Story By Joemar Ancheta (Pinagpala)
author-avatar

Joemar Ancheta (Pinagpala)

ABOUTquote
Ang aking mga nobela ang sumasalamin sa lahat ng uri ng pag-ibig. Ang mga ito ang nagsasatao sa tunay na pintig ng bawat puso. Samahan akong kilalanin ang buhay pag-ibig ng mga tauhang binuhay ng aking imahinasyon. Ang mga nobela ko ang magpapatunay na hindi lahat ng kuwentong LGBT ay tungkol lang sa kamunduhan. Ang mga BxG na aking mga nilikha ang siyang magbubukas sa iyong kamalayan sa iba\'t ibang uri ng pagmamahal. Lahat ng aking akda ay mag-iiwan ng aral at salamin ng tunay na pinagdadaanan ng bawat isa sa atin..
bc
THE HUSBAND OF AN OBSESSED MAFIA BOSS
Updated at Sep 3, 2023, 04:54
#SUMMER UPDATE PROGRAM Naghintay si Angelo sa pagbabalik ni Alyana ngunit hindi na ito nagpakita mula nang lumuwas para hanapin ang bilyonaryong ama. Ilang taon na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nagpapakita ang dalaga. Napagod si Angelo sa kahihintay. Nawalan ng pag-asa. Hanggang isang araw, may natagpuan si Angelo na duguan at sugatang babae sa dalampasigan. Tinulungan at inalagaan niya ang babae hanggang sa bumuti ang kalagayan nito. sa katagalan, natutunan nilang mahalin ang isa’t isa kahit pa walang maalala si Vivian kung sino talaga siya. Hanggang sa nalaman na lamang nila sa balita sa TV na si Vivian ay isa palang bilyonaryong nawawala ng ilang buwan na. Bumalik si Vivian sa kanila. Bumalik ang kanyang alaala. Alam niya at sigurado siyang wala siyang asawa. Binalikan niya si Angelo. Ikinasal. Ngunit kung kailan nakatali na si Angelo, saka niya nahanap si Alyana. Si Alyana na ikinulong at ipinapatay ni Vivian. Si Vivian ay half-sister pala ni Alyana at ipinapatay niya ito dahil sa hatian ng kayamanan at dahil mas pinipili ng mafia group na si Alyana ang mas bagay maging Mafia boss. Maililigtas kaya ni Alyana si Angelo na susunod na biktima ni Vivian? Makakayanan ba nilang labanan ang isang bilyonaryang maraming tauhan?
like
bc
LADY MAFIA BOSS ABDUCTS THE HOT CEO
Updated at Jul 21, 2023, 04:42
MY DANGEROUS LOVERS ENTRY Kilalang mahirap ngunit matalino at seryoso sa pag-aaral si Fay habang si Axel ay anak ng bilyonaryo na playboy ngunit matalino rin naman. Nagpustahan ang mga kaibigan ni Axel na dapat mapasagot niya ang dalaga sa loob ng isang buwan. Kaya lang, hindi alam ng binata na lahat ng sinaktan niyang babae, nagtulung-tulong para pagandahin si Fay at paibigin ito ng husto saka niya ito iiwan. Sino ang mananalo sa sugal ng pag-ibig? Ang lalaking bihasa magpa-ibig o ang babaeng walang alam sa pag-ibig? Ngunit hindi doon natatapos ang lahat. Ang nawawalang ama pala ni Fay ay isang Mafia Boss. Dahil sa siya ay solong anak lamang, siya ang inihandang maging Mafia Boss kasama ang kanyang boyfriend na si Gino. Si Axel naman ay tuluyang naging CEO sa kanilang kumpanya. Nang minsang kinausap ng grupo ni Gino ang may-ari ng kanilang puntiryang kumpanya na si Axel, hindi ito pumayag sa kagustuhan nilang maging business partner. Iniutos ni Gino na kidnapin ni Fay ang binata at doon nagtagpo ang landas ng dalawa. Hindi magawang kidnapin ni Fay si Axel dahil mahal pa rin niya ang binata. Saan sila dadalhin ng kanilang laro? Ano ang kaya nilang isugal mapanindigan lang ang pagmamahal nila sa isa’t isa laban sa mga mga dating kasamahang Mafia ni Fay?
like
bc
MOTHER'S REVENGE
Updated at Jun 27, 2023, 03:39
BLURB Buong akala ni Debbie, mananatili na lang siyang ulirang asawa at mapagmahal na ina. Nasanay na siya sa bahay at bilang nasa kuwarenta na, ang tanging hangad na lamang niya ay mapalapit sila ng panganay niyang anak na hindi niya naalagaan noong isa pa siyang secret assassin. Siya rin ang sinisisi sa pagkamatay ng lola at lolo niyang nag-alaga noon sa kanya. Dahil tumatanda na, tinalikuran niya ang trabahong iyon para sa kanyang pamilya. Kung kailan masaya na at tahimik na silang namumuhay, saka naman dumating ang karumal-dumal na pangyayari sa kanyang pamilya. Pinatay ang asawa niya, hinalay ang kanyang panganay na anak. Himalang nabuhay ang anak na si Ava at siya ang nagsabi sa ina kung sino ang mga salarin. Binalikan ni Debbie ang tumarantado sa kanyang pamilya kahit pa sabihing tumatanda na siya. Inisa-isa niyang binalikan at pinatay ang lahat hanggang sa nalaman niya ang buong katotohanan tungkol sa utak ng lahat. Paano niya kakayaning patayin ang isang boss ng isang malaking Mafia na mag-isa? Magtatagumpay kaya siya sa kanyang paghihiganti?
like
bc
The Pretentious Maid
Updated at Apr 21, 2023, 06:07
PALIGSAHAN SA YUGTO #towritingcontestGirlPowerTobeaCEO Paligsahan sa yugto_GIRL POWER - TO BE A CEO May maganda bang naidudulot ang pagpapanggap? Karamihan sa mga kuwentong nahabi na, ang Bilyonaryo ang nagpapanggap na mahirap. Pero dito sa kuwentong ito, isang katulong ang nagpapanggap na mayaman. Kailangang panindigan ni Rose ang pagiging socialite gamit ang mga magagarbong damit ng amo niyang artista at modelo na si Kai. Ngunit hanggang kailan mapaninindigan ni Rose ito? Ngayon na mahal na rin siya ng bilyonaryong si Zeke, saka naman nabunyag ang lahat. Dahil sa pangyayaring iyon, ginantihan ni Zeke si Rose. Niligawan niya at napasagot ang artistang amo ni Kai at lahat ng iyon ay nasasaksihan ng nasasaktang si Rose. Paglalayuin sila ng magkaiba nilang mundo at ang pagpapanggap na iyon ni Rose noon ang lalong nagpagulo sa dapat ay nauwi sa mabuting ugnayan. Ano ang gagawin ni Rose na isang katulong para pagkatiwalaan pa siya ng isang bilyonaryong si Zeke? Kaya bang buhayin ng pagmamahal ang kawalan ng tiwala?
like
bc
THE ABUSED WIFE'S REVENGE
Updated at Feb 28, 2023, 18:14
PALIGSAHAN SA YUGTO #towritingcontestGirlPower GIRL POWER - THE REJECTED GIRL REVENGE Bago ikasal ang bilyonaryong negosyante ay napagkatuwaan bumili sila ng birheng ialay sa kanya. Isang mahirap na babae ang birhen na naghahanap rin ng mayamang lalaking aahon sa kanya sa kahirapan. Ang one night stand na \'yon sa Bachelor\'s Party ang sumira sa kasal ng dalawang business tycoon. Ang babaeng alay ang biglang naging asawa ng bilyonaryo dahil sa kalasingan. Legal ang nabgyaring kasal nila sa Siargao. Hindi pumapayag si Nadia, ang babaeng binayaran na mapawalang-bisa ang kasal. Natatakot si Enrique para kay Nadia. Alam niyang kapag babalikan sila ni Kate na siya niya sanang pakakasalan na gano\'n na lang iyon. Ilalaban ni Kate si Enrique nang p*****n. Para sumuko si Nadia at iwan siya nito, nagawang saktan at pahirapan ni Enrique. Naging abused at battered wife si Nadia. Nasaktan nang iniwan na lang siya basta ni Enrique at magpakasal sa dati nitong kasintahan. Kailangan ni Nadia na ipaglaban ang kanyang karapatan bilang unang asawa. Kailangan niyang maghiganti sa p*******t at pang-aabuso sa kanyang kahinaan. Anong kayang gawin ng kagaya ni Nadia na mahirap lang para labanan ang kagaya nina Enrique at Kate na kapwa bilyonaryo at maimpluwensiya?
like
bc
IMPOSTOR (COMPLETED)
Updated at Jan 14, 2023, 00:28
Matagal na naghintay si Carl sa pagdating ng right guy. May dumating at bumabalik. Ang bumalik ay ang ex niyang si Francis na bigla na lang naglaho kung kailan mahal na mahal na niya ito at ang dumating ay si E-jay na aksidenteng nakita at nakausap sa airport na matagal na niyang pinangarap na makitang muli. Kung kailan nasa harap na niya ang dalawang lalaki na pinangarap niya, saka naman niya natuklasan na ang mga misteryong bumabalot sa pagkatao ng dalawa. Sino ba sa kanila ang impostor? Sino ang nagsasabi ng totoo? Sino ang tunay na nagmamahal. Dumating si Vince na siyang tutulong kay Carl para mabigyang linaw ang karumaldumal na nakaraan. Nakaraang magiging susi sa pagliligtas sa kapahamakan ng tunay na nagmamahal sa kanya. Kailangan madakip ang isang hunyango at mailigtas ang totoo. Si Vince man din ay may hinahanap at hinahangad na hustisya. Ito ang nobelang gugulo sa inyong isip. Paninindigin nito ang inyong balahibo. Habang tinutunghayan at binabasa ang bawat pahina, sasabay ding dadami ang mga katanungang kailangan mong hanapan ng kasagutan. Hinding-hindi mo mabibitiwan dahil mula simula hanggang sa mga huling kabanata. Isang makapigil hiningang nobela na tumatalakay sa maling nagagawa ng pagiging possessive at kung ano ang kayang isakripisyo ng tunay na pag-ibig.
like
bc
ANG PAGHIHIGANTI NI MA'AM
Updated at Nov 29, 2022, 02:32
#Summer Update Programme #Summerupdateprogramme SI Gjiam ay isang gwapo at romantikong istudiyante ni Teacher Faith. Nagkamabutihan ang dalawa ngunit ginamit ng ama ni Gjiam ang pagkakataon para makapaghiganti sa ama ni Teacher Faith. Na-set up ang dalaga dahil kay Gjiam. Nakulong. Na-torture sa loob ng kulungan. Nahatulan siya kahit pa matibay naman ang mga ebidensiyang naipresnta sa husgado. Habang nakakulong, pinatay pa ng Daddy ni Gjiam ang kanyang Daddy. Alam niyang wala na siyang iba pang pwedeng gawin kundi ang magpakatatag at lumaban. Ngunit paano niya iyon gagawin? Nakakulong na siya. Wala siyang kalayaan at kakayanang mailigtas ang noon ay nasa panganib ding Mommy at bunso niyang kapatid na babae. Buo na ang loob niya, gagawin niya ang lahat, lalaban siya para makapaghiganti sa mga taong nang-api sa kanya.
like
bc
SINGSING NG LAGIM
Updated at Jul 21, 2022, 17:17
Ang pagmamahal ay sagrado. Iyan ang isang damdamin na hindi pinipilit, hindi hinihingi at lalong hindi rin inuutos. Kusa iyang naramdaman kusang ibinibigat. Kaya nga kahit gaano pa kayaman at kamapangyarihan si Jacko ay hindi niya nagawang paibigin si Isabella. Kahit pa gumamit siya ng itim na kapangyarihan sa tulong ng isang singsing ay hindi pa rin siya nagtagumpay. Iyon dahilan at pagsisimula ng mga trahedya sa bahay na iyon na minana pa ni Ava. Nangyari na ang trahedyang iyon sa Tito Diego niya, nakapatay na ito dahil sa itim na singsing at siya na ang susunod na biktima ng exboyfriend niyang si Elijah na suot na rin ang singsing na pag-aari ni Jacko. Si Jacko na ang nagmamay-ari sa katawan ni Elijah at ang katawan ni Ava ang kailangan ni Jacko para bumalik si Isabella. Kailangan ni Lucas at Ava na labanan ang itim na kapangyarihan ni Jacko. Kailangan nilang magtulungan para magapi ang sumpa sa singsing. Magtatagumpay kaya ang tunay na pag-ibig laban sa kasamaan? Matutulungan kaya nilang mapalaya ang matagal nang naghihirap at nakakulong na kaluluwa ng Lola niyang si Isabela?
like
bc
KARIBAL KO ANG DIYOS
Updated at Apr 2, 2022, 19:22
SPG Alert! Rated 18! Paano kung nagmahal ka ng isang pari at paano kung mahal ka rin ng paring iyon? Alin ang pipiliin, ang buhay kasama ang babaeng tanging minahal o ang paglilingkod sa Diyos. Hindi pwedeng dalawa, kailangan mamili si Matthew. Nagmahalan sila ni Rizza noong High School pa lang sila. Dala ng kahirapan at utang na loob, ikinasal si Rizza sa mayaman ngunit may sakit na si Bruce. Dahil nasaktan ng husto si Matthew, piniling ituloy ang pangarap sa kanya ng kanyang angkan na maging pari. Nang pari na siyang ganap, muling magku-krus ang landas nila ni Rizza. Mahal pa rin niya si Rizza at ni minsan hindi niya ito kinalimutan ngunit paano kung nakatali na siya sa kanyang bokasyon? Tatalikuran ba niya ang sumpa niya sa Diyos dahil sa kanyang pansariling kaligayahan?
like
bc
MURDERED MAFIA BOSS REVENGE
Updated at Feb 15, 2022, 18:21
WINNER: DREAME & YUGTO Most Potential Novella RISE FROM THE ASHES-URBAN-REALISTIC WORLD CONTEST Paano kung binigyan ka ng isang pagkakataong mabuhay muli para balikan ang mga pumatay sa'yo? Isa kang kilala Mafia Boss, mayaman, makapangyarihan ngunit dahil sa maling pagtitiwala sa isang tao, lahat nang iyon ay nawala kasama ng buhay mo. Bumalik ka sa lupa, ngunit sa katauhan na ng isang palaboy na bata na may inaalagaan pang dalawang musmos na kapatid. Kailangan mong maalala ang diskarte mo noon kung paano ka yumaman at naging isang maimpluwensiyang tao para muling maging makapangyarihan at mabawing muli ang estadong iniwan mo. Paano mo iyon gagawin sa gitna ng kahirapan? Paano ka makapaghihiganti sa pumatay sa'yo ngayong siya na ang pinakamakapangyarihan?
like
bc
THE BATTERED HUSBAND
Updated at Feb 8, 2022, 14:41
Hindi lang babae ang sinasaktan at naaabuso. May mga asawang lalaki rin ang dumadaan sa ganitong pananakit ng kanilang asawang babae. Ang kuwentong ito ang magbibigay mukha sa mga battered husband. Si Nathan ay isang gwapo, mabait, tahimik, palasunod at may takot sa kanyang asawa na si Andrea. Dahil may taglay na kahinaan at hindi nakatapos sap ag-aaral, si Andrea ang gumawa ng paraan para umangat ang kanilang buhay. Kasabay ng pagyaman ni Andrea ang pag-abuso niya sa kanyang asawa hanggang sa nawalan na siya ng gana rito at ipinagpalit kay Jake. Pinagtulungang saktan nina Andrea at Jake si Nathan. Itinapon sa pag-aakalang patay na ito. Ngunit gumaling si Nathan at binalikan si Andrea. Kailangan niyang makuha ang lahat ng kay Andrea. Magtatagumpay kaya ang isang mahinang si Nathan na gapiin ang mayaman nang si Andrea at Jake?
like
bc
THE CALL GIRL
Updated at Jan 28, 2022, 21:14
WARNING: RATED 18 SPG! SPG! Si Leigh ay maganda at nakapagtapos ng pag-aaral ngunit biktima ng illegal recruitment. Iba ang kanyang naging trabaho nang siya ay nasa ibang bansa na. Gustuhin man niyang umuwi ngunit hindi kaya at hindi pwede dahil sa kanya lang umaasa ang kanyang pamilya bukod pa sa pagkakautang na naiwan niya sa kanyang pangingibang bansa. Hindi naging madali ang kanyang buhay. Pinagsamantalahan siya sa kanyang trabaho. Ilang gabing iniyakan niya iyon ngunit kailangan niyang lakasan ang loob. Binaboy na rin lang naman niya ang kanyang katawan, ano pang silbi na magmalinis siya. Naisip niyang gamitin na rin lang ito para pagkakitaan. Mas mabilis siyang makaipon ng malaki, mas may kakayanan siyang umuwi na agad sa Pilipinas. Muling nag-krus ang landas nila ni Klein. Si Klein na nangakong maghahango sa kanya mula sa putik. Ibibigay ni Klein ang kinikita niya sa pagpuputa ng isang buwan tumigil lang siya sa pagpapagamit sa kanyang katawan sa kung sinu-sinong Pinoy. Si Klein na hindi niya kayang mahalin noon pa. Si Klein na handang gawin ang lahat para sa kanya? Matututunan niya kayang mahalin ang lalaking itinuring na lang niyang customer?
like
bc
BEAUTY AND THE BULLY
Updated at Jan 19, 2022, 03:45
Yugto Writing Contest- All The Young- In love with the demon Biktima ni Zack si Zoe sa pagiging bully niya noong elementary pa lang sila at hindi pa pansinin at hindi pa maganda ang huli. Nasaktan ng husto si Zoe sa pambu-bully sa kanya noon ni Zack. Ipinangako niya sa sarili niyang paghahandaan niya ang kanilang muling pagkikita at lalabanan niya ito. Nagkrus ang kanilang landas. Naging matino nang mag-aaral si Zack ngunit lider pa rin siya ng isang fraternity na patuloy na nambu-bully. Nilabanan ni Zoe ito. Sinikap niyang pabagsakin si Zack sa campus mula sa pagiging valedictorian hanggang sa Campus President. Lahat ay kaya niyang agawin kay Zack. Nabuo ang kompetisyon sa dalawa. Pero habang palalim nang palalim ang kanilang kompetisyon, nabuo ang pagtitinginang kapwa sila hirap na paglabanan. Patatalo ba sila sa kanilang nararamdaman o itutuloy nila ang laban hanggang sa dulo?
like
bc
THE NERDY MISFIT’S RETURN IN NOWHERE KINGDOM
Updated at Dec 31, 2021, 01:41
RISE FROM THE ASHES- FANTASY- MAGIC WORLD THEME ENTRY "Comments for bonus! click this book and leave your ideas or suggestions, you may be offered 200 bonus!" Si Erron ay isang poor, nerd at misfit student ng isang exclusive private school. Ang tanging dahilan kung bakit siya napasama sa university ng mga mayayaman ay dahil sa kanyang kakaibang talino. Mahilig siya sa mga mobile games. Isang tingin lang niya, kaya na niyang gayahin ang lahat ng mga napapanood niya. May kakaiba siyang kapangyarihan na wala sa iba. Hanggang dumating ang 18th Birthday niya. Nabuksan ang lihim ng kanyang pagkatao. Pagkatapos niyang titigan ang litrato ng babae sa isang painting ay bigla siya nitong hinigop. Nasa ibang mundo na siya, kung saan siya ay itinuring na Prinsipe at nakatakdang bumawi sa kahariang inagaw sa kanila. Pangungunahan niya ang paghihiganti. Ibabalik niya ang kaharian sa dati. Magtatagumpay kaya ang isang Nerd at Misfit sa kanyang adventure? Mababawi ba niya ang Reyna niyang ina at ama niyang Hari sa kahariang iyon?
like
bc
THE BULLY’S SERVANT
Updated at Dec 10, 2021, 02:21
Yugto Writing Contest- All The Young- Arrange Marriage with my Classmate Entry #yugtowritingcontest_alltheyoung_arrangemarriagewithmyclassmate Palasak ang buhay ni Kim. Laking iskwater na matalino at nakakuha ng scholarship sa isang exclusive private university. Dahil siya ang bread winner, kailangan niyang kumita ng pera para mabuhay ang buong pamilya. Kumatok ang isang magandang pagkakataon, ang maging yaya. Hindi sa isang bata kundi sa kaedad at kaklase niyang kilalang bully. Magtatagisan ang dalawa kung sino ang susuko hanggang dulo. Ngunit hindi ang kagaya ni Kim ang basta-basta sumusuko. Kailangan niyang ipaglaban ang kanyang trabaho hanggang sa pati na rin ang kanyang pagmamahal sa mismo niyang amo.
like
bc
ANG PAGMAMAHAL NI ADAN KAY ADONIS
Updated at Dec 2, 2021, 18:59
Paano kung maha mo ang bestfriend mong straight? Paano kung hindi ka niya kayang mahalin? Paano kung siya lang ang alam mong magpapaligaya sa'yo? Ilalaban mo ba o hahayaan na lang siya kung saan siya sasaya?
like
bc
NOT A TYPICAL OTHER WOMAN
Updated at Nov 29, 2021, 18:06
Ano nga ba ang kayang isakripisyo ng tunay na pagmamahal? Kaya ba nating ibuwis ang ating buhay kahit pa sa taong ni minsan ay hindi naman sa atin ipinaramdam ang kanilang pagmamahal? Hindi madali para kay Mandy na mahalin si James kahit pa alam niyang hindi siya nito mahal. Mula bata sila, kaibigan na ang turing lang sa kanya ni James. Lahat nang nanngyari sa buhay ni James alam niya. Kahit nasasaktan nang ito ay nagkaroon ng kasintahan sa tulong niya, ikinasal na hindi man lang siya sinabihan, hindi iyon naging dahilan para tumigil siyang magsakripisyo at tumulong kay James. Ngunit dahil sa kabutihang ito ni Mandy, unti-unting nahulog ang loob ni James sa bestfriend. Paano niya paglalabanan ang sumisibol na niyang nararamdaman lalo pa’t sila lang ng kaibigan niya ang magkasama sa isang banyagang lugar. Kaya ba niyang isakripisyo ang kanyang pamilya para sa bagong tuklas niyang tunay na pag-ibig? Para sa kanya kasi, hindi na lang isang kabit si Mandy siya ay buhay na niya at kakabit na ng kanyang kahapon, ngayon at bukas ang dati lang niyang bestfriend.
like
bc
UNFAITHFULLY YOURS
Updated at Nov 29, 2021, 04:26
Ang kuwentong magbubukas sa isip ng lahat na hindi lang lalaki ang may kakayanang manloko sa relasyon, ang babae man ay tao rin lang na nagkakamali, nagkakasala. Maaring sinadya o hindi ngunit ang pagiging unfaithful o kaya ay ang pagka-adik sa sex sa kung kani-kaninong partner ang siyang sisira hindi lang sa respeto at relasyon kundi sinasaid din nito ang pag-ibig. Ano ang maaring kapalit ng hindi pagiging tapat? Paano kung nasaid na ang tiwala, pagmamahal at pang-unawa ng mahal mo kung kailan kailangan gusto mon ang magbago? Hanggang kailan ba dapat intindihin ang asawa? Ilang pagkakataon ba ang dapat ibigay?
like
bc
REVENGE OF A BATTERED WIFE
Updated at Nov 27, 2021, 22:31
Hanggang saan ang sobra na? Ano nga ba ang pagkakaiba ng nagmahal lang at nagpakatanga. Lahat ng hirap sa buhay, napagdaanan na ni Ivy. Lumaki siyang salat, inalipin ng kamag-anak at ngayon sa wakas nakapag-asawa na siya ng isang Milyonaryong gwapong lalaki. Ang akala niyang hahango sa kanya sa hirap, ang lalaking itinuring niyang knight niya in a shining armour ang siya palang maging kalbaryo niya sa buhay. Nandiyang saktan siya, alipinin, babuyin, murahin at maltratuhin. Nang hindi na siya kailangan pa at may kapalit na itong mas maganda sa kanya, pinalabas siyang baliw at inilagak sa isang mental hospital. Tumakas siya at doon niya nakilala si Kai. Ang lalaking magbabago sa kanyang kapalaran. Ngunit may babalikan pa siya. Kailangan niyang maghiganti sa lalaking yumurak sa kanyag pagkatao. Maipapanalo ba niya ang kanyang karapatan? May lalaki pa bang tatanggap at magmamahal sa kanya?
like
bc
BLOODY VENGEANCE (BxB) (LGBT)
Updated at Oct 28, 2021, 20:03
Iikot ang kuwento sa dalawang magkaibigang lihim na nagmamahalan. Matagal nang mahal ni Sean si Lance at ganoon din si Lance kay Sean ngunit dahil sa takot na malaman ng isa't isa na bakla sila, nagawa nila itong itago. Ngunit sadyang makapangyarihan ang pag-ibig. Naipagtapat ni Lance kay Sean ang kanyang nararamdaman ngunit hindi matanggap ni Sean na ganoon ang kanyang pagkatao. Pipilitin niya pa ring magpakalalaki. Doon na lalong nagkagulo ang kanilang buhay at pagkakaibigan. Nabuntis ni Sean ang kaibigan niyang si Joan. Nasaktan si Lance at sumama kay Vito. Minahal ni Vito si Lance ng sobra-sobra. Naging obsess ito sa kanya pero si Sean pa rin ang mahal ni Lance. BInalikan ni Lance si Sean na noon ay matagal na ring naghihintay. Ngunit paano nila tatakasan ang galit at poot ni Vico na handang pumatay makuha lang niya ang kanyang pinakamamahal. Kung buhay ba ang inutang, dapat buhay rin ang kabayaran? Tunghayan ang kuwento ng paghihiganti. Kuwentong naglalaman ng mga nakagiimbal na pangyayaring babago sa pagtingin mo sa mga BL Stories.
like
bc
The Killer Lover
Updated at Sep 27, 2021, 22:00
Hindi natin lubos na makikilala ang isang tao kahit pa matagal nang kakilala. Binago ni Julia ang kanyang pagkatao para sa matindi niyang pagmamahal sa first love niyang si Denver. Si Denver na akala niya ay siya na niyang una at huling mamahalin. Ngunit dumating si Luke, ang lalaki na pakiramdam ni Julia ay siya niyang ultimate at true love. Ngunit kasabay ng pagdating ni Luke ang pagkawala naman ni Denver. Kung kailan mahal na niya si Luke, saka muling nagpakita at bumabalik si Denver. Nangangako ang dalawang lalaki ng tunay na pag-ibig. Ngunit may multo ng nakaraan ang bumabalik. Isang kaluluwa ang nagpaparamdam kay Julia. Humihingi ng saklolo dahil muli na namang maghahasik ng kasamaan ang killer. Ngayon, sina Julia at ang lalaking tunay na nagmamahal ang pinupuntirya. Kailangang malaman ni Julia ang nakatagong sikreto bago pa mahuli ang lahat. Sino ba sa dalawang minahal niya ang killer? Ano ang kinalaman ng kaluluwang nagpaparamdam sa dalawa? Magtatagumpay bang muli ang killer sa masama nitong balak o malalaman agad ni Julia ang malagim na nakaraan at mauunahan niya ang Killer sa plano nito laban sa kanya. Si Julia na ba ang magpapalaya sa kaluluwang biktima at ang bagong bibiktimahin?
like
bc
ISINAKDAL KO SI SIR (BxB)
Updated at Sep 27, 2021, 03:45
Naging viral sa social media ang isang lalaking guro na kinasuhan ng statury rape laban sa kanang estudiyanteng na nasa Grade 10 at labing-anim na taong gulang. Alam ni Neil na walang rape na nangyari nang naabutan silang kapwa nakahubad ng kanyang estudiyante sa isang hotel. Alam iyon ni Eldrin, ang kanyang estudiyante na may gusto rin sa kanya. Ngunit dahil lumabas sa internet ang mga ilang videos at naging viral, naging trial by publicity ang kaso niya. Wala pa mang sapat na ebidensiya, nadiin na siya sa kaso. Hindi lang ito basta kasong rape, alam niyang nag-ugat ang lahat ng ito sa usaping pulitika. Hanggang sa korte na umabot ang matinding bangayan ng malakas na kumakandidatong mayor niyang ama sa incumbent mayor na daddy ni Eldrin. Lalo pang lumala ang kaso niya nang ang mismong magsasabi ng totoo na si Eldrin ay biglang nagbigay ng salaysay na lalong nagpadiin sa kanyang kaso. Nakulong siya. Tumagal ng ilang taon sa kulungan. Pagkaraan ng ilang taon, bumalik si Eldrin. Isa nang ganap na abogado. BUmabalik siya para tulungan siyang lumabas sa kulungan. Handa na itong sabihin ang totoo. Posible pa ba ang tunay na pag-ibig katulad ng posible pa bang mabawi ang mga nasayang na panahon at buhay ni Neil? Magagawa pa bang mahalin ni Neil ang taong naglagak sa kanya sa impyerno ng ilang taon?
like
bc
The Mafia Lady Boss
Updated at Aug 28, 2021, 18:22
BLURB Binabago ng lipunan ang tao. Patunay ito sa nangyari kay Mia Gambino. Mula sa Mia na mahirap, mahina abused ngunit magandang dalaga hanggang sa siya’y naging si Leigh Castro, isang palaban at pinakamagaling na assassin sa buong Pilipinas. Nasira ang mukha ni Mia nang pinagsamantalahan ito at kasabay ng pagbabago ng kanyang mukha ang kanyang pagkakakilanlan at buong pagkatao. Nakatakdang magku-krus ang landas nila ni Liam. Si Liam na kababata niya at unang naging kasintahan ngunit iniwan siya nito at hindi pinaniwalaan nang sinabi niyang Papa niya mismo ang pumatay sa kanyang ama. Sa murang edad, nagtanim ng galit si Mia sa mga pulis. Binalikan niya ang Papa ni Liam, hindi lang dahil sa gusto niya itong gantihan kundi ito ang utos ng mas nakatataas sa kanya. Ngayon na pulis na rin si Liam at isang Assassin si Mia na nagtatago sa bagong katauhan na si Leigh Castro, paano nila ipaglalaban ang kanilang pagmamahalan ngayong puno ng paghihiganti ang kanilang mga puso? Saan hahantong ang kanilang mga galit? Alin ang mananaig ang sigaw ng puso o ang tungkuin nila sa kanilang kinaanibang grupo?
like
bc
SURGERY BEAUTY
Updated at Aug 2, 2021, 18:58
WINNER: DREAME & YUGTO WINNER OF 30 DAYS WRITING CHALLENGE Kailangan ba ni Khaye na dumaan sa isang pisikal na pagbabago para mahalin siya ni Jyles? Importante nga ba ang panlabas na anyo para makuha natin ang ating pangarap at mahalin tayo ng taong matagal na nating pinapangarap? Ito ang kuwentong magpapakita na walang sariling mata ang puso. Nakikita nito ang hindi nakikita ng ating mga mata. Nararamdaman nito ang tunay na pag-ibig. Hindi sa lahat ng panahon ay kailangan nating maging maganda para mahalin tayo ng taong mahal natin. May mga taong tumatanggap at magmamahal sa kabila ng ating kapintasan. May mga taong nagpapahalaga sa kagandahang loob at hindi lang sa pisikal nating hitsura. Akala niya hihiga na siya sa kama ng rosas sa piling ng kanyang asawang si Jyles. Nawasak ang pangarap niyang magkaroon ng isang buo at simpleng pamilya. Buntis siya nang pinagsamantalahan ng limang lalaki sa utos ng walang pusong patay na patay sa kanyang asawa, binaboy siya, nakunan at sinunog ang kanyang mukha. Nalusutan niya ang lahat ng iyon. Bumalik para maghiganti at muling bawiin ang asawa sa piling ng kalaban. Naging isang napakahusay na Assassin. Babalikan niya ang lahat na bumaboy sa kanya. Uubusin niya silang lahat. Magagawa ba niya itong mag-isa? Maipapanalo ba niya ang laban nila ng kanyang kabiyak? Maipaghihiganti ba niya ang pagsasamantala sa kanya na dahilan ng pagkamatay ng sanggol sa kanyang sinapupunan? Ano ang magiging kapalit ng kanyang paghihiganti?
like
bc
The Player & The Pretender
Updated at Jul 28, 2021, 20:21
Bago ang try out para sa Philippine Basketball Guild ay naaksidente sa motor si Brent na kambal ni Breana. Si Brent ang may gustong makapasok sa PBG samantalang si Breana ay isang dating pambato ng kanilang University sa Basketball Women’s Division na gusto namang makapasok sa Perlas Pilipinas. Dahil sa kagustuhan niyang matulugan ang kakambal niyang makamit a kaisa-isang pangarap nito, kailangan niyang magpanggap muli na si Brent. Kailangan niyang gayahin ang kilos, buhok at kilos ng kanyang kakambal. Wala namang problema sa mukha at tangkad, sa bahaging dibdib at kurba ng katawan lang siya hirap. Kailangan niyang itago iyon. Kahit ang boses ay kailangan niya rin babaan. Kung hanggang kailan siya magpapanggap na si Brent ay hindi niya alam. Nabuo ang isang pag-iibigan sa gitna ng di pagiging totoo. Paano aaminin ni Breana na hindi siya si Brent? Paano lalabanan ni Arwin ang kanyang nararamdaman lalo pa't pinigilan niya ito sa pag-aakalang lalaki ang kanyang ka-team? Ngunit kung kailan maayos na ang lahat ay saka lumala ang head injury ni Arwin noong high school ito. Sa kabila ng pagbabawal sa kanyang maglaro ay naglaro pa rin ito na siyang dahilan ng isang aksidente. Makakalimutan ni Arwin ang lahat. Mabubura sa alaala niya si Breana. Gagawin man ni Breana ang lahat para mahalin siyang muli ni Arwin na nagkaroon ng amnesia ngunit mukhang malabo na. Kung tutuusin, siya rin naman talaga ang naging dahilan ng pagkabagok ng ulo ni Arwin noong mga bata pa sila at ngayon ay bumalik para singilin siya ng karma. Masakit, mahirap dahil hindi niya kayang bitiwan at isuko ang taong sobra niyang minahal at pinahalagahan. Ikakasal na si Arwin kay Anne, babaeng inilalaban din ang sarili at ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Totoo nga bang kapag nakaukit na sa puso ang pag-ibig, mahirap na itong mabura? Paano kung ang mga alaala na siyang dahilan ng pag-usbong ng pag-ibig ay tuluyang nawala at ang naiwan na lamang ay ang nakaraan kung saan hindi na bahagi pa si Breana? Siya na ang kasalukuyan ngunit siya ang ngayon ay kinalimutan at ang kinalimutan noong nakaraan ang siya na ngayong pinanindigan. Maiaayos ba ng tadhana ang lahat o sadyang sila ni Arwin ang itinadhana ngunit hindi pinag-isa.
like
bc
The CEO'S Confidential Lover (BXG)
Updated at Jun 27, 2021, 18:54
BLURB Paano mamahalin ng isang mayaman, matalino at saksakan ng gwapo ngunit suplado at istriktong CEO na nagmamay-ari ng pinakamalaking Construction Company sa buong Pilipinas ang isang simpleng Office Assistant na lumaki sa sa isang slum area ng kamaynilaan? Paano kung ang inaalipin at kinukutyang Janitor at Office Assistant na ito ay magtagumpay at maging isa sa mga pinakamagaling na Civil Engineer sa buong bansa. Ikinintal na niya sa isip niya na gagawin niya ang lahat mapantayan at matalo lang ang dating CEO na nang-alipusta sa kanya. Nagawa rin naman niya iyon. Nagtagumpay siya. Ang itinatag nilang kumpanya ng kaibigan niya ang siyang nagpabagsak sa kumpanya ng kanyang dating amo. Ngunit paano niya haharapin kung ang kumpanya pala na akala niya ay pag-aari nila ng kanyang best friend ay hindi pala totoo. Paano niya haharapin ang lahat kung ang tagumpay niya ay hindi pala tunay na tagumpay? Paano nila haharapin ang mga pagsubok mailaban lang ang kanilang pagmamahalan sa mga taong gusto silang sirain at pabagsakin? Tunghayan ang kakaibang kuwento ng pag-ibig. Kuwentong babago sa pananaw ninyo sa langit at lupang pagmamahalan.
like
bc
The President's Princess (BxG)
Updated at May 29, 2021, 17:10
Si Airish ay anak ng Presidente ng Piipinas samantalang si Justine ay isang hamak na PSG. Maganda, sopistikada, may maamong mukha at nakakikilabot na kaseksihan ngunit itinatago ng kagandahang ito ang kabulukan ng kanyang ugali. Kilala ni Airish ang kanyang sarili, hinding-hindi siya mahuhulog sa isang hamak na bodyguard lang. Ngunit mapagbiro ang pagkakataon. PInagsadya sila ng kapalaran. Langit at lupa ang pagitan ngunit pinagsalubong sila ng tunay na pagmamahalan. Naging mabuting tao si Airish dahil sa pagmamahal. Ngunit paano kung may kasintahan si Justine na iniwan niya pansalamantala sa Manila. Paano nila haharapin ang iniwan nilang buhay kung alam nilang pagkatapos ng immersion na iyon ay haharapin na nila ang tunay nilang buhay? Napipinto nang mawalan ng trabaho si Justine. Ang dapat inayos na problema sa immersion ay lalong nagkagulo. Muling bumalik si Airish sa dating siya, mas nagiging masahol pa nang hindi niya matanggap na may ibang babae sa buhay ng lalaking nagpabago sa kanya. Doon rin nasasaktan si Ralph, ang lalaking lihim na nagmamahal ng totoo kay Airish. Bukod kay Airish na nasasaktan, may Janna na rin na ipinaglalaban ang kanyang ipinagbubuntis. Si Ralph, na ipinaglalaban ang mas dalisay na pagmamahal niya kay Airish kaysa kay Justine. Si Justine na hindi pa rin niya kayang panindigan kung sino talaga ang kanyang mahal. Si Airish na ipinaglalaban ang mali niyang pag-ibig kay Justine at nalilito na rin sa kabutihang ipinaparamdam ni Ralph. Sa huli, kailangan nilang piliing gawin ang tama. Kailangan nilang panindigan ang dapat. Si Janna ang dapat kay Justine at si Ralph ang tama kay Airish, ngunit susundin ba nila iyon o ipaglalaban ang tibok ng kanilang puso?
like
bc
I'LL BE THAT GIRL (BXG)
Updated at Apr 30, 2021, 18:23
Si Kashmine ay isang mahirap na probinsiyana. Dumaan sa maraming pagsubok sa buhay. Kahirapan ang siyang humubog sa kanya. Ang kahirapang ding iyon ang nagtulak sa kanya para magpursigi kahit pa sa kawalang pag-asa. Sa kabila ng kanyang pagiging dukha, may katalinuhan, kagandahan at kataasan ng pangarap na siyang nagiging sandata niya para umangat. Isa lang ang pinangarap niya, ang sana dumating ang lalaking tatanggap at magmamahal sa kanya. Sa kabila ng kahirapan ng Kashmine, dumating sa buhay niya si Bryan. Ang gwapo at milyonaryo niyang kaklase na siyang bumago sa kanyang buhay ngunit nang umalis ito papuntang America ay hindi muli pang nagpakita. may dumating na bagong pag-ibig, si Heine. Mayaman, mabait, matalino at saksakan ng gwapo. Si Haine na nga ang hinihintay ni Kasmine sa buhay niya. Ngunit may sikretong bumabalot sa pagkatao nito. Sikretong magdadala kay Kashmine para makilala niya ang totoong siya at ibigay ang lahat lahat na alam ni Heine na makapagpapaligaya sa babaeng minahal niya ng higit pa sa buhay niya.
like
bc
THE DAWN OF LOVE (BXG)
Updated at Apr 27, 2021, 18:39
Hanggang saan ipaglalaban ni Jetro ang pag-ibig niya kay Faye kung alam niyang mag isang pusong masasaktan nila. Iyon ang pinsan ni Faye na bestfriend din nilang si Saira? Paano tatanggapin ni Saira na hindi na siya ang mahal ng kaisa-isang niyang itinatangi? Paano ang pagmamahal ni Faye kay Jetro na pilit kinokontrol ng kaniyang magulang para mapaligaya ang kaniyang pinsan. Sa murang edad, hahayaan ba ng kani-kanilang mga magulang na magumon sa pag-ibig ang kanilang mga anak na tuluyan na ding ikasisira ng kanilang pag-aaral? Dahil sa hindi naging magandang record ni Jetro sa mga magulang ni Faye, magiging hadlang ang mga ito na pag-iibigan ng dalawa. Tumakas ang dalawa. Inisip nilang kaya na nilang mabuhay na dalawa. Iniisip nilang kaya na ng pag-ibig na resolbahin ang lahat ng problema. Na ang pag-ibig lang ang bubuhay sa kanila. Ngunit sa pagsasamanang iyon, naranasan nila ang totoong buhay. Yung hirap ng walang-wala at hindi sex ang magpapalamon sa kanila. Kung kailan maayos na ang lahat., tanggap na ng mga magulang nina Faye at Jetro ang kanilang relasyon, masaya na din si Saira sa kabilang buhay, saka naman sila naging biktima ng pamamaril. Tinamaan ang dalawang magkayakap. Hanggang saan sila lalaban para sa kanilang buhay. Ano ang kanilang gagawin, maisalba lang ang buhay ng isa't isa. Paano nila haharapin kung isa sa kanilang dalawa ang mawawala o sadyang gumawa lang ng paraan ang kani-kanilang mga magulang para mailayo na sila sa kaguluhan. Paano kung sa pagdaan ng panahon magkikita silang muli at buong akala nila ay patay na ang isa sa kanila? Pilit nilang nilabanan ang lungkot. Napaniwala si Jetro na patay na si Faye at ganoon din si Jetro kay Faye. Ito na lang ang tanging paraan ng mga magulang nila para mapabuti ang buhay nilang dalawa. Paano nila haharapin ang katotohanan ngayong may mga kasalukuyan na silang buhay? Mapapanumbalik pa ba ang dating rubdob ng pag-ibig sa panahong limot na nila ang isa’t isa at may mga narating na sila sa buhay?
like
bc
THE UNBEATABLE SUPERSTAR (BxG)
Updated at Mar 29, 2021, 17:26
Ipinapakita ng nobelang ito kung ano ang kaya nating isakripisyo para sa tunay na pag-ibig. Alin ba ang mas matimbang, ang kislap ng iyong bituin o ang kislap ng wagas na pag-ibig. Ipapakita rin dito ang maruming kalakaran sa show business. Kung paano laruin ang emosyon at paniniwala ng mga tao para sa pera. Iikot din dito ang kadakilaan ng pagmamahal. Ipakikita na ang tunay na pagmamahal ay maaring magiging habangbuhay at hindi rin lahat ng true love ay nauuwi sa forever.
like
bc
THE LADY SOLDIER (BXG)
Updated at Feb 27, 2021, 17:00
Si Shein ay panganay na anak ng isang magiting na opisyal ng Army. Kinalakhan na niya ang baril ng Daddy niya. Dahil walang anak na lalaki kaya si Shein ang madalas niyang isinasama sa kanyang mga lakad. Hanggang sa naging interesado na si Shein sa trabaho ng kanyang ama. Sa pagiging astig nito, napagkakamalan siyang tomboy ngunit alam niya sa sarili niyang babae pa rin siya. Hindi nga lang siya nakakatapat ng lalaki na kaya ang kanyang kaastigan. Sinabi niya sa kanyang sarili na magmamahal lang siya kung may makatapat siyang lalaki na kayang sabayan ang trip niya. Dumating si Zayn. Si Zayn na namamahiya sa kanya, si Zayn na ubod ng talino at si Zayn na siyang lider-lideran sa buong campus. Noon ay na-challenge siya. Kailangan niyang sabayan ito o kaya’y talunin. Sa kabila ng kanilang mga tunggalian, nabuo ang isang di maipaliwanag na pagmamahalan. Umusbong ang pagkagustuhan na sila mismo ay hindi matanggap. Hanggang sa puso na ang nagdesisyon. Sa kabilang banda, si Zayn ay inihahanda rin ng makakaliwang grupo para maging malakas nilang panlaban sa gobyerno. Mga kasamahan ni Zayn ang pumatay sa Daddy ni Shein. Ang dating nagmahalan ay naging mortal na magkaaway. Kailangan nilang ipaglaban ang kanilang mga paniniwala. Kailangan nilang panindigan ang kanilang mga grupo. Magkakaroon pa kaya sila ng happy ending o mauuwi sa isang malagim na kamatayan ang kanilang mga ipinaglalaban?
like
bc
Open Relationship
Updated at Feb 11, 2021, 02:35
Paano kung ang pagkakagustuhan ay nagsimula lang sa isang chat? Isang one night stand na "No String Attached" pero tuluyang nagkagustuhan. Sa sunud-sunod na pinagdaanan na pagkabigo ni Clyde, hindi na siya naniniwala pa sa tunay na pag-ibig, ngunit si Jinx na minsan lang nagmahal, naniniwala siya sa mmonogamous relationship. Paano kung handang magmahal ang isa ngunit ang isa ay laro na lang lahat dahil sa mga sakit at pagkabigong pinagdaanan? Paano maitatama ng tunay na pag-ibig ang maling kinasanayan nang pusong mapaglaro? Posible pa ba sa mga alanganin ang monogamous relationship o dapat buksan ang isip at puso para yakapin at tanggapin na ang Open Relationship para maiwasang magkasakitan sa huli. Tunghayan ang isang kakaibang kuwento ng pag-ibig na siyang pupukaw sa kamalayan at tataakay tungkol sa sakit na AIDS/ HIV. NOTE FROM THE AUTHOR: PLEASE READ EVERYTHING I HAVE, CHAKKA, NANG LUMUHOD SI FATHER AT STRAIGHT BAGO SIMULANG BASAHIN ITO DAHIL ANG MGA IYON ANG UNANG BOOK NG NOBELANG ITO. BASAHIN AYON SA NABANGGIT NA PAGKAKAAYOS.
like
bc
ANG LIHIM SA LUMANG BAHAY
Updated at Nov 29, 2020, 12:15
Brusko, matipuno at walang bahid ang estrangherong katiwala ni Jeric na si Rod. Nabangga lang niya ang estrangherong ito sa unang gabi niya sa lumang bahay kung saan may nagpakita sa kanyang isang kaluluwa. Dahil nagpakilala ang estrangherong ito na kapitbahay, nagpatulong na si Jeric na ayusin at pagandahin ang minanana niyang bahay na nasa liblib na lugar. Ngunit sa pagdaan ng araw, may mga kababalaghan sa lumang bahay na iyon at misteryong bumabalot sa pagkatao ni Rod. Ngunit paano pa niya mapapansin ang mga misteryong iyon sa pagkakakilanlan ni Rod kung sa maikling panahon, ang dating libog lang ay naging pag-ibig na. Mapapakapit ka at mapapaisip sa mga kaganapan habang sinasamahan natin si Jeric na tuklasin ang mga lihim at kababalaghan sa lumang bahay at nang lalaking bumuong muli sa wasak niyang puso.
like
bc
ANG BARAKONG BAYARAN
Updated at Oct 30, 2020, 20:56
Ang pagkokolboy ay hindi lang sa Pilipinas nangyayari. Talamak din ito sa ibang bansa lalong-lalo na sa Middle East. Hindi man gano'n kagarapal ngunit maraming Bi, Straight o Bading ang nambibiktima sa mga kagaya nilang OFW na nalulungkot at nagsisikap para sa pamilyang iniwan. Siya si Echo, guwapong waiter sa Saudi. May iniwang girlfriend at umaasang pamilya sa buwanan niyang padala. Wala man siyang karanasang pumatol sa bakla noon sa Pilipinas ngunit napilitang gamitin ang katawan at kaguwapuhan sa kagustuhang kumita at makapag ipon sa mabilis na paraan ngunit ang lahat ng iyon pala ay may nag-aabang na kapalit. Bigyan daan ang kuwento ng kagaya niya na sasalamin sa buhay ng mga lalaking "PABOOKING" sa ibang bansa.
like
bc
VICTIMS OF LOVE (COMPLETED)
Updated at Sep 29, 2020, 18:45
Si CLINT ay isang tapat sa serbisyo niya bilang isang batang opisyal ng kapulisan. Wala siyang inaatrsan sa laban. May paninindigan at puno ng paniniwalang kaya niyang tuldukan ang krimen sa kanyang nasasakupan. lilipulin niya ang mga sindikato at pananatilihin ang kaayusan. Ngunit may banta ang katahimikan at kaayusan. Sinisikap niyang malaman kung sino ang mga malalaking tao na nasa likod ng naturang sindikato. Sa ngalan ng serbiyso, gagawin niya ang lahat. Nakahanda niyang ibuwis ang kanyang buhay para sa kanyang sinumpaang tungkulin. Dumating si Erron sa buhay ni Clint. Binago nito ang kanyang mundo. Nagulo ang dati ay tahimik nitong pagkatao. Ngunit may sikretong bumabalot sa trabaho ni Erron. Kung kailan nabuo ang kanilang nasimulang pagmamahalan ay nalaman ni Erron na si Clint pala ang susunod niyang assignment. Bilang isa sa pinakamahusay at pinagkakatiwalaan, na assassin kailangan niyang gampanan ang tungkulin dahil siya ang malilintikan at itutumba nang napasukang sindikato. Paano niya isasakatuparan ang kanyang misyon? Madali na lang sa kanyang patayin si Clint pero kaya ba ng kanyang puso na gawin iyon? Hanggang saan sila dadalhin ng magkalaban nilang grupo? Ano ang kayang isakripisyo ng pusong tunay na nagmamahal? Paano nila lalabanan ang umiiral na kanser ng lipunang kanilang ginagalawan.
like
bc
Rebound of Foul Hearts
Updated at Aug 31, 2020, 01:31
Sa laro ng mga barako't astig, paano kung may namumuong hindi maipaliwanag na kakaibang damdamin sa pagitan ng isang sikat na basketbolistang tinitilian at pinapangarap ng lahat at ng isang guwapo at mas batang nagsisimula palang makilala. Saan sila dadalhin ng kanilang tunggalian sa laro at pagkamit sa respeto ng kanilang mga fans. Anong kaya nilang gawin para patuloy nilang matakasan ang pinipigilan at nilalabanan nilang bugso ng pagkagusto sa isa't isa. Paano kung ang simpleng atraksiyon sa mabilisang mga sulyap, ang kuryenteng nabubuo sa tuwing nagkakabungguan sila sa paglalaro at ang pagtatangi kapag nagkikita sila bago at pagkatapos ng laro ay kusa nang sumasabog. Paano nila haharapin ang kaibahan nila sa kanilang mga kasamahan? Paano nila mapapanindigan ang kanilang pagmamahalan sa mundong kanilang ginagalawan?
like
bc
PEDESTAL (COMPLETED)
Updated at Aug 29, 2020, 05:03
Magkaiba ang mundong ating ginagalawan. Iisa ang ating pinagmulan ngunit magkaiba ang mundong ating tinatahak. Tinitingala ka, pinagpapantasyahan, kinikiligan, iniidolo bilang pinakagwapo at pinakamahusay na artista ng dekada... samantalang naiwan ako sa babang tumitingala sa iyong kasikatan. Ngunit paano ngayong hindi na lang isang fan ang nararamdaman ko sa'yo. Mahal kita, alam kong iyon din ang tibok ng iyong puso. Ngunit paano magtatagpo ang mundo ko't mundo mo lalo pa't sa paniniwala ng lahat ng tao, nagmamahalan kayo ni Erin? Kailangan bang samahan kita sa mundo mo para lang tayo magkasama tayo? Kung pareho na ba tayo ng mundo ginagalawan, mapapansin mo na din kaya ako? Ipaglalaban mo na ba ang ating pagmamahalan o ipagpapalit mo ako sa natamo mong kasikatan? Paano kung maagaw ko ang ningning ng bituin mo, handa mo bang ipatalo ang mundo mo at samahan ako sa mundong alam kong liligaya tayong dalawa o pipilin mong ipaglaban ang pinaghirapan mong pedestal kapalit man nito ng pagkasira ng aking pagkatao. Isa lang ang kailangan mong piliing Pedestal? Ang pedestal na pinalilibutan ng kamera at mata ng iyong mga tiga-suporta o ang pedestal sa puso ko ngunit ipapangakong ibigay ang saya at buong atensiyon ko sa'yo?
like
bc
IF IT'S ALL I EVER DO (COMPLETED)
Updated at Aug 29, 2020, 04:57
Maraming akong hindi maintindihan sa buhay ko, maraming mga katanungang hindi ko mahanapan ng kasagutan. Kahit pa sa dami ng mga aralin sa school ay di kayang sagutin ang magulong pinagmulan ko. Dahil hindi ko kilala at buong maintindihang ang pinanggalingan ko, nawalan na din ng direksiyon ang aking pagkatao. Gusto kong magalit ang mundo sa akin, gusto kong isuko na lang ako ng mga taong nagpapahalaga sa aking kabutihan, ngunit bakit kahit anong gawin ko lagi akong inuunawa, nadadarang ako sa pagmamahal, natutupok nito ang kagustuhan kong lumayo sila sa akin. Ano ang kayang isakripisyo ng pagmamahal mo para magising ako sa katotohanang mali ako at tama ka, na ikaw ang para sa akin at hindi siya. Ayaw kong matulad sa mga taong nagpalaki sa akin, hindi ko gusto ang buhay ng kagaya nila ngunit paano... paano ba turuan ang damdamin kong hindi dapat ikaw ang aking mahalin! -Romel Paano ka mababago ng pagmamahal ko? Saan ako dadalhin ng kagustuhan kong mabago ang mundong ginagalawan mo... Makikita mo kaya ang kabutihan ng ginagawa ko para sa'yo o hihilain mo lang ako sa mundong gusto kong iwan mo... MAHAL KITA... hindi ko isusuko ang pagmamahal na iyon kahit katangahan at kahibangan na para sa iba...kahit pa sobra na akong nasasaktan at pauli-ulit na ang pagluha ko'y ikaw ang dahilan... Maayos na sana ang buhay ko, matino na sana ang aking pagkasino ngunit nang minahal kita, naging magulo na ang dati ay kinainggitan ng maraming kabataan na narating ko, kasi ikaw daw ang mali sa buhay ko, ang tanging maling nakikita nila kaya napapariwara ako ngunit paano kita tatalikuran kung ang maling iyon ang pinakamahalagang ipinaglalaban ko, dahil ikaw...ikaw ang alam kong kulang na lang sa buhay ko!---- JINO
like
bc
Everything I have (COMPLETED)
Updated at Aug 23, 2020, 04:22
Masarap magmahal lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Ngunit paano ba magmahal kung ang tamang pagmamahal para sa'yo ay hindi katanggap-tanggap para sa iba. Saan patutungo ang pagmamahal ni Mario kay Gerald sa pagmamahalang tinututulan at kinukutya ng karamihan. Magkalayong estado ng buhay. Kakaibang pagmamahalang sinubok ng mga suliranin. Pagmamahalang na sinubok ng karamdaman. Pag-iibigang hinadlangan ng pagkabigkis ng iisang dugo. Kaya bang tiisin ng tunay na pagmamahal ang mga pasakit na dala ng pagkasino?
like
bc
STRAIGHT (COMPLETED)
Updated at Aug 23, 2020, 04:13
Ako si James. Lumaki ako sa isang istriktong pamilya. Naikintal sa bubot kong isip ang tama sa mali, ang katanggap-tanggap at bawal at ang pagkutya sa pagkatao ng mga lumilihis sa ating totoong pagkasino. Sa madali't salita, hindi ako nakikisama sa mga bakla at nandidiri akong mailapat ang kahit anong bahagi ng katawan ko sa kanila. Nagbinata akong taglay ang pagkataong iyon. Straight ako. Nagkaasawa at nagkaanak... malayong papatol ako sa mga salot sa buhay ko. Hindi ako manhid lalong hindi din ako tanga. Puno ako ng katanungan at pagtataka. Kakaiba ang trato sa akin ni Xian, hindi yung karaniwang kaibigan lang. Sa kaniya ko naramdaman ang pag-aasikaso at pagmamahal na kahit kailan ay ipinagkait ng aking asawa. Iba ang kaniyang titig sa aking katawan kapag wala akong damit. Napapansin ko din ang lagkit ng kaniyang tingin sa aking harapan ngunit lahat ng paghihinalang iyon ay nanatiling palaisipan lang sa akin. Ngunit sakali mang may gagawin siyang hindi ko magustuhan ay doon na lamang siguro ako tuluyang sasabog. Kahit gaano pa siya kabait sa akin ay isang panlolokong maituturing kung tuluyan siyang bibigay. Basta ang sa akin, barakada ay barkada. Iyon lang ang alam kong kaya kong maibigay. Isa pa, dahil sa kabaklaan namatay si Mama na siyang naging dahilan ng pagkawasak ng aking pamilya. Huwag naman sanang pati ang matalik kong kaibigan ay magiging katulad ni kuya? Ngunit paano tutupukin ng galit ko sa mga bakla kung ang itinatapat niya sa akin ay ang kabutihang handang isakripisyo kahit pa ang kalayaan niya't buhay? Totoo bang may straight na kayang magmahal ng isang bakla? May sinisino ba talaga ang puso? Nakikita ba ng puso ang kasarian ng itinitibok nito?
like
bc
Mahal Kita, Hanggang sa Huling Laban (COMPLETED)
Updated at Jul 15, 2020, 05:10
Kahit iba ang ipinaglalaban mo sa ipinaglalaban ko, kahit pa magkasalungat ang paniniwala mo't paniniwala ko, umaasa akong mapag-iisa tayo ng tibok ng ating puso. Mahirap kang ipaglaban, mahirap kang hanapin sa gitna ng mga sigalot ng ating mga digmaan ngunit sana mahanap mo ako sa puso mo, sana maipaglaban at mapagtagumpayan natin ang tunay na sinisigaw ng ating damdamin laban sa hindi na matapos-tapos na bangayan ng hukbong ating kinabibilangan. Saan tayo dadalhin ng ating pagmamahalan? Hanggang kailan natin maipaglalaban ang ating pag-iibigan at kapayapaan? Mahal kita, alam kong mahal mo din ako, ngunit patuloy tayong pinaglalayo ng prinsipyo ng magkalabang grupo. Sana Zanjo, maramdaman mong Mahal kita, hanggang sa huling laban! --Patrick
like
bc
One Night Stand (COMPLETED)
Updated at Jul 14, 2020, 05:56
*SECOND PLACE IN LGTB DREAME AND YUGTO CONTEST. MUST READ!* Paano mabubuo ang isang pag-ibig sa isang gabing nagsimula lang sa kapusukan. Isang gabing ang pag-aakala'y isang mainit lang na "tikiman" sa isang hindi lubusang kakilala. Dahil sa takot na masaktan, madalas nangyayari ang isang gabing p********k. Hindi alam ang tunay na pangalan, estado ng buhay at totoong pagkasino. Ngunit iba minsan kung maglaro ang kapalaran. Kahit sa simpleng tikiman, madalas na nauuwi pa din sa di mapigil na nararamdaman. Kilalanin si Markie, guwapo, sariwa, puno ng pangarap sa buhay. Istudiyante sa umaga, Janitor sa hapon hanggang gabi. Tahimik na sana ang kaniyang buhay. Tanging ang maiangat ang pamilya sa kahirapan ang tanging laging naglalaro sa kaniyang isipan. Ngunit nangyari ang isang gabing sinubok siya ng kaniyang katatagan. Nagpatianod siya sa tukso. Akala niya, matatapos na sa mabango at malamig na kuwarto ang karanasang niyang iyon sa isang guwapong estranghero ngunit nang inilipat siya sa ibang opisina ng kanilang agency, nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanliit siya sa sarili. Gusto niyang biglang maglaho. Paano kung ang nakalaro niya ng isang gabi ang siyang kaniyang magiging boss? May pag-asa bang magtatagpo sila sa gitna dahil bukod sa langit at lupang agwat nila, mukhang hindi din siya mapapansin ng lalaking pinangarap niya. Ang lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig at relasyon ng mga kagaya nilang alanganin.
like
bc
Inibig Mo'y Pangit (COMPLETED)
Updated at Jul 14, 2020, 05:36
Note from the Author: Book 2 po ito ng Everything I Have. Kaya bago basahin ito, gusto kong unahing basahin ang Everything I Have dahil may ilang bahagi ng kuwentong ito na karugtong ng Everything I Have na una kong naisulat.) Malimit kong naririnig na kapag pangit ka nahihirapan kang makahanap ng gugusto sa iyo. Sige, dagdagan natin, kapag pangit ka at wala kang pera, walang magkakamaling papansin sa iyo, o, siya siya... todohin na nga natin... kapag pangit, wala kang pera at bakla ka pa, sabi nila parang pinagtalikuran ka na ng magandang tandhana. Sa salitang bading, ang pangit ay chakka at ang isa sa mga chakkang iyon ay ako. Pero ayaw kong kawawain ang pagiging bakla ko, ako yung baklang pangit ngunit hindi naman naghihirap at dahil matalino ay may matatag namang trabaho. -Terence Kilalanin siya at ang kababata at matalik niyang guwapong kaibigang si Lando at kung paanong nabuo ang kanilang pagmamahalan.
like
bc
Nang Lumuhod Si Father (COMPLETED)
Updated at Jul 12, 2020, 06:13
Paano nga ba maipaglalaban ang tunay na pag-ibig kung ang pagsilbi sa Diyos ang iyong katunggali? Paano ito mapagtatagumpayan lalo pa't sa bawal na pag-iibigan. Alin ang pipiliin, ang paninilbi at pagmamahal sa Diyos o ang pagsuko at ituon ang panahon at buhay sa lalaking tunay na laman ng puso't isipan. Note: Mangyaring basahin muna ang Everything I have at Chakka (Inibig mo'y Pangit) dahil may kinalaman ang mga iyon sa kuwentong ito.
like
bc
The Bodyguard (COMPLETED)
Updated at Jul 12, 2020, 05:41
THE BODYGUARD Lumaki si Justine sa hirap. Pinagpapasa-pasahan siya ng mga kamag-anak para lang makatapos sa pag-aaral ngunit hindi isang kadugo ang itinuring sa kaniya kundi isang alila. Nagtiis siya para sa pangarap niya sa kaniyang mga magulang at kapatid. Gusto niyang maiahon sila sa hirap. Ngunit may madilim siyang nakaraan dahil sa pang-aabuso ng mga taong noong una ay pinagkatiwalaan niya. Ang masakit ay kung sino pa ang pinaghandugan niya ng respeto at tiwala ay sila yung gumawa ng hindi niya masikmura kaya sagad sa buto ang pagkamuhi niya sa mga katulad nila. Nabuo ang galit at hindi niya iyon nakakayanang kontrolin sa tuwing nakakakita siya ng mga alanganin. Para sa kaniya, tagumpay na ding maituturing ang pagtatapos niya sa PNP lalo na nang nabigyan siya ng pagkakataong ipagtanggol at siguraduhin ang kaligtasan ng anak ng Pangulo ng Pilipinas. Ikakasal na siya sa kaniyang katipan na mahal na mahal niya. Abot kamay na niya ang pangarap na noon pa niya gustong makamit. Ngunit paano kung ang inililigtas niya sa kapahamakan at siya niyang binabantayan para mapabuti nito ang kaniyang buhay ay katulad din pala ng mga taong umabuso sa kaniya noon? Paano niya buum-buong ibibigay ang kaniyang serbisyo? Paano niya pipigilan ang kaniyang nagwawalang damdamin?
like