bc

THE UNBEATABLE SUPERSTAR (BxG)

book_age12+
1.9K
FOLLOW
20.4K
READ
friends to lovers
inspirational
drama
comedy
sweet
bxg
humorous
betrayal
first love
lies
like
intro-logo
Blurb

Ipinapakita ng nobelang ito kung ano ang kaya nating isakripisyo para sa tunay na pag-ibig. Alin ba ang mas matimbang, ang kislap ng iyong bituin o ang kislap ng wagas na pag-ibig. Ipapakita rin dito ang maruming kalakaran sa show business. Kung paano laruin ang emosyon at paniniwala ng mga tao para sa pera. Iikot din dito ang kadakilaan ng pagmamahal. Ipakikita na ang tunay na pagmamahal ay maaring magiging habangbuhay at hindi rin lahat ng true love ay nauuwi sa forever.

chap-preview
Free preview
ANG MGA MUNTING BITUIN
THE UNBEATABLE STAR (The Lady Soldier Book 2) By: JOEMAR ANCHETA (Pinagpala)   Chapter 1  Magulo ang kinagisnan kong pamilya. May mabait at mapagmahal akong Nanay ngunit may Tatay naman akong babaero, sugarol, gumagamit at nagtutulak ng droga. Magkasama sila ng Kuya ko sa ganoong pinagkakakitaan. Kami ni Nanay ang kawawang tumataguyod sa aming buhay. Ang mga ibang kamag-anak namin ay namumundok o kaya'y mga rebelde ngunit ang pamilya namin ay hindi sumama sa kanilang ipinaglalaban. Ngunit ganoon din naman ang buhay namin. Magulo at mahirap. Kung may pera si Tatay bilang kabayaran ng kanyang pagtutulak ay sakto lang din iyon sa kanyang bisyo. Ang masaklap, isinama pa niya si Kuya sa ganoong gawain at pagkakakitaan.   Lahat ng uri ng hirap napagdaanan na ng pamilya namin. Sa murang edad ay kailangan kong magtinda sa harap ng simbahan ng sampaguita at kandila, umuulan man o katanghaliang tapat, madaling araw man o gabi. Basta may pumupunta sa simbahan naroon kami ni Nanay. Tinitiis naming ang gutom at pagkauhaw para lang makapagbenta. Dahil sa bisyo at pagtatago naming sa mga huhuli kina Kuya at Tatay kaya nalibot na siguro namin ang buong Luzon. Mula Nueva Vizcaya, napadpad kami sa Cavite. Dito lang kami sa Imus nagtagal. Kaya siguro wala akong naging kaibigan o kalaro dahil sa panay ang paglipat namin. Dahil sa kahirapan, pinagkaitan ako ng karapatan para i-enjoy ang buhay ng pagiging bata.   Sa tuwing hinuhuli si Tatay at Kuya ng mga parak at nakikipagbarilan, naroon ang takot na tamaan ako o si Nanay. Hindi natatahimik ang aming buhay dahil sa pagiging sugapa sa droga nina Tatay at Kuya. Laging naroon ang panganib. Ngunit hindi kuwento sa pagiging mahirap ko ang sinasaklaw ng kuwento ng buhay ko. Hindi ang mga hirap na pinagdaanan naming pamilya. Tulad ng lagi nilang sinasabi sa akin, kailangan ko nang kalimutan ang mapait na bahaging iyon ng aking buhay kahit madalas ay dinadalaw pa rin ako ng bangungot ng nakaraan. Ang kuwentong ibabahagi ko ay buhay ko kasama ng lalaking minahal ko at ang mga pinagdaanan ko sa likod ng pinilakang tabing. Isang buhay na akala ko ay sa pelikula ko lang mapapanood at matutunghayan. Isang palasak ng kuwento na hindi ko inakalang mangyayari rin pala sa akin.   Naging mabuti ang balik ng kapalaran sa akin sa kabla ng masalimuot at mahirap kong simulain. Sa tulong nina Mama Sheine at Papa Zayn na siyang umampon sa akin, ay nakapag-exam ako para sa Acceleration Program ng Deped. Kaya mula Grade 3 sa edad na labindalawang taon, naging Grade 6 agad ako sa angkin kong talino. Kaya nga pagdating ng Marso ako na ay isa sa mga nagsipagtapos sa elementary. . Nakalilito ba? Paanong napunta agad ako sa isang pamilya? Sino sina Mama Sheine at Papa Zayn? Sa susunod na bahagi ay ilalahad ko ang dahilan kung paano at bakit ako napunta sa kanila.       Simulan ko ang ating kuwento nang unang araw ko bilang Grade 6 sa edad na labindalawang taong gulang. Unang araw ko noon sa klase pagkatapos ng aking accelaration. Lahat sila magkakakilala na. Kahit sabihing isang karangalan ang makaklase nila ang isa sa mga pumasa sa acceleration, ang katotohanang galing ako sa Grade 3 at kaedad ko lang sila ay hindi iyon masiyadong nakahuhugot ng kanilang atensiyon. Hindi nakabibilib kumbaga.   Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ng isang madaldal at malikot kong kaklase. Siya yung tipong hindi ka na magdadalawang isip kung ano siya. What you see is what you get. Palaban at walang inuurungang bakla. Si Miley. Mikey ang totoo niyang pangalan pero ang gusto niyang itawag sa kaniya ay Miley. Siya lang naman ang kumakausap sa akin dahil siguro seatmates kami at wala na rin lang akong ibang pamimilian na kakaibiganin pa kundi siya. Isa pa, siya lang din naman ang kumakausap sa akin. Mas mabuti na iyon kaysa sa wala. May mga gusto nga akong mga kaibigan pero hindi naman ako pinapansin dahil siguro, mukha pa rin naman akong mahirap at hindi ko pa sila kayang sabayan sa mga pinag-uusapan nilang gadget, kikay kits, K-drama, mobile games at kung anu-ano pang mga usapin sa social media. Kung hindi nga lang dahil kay Mama Julia at Papa Zayn hindi siguro ako makakatuntong sa ganoong kagandang private school. May pinapakopya sa pisara ang aming teacher nang naglabas si Miley ng notebook niya. Dinaanan ko muna ng tingin ang cover ng kaniyang notebook ngunit parang kilala ko kung sino ang naroon. Naaalala ko kung sino yung ginunting niyang picture na iyon na idinikit niya sa cover ng kanyang notebook. Hindi ako maaring magkamali. Si Bradley. Hindi ko napigilan ang sarili kong kunin ang notebook ni Miley na nakapatong sa kaniyang arm chair. Tinitigan ang nasa litrato. Pilit kinikilala kung tama nga ba ang aking hinala. Taglay pa rin ni Brad ang kutis niya nang mga bata pa kami. Maputi. Ang kanyang mukha, iyon at iyon pa rin naman pero parang mas lumitaw na ngayon ang kanyang kaguwapuhan. May kakapalang kilay. Tamang tangos ng ilong, malusog na labi at malamlam na mga mata na sumasabay ito sa kanyang pagngiti. Huminga ako ng malalim. Sa edad kong labindalawang taong gulang, may kung anong bugso ng damdamin na ako noong naramdaman. Katulad ng bugsong naramdaman ko noon. Hindi ko lang masiguro kung ano talaga iyon. "Crush mo rin?" tanong ni Miley sa akin. "Crush? Anong crush? Hindi ah. Kilala ko 'to e." Napakunot ako ng noo. "Siyempre naman 'no” tumawa pa siya ng malakas. “Paanong hindi mo siya kilala e sumisikat na siya ngayon kahit halos isang buwan ko pa lang siya napapanood ay kinikilig na ako sa kaniya.” “Talaga?” napakunot ang noo ko. “Hindi mo alam? My gosh! Naku, kokonti pa nga lang ang exposure niya sa TV pero alam ko, sisikat din siya balang araw. Tandaan mo 'yan. Magiging President ako ng fans club niya." Kinikilig niyang kinuha ang notebook niya sa akin saka niya ito hinalikan. "Artista na ba siya?" "Te, may TV ba kayo? Kaloka ka." "May TV kami pero hindi ako pinapayagan nina Papa na magbabad sa harap ng TV para manood. Gusto nila unahin ko ang pagre-review ko dati para sa aking acceleration pero ngayong pumasa na ako baka pwede na ako uling magbabad sa panonood.” “Simulan mo na mamayang hapon na panoorin siya.” “Sure na ‘yan kasi may oras na akong manood ngayon. Anong channel siya at anong oras ang kanilang TV Show?" "Kapamilya ka ba?” “Kapamilya? Chanel 2 di ba?” “Oo, my gosh! Saang lumapalop ka ba ng mundo galing?” “’To naman, nagtatanong lang e.” “Mga tanong mo kasi pang pre-historic era pa. Basta ha, tuwing hapon ng Linggo, abangan mo siya. Naku kinikilig ako kahit nahahagip lang siya ng camera. Hinihimatay na lang ako." at nagmukha siyang hinimitay sa upuan niya! Natawa ako sa hitsura niyang parang palakang naplakda! "Artista na pala siya?"Akala ko hindi malakas ang pagkakasabi ko iyon at dahil narinig ni Miley ay hindi nakaligtas sa pagiging madaldal niya. "Makapagsalita ka naman parang may nakaraan. Close kayo, te? Ewan ko sa'yo ha. Iba ang pakiramdam ko sa'yo. May something sa’yo na di ko gusto. Hmmnn..mukhang magiging karibal pa yata kita sa crush ko." Bumunot ako ng malalim na hininga. Kinuha ko ang notebook ko. Magsusulat na sana ako pero muling naglakbay ang aking alaala. Yung sinasabi ni Miley na close, Totoo yun. Kilala ko siya. Hindi man maniniwala sa akin si Miley pero Grade 2, walong taong gulang ako nang unang nagkrus ang aming landas. Maaga kami noong pinauwi ng aming teacher at hinihintay ko si Nanay sa tapat ng simbahan. Doon kasi kami madalas magkita dahil doon din naman siya nagtitinda ng sampaguita at kandila. Dahil naiinip akong naghihintay sa gilid ng daan kaya nagpaikot-ikot ako sa isang poste ng ilaw sa katapat ng simbahan na park at harap ng city hall ng Imus. Nagulat na lang ako nang may batang tumatakbo hawak ang nakasupot na banana cue at tokneneng. Nang nakatapat na sa akin ay mabilis siyang nagtago sa mayabong na halamanan. Sumenyas siya sa akin na huwag akong maingay sa pamamagitan ng paglagay niya ng hintuturo niya sa gitna ng kaniyang labi. Nagtaka ako. Ilang sandali pa ay may sumunod na tumatakbong humihingal na tinderang matabang babae. Huminto siya sa tabi ko na hinahabol niya ang kaniyang paghinga. Hinawakan pa niya ang kaniyang dibdib. "Neng, may nakita ka bang dumaan dito na may hawak na nakasupot na banana cue at tokneneng?” Napalunok ako, hindi ko yata kayang magsinungaling lalo pa’t nasa tapat lang ako ng simbahan. Baka nakita mo neng, nakaputi siya maruming sando at itim na butas-butas na short." "Nakita ko nga ho. Tumakbo papunta ho sa ro’n." Itinuro ko ang bahaging kaliwa para mailigaw ko lang ang tindera. "Naku nakalayo na yata. Akala ko kasi may pera.” “Bakit ho?” usisa ko. Sa kanya kasi kami madalas bumili ni Nanay ng miryenda. Masungit na matanda at maduga kung magbenta kaya naman di ko rin siya gusto. “Nang inabot ko ang binibili niya saka siya kumaripas ng takbo. Naku naman! Kahit bata ngayon hindi na pala talaga mapagkatiwalaan." Nanggigil ang matabang babae. "Makabalik na nga lang. Buwisit na buhay 'to! Kakapiranggot na nga lang ang kikitain pagnanakawan ka pa!" Nang nakaalis na ang babae ay nilingon ko ang bata. Sinesenyasan niya ako para lumapit sa kaniya. Nagdadalawang isip ako para lapitan siya. Sabi kasi ni Nanay, mag-ingat ako sa mga batang kalye dahil marami raw sa kanila ang masasamang loob. Dahil sa nakita kong ginawa niya, sigurado akong isa nga siya sa mga masasamang loob na sinasabi ni Nanay. "Hoy bata. 'Lika rito." Binawi ko ang tingin ko sa bata. Minabuti kong ibalik sa gate ng simbahan ang aking paningin, umaasang parating na si Nanay. Kinamot ko ang tainga ko saka naglakad palayo doon sa tinaguan ng batang magnanakaw. Minabuti kong umupo na muna sa sementadong upuan sa park at binuklat ko ang libro ko sa Filipino. Alam din naman ni Nanay na kung wala ako sa gate ng simabahan na naghihintay, maari niya akong puntahan sa park na nakaupo. Pagkabuklat ko pa lamang sa aking libro ay may umupo na sa tabi ko.   "Gusto mo?" alok niya sa akin sa hawak niyang nakasupot na banana cue. Hawak ng isang kamay niya ang tokneneng. Halos hindi ko maintindihan ang sinabi niya dahil puno ang bunganga niya ng isang buong saging. Tinignan ko siya. "Hindi ako kumakain ng nakaw." Maikli kong sagot. "Yabang mo naman. Porke nag-aaral ka lang. Saka ako naman ang nagnakaw di naman ikaw.” “Di ako mayabang.” “Sige na, kumuha ka na ne’to. Hindi naman na nakaw iyon kapag sa akin mo kinuha. Bigay ko na iyon sa'yo. Bayad ko lang sa tulong mo kanina sa akin." "Nakaw pa rin 'yan." Sagot ko. Inilagay niya sa pagitan namin ang supot na naglalaman ng tokneneng. Kumuha siya ng isang stick ng banana cue. "Bakit nga pala hindi mo ako itinuro kanina?” “Wala lang.” inirapan ko siya. “Salamat ha." Ngumunguya siya. Di pa niya nalulunok ang nginunguya ay kumagat na naman siya sa hawak niyang banana cue. "Sarap hmnmn! Sarap talaga!" ipinakita niya sa akin kung gaano siya sarap na sarap sa pagnguya sa banana cue. Napalunok ako. Bigla akong nagutom. "Heto pa pala, may tokneneng pa ako!" Sumubo siya ng isang tokneneng at kinamot niya ang kaniyang leeg. Nakatingin siya sa akin habang ngumunguya. Sarap na sarap siya. Di ko napigilan ang muling mapalunok. "Gusto mo?” Sinimangutan ko uli. “Sige na. Huwag ka nang mahiya." Idinaan niya ang isang tusok ng banana cue malapit sa ilong ko. Naamoy ko ang aroma nito. Tumunog na ang tiyan ko. Kanina pa ako gutum na gutom dahil sampung piso lang ang baon ko araw-araw. Kulang na kulang pa na pangkain ko sa umaga. Nagbabaon na ako ng kanin para sa tanghalian ko. Mula tanghalian hanggang hapon ay wala na akong kinain kundi uminom na lang ng tubig. Naglabas siya ng isa na namang tokneneng sa supot. Ipinakita niya sa akin ang kaniyang pagsubo. "Kuha ka na kasi." Iniabot niya sa akin ang supot na may tokneneng. "Hindi ako gutom." Sagot ko. Pero pagkasabi ko palang doon ay muli na namang tumunog ang sikmura ko. Nagkatinginan kami. “Hindi raw gutom ah.” Binuking pa ako ng sikmura ko. Kanina pa ako naglalaway lalo pa't bumubukol na ang kaniyang bunganga sa dami ng kaniyang isinusubo. Ang tingin niya ay naging ngiti haggang sa napatawa siya sa akin. "Oh! Hayan, pagbigyan mo ng sikmura mo. Sabi sa akin ni Nanay kapag daw di ka kumain mabutas ang tiyan mo kasi kung wala ng tutunawin ang tiyan mo, isunod niyang tunawin ang mga bituka mo. Ikaw din, baka mabutas ang tiyan mo at kung butas na iyan sigurado akong kapag kumain ka o uminom didiretso na agad sa puwit mo." "Ganun ba 'yun?" dahil sa ako’y mas bata sa kanya kaya madali lang niya akong napaniwala. "Oo no. Saka yung tunog na ganon ng sikmura mo kanina, ibig sabihin daw no'n nag-uumpisa ng binubutas ang tiyan mo kaya may tunog. Sige na, dami nito oh, di ko maubos." Tumingin ako sa kaniya saka ko tinignan ang pagkaing iniaabot niya sa akin. Napalunok ako. Muli ko siyang tinignan. Nakangiti siya. Ngumiti na rin ako saka ko kinuha sa kamay niya ang pagkain. Bago ko isinubo ay muli kaming nagkatinginan. Hanggang sa sabay na kaming kumagat sa hawak-hawak naming banana cue. "Sarap 'no?" kinindatan niya ako. "Oo nga. Sarap!" sagot ko.   "Shantel, ano ba? Mangopya ka na kaya!” siniko ako ni Miley. Bumalik ako sa aking katinuan. “Kokopya nga pala.” Bulong ko. “Para kang sira diyan. Ano bang tinitingala mo sa kisame? Nasa harap ang kinokopya natin hindi diyan sa taas. Pangiti-ngiti ka pa. Kopya na, mamaya buburahin na yung nakasulat sa pisara. Di mo pa nasisimulan magsulat oh." Tinignan ni Miley ang notebook kong wala pang naisulat kahit isang salita. Siniko niya ako. Nahulog ang ballpen na hawak ko. "Anong pangalan niya ngayon?" tanong ko. "Sino?" "Siya. Yung nasa cover ng notebook mo." Tumingin siya sa akin. "Hmnnnn..."Lumiit ang mga mata niya. Nilapit niya ang kaniyang bibig sa tainga ko. "Umamin ka sa akin girl, crush mo rin siya ‘no?" "Tinatanong ko lang ang pangalan crush na agad? Kababata ko nga 'yan kaya lang Bradly ang alam kong pangalan niya." " Bradly? E, Brad Santiago nga ang buo niyang pangalan. Naku! Totoo? Kilala mo siya? Shantel ha, kung maalala ka niya at magkita kayo, pakikilala mo rin ako ha." "Pakilala agad e, di nga ako sigurado kung siya 'yan." "Mikey at Shantel! Mangongopya kayo o magtsismisan!" puna ng teacher namin. Sabay kaming yumuko at nagkunyaring abala sa pangongopya. Nang di na nakatingin ang teacher namin sa amin ay saka kami nagkatinginan at humagikhik ng mahina. Kinahapunan si Papa Zayn ang sumundo sa akin. "Kumusta ang unang araw ng maganda naming Grade 6?” "Okey lang po.” “May friends ka na ba?" “Meron ho. Si Miley po." Sagot ko. "Miley, mabait ba, maganda, singtalino mo?" “Mabait ho saka matalino. Maganda sana kung babae siya.” "Paanong maganda sana kung babae siya?" “Lalaki po kasi siya, Pa.” " Miley pero lalaki? Kakaibang pangalan. Sige, ipakilala mo na lang sa amin ng mama mo. Imbitahan mo siya sa bahay." "Opo. Sasabihan ko po siya." Hindi ko na sinabing bakla ang kaibigan ko. Hindi naman na siguro mahalaga pa iyon kina Mama at Papa lalo na alam ko naman na walang isyu sa kanila ang pagkatao ng ibang tao. Basta may mabuting puso, okey lang sa kanila kahit ano pa bakla o tomboy ang kaibigan ko. "Pa, puwede ako mag-internet mamaya pag-uwi ko sa bahay? Kailangan ko lang kasing magresearch." "Sige ba, aalis naman ako agad. Sunduin ko ang Mama mo at nagpapasama para dalawin ang ang Mommy at Tita Claire mo. Basta alam mo na kung ano muna ang bawal sa'yo sa internet ha?" "Opo" sagot ko.   Pagdating sa bahay ay kumuha lang ako ng sandwich sa kusina at dumiretso na ako sa study room. Wala rin si Kuya Cedrick at lola kaya si Manang lang ang kasama ko sa bahay. Pagka-open ko sa internet explorer ay agad kong ini-enter ang pangalang Brad Santiago sa search box ng Google saka ko sinelect ang images. Lumabas ang mga picture ni Brad. Huminga ako ng malalim. Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Nahiwagaan ako kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Hindi kaya? Pero ayaw kong isipin. Sa tagal na hindi kami nagkita ay maaring namimiss ko lang siya. Nag log-in ako sa aking f******k. May pending friend invitation, si Miley. In-accept ko na muna ang friend request niya saka ako ini-enter muli ang pangalan ni Brad Santiago sa Search Box ng f******k. Lumabas ang napakaraming Brad Santiago. Naguluhan ako. Hindi ko alam kung alin doon ang totoo. May nakita akong Fan page niya. Ni-like ko iyon. Napangiti ako. si Miley ang napakaraming post sa wall ni Brad. Napaisip ako, nababasa niya kaya ang mga messages namin at post sa wall niya. May higit sampung libo na ang likers sa fanpage niya. Sa sampung libong iyon, kung magmessage kaya ako mapapansin pa kaya niya ako? Maalala niya kaya ako? Siya nga ba talaga ang kababata ko? Huminga ako ng malalim. Nagprint ako ng limang pictures niya, hindi ko alam kung bakit kasi mga h***d ang karamihan niyang pics. Walng pang-itaas at ilan naka-brief lang. Pagkatapos ko iyong ma-print ay pumasok na ako sa kuwarto ko. Idinikit ko ang isang cute na picture niya sa dinding ng kuwarto ko habang pinagmamasdan siya. Bakit naging ganito ang nararamdaman ko sa kaniya? Gustong-gusto kong pagmasdan ang kaniyang mukha. Ang kaniyang ngiti. Muli akong dinala ng ngiti na iyon sa nakaraan.   "Kuha ka pa nitong tokneneng. Sige na. Ubusin natin. Bukas dagdagan ko pa para mas mabusog tayo.” “Magnanakaw ka uli?” “Eh, wala akong pambili e. Sandali, anong pangalan mo?" tanong niya sa akin habang puno pa ng itlog ang kaniyang bibig. " Shantel." Maikli kong sagot. Kumuha ako ng tokneneng. "Ako si Bradly. Brad na lang. Paano tropa na tayo ha!” “Tropa, okey ka lang e babae ako.” Isinubo ko ang tokneneng. “Babae ka ba?” natawa siya. “Nakapalda kaya ako.” “Joke lang. Ano naman kung babae ka. Lalaki naman ako. Malay mo di ba? Tayo rin sa huli.” Namula ako. Hindi ko napaghandaan ang tirada niyang iyon. “Joke lang uli, ito naman. Ang bata bata pa kaya natin.” Ngumiti ako. “Dito ka lang ba tumatambay?” Tumango ako. “Dito ko hinihintay si Nanay. Nagtitinda kasi siya diyan sa simbahan.” “Dito rin ako natambay e. Bago lang kasi ako rito. Sa Manila kami dati kaso mahirap ang buhay doon kaya umuwi kami ng Mama ko rito sa Imus pero mahirap din pala ang buhay dito.” Nilunok niya ang nginguya niyang itlog. “Nakikitira kami sa kamag-anak ni Mama ngayon kaso walang-wala rin sila.” Pagpapatuloy niya. “Dahil walang pakialam dati si Mama kung may makakain ako o wala kaya dumidiskarte na lang ako ng sarili ko para mabuhay. Hanggang nagkasakit siya, namatay.” Kumuha siya ng tokneneng. “Lalo na akong mag-isa at wala rin naman pakialam ang mga kamag-anak niya sa akin. Kaya heto, palaboy lang.” isinubo niya ang hawak niyang tokneneng. “E, ikaw?" "Ako?” “Oo, di naman pwedeng ako lang nagkukuwento aba.” “Doon kami sa may parang squatter nakatira malapit dito. Hinihintay ko si Nanay dito para sunduin niya ako. Wala ka bang Tatay?" tanong ko. "May papa ako kaso ayaw daw niyang pangatawanan si Mama. May ibang pamilya daw kasi yung papa ko at naging katulong lang daw nila si Mama. Ewan ko kung totoo na artista daw ang papa ko. Kung artista siya di ko naman kilala. E, ikaw may Tatay ka?"   "Oo meron." Natigilan ako. Mahigpit na bilin kasi ni Nanay at Tatay na di ako magsasalita ng kahit ano tungkol sa amin. Hindi dahil batang snatcher o magnanakaw ang kaharap ko at nakikipagkaibigan siya sa akin ay aaminin kong d**g p****r at user ang Tatay ko. Delikado daw dahil sa tokhang. Kung anong tokhang di ko naman maintindihan kaya para mas sigurado, di ko na lang din ikukuwento ang buhay namin katulad ng pagkukuwento niya sa akin. "Buti pa ikaw no, nag-aaral, ako ito, palaboy. Dapat Grade 5 na ako ngayon e. Walang pampaaral si Mama sa akin kaya huminto ako. Ta’s ‘yon namatay pa kaya lalong di na ako makakatapos pa. Anong grade mo na?" "Grade 2." Sagot ko. "Mas matanda pala ako sa'yo ng tatlong taon. Wala pa akong kabigan dito. Tayo na lang ang magtropa ha? Hihintayin kita rito araw-araw para may kasama akong maglaro. Okey lang ba? Sagot ko na ang miryenda natin."   "Masama daw ang magnakaw. Okey lang naman na maglaro tayo. Itigil mo na lang yung pagnanakaw mo. Baka mahuli ka pa e." "Laking Maynila 'to kaya huwag kang matakot.” “Bakit kapag ba porke laki Maynila ayos lang magnakaw?” “Di naman sa gano’n. Mas maliksi lang. Sabi nga ni Mama sa akin, matakot ka kung mamatay ka sa gutom. Wala naman akong aasahan kung di ko gagawin ito. Hindi ako makakakain kung di ako didiskarte.” “Di ka ba pinapakain sa inyo?” “Ako papakainin?” Isinubo niya yung tokneneng. “Yung mga kamag-anak ni Mama, grabe kung magtago ng pagkain nila. Buti pa nga yung aso nila nababatuhan nila ng buto, ako na kamag-anak nila wala." Nangilid ang luha niya. Nakaramdam ako ng pagkaawa. Walang-wala rin naman ako kagaya niya kaya wala rin akong alam na itulong lalo pa't bata rin lang kaming dalawa. Sasagot pa sana ako nang makita kong padating na si Nanay. "Paano bukas na lang? Andiyan na si Nanay, e." Tumayo ako at naglakad na palayo. Bago ako tuluyang nakalayo ay nilingon ko siya. Kumindat siya sa akin. Ngumiti ako.   Kinabukasan ay hinintay ko na naman si Nanay sa gilid ng daan sa may tapat ng simbahan. Malayo palang ay nakita ko na ang mga kaklase kong laging nagbu-bully sa akin. Sina Cythia. Si Cytnthia ay ang mataba at matangkad na repeater kong kaklase. Mukha kasi siyang lalaki kaya nga tinutukso rin siyang tomboy. Dahil sa katangian niyag iyon kaya marami siyang alagad. Tinatawag nila akong kambing o kaya kalabaw. Dahil galing pa ako ng tabi ng ilog kung saan naroon ang aming barung-barong kaya madalas putikan ako pagdating ko sa aming school kung tag-ulan. Kadalasan din dahon ng gulay at kanin lang ang ipinapabaon sa akin ni Nanay. Iyon lang kasi ang kaya niyang bilhin sa talipapa malapit sa amin. Minsan ay inagaw ni Cynthia ang bag ko at pinagpasa-pasahan nila. Natapon ang laman ng bag ko kasama ng baunan ko. Kumalat sa sahig ang laman nitong kanin at kangkong kong ulam. Napaiyak ako noon, hindi dahil sa wala na akong kakainin kundi dahil sa pang-aalipustang ginawa nila sa akin. Pinagtatawanan nila ako dahil sa aking kahirapan. Ngunit hindi ako lumaban. Kahit anong ginagawa nila sa akin, ayaw kong lumaban. Umiiwas na lang ako. Ano naman ang laban ng isang patpating babae sa mga malulusog at matatangkad na mga tomboy-tomboyan kong mga kaklase?   Noong Grade 1 kasi ako, sinubukan kong lumaban pero pinagkaisahan nila ako. Wala akong kakampi. Madami sila, mag-isa lang ako. Kaya tinitiis ko na lang kung anuman ang ginagawa nila sa akin. Umiiwas ako kung kaya kong umiwas. At alam kong kapag makita nila ako ngayon, siguradong kakantihin na naman nila ako. Magtatago sana ako sa likod ng malagong halaman ngunit nakita na ako ni Cynthia. Nagtatawanan silang lumapit sa akin. Buo na ang loob kong lumaban. Naturuan na ako ng Kuya Zayn ko na nagbabakasyon lang no’n sa bahay. Pinsan ko si Papa Zayn, kuya ang tawag ko sa kanya pero noong legally adopted na nila kami ng isa ko pang pinsan na si Kuya Cedrick, Papa na ang tawag namin sa kanya. Grade 1 kasi ako nang umuwi akong maraming galos at punit-punit ang uniform ko. Sinabi ko kay Kuya Zayn ang nangyari sa akin. “Tang-ina hinayaan mo lang na ganyanin ka?” galit ang Kuya Zayn ko noon. Mabait ang Kuya ko sa akin noon kapag nauwi sa amin at nag-aaral pa siya ng kolehiyo sa isang sikat na Univesity. “Kahit pala babae ay hindi na rin nakaliligtas sa pambubully. Huwag kang ngang umiyak. Makita ka pa ng Tatay mo baka ikaw ang mapagbalingan niya.” “Ayaw ko nang mag-aral.” “Anong hindi mag-aral? Hindi pwede laging ganyan. Dapat lumaban ka.” “Paano ako lalaban e ang lalakas nila?” “Turuan kita. Maganda sa babae yung may alam kung paano niya ipagtanggol ang sarili. May kilala kasi akong gano’n na babae. Kaya mahal na mahal ko ‘yon e. Gusto mo bang matuto?” “Sige Kuya. Gusto ko.” At iyon ang naging bonding namin noon ni Kuya Zayn sa hapon. Naiinis naman si Nanay kung nakikita niya kami. Gusto ko lang noon matuto para makaganti kay Cynthia at dumating na nga yung pagkakataong iyon.   "Nandito pala si kambing! Oh ano, daming d**o diyan oh! Kumain ka na muna! Tabi!" sabay tulak sa akin ni Cynthia. Pinaghandaan ko na ang tulak niyang iyon. Hindi ako natinag. "Lumalaban oh! Lalaban ka!" singhal niya sa akin. Nagtawanan ang tatlong kasama niya. Hindi ako sumagot. Sa araw na iyon ay punum-puno na ako sa pang-alipusta nila sa akin. Muli niya akong itinulak. Ngunit bago niya gawin iyon ay ubod lakas ko na rin siyang itinulak. Hindi niya iyon napaghandaan kaya siya ang napaupong sumadsad sa damuhan. Mabilis siyang tumayo. Inambaan ako ng suntok ngunit mabilis akong umilag saka ko siya mabilis na sinipa sa tagiliran. Lumapit ang isa sa kanila habang pumuwesto na rin ang dalawa pa. Hinarap ko sila ng buong tapang. Malikot ang aking mga mata. Sinuntok ako ng isa ngunit dumaplis iyon at pumasok ang isinabay kong suntok sa kaniyang sikmura. Kinuha ni Cynthia ang pagkakataong iyon para makatayo. Mabilis ang dalawang hawakan ako sa magkabilang braso. Galit na galit si Cynthia na humarap sa akin. Inambaan ako ng sampal sa mukha. Bago dumapo ang sampal  ay isang malakas na sipa ang aking pinakawalan ngunit hindi siya tinamaan. Mabilis na tumayo ang pangatlo at pinilipit nila ang kamay ko patalikod. Sinabunutan din ako ng isa pa. Wala na akong magawa kundi hintayin ang p********l at pananabunot nila sa akin. Nang itinaas na ni Cynthia ang kaniyang palad para sampalin ako sa mukha ay napapikit ako. Paniguradong bugbog-sarado na naman akong uuwi mamaya. Nagdasal na lang ako na sana darating si Nanay o kaya mapadaan si Kuya. Ngunit mukhang malabo, mukhang mapupuruhan na naman ako.  Ngunit hindi iyon dumapo. May kalabog akong narinig. Pagbukas ko ng aking mga mata ay nakita ko siya, ang aking knight in shining armour.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.9K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
563.1K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
505.6K
bc

My Godfather My husband

read
269.8K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook