jeep ay napasadsad s'ya sa balikat ko. Napamura pa s'ya at kinusot kusot ang mata.
"Ano ba 'yan? Natutulog ang tao! Dahan dahan naman po, Manong-"
Napatigil s'ya sa pagsasalita nang makita n'ya ako. Natulala pa s'ya saglit na parang pinaghalong gulat at pagkamangha pagkakakita sa akin. Ngumiti ako at tinaas ang kamay.
"Hi!" nakangiting bati ko. Tsaka lang s'ya nakagalaw at agad kinapa ang mukha lalo na ang gilid ng labi. Napanguso ako at nagpigil ng ngiti.
"T-Tsong! Paanong? Kailan ka sumakay? K-Kanina ka pa ba.... di-di-dito?" hindi magkandatutong tanong n'ya sabay sulyap sa gawi ng inuupuan ko. Mukhang hindi s'ya makapaniwalang magkatabi lang kami. Tumango ako.
"Magkasabay lang tayong lumabas ng subdivision kanina. Magkasabay din tayong nag-abang ng jeep at magkasabay din tayong sumakay." paliwanag ko. Halos matulala s'ya sa pag-alala sa mga nangyari kanina. "Tsaka..." sabi ko habang tinitignan ang reaksyon n'ya. Unti-unti s'yang tumingin sa akin at hinintay ang sasabihin ko. Ngumuso ako at kunwari ay tumingin pa sa paligid bago humilig palapit sa'kanya.
"Nakita ko ring tumulo 'yung laway mo..." bulong ko. Nalaglag ang panga n'ya at namilog ang mga mata. Kumawala na ang pinipigil kong tawa. Halos mabali ang leeg ko sa ginawa n'yang pagtulak sa mukha ko palayo.
"Siraulo!" rinig ko pang sabi n'ya habang tinitignan ako ng masama. Natatawang hinilot hilot ko ang mukha ko habang binabalik ang tingin sa'kanya. Medyo masakit ang pagkakatulak n'ya pero pakiramdam ko ay buo na agad ang araw ko. It's been two weeks, I think. Two long weeks of not seeing each other.
Nakita kong natulala din s'ya sa mukha ko pero agad ding nag-iwas ng tingin at binaling iyon sa harap ng jeep. Huminto ang jeep at may isang estudyanteng sumakay. Umisod ako palapit sa'kanya para makaupo 'yung bagong sakay sa tabi ko. Bahagyang gumalaw s'ya nang magkadikit na halos ang mga katawan namin. Nanahimik s'ya. Naninibago ako dahil hindi naman s'ya ganito kapag magkasama kami. Palagi s'yang maingay at hindi nauubusan ng kwento.
"Kamusta?" tanong ko para mabasag ang katahimikan. Nakita ko pang bahagya s'yang sumulyap sa gawi ko para masiguradong s'ya ang kausap ko.
"Okay lang naman..." simpleng sagot n'ya at binaling ulit ang tingin sa harap ng jeep. It's too awkward. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito habang kasama ko s'ya.
"Kamusta 'yung... lakad n'yo ni Rusty?" tanong ko na hindi ko alam kung bakit ko naitanong. f**k! Gusto kong magmura ng magmura lalo na nang kumunot ang noo n'ya.
"Sila lang ni Ginger ang pumunta. Hindi ako nakasama, e. May tinapos akong project sa physics." sagot n'ya. Now that she mentioned her cousin... I wonder if she knows what happened to us?
"Bayad po..." rinig kong sabi n'ya sabay abot ng bayad sa driver. Pinigilan ko ang kamay n'ya.
"Meron na, Tsong..." sabi ko. Tumango lang s'ya at nagpasalamat.
Gusto ko pa sanang magtanong kung may nasabi ba si Ginger sa'kanya pero natanaw ko na ang gate ng school. Agad na s'yang bumaba at sumunod narin ako.
Sinabayan ko s'ya sa paglalakad. Tahimik parin s'ya kaya sobrang naninibago ako. Alam na ba n'ya ang nangyari sa'min ni Ginger at galit s'ya sa'kin dahil sinaktan ko ang pinsan n'ya? Gustong gusto kong magtanong pero mukhang ayaw naman n'yang makipag-usap sa akin.
Bumuntong hininga ako. Napalingon pa s'ya sa akin nang matanaw na n'ya ang classroom namin.
"S-Sige, tsong..." paalam pa n'ya. Tumango lang ako at sinundan s'ya ng tingin palayo. Dalawang room ang pagitan ng mga classroom namin. Hihintayin ko s'yang makapasok sa room nila bago ako pupunta sa soccer field para doon maghintay ng second period. Nakita ko pa ang paglingon n'ya sa gawi ko bago s'ya pumasok sa room nila. Kumaway pa ako pero dali dali na s'yang pumasok sa loob. Tumalikod na ako at agad naglakad papunta sa soccer field.
Limang minuto bago mag-start ang second period ay bumalik na ako papunta sa classroom namin. Nagtatanong na mga mata ni Rusty ang sumalubong sa akin. Kunot noo s'yang nakatingin sa pinanggalingan ko.
"Saan ka galing, Gav? Hindi mo ba alam na wala tayong first period ngayon?" tanong n'ya. Napalingon narin si Kit sa akin.
"In-announce kahapon, ah?" sabi nito. Umiling ako.
"Hindi ko narinig..." pagsisinungaling ko at kibit balikat na naupo na. Hindi parin inaalis ni Rusty ang tingin sa akin. Tumaas ang kilay ko. What is it this time?
"You broke up with Ginger?" tanong n'ya. I wasn't suprised lalo na at sinabi ni Max na magkasama ang mga ito kagabi. Tumango ako. Napatitig na naman s'ya sa akin na parang binabasa ang nasa isip ko.
"Bakit?" tanong n'ya ulit. Nagkibit balikat ako.
"I'm not happy with her..." simpleng sagot ko. Sarkastikong tumawa s'ya.
"At kanino ka naman masaya?" tanong n'ya. Kunot noong napatingin ako sa'kanya. Hindi ko alam kung hanggang saan ang alam n'ya. Hindi ko alam kung sinabi ba ni Ginger ang totoong dahilan ng break up namin.
"What?" tanong ko dahil hindi ko nakuha ang ibig n'yang sabihin. Iiling iling na natatawa s'ya. Those were fake laughs!
Magsasalita pa sana ako pero agad ng dumating ang teacher namin. Isang beses pa s'yang tumingin sa akin at ngumiti ng nakakaloko. Hinayaan ko nalang s'ya at tinuon ang buong atensyon sa lecture.