bc

SURGERY BEAUTY

book_age18+
2.8K
FOLLOW
19.9K
READ
love-triangle
friends to lovers
drama
tragedy
comedy
campus
city
first love
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

WINNER: DREAME & YUGTO WINNER OF 30 DAYS WRITING CHALLENGE

Kailangan ba ni Khaye na dumaan sa isang pisikal na pagbabago para mahalin siya ni Jyles? Importante nga ba ang panlabas na anyo para makuha natin ang ating pangarap at mahalin tayo ng taong matagal na nating pinapangarap?

Ito ang kuwentong magpapakita na walang sariling mata ang puso. Nakikita nito ang hindi nakikita ng ating mga mata. Nararamdaman nito ang tunay na pag-ibig. Hindi sa lahat ng panahon ay kailangan nating maging maganda para mahalin tayo ng taong mahal natin. May mga taong tumatanggap at magmamahal sa kabila ng ating kapintasan. May mga taong nagpapahalaga sa kagandahang loob at hindi lang sa pisikal nating hitsura.

Akala niya hihiga na siya sa kama ng rosas sa piling ng kanyang asawang si Jyles. Nawasak ang pangarap niyang magkaroon ng isang buo at simpleng pamilya. Buntis siya nang pinagsamantalahan ng limang lalaki sa utos ng walang pusong patay na patay sa kanyang asawa, binaboy siya, nakunan at sinunog ang kanyang mukha. Nalusutan niya ang lahat ng iyon. Bumalik para maghiganti at muling bawiin ang asawa sa piling ng kalaban. Naging isang napakahusay na Assassin. Babalikan niya ang lahat na bumaboy sa kanya. Uubusin niya silang lahat. Magagawa ba niya itong mag-isa? Maipapanalo ba niya ang laban nila ng kanyang kabiyak? Maipaghihiganti ba niya ang pagsasamantala sa kanya na dahilan ng pagkamatay ng sanggol sa kanyang sinapupunan? Ano ang magiging kapalit ng kanyang paghihiganti?

chap-preview
Free preview
PRETENTIONS (Chapter 1)
CHAPTER 1      Lumabas ako sa sinapupunan ng aking Mama na pangit. Naging baby na pangit, naging batang pangit, teenager na pangit, kolehiyalang pangit hanggang sa para akong naging swan sa kagandahan nang ako’y ganap ng dalaga? Magic? Posible. Lahat naman ay kayang gawin ng sensiya kung may sapat kang pera. Lahat naman ay nababago na ng pera. Pati nga ugali ay kayang pagaspangin ng salapi. Ngunit bago ako husgahan na hindi ko tanggap ang sarili ko, na hindi ko mahal ang sarili ko kaya ko ito pinabago, mainam sigurong tunghayan muna ang aking kuwento. Hindi tamang manghusga sa kapwa na hindi natin alam ang buong dinanas ng ating pinapintasan. Malimit kong naririnig na kapag pangit ka, nahihirapan kang makahanap ng gugusto sa iyo. Sige, dagdagan natin, kapag pangit ka at wala kang pera, walang magkakamaling papansin sa iyo, o, siya siya… todohin na nga natin… kapag pangit, wala kang pera at tomboy-tomboyan ka pa, sabi nila parang pinagtalikuran ka na ng magandang tadhana.  Pero ayaw kong kawawain ang pagiging pangit ko, ako yung babaeng pangit ngunit hindi naman naghihirap at dahil matalino ay may matatag at maganda rin namang trabaho. In short, pangit lang ako at totomboy-tomboyan noon, period. Isa ako sa mangilang-ngilang dalaga na walang manliligaw. Kaya nga sa kapintasan kong iyon ay naging kilos at bihis lalaki ako. Tomboy ang tingin sa akin ng lahat. Mas madali ko kasing mapagtakpan ang aking kakulangan sa paraang ganoon bilang babae. Ngunit kalimitan naman kahit pangit, sa tulong ng sensiya ay gumaganda. Nareremedyuhan ang kapangitan. Ngunit ang likas na kapangitan ng ugali, matutulungan ka kaya ni Belo o ni Calayan? Kung sana nakikita ang kalooban ng isang tao, alam kong isa ako sa mga pinakamaganda. Kung abot ng mata ang nasa kaibuturan ng puso alam kong ilalampaso ko sina Liza, Nadine at Kathrine, iiyak sa inggit si Catriona Gray at seksing-seksi sa akin si Pia Wurtzback.  Malamang din na pipila si Pretty Woman na si Julia Roberts na humingi at magmakaawang makipicture sa akin…yun nga lang… hindi iyon agad nakikita, hindi iyon kaagad napapansin dahil sa panahon ngayon, kung maganda o guwapo ka, iyon ang batayan ng karamihan kung sino ang mamahalin. Iyon ang unang nakikita nila para magustuhan ka. Kawawang pangit ngunit may magandang kalooban, kailangan pang dumaan sa katakot-takot na pakikisama hanggang tuluyang makita at mag-shining like diamonds ang kanilang kabutihan, Swerte ang mga magaganda na’t seksi pa, mapera at may trabaho, dahil kahit arawan kung magpalit sila ng ipakikilalang boyfriend.  Madali rin silang makatagpo at makabingwit ng mga gwapo. Ang katulad kong pangit, nilulunok na lang ang laway sa inggit. Kung may lalapit man sa amin, nagdadalawang-isip na kaming mahalin sila dahil una, natatakot kami sa kung ano ang habol sa amin. Natatakot kaming masaktan at maloko lamang dahil kung tutuusin, sino ba naman ang guwapong manatili sa tulad naming pangit. Madagdagan pa iyon ng mga unsolicited comments kung ipapakilala ang guwapong ito sa mga kaibigan. Natural na sasabihin nilang… “Anong pinakain mo? Naku, mauuntog din ‘yan.?” “Effective pa rin pala ngayon ang gayuma?” “Anong sikreto at nabigwit mo ‘yan?”  “Naku, mag-ingat ka diyan baka naman pera lang ang habol niyan, baka lolokohin ka lang, ikaw din.”                 “Huwag kang makinig sa mga pambobola niya dahil peperahan ka lang niyan, alam ko ang kaliskis ng mga ganyan kasi galing  na ako sa ganyan.”                  “Sinong nanligaw? Siya o ikaw?” “Hindi naman kayo bagay, nagmumukha kang yaya niya ghorl.” Iyan ang walang tigil na pang-ookray ng mga kaibigan kaya ikaw namang si pobreng pangit, iwasan nang mahalin siya at ienjoy na lang ang pakikipagkaibigan sa kaniya. Okey lang kung kusang lalayo ang lalaki, makakalimutan mo at pilit pipigilan ang sariling mahulog sa kaniya. Ang masaklap ay kung pagkaraan ng isang linggo hayun at makikita mong may mas maganda at seksi na ngang kasa-kasama. Malaman-laman mo na lang din na niloko ka lang pala. Masakit ngunit gano’n talaga ang takbo ng buhay kung pinagkaitan ka ng ganda. Ngunit mababago ang lahat. Alam kong darating ang panahong luluhod din ang tala ni Sharon Cuneta at sasabihin kong akin din ang dating Bituing walang ningning. Magsisisi lahat ang mga nang-api sa akin at sasabihing “kung sana bukas pa ang kahapon”. Joke lang. Mabait kaya ako! Tao rin lang naman ako, isang babaeng may inggit din talaga sa katawan. Na sana meron ako ng kagaya niya. Na baka pwede namang maka-experience din ng ganda. Na balang araw, magiging maganda rin ako, mas maganda pa sa kanila. Sa likod ng aking kapangitan at pagiging tomboy kumilos, naghahanap din ako ng taong tatanggap at magmamahal sa akin. Hindi man guwapo, hindi man maganda ang katawan basta makakasundo ko, mabait, makatao at mamahalin niya ng ako, puwede na iyon sa akin.  Kaso nga wala talagang lumalapit para ligawan ako. Kailan ba kasi mauuso na kaming babae ang manliligaw sa lalaki? Yung hindi ka mahihiyang sabihin ang talagang niloloob mo? Sa maganda, pwede. Paano kaming mga pangit? Baka di pa nabubuka ang bibig, tablado na agad. Sige, sisimulan ko na ang aking kuwentong pag-ibig. Ilalahad ko na kung bakit dumating sa puntong kailagan kong dumaan sa sensiya para lang makuha ko ang pinapangarap kong ganda. Kailan ba ako nagsimula magkagusto? Kailan ko ba sinubukan? Ahh! Noong third year high school pala ako. Iyon ang unang pagkakataong tumibok ang aking puso.                 Si Jyles. Kaklase ko siya mula Elementarya. Varsity ng basketball, guwapo, matangkad, maputi ngunit may kahinaan ang ulo o kaya mas akmang sabihin natin na sadyang tamad lang talaga mag-aral. Ako naman ay isang dalagitang nagtatago sa kilos lalaki. Tomboy dahil hindi nga bagay sa akin maging kilos babae. Ako ay mataba o sige pagandahin natin ng bahagya, chubby, sige todohin na natin ang pagpapaplastik, healthy. Puno ng taghiyawat ang aking mukha, kayumanggi ang aking balat at parang dinaanan ng pison ang ilong kong namana ko pa kay papa.  Kay papa lang ba? Mukha namang walang matangos ang ilong sa aming lahi. Kaya ang pagkakasala kung bakit walang magandang tubo ng ilong sa amin lahat ay isisi sa mga kanuno-nunuan. Mabuti na lang pinagpala ako ng tangkad. Iyon lang. Matangkad lang ako at wala na. Tahimik lang ako. Bihira ako makipagbiruan kasi ayaw kong maging center of attention. Para naman yata maling ipangalandakang madaldal ako at pa-star sa kabila ng pisikal kong pagkukulang? Nagsasalita naman ako at nakikibarkada ngunit hindi sa mga magaganda at seksi sa school. Sa akin, tama nang si Jyles lang ang tangi kong kabarkada. Kay Jyles kasi, solve na solve na ako. One of the boys ang tingin sa akin ni Jyles. Lalaki kasi akong kumilos. Lalaki magsalita kahit pa nakapalda ako at naka-blouse dahil bawal naman sa school ang magsuot ng pantalon ang mga babae. Nagsusuot na lang akong ng sombrero patalikod kapag nasa labas ng classroom. Mainit ang mata ng guidance at guard sa akin pero bakit ba? Actually, mainit naman pala lahat ang mga mata nila sa akin. Sino bang lalamig ang ulo kapag makita ang nakakasuka kong kapangitan? Iyon naman kasi ang ginusto kong ipakita sa lahat. Tomboy ako. Dahil magkaklase kami’t magkabarkada ni Jyles ay nagiging magaan ang loob namin sa isa’t isa. Dinadaanan niya ako pagpasok ko sa umaga sa school at kung may ensayo sila ng basketball sa hapon ay hinihintay ko pa siya para sabay naman kaming uuwi. Dahil mahina ang ulo, ako na rin ang gumagawa sa ibang mga projects niya at assignments. Bumibilis ang t***k ng aking puso kung ipinapahawak niya sa akin ang bag niya habang naglalaro at kapag nakapag-shoot siya ay kinikindatan niya ako. Gustung-gusto kong pagmasdan ang kaniyang paglalaro. Hindi man kagandahan ang katawan niya dahil nga mga bata pa kami ay sapat na sa akin ang makinis niyang kutis lalo pa kung basam-basa ng pawis ang kumiknang niyang makinis na katawan. Nakapaghihina, nakakagigil at nakatatakam. Kung manalo ang team nila ay tatakbo sa akin at aapiran niya ako, magkakadaupang palad at ibubunggo namin ang aming mga balikat sa isa’t isa. Sa tulad kong may lihim na pagtingin, gustung-gusto ko yung sandaling magkalapat ang aming balikat at maamoy ko ang kaniyang mumurahing pabango. Bilib at proud din naman siya sa akin dahil bukod sa pagiging Editor in Chief, Vice-President ako sa buong campus namin at ako pa ang laging first honor mula first year namin. Noong Elemetary kami, madalas na kaming magkalaro ni Jyles. Holen, text at kahit mga tansan. Iyon ang kinalakihan kong laro mula nang lagi akong itinataboy ng mga kalaro kong mga babae dahil hindi raw bagay sa akin humawak ng Barbie. Umiiyak ako noon kasi ayaw sa akin ng mga kapitbahay naming magagandang mga bata. Kaya ako nagdesisyon sa lalaki na lang makipaglaro. Noon ako nagsimulang magpabili kay Mama ng damit panlalaki. Kumontra si Mama noong una kasi nga kababae kong tao gano’n ako umasta. Si Papa lang ang parang naging okey sa akin kasi siguro pangarap talaga niya magkaroon ng unang anak na lalaki. Noong mga bata pa kami at kahit noong first year and second year kami, wala naman akong naramdaman kahit ano kay Jyles. Oo guwapo siya ngunit hindi ko naman siya dating gusto. Noong nagpatulong sa akin sa assignments namin at nilibre niya ako ng snack sa canteen namin doon na nagsimula ang kakaiba kong nararamdaman. Seryosohan kasi ang aming kuwentuhan noon. Dumako ang aming usapan sa aming mga buhay-buhay kaya unti-unti kong nakita na totoo siyang tao. Nagsimulang nagustuhan ko na ang kaniyang mga ngiti, napansin ko na ang maganda niyang ngipin, mamula-mula niyang labi hanggang gusto ko na ang kabuuan niya. Ang unang snack na iyon ay nagiging regular na hanggang mula barkada lang ay naging bestfriends na nga ang turingan namin sa isa’t isa. Maykaya ang pamilya ko at ganoon din naman siya. Kaya kaya naming bilhin ang lahat ng aming magustuhan. Wala kaming drama sa kahirapan. Ngunit lahat naman ng tao may kanya-kanyang pinagdadaanan. Siya tungkol sa pamilya at ako isa lang, tungkol sa aking kapangitan. Araw ng Linggo noon nang daanan niya ako sa bahay gamit ang bago niyang XRM na motor. “Uyy, tol,” iyon ang tawag niya sa akin, tol. Astig. Pang-lalaki. “Astig ah, may motor ka na agad?” “Nabola ko si Mommy e.” “Iba ka! Ikaw lang ang malakas.” “Ano… may lakad ka ba o gagawin?” sinilip niya sa gate namin habang naglalaro kami ng bunso kong kapatid ng dart. “Wala. Bakit?” Lumapit ako sa gate at nakita kong naka-checkered sky blue polo siya at kupasing hapit na pantalon. Sobrang nahulog na ang loob ko ng makita ko ang kaniyang kakisigan. Napalunok ako dahil parang artista siya sa paningin ko. Siya si Daniel Padilla sa buhay ko noon. Bumaba siya sa motor niya. Lumapit sa gate na kinatatayuan ko. Naamoy ko ang kaniyang mumurahing pabango. Yung pabango na kahit sa grocery meron. Bangong-bango ako ‘don kasi sa kanya ko unang naamoy. Kaya nga kapag nasa grocery ako, inaamoy ko ang pabangong iyon at naaalala ko siya. Bumili rin akong akin para lagi ko siyang naamoy. “Ano bang atin?” tanong ko nang bigla niya akong inakbayan.  “Palit ka, magsimba tayo tapos punta tayo ng Mall.” “Gago ka, wala ka pa kayang lisensiya.” “May helmet naman ako e. Saka babanggitin ko lang pangalan ni Daddy, lusot na tayo kung mahuli ako.” “Seryoso?”” “Oo nga. Dala ko naman ang motor ko, ikaw kung magmomotor ka rin gamit motor ninyo.” “Ayaw ko, magalit pa sa akin si Papa niyan e.” “E di angkas na lang tayo.”                   Natigilan ako. Sunday date ba ito? Naku, e bakit ako magdadala pa ng motor kung puwede naman kaming mag-angkas na lamang nang kahit sa mga pagpreno lang niya maidampi ang katawan ko sa katawan niya. “Sigurado ka talaga gagala tayo?” “Oo nga, kulit naman e.” “Sige sandali at magpaalam ako kay mama. Pasok ka muna habang magpapalit ako.” Nangangatog at kinikilig kong sagot. Patago nga lang ang kilig. Mahirap ng mabuking sa pagiging totoong babae ko at mabisto pa akong crush na crush ko ang bespren ko.                 “Sige ba. Huwag kang magmadali tol, mahaba pa naman ang oras. Mahahabol pa natin yung huling mass sa umaga.” Pumayag naman agad si Mama lalo na alam niyang si Jyles ang kasama ko. Bihira lang kasing gwapo na namamasyal sa bahay. Dahil pamilya kami ng mga pangit kaya magaan ang loob ni Mama at Papa kay Jyles. Kahit papaano kasi magkakaroon ng magandang tanawin sa bahay kahit sa mga panahong sumasaglit lang siya sa amin. Binigyan kaagad ni Mama ng miryenda si Jyles sa sala saka niya ako sinundan sa pintuan ng CR namin. “Kayo na ba?” “Ma naman, kilabutan nga kayo.” “E, bakit ka niya sinusundo para mag-attend ng Sunday Mass?” “Aba ewan.” “Baka gusto ka niya anak.” “Ma, ano ba? Nakikita ba ninyo hitsura ng anak niya diyans a hitsura ni Jyles?” “Bakit anak? Maganda ka naman ah.” “Sinong may sabi, kayo?” “Oo, bakit?” “Syempre, sabihin ninyong maganda ako kasi galing ako sa inyo. Yung mukhang ito, minana ko sa inyo.” “Oh di maganda ka nga.” “Naku, ewan ko sa inyo Ma, daming salamin sa bahay natin. Alam ninyong pangit ako.” “E di sinabi mo na rin na pangit si Papa mo kung aaminin mong pangit ka. Magkmukha kaya kayo.” “Kaya nga, babae, ako pero mukhang lalaki. Sa’n kayo nakakita ng magandang mukhang lalaki?” “Isusumbong kita kay Papa mo.” “Naku, alam na niya ‘yon Ma. Kayo na lang ang di naka-aalam na pangit kaming mag-ama. Hindi porke mahal ninyo kami, magbulag-bulagan na kayo sa kung anong totoo.” “Iyon na nga, kapag mahal ka ng tao, maganda ka sa paningin niya kahit ano pang kakulangan sa’yo.” “Ewan Ma, sige po maligo na muna ako.” “Bilisan mo at baka mainip si pogi.”                 Nakailang palit na ako ng damit, nakailang harap na rin ako sa salamin ngunit hindi talaga kayang pantayan ang kaniyang likas na guwapo ang kagandahan ko. Wala kasi talaga akong makitang ganda. Kung sana makinis ang mukha ko at kung sana man lang matangos ang ilong ko at maputi-puti ako ng kaunti, sana hindi naman ako nalayuan ng milya-milya ng crush ko. Nakakapag-suot sana ako ng bestida. Igagalang sana niya ako bilang babae. Mapapansin, liligawan at mamahalin. Nandiyang punuin ko ng polbo ang mukha ko, kagat-kagatin ang labi ko para mamula ngunit babalik lang uli ako sa banyo para maghilamos. Tuloy sa kahihilamos ay namula ang mukha ko. Sa tulad kong maitim, sabihin na nating lalo pang nangitim. Parang duhat lang na inalog-alog sa asin.  Nakailang palit na ako ng maluwang na damit at pantalon. Sinubukan ko ring isuot ang mga binibili ni mama na blouse ko na di ko ni minsan naisusuot pero wala pa rin talaga. Nagkalat na sa kuwarto ko ang mga damit ko ngunit parang hindi kayang pantayan ng porma ko ang porma niya. Diyaskeng taba kasi ito, nagmukha pa akong pandak at suman na pumuputok. “Ate, naiinip na si Kuya Jyles sa labas. Tagal mo daw.” “Sandali, huwag ka ngang atat.” “Sabi, mali daw yata pagkarinig mo sa take your time, hindi daw take your day!” natatawang biro sa akin ng kapatid ko. “Bwiset! Nang-aasar pa kayo!” Paglabas ko ay natatawa niya akong inalaska. “Tol, sa simbahan lang tayo pupunta at mall. Hindi sa JS pero parang napakatagal naman yata ng pagpapalit mo. Tapos t-shirt, jacket at maong pants lang pala ang suot mo.”                 Sasagot pa sana ako pero hahaba lang ang pang-aalaska niya kaya niyaya ko na lamang na umalis na lamang kami. “Hindi tayo hehelmet?” “Hawakan mo na lang. Isuot na lang natin kung may mayche-check na LTO.” Habang nagpapatakbo siya ng motor ay amoy ko uli ang mumurahin niyang pabango na nag-aamoy mamahalin dahil sa kanya galing. Nakatitig lang ako sa kaniyang maputing leeg. Kapag lumilingon siya ay napapahinga ako ng malalim kapag nakikita ko ang maputi at parang napakalambot niyang pisngi na binabagayan ng mamula mula niyang labi at sa taas naman no’n ay ang balahibong-pusa niyang bigote. Hirap talaga magmahal ng kaibigan. Di mo talaga masabi kung ano tunay mong nararamdaman.                 Nang nasa simbahan na kami ay parang gusto kong sabunutan ang mga mga kaedad naming lingon ng lingon sa kaniya at pagsampal-sampalin ang mga baklang wala nang ginawa kundi magbulungan pagkatapos nilang lingunin siya. Pero mamatay sila sa inggit dahil kasama ko ang lalaking hanggang pantasya lang nila. Kahit hindi man ako maganda, pakiramdam ko ay napakaganda ko noon dahil katabi ko ang lalaking nililingon lang nila. Kasalanan na kung kasalanan ngunit nagustuhan ko ang part na kantahin ang “Ama Namin” dahil pagkakataon kong mahawakan ang kaniyang kamay. Patawarin ako ng Panginoon ngunit hindi sa dasal na iyon nakasentro ang utak ko kundi ang katotohanang magkahawak-kamay kami ng mahal ko. Sumunod na nagustuhan ko ay ang pagsabi ng peace be with you dahil pagkakataon iyon na titignan niya ako sa mata at ngingiti sa akin at kikindat sabay sabing “peace be with you!”                 Nakakainis lang na kapag kasama mo siya sa Mall ay dahil sa sobrang guwapo niya, para kang anino lang na inaapak-apakan ng iba. Walang lilingon sa akin, walang papansin. Noon ko naramdaman ang kaibahan ng maganda sa matalino. Ang kagandahan ng pagiging maganda, seksi at maputi kaysa sa mataba na’t maitim pa ay ang agad itong napapansin. Ang kagandahan ay kaagad na nagugustuhan pagkatingin pa lamang. Ang matalino, hindi iyon nakikita ng taong hindi ka kilala at nakakasalubong mo lamang. Ang seksi’t maputi ay hot na hot pagmasdan sa kahit anong suot na damit samantalang ang mataba at maitim ay hot dahil masakit sa matang titigan. Ang mga seksi’t magaganda ay isang ulam na kahit tingin pa lamang ay masarap na ako naman ay sunog na ang pagkakaluto, nagmamantika’t nakakaumay pa. Kapag nagkataong matapat kami sa salamin, agad akong iiwas dahil ayaw kong makita sa salamin ang agwat ng hitsura naming dalawa. Alam kong napapansin niya iyon dahil tinitignan niya ako sa tuwing tumatalikod ako. Kung kumakain kami at nakatitig siya sa akin ay ibinababa ko ang aking mukha na parang kinakahiya kong pagmasdan niya ako. Unang pagkakataong tumibok ang aking puso. Unang pagkakataong bago ako matulog sa gabi ay si Jyles ang pinapangarap ko at paggising ko sa umaga ay atat akong makasama siyang muli. Ganoon na ganoon ang mangyayari. Naging regular ang unang linggong iyon at ako, pag uwi ay sobrang saya ngunit kapalit naman niyon ay ang di maipaliwanag na paghihirap ng aking kalooban. “Bakit ka ganiyan?” tanong niya sa akin ilang Linggo bago ang aming JS Prom.                 “Anong bakit ako ganito?” pagmamaangmaangan ko.                “Pansin ko parang naalangan ka na sa akin. Parang may kinakahiya ka?”                  “Sus, kailangan ko pa bang sabihin naman iyon e lantaran namang nakikita.”                “Hindi ka naman talaga pangit e. Maganda ang mga mata mo at hugis ng iyong labi. Ako nagsasabi sa iyo. Tignan mo iyong positive sa iyo at hindi iyong mga negative lang. Ayos din ang ang tangkad mo. Matalino ka Khaye. Huwag kang masyadong conscious sa pisikal mong anyo tol. Napatitig ako sa kaniya. Sa buong buhay ko maliban kay papa na sinasabing nakuha ko ang maganda niyang mata ay heto ang isang lalaking minahal ko ng lihim ang may nakikita na maganda sa akin. Huminga ako ng malalim. “Hindi naman napapansin ang mga mata ko at labi dahil pinuno ng taghiyawat ang aking mukha at ang napakalapad kong ilong.”                 “Hindi ka dapat ganyan mag-isip tol. Mali yan. Di ba nga matalino ka? Subukan mong isipin ang gusto kong ipakahulugan sa iyo.”                 Hindi na ako sumagot pa. Ngunit nagbigay iyon sa akin ng dahilan na tignan ang kabuuan ko. Magpasalamat sa kung anong meron ako. Hanggang kailan ako magigin one of the boys sa mata ng lalaking minahal ko ng lihim? Paano kung malaman niyang ang barkada niya ay may lihim din palang gusto sa kaniya. Ang akala niya’y tomboy ay totoong pusong babae rin pala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Billionaire In Disguise

read
650.8K
bc

Taz Ezra Westaria

read
105.9K
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
561.9K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
475.8K
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook