Chapter 2

1861 Words
CHAPTER 2 -------------- IPAY POV -------------- Kahit tapos na ang mga pangyayari ay sariwang sariwa pa rin sa isipan ko kung saan at kung paano nagsimula ang lahat. --------------------- -FLASHBACK- --------------------- TWO WEEKS AGO Si Papang at ang mga sworn brothers niya from Mapua High School ay taunang nagkakaroon ng kanilang reunion. At dahil nga may mga kaya ito sa buhay ay kung saan-saan ginaganap ang muling pagkikita nila. Tulad ngayong taon, ang kaibigan ni Papang na Mayor from Calagran ang sponsor. Kaya ang venue lang naman ay sa Crimson Beach Resort & Spa. Isa sa pinakasosiyal at sikat na hotel and resort sa Cebu. Isang araw bago ganapin ang annual reunion nila ay nagpunta na ako sa bahay ng matalik kong kaibigan na si Laiza. Anak siya ng isa sa kaibigan ni Papang kaya siyempre ay kasama rin siya sa reunion tulad ko. Bale ‘yong daddy ni Laiza at ‘yong Mayor na sasagot ng reunion ay magkapatid. Taga-Calagran talaga sila pero dahil na-in love ang daddy niya sa mommy niya ay dito na rin sila tuluyang nanirahan sa Manila. Kami naman ay taga-Paranaque lang. Malapit lang kina Laiza kaya lagi kaming magkasama. Sa totoo lang ay para na nga kaming magkapatid na dalawa. Simula no’ng mga bata kami at nagkapalagayan ng loob ay hindi na kami naghiwalay ng school. Elementary, High school, College at maging sa pinagtatrabahuhan namin na paaralan ay magkasama din kaming dalawa. Bale sasabay na ako sa kanila ng mommy niya papuntang Cebu mamayang madaling araw. Ang mga magulang ko naman ay sasabay na lang sa susunod na araw sa daddy ni Laiza dahil pare-pareho silang may mga aayusin pa. "Sigurado ka ba na ayos na lahat ng gamit mo?" paniniguro sa akin ng kaibigan ko habang nakatingin siya sa mga dala-dala ko. "Oo naman! ‘Tsaka ‘pag may nakalimutan ako, ipapadala ko na lang kay Mamang bukas," nakangiting sagot ko naman sa kanya. "Okay sabi mo, eh," tatango-tangong sang-ayon niya sa akin. "Halika mag-swimming na muna tayo," yaya niya sa akin maya-maya. "Sige, pero saglit lang at dadalhin ko na muna ‘to sa kwarto," paalam ko sabay hatak ko doon sa maleta ko. "Uy, hayaan mo na ‘yan, noh! Sina manang na ang bahala diyan. Para ka namang others!" pigil niya sa akin no’ng hihilahin ko na ‘yong maleta ko papasok sa bahay nila. "Iyon na nga, eh! Para naman akong others!" kontra ko sa kanya. "Ako na ang bahala dito, susunod na lang ako sa ‘yo sa may pool, okay?" taboy ko sa kanya tapos ay dire-diretso na ako sa may hagdanan. Sa daming beses ko nang nakikituloy dito ay sobrang at home na nga ako. May sarili na nga din akong kuwarto sa taas. "Ohhh... Ohhh... Uhhhmmm... Uhmmmm... Ahhh... ahhhh... ahhh...!" Nakarinig ako ng daing ng isang babae na nagpahinto sa paglalakad ko. Bale, nasa katabing kuwarto lang kasi ‘yong pupuntahan ko kaya narinig ko talaga. "Ahhhh, oohhh... Ohhh...!!! Ohhh!!!" ungol na naman no’ng boses. Grabe! This time ay mas malakas pa! Kahit naman hindi pa ako nagkaroon ng nobyo sa tanang buhay ko ay hindi naman ako isang santa para hindi ko maisip na boses ‘yon ng isang babae na siyang-siya sa pakikipagtalik. "Sino naman kaya iyon?" takang tanong ko sa aking sarili. Ang alam ko ay wala pa dito sa bahay ang mga magulang ni Laiza kaya kami lang talaga ang tao ngayon dito. Tapos ay may factor at ungulang ganoon? "Whatever!" usal ko. Naiiskandalong lumayo na agad ako doon sa gawing pintuan nila at binuksan ko ‘yong kuwarto na para sa akin. Inilagay ko lang ‘yong gamit ko sa loob. Matapos kong kumuha ng pamalit na damit pang-swimming ay lumabas na agad ako. "Hoy!" narinig kong sabi ng isang lalaki. Sa pag-aakala ko na minumulto ako ay napalingon talaga ako sa pinanggalingan ng boses. Pero pagkakakita ko sa lalaking iyon ay hindi naman siya isang multo kung hindi ay mukhang isang bold star! Bakit ko nasabi? Aba maliban sa nakahubad baro siya! Nakatakip lang ng puting tuwalya ‘yong pang-ibabang katawan niya. Halos sa hips na nga niya nakapaikot iyon kaya parang kita pa ‘yong gawing balbon niya sa pusod pababa doon sa ano niya. For a moment ay napatanga ako sa harapan niya at wala sa sariling nahagod ko ang kabuuan niya. Matangkad ‘yong lalaki at may itsura siya. Masasabi ko rin na parang galing siya sa pakikipagromansa dahil gulo-gulo pa ‘yong buhok niya at medyo pawisan pa siya. Pagkakita ko nga sa kanya ay naiiskandalong napatalikod agad ako. Kakabwisit! Ako pa talaga ang nahiya sa kanya? "Sino naman kaya itong bastos na ‘to?" tanong ko pa sa isip ko. "Puwede humarap ka ‘pag kinakausap ka?" request pa niya. "Pwede rin ba magdamit ka na muna?" request ko rin. "What? Sumasagot ka pa talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin at parang pumalatak pa nga siya. "Anyway, whaterver. Ikuha mo na lang ako ng orange juice, dalawa," walang kagana ganang utos niya sa akin maya maya. "Bakit kita ikukuha? Mukha ba ‘kong katulong?" naiinis na tanong ko din sa kanya. Sa inis ko nga ay tinanggal ko na ang hiya ko at humarap ako sa kanya nang ‘di oras. ‘Langya itong bold star na ‘to. Bastos na nga sa pananamit, bastos din pati ‘yong bunganga. "You want the truth?" tanong niya sa akin sabay eksamin ng itsura ko. Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa. "Sa totoo lang, oo eh," nakangising sagot niya sa akin. Ang walangya! Napagkamalan talaga niya akong maid? "Babe, why? Who are you talking too?" malambing na tanong ng isang babae na agad na pumulupot sa kanya. Gulo-gulo rin ang buhok nito, ‘yong halatang kakabangon lang sa kama. Okay at ako talaga ang nahiya para sa kanya dahil hubo't hubad lang naman siya. Oo nga at parang papel sa puti at kinis ang katawan niya. Pero wala na ba talaga silang hiya na natitira sa katawan? I guess, siya lang naman ‘yong babaeng ungol nang ungol kanina. Sabagay paano ngang hindi uungol, nagpapakaligaya pala sila kanina. "Wala, someone who is not important kaya ‘wag kang magseselos," narinig kong sagot no’ng lalaki sa kanya. "Of course, I'm not jealous!" malanding sagot no’ng babae sa kanya na tiningnan pa muna ako tapos ay nag-lips to lips sila. Hala! Para akong nanood ng p0rn movie nang live? May ganitong factor? Sa totoo lang ay dalawang beses tumaas ang kilay ko. Una, sa part ng dialogue no’ng lalaki na "someone who's not important" which is ako at doon sa naghalikan talaga sila sa harapan ko? Mga wala talagang hiya sa katawan basta kamunduhan. Jusmio marimar! Kaya nga bago pa nila ko makitang nanonood sa kahalayan este sa ka-sweet-an nila ay tinalikuran ko na sila. "Hey! Kung hindi ka pala katulong dito tumawag ka ng iba!" narinig ko pang sigaw niya. Hindi ko siya pinansin at nagdire-diretso na lang ako na bumaba ng hagdan. Bahala sila sa sarili nila. Nagpakapagod sila para mauhaw tapos ako’ng hahanapan nila ng orange juice? Ano ‘yon, ‘di ba? Ako si Maria Tagumpay Mangalutkot. Pinag-aral ako ng mga magulang ko tapos mapagkakamalan lang niya akong katulong por que hindi sumayad ang ganda ko sa standard niya? "Kapal ng mukha niya! Bold star siya!" ngitngit na bulong ko sa sarili ko. "Grabe ang tagal mo friend, ah!" inip na bungad sa akin ni Laiza na kasalukuyan nang naglalangoy sa malaki nilang swimming pool. Suot niya ang isa sa pinakapaborito niyang red two-piece. Sa puti kasi ng balat niya ay bagay sa kanya ang mga dark color. Ako kasi ay medyo morena, kaya mas gusto ko ang light colors. "Sorry, natagalan akong magbihis," alibi ko na lang. Naisip ko na mamaya ko na lang babanggitin ‘yong tungkol sa lalaking bastos kanina. Suot ang malaking shirt ko at shorts ay lumusong ako sa swimming pool. Nakilangoy langoy na lang muna ako kay Laiza. "Siya nga pala. Sino ba ‘yong lalaki sa bahay n’yo?" maya-maya ay tanong ko. Sa wakas ay naisingit ko na ang topic na ito after mauwi sa usapang katulong ang pagtsitsismisan namin. "Ah si Kuya Yaji iyon, pinsan ko. Anak ng kapatid ni Papa. Bakit? Nagkita ba kayo sa taas?" usyoso niya. "Oo! Ang walangya napagkamalan pa akong katulong!" Nagngingitngit na sumbong ko sa kanya. "Really?" Natatawang sagot niya. "Baka naman binibiro ka lang! To naman! Nagpapapansin siguro sayo at baka type ka." "Binibiro? Hindi kaya! Inutusan pa nga niya akong kumuha ng juice, ang kapal ng mukha!" asar na sabi ko. Tuwing pumapasok sa gunita ko ‘yong itsura no’ng lalaking iyon ay nabubuwisit talaga ako. "O, puso mo! Huwag kang magalit. Unawain na lang natin, friend. May jet lag pa kasi si Kuya. Alam mo na kakagaling lang niya sa New York," dependa pa ni Laiza sa pinsan niya. "Tingin ko nga may jet lag pa siya. Pero hindi sa biyahe niya sa eroplano kundi sa kakasakay niya do’n sa babaeng kasama niya noh!" malisyosong sagot ko sa kanya. "Ay grabe ka ha!" Hinahagikgik na binira pa ako ni Laiza. "Narinig mo din ba ‘yong ano?" usyoso pa niya sa akin. "Oo narinig ko. Paanong hindi ko maririnig iyon, napakalakas ng ungol nila, ‘di ba?" sagot ko sa kanya while rolling my eyes. Nagulat pa nga ako no’ng siniko niya ko para tumahimik. Kasi pala ay papalapit sa gawi namin ‘yong pinsan niya kasama ‘yong syota niya. "Hi, Kuya Yaj! Kahit puyat pogi pa rin, ah!" narinig kong biro sa kanya ni Laiza. "Oo naman pinsan, iyan tayo, eh!" pakikiayon naman ng loko habang papalapit sila sa amin Feeling pogi talaga! "Hi, Elizabeth!" baling naman ni Laiza sa babaeng nakapulupot sa pinsan niya. "Oh, hi girls!" nakangiting bati naman niya sa amin pero hindi siya huminto para maki-join sa amin. Bagkus ay dumiresto siya sa beach bench na nasa ‘di kalayuan at nagpaaraw siya. Paghubad nga niya ng robe niya ay naka-two-piece na agad siya. And take note ha, V string na panty ang gamit niya. Halos wala nang natatakpan sa private part niya. Of course, very busy naman ang escort niya sa pag-apply ng lotion sa maputing balat niya. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko na hindi naman girlfriend ni Kuya Yaji ang babaeng ‘yan?" tsismis sa akin ni Laiza habang nakakunyapit siya sa gilid ng pool malapit sa akin at nagpapahinga. "Totoo?" nanlalaki ang mga matang tanong ko. "Nag-aanuhan na sila tapos wala naman pala silang label?" "Shhhh… ang ingay mo naman!" bawal niya sa akin tapos ay lumapit pa siya sa akin nang konti. Alam ko na may itsi-chika pa siya kaya naman umayos ako nang pagkakaupo. Nasa gawing hagdan kasi ako ng pool. "Nakilala lang niya ‘yong babae sa hotel kahapon tapos sumama dito. Since wala si Mommy at Daddy, hinayaan ko na lang si Kuya Yaji sa gusto niya. Pero sabi ko sa kanya sana makaalis na ‘yong babae niya bago dumating ang parents ko," bulong pa niya sa akin. "Grabe! Ang wild pala ng pinsan mo!" naiiskandalong sabi ko. Itutuloy...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD