9

1187 Words
Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang final game sa basketball. Ramdam ko ang tensyon kanina pa. Palinga linga ako sa paligid habang nagwawarm-up ang aming team. Wala pa kasi sila Max. Lalo tuloy akong kinakabahan. Kanina nang nagmeeting kami nila coach ay ramdam ko ang pressure. Wala namang kasalanan si coach kung gusto n'yang mapanatili ang record ng school. Lahat naman ay nangangarap na maging champion ang school nila sa sports fest. Napili na ang first five. Si captain Leon na s'yang magiging center, si Reid ang point guard, si Vaughn ang shooting guard at ang kakambal naman nitong si Klaus ang power forward na s'yang pumalit kay Rusty at ako ang small forward. Hanggang sa pumito na ang referee ay wala parin sina Max. Pumunta na si Captain sa gitna para sa jumpball. Napatingala ako sa kanang bahagi ng gym nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Max. "Tsong!" malakas na sigaw n'ya sabay kaway sa akin. May hawak hawak syang dalawang malaking kartolina na may nakasulat na malaking TSONG! sa isa at GO sa isa pa. Hindi ko maiwasang mapatawa nang mapagpalit n'ya ang posisyon ng dalawa. Imbes na GO TSONG! ay TSONG GO ang kinalabasan. Ang sagwa tuloy! Ano 'yun? Tsonggo? Unggoy? Napapailing ako na natatawa. Sinenyasan ko s'ya na baligtad iyon kaya nagkamot s'ya ng ulo at pinagpalit. Napangiti na ako. Nakita kong nakaupo sa tabi n'ya si Ginger at sa tabi nito ay si Rusty. Busy sila sa pag-uusap habang si Max ay sinisigaw ang pangalan ko. "Gavin!!!!" "Love you, Gavin!!!" "Gavin! Gavin! Gavin!!" Ilan lang yan sa mga sigaw ng mga nanood pero nangingibabaw parin ang boses ni Max. "Go, tsong! Kaya mo yan! Wooooo!!!" rinig ko pang sigaw n'ya nang tuluyan ng magsimula ang first quarter. Ganado ako hanggang sa matapos ang quarter na 'yun at ganun din naman ang mga kasamahan ko. More than 20 points ang nagawa ko nang tuluyang matapos ang first quarter. 30-18 ang score at lamang kami. "Good job, Gav! Ganadong ganado, ah?" kantyaw ni Reid nang nakaupo na kami sa bleacher at nagpapahinga para sa susunod na quarter. Napangisi ako at nilingon ang gawi kung saan nakaupo sina Max. May kausap na s'yang ilang babae na kasama n'yang nagchichear kanina. Tinignan ko rin ang katabi n'yang si Ginger at kausap parin n'ya si Rusty. Nagtatawanan ang dalawa. Kanina nang mapasulyap ako sa gawi nila ay mukhang hindi naman s'ya nanonood ng laro at nakikipag-usap lang kay Rusty. Kung hindi naman ay nakayuko s'ya at may kung anong ginagawa sa phone. Mukhang wala talaga s'yang interes sa basketball. "Swerte naman ni Gavin may banner pa galing kay Max! Ako kaya kailan ma-eeffortan ng ganyan?" rinig kong sabi ni Klaus. Napailing nalang ako at napangiti. "Ngayon lang ginawa ni Max yan, Tol... Mukhang nakuha mo talaga loob n'ya, ah?" sabi ni Captain sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti lang ako. Dahil doon ay mas lalong naging ganado ako sa second quarter kaya lalong lumaki ang lamang namin. Naka-shoot pa ako nang 3 points with penalty bago matapos ang second quarter. Ang lakas ang sigawan ng mga nanonood. "Wooo! Tsong ko yan! Galing mo!!!" rinig kong sigaw ni Max at nagtatalon pa kasabay nung dalawang babae. Ngumiti ako sa'kanya. Nashoot ko ang free throw kaya lalong nagsigawan ang mga tao. Tagaktak na ang pawis ko pero hindi ko maramdaman ang pagod. Sobrang ganado ako at hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko. Nang magsecond half ay naging dalawa na ang bantay ko. Hindi na ko halos makashoot kaya unti-unting nakabawi ang kalaban. "s**t!" mura ni Captain nang matapos ang second half na tatlo na lang ang lamang namin. "Pahinga ka muna, Gav." sabi ni Coach. "Mamaya na kita ipapasok." tumango naman ako at nagpahinga muna sa bleacher. Nagsimula ang fourth quarter at lumamang na ang kalaban sa unang limang minuto pa lang. "Time out!" sigaw ni Coach. "Gavin, sa labas ka muna tumira. Leon, Klaus, Vaughn, kau muna bahala sa loob. Lima lang yan, kayang kayang habulin 'yan!" sabi ni coach. Tumango kami at nagsimula ng maglakad papasok sa court. "Tsoooong!!!! Kayang kayang kaya mo yan!!!" rinig kong sigaw ni Max. Tingala ko s'ya at kitang kita ko ang paghaplos n'ya sa lalamunan n'ya. Siguro ay nananakit na 'yun sa kakasigaw n'ya. Napatango tango ako. I wont let us lose this fight. Sayang ang effort namin na makatungtong sa finals. At higit sa lahat... sayang ang effort ni Max. Don't worry, hindi kita bibiguin, Tsong... Katulad ng suggestion ni coach ay tres ang pinuntirya ko. Sinabayan pa ng lakas ng opensa namin ay nakabawi kami at umabot sa dalawa nalang ang lamang ng kalaban nang wala ng isang minuto ang natitira. Inubos ni Coach ang time out at nagsabi ng ilang strategy na gagawin namin sa huling kalahating minuto. Kabado ang lahat nang pumito na ang referee. Sa amin ang bola at hawak hawak 'yun ni Reid habang naghahanap ng papasahan. Tumakbo ako sa gitna para isipin ng nagbabantay sa akin na wala akong balak tumira sa labas. Mukhang effective naman dahil naiwala ko ang atensyon nila sa akin. Nang pinasa ni Reid ang bola kay Vaughn ay umamba itong titira kaya tumakbo palapit sa'kanya ang nagbabantay sa akin. Umatras ako palabas at pumwesto sa three point line. Nakita 'yun ni Vaughn at agad pinasa ang bola sa akin. "Go, tsong!!" rinig kong sigaw ni Max. 3 seconds left. Itinaas ko ang kamay ko at maingat na tumira. Nasa ere na ang bola nang maubos ang oras. Shoot. Panalo kami. Agad akong sinalubong ng buong team. Tapik at yakap nila ang sumalubong sa akin. "You never failed me, Gav." nakangiting sabi ni coach at tinapik ang balikat ko. "Tsong!" medyo napapaos ng sigaw ni Max. Ang luwang ng ngiti ko at agad na tumakbo para salubungin s'ya ng yakap. Hindi pa ako nakuntento ay itinaas ko pa s'ya sa ere. "H-Hoy, tsong! Mahulog ako dito papatayin ka ng Daddy ko!" napapaos na sigaw n'ya. Tumawa lang ako at saka binaba na s'ya. "Thanks, Tsong... nainspired ako sa mga sigaw mo. Sobrang salamat sa suporta..." seryosong sabi ko at saka niyakap ulit s'ya. Nakita ko pa ang paglapit ni Ginger na inaalalayan si Rusty palapit sa gawi namin. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Max at hinintay ang paglapit nila. "Congrats, Gav. Ang galing mo..." nakangiting sabi n'ya. Napangiti ako. "Thanks, Ginger..." "Gratz, Tol! Dagdag pogi points 'yan, 'di ba, Ginger?" sabi ni Rusty. Nakita ko ang paglingon ni Ginger sa'kanya na parang hindi makapaniwala bago binaling ang tingin sa akin. "Y-Yeah..." mahinang sabi n'ya. Lumapit si Rusty sa akin at tinapik ang balikat ko at saka inakbayan si Max. "Una na kami, Gav. Enjoy sa date n'yo..." sabi ni Rusty. Nakita ko pang tumingin si Max sa akin pero hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha n'ya. Akmang yayayain ko na si Ginger sa locker room pero nakita kong titig na titig s'ya sa likod nina Rusty at Max na palayo na sa gawi namin. Napalunok ako. Something's off. I don't know what to feel. And that night.... Sinagot ako ni Ginger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD