THINKING OUT LOVE

1855 Words
CHAPTER 18 "I love you Babe ko." Bulong niya. Bago iyon sa pandinig ko. Dati sinasabi lang niyang gusto niya ako. Dati naririnig ko lang ang I miss you. Sa text at tawag lang ang, "I wanna hug and kiss you" at "I care for you". Ngayon, parang nanunuyo na ang lalamunan ko sa sinasabi niyang mahal niya ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kailangan ko na bang isatinig ang tunay na nararamdaman ko para sa kaniya? "I love you. I really do, Shan." Pagpapatuloy niya. "Nasisiraan ako ng ulo sa tuwing naiisip kita. Nawawala ako sa character ko sa tuwing namimiss kita at ngayong ko lang naramdaman ito. Ngayon lang ako napapatulala sa set kung naaalala ko ang mga ngiti mo at yung parang laging nahihiyang mong mga matang nakatitig sa akin. Kung si Erin ang kaeksena ko, iniisip kong ikaw siya para mas mailabas ko yung emosyon ko. I don't know Shan, but you do complete me." Nanginginig pa ang kaniyang kamay. Nabasa ko kaniyang mga mata ang katotohanan ng kaniyang sinasabi. uminga ako ng malalim. Dumating ang waiter dala ang aming pagkain at Bluetooth speaker. Nagpasalamat kami at tumalikod na siya. Tumingin sa paligid si Brad. Tahimik pa rin, maliban sa mga kumakain sa loob ng restaurant. Malayo naman sa kanila ang pinuwestuhan namin. Nanatili akong nakatingin sa pagkain sa harap ko. Napapikit ako. Nagsisimula na ngang nangyayari ang lahat ng aking pinangarap. Ang hindi ko lang ngayon alam ay kung kailangan kong paniwalaan ang lahat ng nangyayaring ito ngayon. Sana hindi lang ito isang panaginip lang. "Ahh!" pakiusap niya sa akin. Sinusubuan niya ako. Hindi ko pa iyon nagagawa sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung bubuksan ko ang bibig ko. Naninibaguhan ako. Nahiya akong buksan ang bibig ko para sa pagkaing isinusubo niya sa akin. "Bilis na, habang walang tao!" pakiusap niya. Lumingon muna ako bago ko binuksan ang bibig ko. Nakangiti niyang isinubo sa akin g**g pagkain. "Ano? Masarap?" Tanong niya.   Hindi ko magawang sumagot dahil nginguya ko pa lang ang pagkain. “Ano nga? Masarap?” Tumango na lang ako. Kinuha niya ang panyo niya at pinunasan niya ang sauce sa gilid ng aking labi. Kinikilabutan ako sa pinapakita niyang atensiyon sa akin. Kumuha ako ng maliit na portion ng pagkain sa plato ko at isinubo ko din sa kaniya. Mabilis siyang ngumanga at hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa kutsara ko. Sanay na sanay siyang magpakilig at ako itong uhaw na uhaw sa mga ganoon kasi lahat ng mga ito ay bago sa akin. Sa mga teleserye at pelikula ko lang ito napanood. Ini-imagine ko lang noon na sa akin niya gagawin at ito na nga’t nagkakatotoo na lahat. Binuhat niya ang plato niya at tumabi siya sa akin. Naamoy ko siya. Napakabango niya talaga. Halos mag-umpugan na ang aming mga braso. Kinuha niya ang Bluetooth speaker at sinubukan niyang i-connet iyon sa phone niya. "Nirecord ko ito kagabi para sa'yo.” “Talaga? Ikaw ang kumanta?” Tumango siya. “Pakinggan mo na lang dito kasi kako kagabi baka hindi ko ito makanta at nerbiyosin ako sa mga titig mo.” “Ang sweet mo naman.” “Hindi mo na dapat sinasabi ‘yan. Ako pa ba?” tumingin siya sa phone niya. “Sandali lang ha? Gusto kong masabi sa'yo ang lahat kaya gumamit ako ng makabagong technology. Siguro nga desperado lang akong makuha ngayon ang sagot mo kaya lahat ginagawa ko.” Bumuntong-hininga ako. Paano ba ‘to? Parang nagmamadali siya. “Pakinggan mo ha? Puwede tayong kumain while listening to this. Medyo nahihiya at nakokornihan lang ako sa ginawang kong ito pero this it." Nilingon ko siya. Ginagap niya ang kamay ko at pinisil iyon. Kumindat muli siya sa akin habang nagsisimula ng ang kanta. Nang intro pa lang ay kinilig na ako. Thinking out Loud ni Ed Sheeran. Ang kantang kinakikiligan ko.   When your legs don't work like they used to before And I can't sweep you off of your feet Will your mouth still remember the taste of my love Will your eyes still smile from your cheeks And darling I will be loving you 'til we're 70 And baby my heart could still fall as hard at 23 And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways Maybe just the touch of a hand Oh me I fall in love with you every single day And I just wanna tell you I am "Shan, nandito ako sa tabi mo. Hindi ko alam kung ano pa ang puwede kong i-prove para maniwala kang mahal kita. Ginagawa ko ang lahat ng ito kasi mahal kita. Alam kong mahal mo din ako kaya lang natatakot kang masaktan at magkamali sa iyong desisyon. Artista man ako o hindi Babe ko, tao pa rin tayo na maaring masaktan o makapanakit. Kasama lagi 'yan kung binuksan mo ang puso mo para magmahal at mahalin. At kahit ngayong bata pa tayo hanggang sa pagtanda, ang pagmamahal ko sa’yo ay hindi magbabago. Mamahalin kita bawat araw ng buhay natin. Uulit-ulitin kong sabihan sa’yo kung gaano kita kamahal." Sasagutin ko sana ang sinabi niya sa naka-record na iyon ngunit nilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko. Muli kon narinig ang instrumental ng kanta habang siya naman ay nakatingin sa akin. "Just listen first." Bulong niya. Huminga ako ng malalim at muli kong narinig ang kaniyang malamyos na boses.   So honey now Take me into your loving arms Kiss me under the light of a thousand stars Huminto ang instrumental. Muli siyang nagsalita ngunit nanatiling nakarecord lang ito. "Sana, sagutin mo ako. Sana papasukin mo ako ng tuluyan sa buhay mo. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Maaring mong pigilan ang sarili mo para tuluyang mahalin ako ngunit ako, hindi ko kayang gawin iyon. Hindi mo ako mahihintay na iaatras ko pa ang nararamdaman kong pagmamahal sa'yo. Hindi ako titigil Babe ko. Wala akong balak itigil na suyuin ka. Hindi ako susuko hangga’t makuha ko ang matamis mong oo." Hinawakan niya ang kamay ko. inilagay niya sa tapat ng kanyang puso. Place your head on my beating heart I'm thinking out loud Maybe we found love right where we are   Ramdam mo bang ikaw ang itinitibok nito? Ito na ‘to babe ko. ito na yung tamang pagkakataon para ihayag natin ang pagmamahalan natin. Natagpuan na natin ang pagmamahal na hinahanap natin sa isa’t isa.   When my hair's all but gone and my memory fades And the crowds don't remember my name When my hands don't play the strings the same way, mm I know you will still love me the same "Walang sinuman ang makakapigil sa akin Babe ko. Handa ko itong patunayan ngayon at kahit kailan. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito katindi at hindi ako titigil hangga't hindi ka magiging akin. Gusto kong manatili ka sa buhay ko, mamahalin ko ng buum-buo dahil sa'yo ko lang naramdaman kung paano magiging masaya. Ikaw lang ang alam kong makapagbibigay ng matagal ko nang pinapangarap na katahimikan at pagmamahal. At kung makalimutan na ako ng mga taong humahanga sa akin, hindi na rin ako makatugtog pa, naniniwala akong nandiyan ka, mahal na mahal mo pa rin ako sa kabila ng aking paglagapak mula sa aking kasikatan."   Hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Lalo pa't titig na titig siya sa akin. Wala man siyang sinasabi sa harap ko ngunit ang nakarecord niyang boses at ang mga mata niyang nakikiusap sa harap ko ang siyang tuluyang nagpagapi sa akin.   Cause honey your soul can never grow old, it's evergreen Baby your smile's forever in my mind and memory I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways Maybe it's all part of a plan I'll just keep on making the same mistakes Hoping that you'll understand   "Kung magiging tayo, ipapangako kong gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawala sa akin. Ibubuhos ko ang bakante kong oras kasama ka. Maaring maraming aagaw sa atensiyon ko sa'yo ngunit Babe ko, mananatili kang higit sa kahit sino pang darating sa buhay ko. Kung sakaling may mapanood ka o mababasa na sadyang ikaseselos mo, pupunan ko ang lahat ng sakit na likha niyon sa tuwing magkasama tayo. Hindi ako papayag na ako ang magiging dahilan ng iyong pagluha. Tandaan mo 'yan."   Mabilis niyang hinalikan ang kamay ko. Ngumiti sa akin. Hindi na kami nakakain dahil sa pinakikinggan naming iyon. Pinilit kong huminga ng malalim para mapakalma ko ang aking sarili. Sa sobrang bilis ng t***k ng aking puso ay para na akong hihimatayin.   But baby now Take me into your loving arms Kiss me under the light of a thousand stars Place your head on my beating heart I'm thinking out loud That maybe we found love right where we are, oh "Kailangan kita Babe ko, kailangan ko ang tiwala mo. Sigurado akong pagmamahal mo ang bubuo sa akin. Kakornihan man sa'yo ang lahat ng ito pero nakikiusap ako, pagkatiwalaan mo ako at pangako kong hindi kita sasaktan. Dati, pinagtatawanan ko ang mga linyang isinasaulo ko sa aming mga teleserye at pelikula, ngunit kapag pala ikaw na mismo ang nakakaramdam ng ganoon, kusa itong lumalabas sa'yo. Nasasabi mo ang lahat ng ito kasi iyon talaga ang laman ng iyong puso."   Huminga siya n malalim. Napayuko siya. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin at tumango-tango siya na parang pinatotohanan niya ang sinabi niyang iyon na nakarecord.   So baby now Take me into your loving arms Kiss me under the light of a thousand stars Oh darling, place your head on my beating heart I'm thinking out loud That maybe we found love right where we are   "Pasensiya na sa boses ha. Hindi kasi ito kasinghusay ng boses mo. Ang gusto ko lang naman ipaabot ay yung kung ano ang tunay na nararamdaman ko para sa'yo Shan. Hindi ko naman siguro kailangan ng matinding boses para ihayag kung gaano kita kamahal. Sana magtiwala ka kasi iyon ang kailangan ko ngayon. Iyon ang hinihiling ko sa'yo, lot of trust. Salamat sa pakikinig. Nanginginig pa ako. Kinakabahan lang. Sana bago tayo maghiwalay ngayong gabi ay malalaman ko na kung ano nga ba talaga ako para sa'yo. Naniniwala ako na pinagtagpo tayo ng tadhana dahil sa wala lang. pinag-isa niya tayo dahil alam ng tadhana na ikaw at ako hanggang sa huli. Mawala man sa akin ang lahat kahit pa ang aking paningin, ikaw ay nakaukit na sa isip at puso ko."   Pinindot na niya ang phone at huminga siya ng malalim. Kinagat niya ang kaniyang labi. Dahan-dahan niya akong nilingon. Sumandal siya sa upuan. Nilingon ko siya. Kinindatan niya muli ako. Pinisil-pisil ko ang mga palad ko. Kinikilig pa rin ako s amga narinig kong sinabi niya at sa kantang ginamit niya para ihayag niya ang nararamdaman niya para sa akin. Huminga din ako ng malalim. dahan-dahan kong kinuha ang palad niya. Umayos siya ng upo. Nagkatinginan kami. Naghihintay siya sa maari kong sasabihin. Lumunok muna ako. Pinakalma ko ang aking sarili. Sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD