Mula ng araw na 'yun ay hindi ko na ulit nakausap si Max. Pakiramdam ko rin ay umiiwas s'ya sa'kin.
"Sabay ka, Pre?" tanong ni Rusty sa'kin nang mag-uwian na. Nilingon ko pa ang likuran n'ya, umaasang kasama n'ya si Max.
"Mag-isa mo lang?" tanong ko. Tumango naman s'ya at inayos na ang bag.
"Iniwanan na ako ni Max, e. Sabi ko may dadaanan lang ako saglit dito sa gym. Tapos paglabas ko wala na..." nagkibit balikat ito. Tumango nalang ako at sumabay na sa'kanya sa pag-uwi.
Palaging ganun ang nangyayari. Minsan ay nakita ko s'yang kasama si Rusty. Nang makita n'yang palapit ako ay bigla s'yang nagpaalam kay Rusty at sumabay sa dalawa n'yang kaibigan.
I also tried to text her gamit ang bago kong number pero walang reply pero sigurado naman akong nababasa n'ya ang mga messages ko. I even stalked her in social media.
Her recent post was...
Pakisabi nalang......
'Yun 'yung araw na huli kaming nagkausap.
"I'm sorry, Ginger..."
Hindi ako makatingin sa'kanya pagkatapos kong makipag-break sa'kanya. Sinampal n'ya ako. Masakit pero tama lang 'to sa'kin.
Sinong matinong lalaki ang matapos mapasagot ang nililigawan ay s'ya pa ang may ganang makipaghiwalay? I know I'm such an ass. Simula pa lang, gago na talaga ako. Bago n'ya pa ako sagutin ay alam kong wala na akong gana. Na wala na 'yung thrill. Pero, pinagpatuloy ko parin. Hinintay ko pa talagang sagutin n'ya ako bago ako gumawa ng desisyon.
"After almost two months of courting, then wala pang isang bwan na sinagot kita, nakikipaghiwalay ka na? Are you nuts? Anong tingin mo sa akin, ha?"
"I'm really sorry, Ginger... Hindi ko talaga sinasadya. It's just that... I lost the interest. I lost it in the process-"
Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang sampalin n'ya ako ulit. "Bullshit!" mura n'ya. Napatingin ako sa'kanya at gusto kong murahin ang sarili ko nang makitang may mga luha ng umaagos sa pisngi n'ya. Lumapit ako para punasan ang luha n'ya pero inis na tinabig n'ya ang kamay ko.
"Tell me the reason." sabi n'ya.
"Ginger-"
"f*****g tell me why you lost the interest, Gavin! Hindi ka magkakaganyan ng walang dahilan! Unang kita ko palang sa'yo ay alam kong patay na patay ka na sa'kin. Nakikita ko kung paano mo ako tignan pag nasa school ako! Then one day, Max told me na may ipapakilala s'ya sa'kin. Gwapo daw at matino. Nung nakita kita sa gym, hindi na ako nagulat. Inasahan ko na 'yun dahil wala namang lalaking hindi nagkakainteres sa'kin. Kahit saan ako magpunta, guys are chasing me, Gav. Tanging dito lang sa school na 'to ako nabalewala ng ganito. Dito lang! At dahil pa 'yun sa pinsan ko!" umiiyak na sigaw n'ya. Napapikit ako ng mariin.
"Now, tell me, Gav.... anong dahilan bakit nawalan ka ng interes sa'kin? Tell me!" sigaw n'ya at tinulak ang dibdib ko. Hinuli ko ang kamay n'ya at pinigilan s'ya.
"Ginger, listen..." sabi ko. Patuloy pa rin s'ya sa pag-iyak.
Alam kong masasaktan s'ya kahit anong sabihin ko. But I need to tell it to her. I need to do this coz this will free us from this toxic relationship. I am not happy with it. Sa una pa lang, alam kong hindi na ako masaya at alam kong ganun din s'ya. Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit pinipili n'ya paring mag-stick. Whatever her reason was, wala na akong planong alamin pa 'yun. Mas gugustuhin ko ng maging gago kaysa lokohin pa ang sarili ko at pati narin s'ya. Huminga ako ng malalim at tinitigan s'ya.
"I'm really sorry... Hindi ko sinasadya. Believe me... hindi ko rin inaasahan lahat. Sobrang gulong gulo ako, Ginger. Ito lang ang alam kong paraan para maitama ko 'yung pagkakamali ko. I know I shouldn't continue chasing you kahit wala na akong maramdaman pero pinagpatuloy ko parin. Tapos, nung gabing... sinagot mo ako... I was happy that night. Pero hindi 'yun dahil sa sinagot mo ako. It's something else..." napailing ako. "I'm really really really sorry, Ginger..." sabi ko at hinalikan ang noo n'ya. Lalo s'yang humagulgol. Yumakap s'ya sa akin ng mahigpit. Itinaas ko ang kamay ko para gumanti ng yakap.
It's all end here. Alam kong pagkatapos nito, I'd be able to clear up my mind.
"Ano bang meron si Max na wala ako?" napabitaw ako sa pagkakayap ko sa'kanya nang marinig ang sinabi n'ya. Tumingala s'ya sa akin. Gulat na gulat ako nang banggitin n'ya si Max. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Something strange happened to me. I couldn't figured it out.
"Bakit parati nalang s'ya ang pinipili? Anong meron s'ya na wala ako?" umiiyak na sabi nito at hinampas ang dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay n'ya pero agad na s'yang nagpumiglas at pinulot ang bag at tumakbo na palayo sa akin.
Tulala ako habang tinitignan s'ya palayo.
Max...
Ginger figured out that it was all because of Max?
Halos malunod ako sa sunod sunod na alaala naming dalawa na magkasama. The memory of her face. Her crazy antics. Her laugh. Ang maliit n'yang mga kamay na parating nakabatok at nakahampas sa akin kapag mapipikon s'ya. Kahit ang paghikab n'ya sa harapan ko ay naaalala ko.
Damn, I missed her so much! Ngayon ko lang narealized na sobrang kulang ng araw ko kung hindi ko s'ya nakikita at nakakausap. Kung gaano ko hinahanap hanap ang mga jokes n'ya at kung gaano ako naiinis kapag tinutulugan n'ya ako habang magkatext kami.
"f**k!" sigaw ko at ginulo ang buhok.