bc

Fake Marriage Series 3: Don't Mess With The Playboy

book_age16+
1.8K
FOLLOW
8.0K
READ
contract marriage
playboy
drama
sweet
bxg
small town
like
intro-logo
Blurb

"I will not marry a playboy! Hindi sa lalaking naging syota na yata ng bayan! At lalong lalo na, hindi ako papatol sa lalaking laging dini-display ang katawan nya. Ano sya bold star?" -Maria Tagumpay "Ipay" Mangalutkot

Mr. Playboy + Ms. Conservative = Shotgun Wedding

One day, Yaji and Ipay crossed roads in the most unexpected way. The next day, a wedding is arranged for them to avoid embarrassment due to premarital s3x.

Ipay doesn't want to marry Yaji. And Yaji feels the same way.

What can they do to prevent that marriage?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FMS3: Don't Mess With The Playboy midnyt_princess CHAPTER 1 --------------------------------------- Nuestra Senyora Parish Municipality of San Anton --------------------------------------- IPAY Point of View ANG KASAL AY ISANG SAGRADONG SAKRAMENTO. Ito ay ginagawad at ipinagdiriwang bilang simbolo ng pagpapahayag ng pag-iisang-dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Hindi ito ang siyang wakas, kung hindi ay ang pasimula ng isang bagong buhay. Buhay na magsisimula na sa mga sandaling ito. Dahil ito ang araw na itinakda upang sumailalim ako sa seremonyang ito. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang matiyaga akong naghihintay sa likuran ng isang magara at mataas na pintuan na nananatiling nakapinid. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kaba sa aking dibdib. Takot ba ito o pagkasabik dahil ilang saglit na lamang ay makaka isang dibdib ko na ang lalaking ipinagkaloob sa akin ng Maykapal. Ang lalaking pag-aalayan ko ng aking sarili at ang lalaking aking pagsisilbihan at mamahalin habang buhay. No’ng unti-unting bumukas ang pintuan sa aking harapan ay lalong lumakas ang t***k ng aking puso. Sa ganda ng pagkakaayos ng lugar ay nagmukha itong paraiso sa aking paningin. Para tuloy tinatambol ang aking dibdib lalo na no’ng marinig ko ang tradisyonal na kanta na nanggagaling buhat sa loob ng sagradong lugar. Kasabay ng musikang iyon at ang masigabong palakpakan ng mga taong dumalo ay unti-unti akong lumakad sa pasilyo ng simbahan. Napahawak pa nga ako nang mahigpit sa pumpon ng mga bulaklak sa aking mga kamay. Sa loob ng mga guwantes na suot ko ay damang-dama ko ang pamamasa ng aking mga palad dahil sa sobrang pagpapawis nito. "Congratulations!" "Napakaganda mo, Ate Ipay!" "Congrats, Hija!" Ilan lamang iyan sa mga narinig kong sabi nila. Mga simpleng salita na nagpuno ng kaligayahan sa aking puso. Hindi ko alam kung talagang maganda at bumagay sa akin ang trahe de boda na ako mismo ang pumili. Pero hindi na iyon mahalaga. Dahil ang mas importante ay ang pagiging sagrado ng araw na ito para sa akin, sa lalaking aking makakaisang dibdib at para sa mga taong nagmamahal sa amin. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha nung ilang saglit pa ay huminto ako sa tapat ng aking mga magulang. Tulad ko ay luhaan na rin si Mamang. Si Papang ko naman ay pilit itinatago ang kanyang nararamdaman. Kahit batid ko naman ang magkahalong lungkot at saya niya dahil sa paghahatid niya sa kanyang unica hija sa altar. Maagang nagretiro bilang pulis si Papang dahil sa karamdaman niya sa puso. Natapos man ang pagsisilbi niya sa bayan ay hindi ang paglilingkod niya sa simbahan. Ipinagpatuloy pa rin kasi niya ang pagiging Pastor niya sa Parokya ng aming bayan. Sa limang anak niya ay ako ang bunso. Ako rin ang nag iisang babae kung kaya't sobra daw ang aking pagiging daddy's girl. Ang apat kong kuya ay mga sumunod sa kanyang yapak kaya lahat sila ay pawang mga alagad ng batas. Ako naman ay isang guro sa high school tulad ng aking butihing ina. "Napakaganda ng ating bunso, Ruben. Hindi ako makapaniwala na magpapakasal na talaga siya," madamdaming sabi ni Mamang kay Papang habang nagpupunas siya ng mga luha. "Mamang huwag ka nang umiyak please. Masisira ang makeup mo niyan, eh," biro ko sa kanya pero pasimple din akong nagpunas ng mga luha ko. Kahit kasi may belo na nakatabing sa akin ay iniiwasan ko pa rin ang pagkalat ng mascara sa aking mukha. Ayaw ko naman na mag mukhang zombie sa araw ng aking kasal kaya't nag iingat talaga ako. "Ano ka ba naman Herminia! Ikaw nga ay huwag magdrama diyan! Araw ng kasal ng anak mo, huwag mo na siyang paiyakin pa," sita sa kanya ni Papang na nagpupunas din naman ng panyo sa mga mata. Halatang emosyonal. "Excuse me, mga darling! Lakad na po please ng masimulan na itey!" tawag pansin sa amin ng baklang coordinator. Hindi namin napansin na matagal na pala kaming naka-stay sa pasilyo na dapat sana ay dire-diretso lamang ang lakad. Kaya naman, kaagapay ang mga magulang ko ay naglakad muli kami papunta sa altar, ang lugar kung saan naghihintay ang lalaking aking pakakasalan. Mula sa puwesto ko ay kitang-kita ko kung paano matikas na nakatayo at matiyagang naghihintay ang lalaking iyon. Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapangiti nung mapansin ko kung gaano siya kagandang magdala ng barong tagalog. Habang papalapit ako sa kanya ay naramdaman ko muli ang pagkaba ng aking dibdib. Gusto ko sanang masilayan ang kanyang mukha kaso naman ay parang nananadya na may malakas na sinag ng haring araw ang nakatapat sa parteng iyon. Kaya gustuhin ko mang tingnan ang reaksyon ng kanyang mukha ay hindi iyon posible. Nakita kong lumapit siya sa gawi ko. Ang alam ko ay lalapit muna siya sa mga magulang ko at magmamano siya sa mga ito bilang tanda ng kanyang pagrespeto. Kaya nga lang ay paano niya gagawin iyon kung biglang nawala ang mga magulang ko sa aking tabi. Napalingon tuloy ako sa paligid ko para hanapin sila. Pero wala. Actually, kahit ang maraming tao na sasaksi sana sa pag-iisang dibdib namin ng nobyo ko ay isa-isa na ring nawawala sa paningin ko. "Anong nangyayari?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili. Kinakabahang ibinalik ko ang aking tingin sa lalaki sa aking harapan. Na ewan ko ba at hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang sinag na nakatapat sa kanyang mukha. Nakita ko na na inilahad niya ang kanyang palad sa aking harapan. Sa nangyayaring kakaiba sa paligid ko ay nagdalawang-isip ako na abutin ang kanyang kamay. Pero dahil matiyaga siyang naghihintay sa akin ay napipilitang inabot ko na rin iyon. Pero bago pa kami magkadaupang palad ay may pwersa na humatak sa akin papalayo. "Aray ano ba?!" Napasigaw ako sa sakit no’ng bago ko mahawakan ‘yong kamay ng nobyo ko ay may biglang humatak sa belo sa aking likuran. Ang tendency non ay hindi lang ang belo at hairdress ko ang halos matangay kundi pati na rin ang anit ko. Saglit akong hindi nakakibo. Sa lakas ng pwersang iyon ay halos mapaupo ako sa sahig. "Sandali! Saan ka pupunta?" sigaw ko nung makita ko ang nobyo ko na aalis na. May kasama siyang ibang babae at hindi lang basta isa kundi lima. "Huwag kang umalis! Sandali lang!" naiiyak na tawag ko ulit sa kanya pero hindi niya ko pinakinggan, basta lumayo na sila ng mga babaeng kaakbay niya. Mabilis na tumayo ako para habulin sana siya at pigilan. Pero hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan yung para bang may kung ano na pumipigil sa damit pang kasal na suot suot ko. Kaya ganoon na lang ang pagkagulat ko nang lingunin ko ang gawing ibaba ng gown ko. Kitang-kita ko kasi ang maraming pares ng mga kamay ng mga babae ang nakahawak sa akin. Puro mga kulay dugo pa nga ang mga naghahabaan nilang mga kuko. At nakakagimbal pa diyan ay wala silang mga katawan, basta puro mga kamay lamang. Sa takot ko ay mabilis na nag-uunahan ang mga luha ko sa pagtulo. Gusto kong sumigaw at hingin ang tulong ng aking nobyo pero nang bumuka ang bibig ko para magsalita ay biglang nagsulputan ang mga kamay sa gawing mukha ko. Tinakpan nila ang aking mga mata at ganoon na rin ang aking bibig. Ginawa nila iyon hanggang sa wala na kong makita at masabi. Ang tanging naririnig ko na lang sa paligid ko ay ang mga matitinis na tawanan ng mga babae. "Waaaaahhhhhhh!!!!" malakas na sigaw ko tapos ay napabalikwas ako ng bangon. Diyos ko po Lord! Salamat at panaginip lang pala ang lahat. Sa lahat ng panaginip ko ay iyon na yata ang pinakamasama! Hindi ang parte na hindi natuloy ang kasal namin ng lalaking iyon. Kundi ‘yong parteng may mga kamay na dumakot sa mukha ko. Promise! Grabe ang takot na naramdaman ko! Kaya nga ayaw na ayaw ko nanonood ng horror movies ay dahil mabilis akong matakot. Pinupunasan ko ang mga butil butil na pawis sa mukha ko nang magawi ang tingin ko sa unan na may print na mukha. Bigay sa akin yon ng pinsan kong bakla. Akala naman niya siguro ay matutuwa ako sa unan na iyon ‘pag may picture ‘yon ng lalaking iyon. I mean ni Yaji Razon. Ang lalaki na kinakainisan ko and at the same time ay ang lalaking nakatakda kong pakasalan. "Ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang lahat ng plano ko sa buhay! Pati ba naman ang bangungot sa pagtulog ko ikaw pa rin ang may kagagawan?!" parang tangang sita ko doon sa unan tapos ay pinagsasapok ko iyon. Nang makuntento ako ay agad ko ‘yong sinipa paalis sa kama ko. "Anak narinig kitang humiyaw kanina. May problema ka ba ha?" narinig kong nag-aalalang tanong sa akin ni Mamang. Hindi pa ako nakakasagot ay pumasok na agad siya sa loob ng kwarto ko. Alam kasi ng lahat ng tao na malapit sa akin ay hindi ako nagla-lock ng kwarto. Simula kasi no’ng ma-trap ako sa loob ng classroom namin noong Grade 3 ay na-trauma na yata ako. Imagine, no’ng makulong ako ay umaga na nila ako napagbuksan. May bagyo pa naman noon magdamag kaya talagang iyak ako nang iyak sa takot. "Wala po, Mamang, nanaginip lang po ako nang masama," nakangiting sagot ko sa kanya. Tumataas din kasi ang presyon niya kaya ayaw ko rin siyang nag-aalala. Wala naman siyang partikular na sakit, siguro ay dala na rin ng katandaan. Senior citizen na kasi. "Sabi ko naman sa ‘yo ay magdadasal ka sa gabi, hindi ba?" "Nagdasal naman po ako, eh," sagot ko. "Binangungot lang talaga ako dahil sa lalaking iyon!" idadagdag ko sana. Pero pinigilan ko na lang ang magsalita. "O, siya. Bumangon ka na at maligo ka nang maaga. Baka nakakalimutan mo na dadalaw ngayon ang nobyo mo at ang mga magulang niya," nakangiting paalala pa niya sa akin sabay abot sa akin no’ng unan na sinipa ko kanina. "Ha? Mamang, bakit sila pupunta dito?" gulat na tanong ko sabay hablot ng cellphone ko na malapit sa akin. Aba’y ungas na lalaking ‘yan! Bakit hindi man lang niya ko sinabihan? Napakawalang kwenta talaga niya! Feeling pogi na nga, hindi pa maaasahan! "Birthday no’ng byenan mong babae. Gusto niya ay dito na lang mag-celebrate." "Po? Eh, bakit niya dito gusto mag-celebrate?" mas naguguluhang tanong ko. "Herminia! Ikaw talagang tao ka, oo! Hindi ka makapagtago ng lihim!" Narinig kong sabat ni Papang na nakapasok na rin ng kwarto ko. "Alam mo naman na gusto ng mga balae natin na sorpresahin ang anak mo. Eto at sinabi mo na? Ano pa ang sorpresa do’n ngayon?" "Nako, oo nga pala! Pasensiya na bunso, ah. Kalimutan mo na ang sinabi ko. Sige at mag-ayos ka na muna ng sarili mo. Magpaganda ka nang husto para lalong mabighani sa ‘yo ang gwapo mong nobyo," nakangiting sabi pa sa akin ni Mamang na nakatingin sa unan na hawak ko. Matagal na silang wala sa harapan ko ay nakatitig pa rin ako sa kawalan. Hindi talaga ako makapaniwala na nangyayari sa buhay ko ang mga kalokohang tulad nito. Two weeks ago ay normal naman ang buhay ko. Single ako at wala pang balak magpakasal! Tapos ngayon, maliban sa may instant nobyo na ko ay ikakasal na rin ako dalawang buwan mula ngayon! "Buwiset ka talagang lalaki ka sa buhay ko!" sita ko sa unan na may picture sabay bato ko ulit no’n sa malayo. Itutuloy.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook