12

1435 Words
Panay ang kwentuhan nina Rusty at Kit habang naghihintay kami ng sunod na teacher. They're talking about random stuff like NBA finals, manga and sometimes... girls. Pero wala sa kanila ang atensyon ko. Kanina pa ako lingon ng lingon tuwing may dadaan sa tapat ng room namin at naiirita na ako sa sarili ko. Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ko ba s'ya inaabangan? "Tsong!" Agad na napatayo ako nang may marinig na sumigaw sa labas ng room. Pagtingin ko labas ay isang babae ang sumigaw at nakita kong iba ang tinatawag n'ya. Dismayadong napaupo ako. Kitang kita ko ang paglingon ni Rusty sa akin na parang takang taka. "May problema ba, Gav? Kanina ka pa tulala d'yan..." sabi n'ya. Si Kit din ay nakita kong tumingin sa dalawang estudyanteng nasa labas pagkatapos ay binaling ang tingin sa akin. "Akala mo si Max?" tanong n'ya. f**k! Hindi ko alam kung bakit gusto ko s'yang murahin dahil nabasa n'ya ang nasa isip ko. "Bakit, Gav? May kailangan ka ba kay Max?" takang tanong ulit ni Rusty. Umiling agad ako. "Hindi. May... may iniisip lang ako..." sabi ko at dinukot ang phone sa bulsa para hindi na sila magtanong. Nagtagal pa ang titig ni Rusty sa akin pero binalewala ko na lang 'yun. Nang maglunch break ay parang ayaw ko ng kumain at gusto ko nalang dumiretso sa soccer field. Halos hindi ko nagalaw ang pagkain ko at patingin tingin sa kanilang dalawa para i-check kung tapos na sila. "Are you done?" tanong ko sa kanila nang makitang umiinom na sila ng softdrinks. Nand'yan na naman ang nagtatanong na mga tingin ni Rusty. "Uh.. it's too crowded here. Sa labas na tayo maghintay ng afternoon class." sabi ko. Tumango naman silang dalawa at nakahinga ako ng malalim nang tumayo na sila para lumabas. Sa pathway pa lang papunta sa soccer field ay parang gusto ko ng tumakbo at wag ng mag-aksaya ng oras. Pero ang excitement ko ay napalitan ng pagkadismaya nang magsalita si Rusty. "Diretso na tayo sa room..." sabi n'ya at lumiko na sa direksyon kung saan ang room namin. "Teka, Rust? Maaga pa, a? Sa... tambayan muna tayo..." sabi ko. Nag-angat s'ya ng tingin sa akin at tumitig muna bago sumagot. "Walang tao dun. Walang pasok sina Max ngayong hapon kaya malamang ay umuwi na 'yun..." sabi n'ya at tinakpan ng kaliwang kamay ang mga mata para hindi masilaw sa araw. Tumango nalang ako at sumunod na sa kanila. Buong maghapon yatang wala ako sa sarili. Kahit sa mga paborito kong subjects ay hindi ako naengganyong makinig sa lecture. Parang gusto ko nalang umuwi at matulog na para makapasok na ulit kinabukasan. Pinilig ko ang ulo ko dahil sa kakaibang pakiramdam. This is really strange. I hate this f*****g feeling. Para akong nakukulangan sa mga nangyari sa buong araw. It's like there were some missing parts na hindi ko matukoy kung ano. The f**k, Gavin? Anong kabaklaan 'yan? Umuwi ka nalang at itulog mo 'yan! Ganun nga ang ginawa ko. Natulog ako agad pagdating sa bahay. Ni hindi ko namalayan ang oras at nagising na lang ako bandang alas d'yes ng gabi. Napabalikwas ako at tinignan agad ang phone. 15 messages received. Napakagat labi ako at agad na ini-scan ang aking inbox. Inisa isa ko ang list ng pangalan ng mga nagtext pero hanggang sa dumating sa pinakadulo ay wala ang pangalan ng taong gusto kong mag-appear sa inbox ko. Bumuntong hininga ako at nahiga na ulit. Tulala ako sa kisame habang binabalikan ang mga nangyari pagkatapos naming maghiwalay ni Ginger. Pagkatapos naming manalo sa Sports Fest ay nagpatuloy ang regular practice para naman sa event sa darating na Christmas party. Hindi naman 'yun masyadong mahalaga dahil parang katuwaan lang 'yun ng school para sa mga alumni ng varsity. Excited ako tuwing magpapractice dahil alam kong kahit di ko s'ya makita maghapon sa school ay makikita ko naman s'ya sa gym. Pero naka ilang practice na kami ay walang Max na dumarating sa court para magvolunteer. May dalawang bagong mukha akong nakita at mukhang taga lower year ang mga ito. Nagulat pa sila nang lapitan ko sila matapos ang practice. "Bagong volunteer kayo?" tanong ko. Nagtinginan pa silang dalawa at nagtuturuan pa kung sinong sasagot sa akin. Nagkamot ako ng ulo lalo na nang makita silang parang namimilipit na parang constipated na di mo maintindihan. "Okay lang kahit sinong gustong sumagot." nakangiting sabi ko pero lalo lang silang natulala. Nakagat ko ang ibabang labi. Just what the hell is happening to them? "Hoy! Tinatanong kayo, e!" biglang lapit ng isang babae na palaging kasama ni Max na nagvovolunteer. Nabuhayan ako ng loob at hinarap s'ya. "Oo nga, e. Parang nalunok na yata 'yung mga dila!" biro ko at nilingon ang dalawa na nagtatago na ngayon sa likod ng isa't-isa. Tumawa ang babaeng kasama ni Max. I don't even know her name. Damn! "Pagpasensyahan mo na 'yang dalawa, Gavin. Freshmen, e! Tsaka alam mo na!" sabi n'ya at tinapat ang kamay sa kanyang mukha. Tumaas ang kilay ko nang hindi ko makuha ang sinabi n'ya. "Ha? Anong alam ko na?" tanong ko. Pabirong umismid s'ya. "Hala? Loading ka, Koya?" biro n'ya. Natawa ako at napakamot sa batok. "Gwapo ka kasi kaya natulala!" paglilinaw n'ya. Tumango tango naman ako at natatawang napailing. "Mabait ka naman pala, e! Akala namin dati suplado ka at puro magaganda lang ang pinapansin! Totoo pala 'yung sinabi ni Max. Mabait ka rin pala..." sabi n'ya. Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi n'ya. Bigla akong naintriga dahil sa pagbanggit n'ya kay Max. Sinabi ni Max 'yun? Kinukwento n'ya ba ako sa mga kaibigan n'ya? Para nanaman akong timang na napapangiti. Putek! This feeling is so gay. "Sinabi ni Max 'yun?" tanong ko pa para mapahaba ang usapan. Agad na tumango naman s'ya. "Oo. Kahit nung di pa kayo close bukambibig ka na nun, e. Pero puro nga lang negative..." ngumiwi pa s'ya at nag-peace sign sa akin. "Pero matagal na 'yun! Close na kayo ngayon 'di ba?" tanong n'ya. Tumango ako pero hindi ko maalis sa isip 'yung sinabi n'yang bukambibig daw ako ni Max kahit nung di pa kami close. Anong ibig sabihin 'nun? Napapansin na ba n'ya ako matagal na? Kaya ba iba s'ya makitungo sa akin dati? Kaya s'ya naiinis? Pero never ko yata s'ya nakitang pinagmamasdan ang kilos ko. Or masyado lang akong pre-occupied sa ibang bagay kaya di ko s'ya napapansin? Well, napapansin ko s'ya pero puro negative din. Kasi naiinis ako sa ginagawa n'yang pambabalewala sa akin pag may practice. Approachable s'ya sa ibang players pero pagdating sa akin ay kulang nalang magyelo ako sa lamig ng pakikitungo n'ya. "Tsaka, nabadtrip kasi 'yun sa'yo nung prom nung third year? Tanda mo pa? Sinayaw mo s'ya tapos ang FC n'yo nga dahil tagal n'yong nag-usap. May pinagdadaanan s'ya nung gabing 'yun pero pinasaya mo s'ya dahil ang daldal daldal mo raw. Tapos pagkatapos ng gabing 'yun, parang di mo na s'ya kilala! Ang sama mo! Buti nalang bati na kayo ulit!" sabi n'ya. Halos matulala ako sa mga sinabi n'ya. Sinayaw ko s'ya? Sa dami ng isinayaw ko nang gabing 'yun ay isa lang ang natatandaan kong nakausap ko ng matagal. Teka- What the f**k?! S'ya ba 'yun? Yeah, I remember that girl. Naka red gown s'ya na pinasa sa akin ni Rusty- Oh f**k! Bakit ba hindi ko naisip 'yun? Halos mabaliw ako kakaisip dahil sa sinabi ng kasama ni Max. Kahit nasa kama na ako ay 'yun parin ang laman ng isip ko. How come I didn't recognize her? Ibang iba kasi ang itsura nung babae sa prom. Si Max ay palaging nakasuot ng cap at nakatali ang buhok. Samantalang 'yung babaeng 'yun ay nakalugay ang buhok at may magagandang mga mata- Mariing napapikit ako. Now that I recall what happened that night, unti-unting naging malinaw sa akin na ang babaeng nakasayaw ko sa prom at si Max ay iisa. I can clearly remember what she have said that night. "Pag mahal mo ang isang tao, sabihin mo na sa'kanya habang maaga pa. Kasi, masakit kapag sobrang hulog na hulog ka na tapos s'ya pala, mahal ka lang bilang isang kaibigan. Hirap talaga magmahal ng kaibigan!" Saglit na natulala ako nang maalala 'yun. Mahirap magmahal ng kaibigan? Sarili n'ya ba 'yung tinutukoy n'ya? At sino naman 'yung kaibigan n'yang 'yun- Pakiramdam ko ay parang may kung anong malamig ang humaplos sa tyan ko. Parang sasabog ang utak ko dahil sa mga conclusions na nabuo sa isip ko. "She's inlove with... R-Rusty?" wala sa sariling bulong ko. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD