Naging pormal ang panliligaw ko kay Ginger. Araw araw ay hinahatid ko s'ya sa kanila kapag walang practice. Madalas na rin s'ya sa gym kapag may practice. Natutuwa naman ako dahil pakiramdam ko ay mahalaga na rin ako sa'kanya kahit madalas ay si Max at Rusty naman ang kinakausap n'ya.
I didn't know, pero kapag kasama ko s'ya, parang wala akong topic na maisip. I just can't think of anything na pwede naming pag-usapan. Madalas tuloy na tahimik lang kami kapag magkasama. Palagi rin naman na parang wala s'yang ganang makipag-usap kaya hindi nalang din ako kumikibo. Minsan, nararamdaman ko rin na kasama ko nga s'ya pero wala naman sa akin ang atensyon n'ya. I wonder why she allowed me to court her kung pakiramdam ko, e hindi naman n'ya ako gusto.
I get that she's just giving me chance to prove to her that I'm worthy of her time. Ganun naman yata 'yun. Kaya nagpapaligaw ang mga babae para mas makilala ka nila at makita nila kung hanggang saan ang kaya mo para patunayang sincere ka sa'kanila. And for them to decide if they want you to stay in their lives.
"You're gonna watch the finals, right?" tanong ko sa'kanya pagkatapos ko s'yang ihatid sa bahay nila. 3-3 na ang standings sa best of 7 games ng sports fest para sa taong ito. Mahalaga itong susunod na game dahil bukod sa do or die game ay ito na ang magsisilbing huling game naming mga senior. Kaya mahalaga para sa amin na iwanan silang dala dala parin ang record ng pagiging over all champion. Nilingon n'ya ako at tumango.
"Of course, Gav. Manonood ako..." sabi n'ya. Nginitian ko s'ya. Gusto kong marinig na manonood s'ya para suportahan ako but she didn't say anything. Nakakadismaya pero siguro ayaw n'ya lang na maging kampante ako sa panliligaw sa'kanya kaya hindi n'ya ako binibigyan ng kahit anong hints na may pag-asa ako.
Tumango ako at nagpasalamat. "Thanks, Ginger..."
"Hindi makakapaglaro si Rusty, right?" tanong n'ya. Tumango ako at bumuntong hininga. Rusty injured his left leg nung nakaraang game. And worst, natalo pa kami kahit nainjured na s'ya sa kakahabol sa score ng kalaban. I did my best, too. Sobrang sakit nga ng katawan ko nun dahil hindi ako halos nakapagpahinga. Tuwing nilalabas ako ni coach ay lalo lang kaming natatambakan kaya no choice kundi ibabad ako sa court.
"He can't... Hindi n'ya pa kayang lumakad. And inadvice narin s'ya ng doctor na magpahinga at wag ng tapusin ang season na 'to..." sabi ko. Tumango naman s'ya.
"But he will still watch the game?" tanong n'ya.
"I'm sure he will... Sasama s'ya sainyo ni Max." sabi ko. Ngumiti s'ya at tumango.
"Thanks sa paghatid. Ingat ka pag-uwi..." she said and kissed my cheeks bago tuluyang nagpaalam. Napakapa pa ako sa pisngi kong hinalikan n'ya then... I smiled.
***
"Wow, Tsong! Bilis mong matuto, ah!" nanlalaki ang mga matang sabi ni Max matapos kong tugtugin ang chorus ng isang kantang tinuro n'ya. Tumawa ako at nagsimula ulit mag-strum. Lunch break at nandito ulit kami sa tambayan nila ng mga kaibigan n'ya na naging tambayan narin namin ni Rusty.
"Syempre, magaling magturo 'yung Tsong ko, e..." nakangiting sabi ko. Nag-approved sign s'ya at nagsimulang mag-strum sa gitara n'ya. Sinabayan ko s'ya gamit ang gitara ko.
Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo nalang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan nalang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan nalang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara...
Nag-appear kami pagkatapos.
"Sigurado sasagutin ka na ni Ginger n'yan, Tsong! Gwapo na, magaling pang magbasketball tapos magaling pa maggitara! Nasayo na ang lahat..." pakanta n'ya pang sinabi ang pinaka huling sentence kaya natawa ako.
"Ang saya n'yo, ah? Pasali naman!" sabay kaming napalingon ni Max kay Rusty. Hindi namin namalayang dumating na pala s'ya. Agad na sumingit s'ya sa pagitan namin ni Max kaya lumayo ako para makaupo s'ya.
"'Wag na! Pangit panget ng boses mo, e! Sisirain mo lang image ng song na 'to!" pambabara ni Max. Natawa ako at napailing. Matalino si Rusty at mahusay din sa basketball, but he definitely can't sing. Wala s'yang interes sa music o sa arts.
"Kaya nga tuturuan mo ako, e! Bakit si Gav tinuruan mo?" nakangusong sabi nito sabay agaw ng gitara kay Max.
"Tumigil ka, Kalawang! Hindi para sayo ang paggigitara. Tanggapin mo ng wala kang talent dito. Amina nga 'yan!" sabi nito at inagaw ulit ang gitara kay Max.
"Grabe ka sa'kin, Max! Sakit, e! Tagos dito oh?" sabi nito sabay turo sa tapat ng dibdib. Binatukan naman s'ya ni Max.
"Utang na loob, Kalawang! Maawa ka sa eardrums namin. Tara na, Tsong! Kanta na ulit!" sabi n'ya. Tumango naman ako at nagsimula na ulit mag-strum pero hindi nakapag strum si Max dahil kiniliti na s'ya ni Rusty.
"Leche kang kalawang ka! Ugh! Tigilan mo 'ko! Ihahambalos ko sayo 'tong gitara ko!" pikon na sabi ni Max. Napailing nalang ako nang tumawa si Rusty at iika ikang lumakad palayo sa amin.
"Gago talaga 'yun..." bulong n'ya at inayos ang gitara. Napatitig ako kay Max.
Hindi ko maiwasang mag-isip kung paano kung may gusto si Rusty sa'kanya? O kaya ay si Max kay Rusty? O kung may posibilidad ba na magkagusto sila sa isa't-isa. They're both single at mukhang compatible sila sa isa't-isa. They will surely make a good couple pag nagkataon.
Pero bakit parang... may isang part sa akin na nagsasabing hindi sila bagay? Napailing ako at ipinilig ang ulo.
"Finals na sa makalawa, ah? Ready ka na ba, Tsong?" tanong n'ya matapos kaming tumugtog ng isa pa.
"Yeah... I'm always ready. Pero di ko maiwasang kabahan dahil nabawasan kami ng isang magaling." sabi ko. Umisod s'ya palapit sa akin at tinapik ang balikat ko.
"Sus! Dahil ba kay kalawang kaya kayo matatalo? Lalong sasama ang loob nun pag natalo kayo. Kaya galingan n'yo dapat. Ang laking frustrations nun sa part n'ya kung matatalo kayo. Kasi, hindi n'ya maiiwang sisihin 'yung sarili n'ya..." nakatulalang sabi nito.
"Kaya mo yan, tsong! I-chear kita! Pangako!" nakangiting sabi n'ya. Natulala ako sa'kanya.
Buti ka pa...
"G-Gagawin mo 'yun? P-Para sa'kin?" tanong ko. Sunod sunod ang tango n'ya.
"Oo naman! Ikaw pa ba, tsong? Tsaka... kasama ko 'yung lucky charm mo!" kanyaw n'ya. Ngumiti ako at ginulo ang buhok n'ya.
"Talaga? Talaga?" sabi ko habang ginugulo ang buhok n'ya.
Sinamaan n'ya ako ng tingin at hinampas ang braso ko. Tumayo pa s'ya at ginulo din ang buhok ko. Tumawa s'ya nang makita akong ibinabalik 'yun sa dati.
"Picturan nga kita para ipapakita ko kay Ginger!" nakangising sabi n'ya. Sumimangot ako kaya tumawa s'ya ng malakas.
"Tss..."