bc

The President's Princess (BxG)

book_age16+
2.1K
FOLLOW
15.8K
READ
age gap
badgirl
bitch
drama
sweet
bxg
heavy
betrayal
enimies to lovers
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Si Airish ay anak ng Presidente ng Piipinas samantalang si Justine ay isang hamak na PSG. Maganda, sopistikada, may maamong mukha at nakakikilabot na kaseksihan ngunit itinatago ng kagandahang ito ang kabulukan ng kanyang ugali. Kilala ni Airish ang kanyang sarili, hinding-hindi siya mahuhulog sa isang hamak na bodyguard lang. Ngunit mapagbiro ang pagkakataon. PInagsadya sila ng kapalaran. Langit at lupa ang pagitan ngunit pinagsalubong sila ng tunay na pagmamahalan. Naging mabuting tao si Airish dahil sa pagmamahal. Ngunit paano kung may kasintahan si Justine na iniwan niya pansalamantala sa Manila. Paano nila haharapin ang iniwan nilang buhay kung alam nilang pagkatapos ng immersion na iyon ay haharapin na nila ang tunay nilang buhay?

Napipinto nang mawalan ng trabaho si Justine. Ang dapat inayos na problema sa immersion ay lalong nagkagulo. Muling bumalik si Airish sa dating siya, mas nagiging masahol pa nang hindi niya matanggap na may ibang babae sa buhay ng lalaking nagpabago sa kanya. Doon rin nasasaktan si Ralph, ang lalaking lihim na nagmamahal ng totoo kay Airish.

Bukod kay Airish na nasasaktan, may Janna na rin na ipinaglalaban ang kanyang ipinagbubuntis. Si Ralph, na ipinaglalaban ang mas dalisay na pagmamahal niya kay Airish kaysa kay Justine. Si Justine na hindi pa rin niya kayang panindigan kung sino talaga ang kanyang mahal. Si Airish na ipinaglalaban ang mali niyang pag-ibig kay Justine at nalilito na rin sa kabutihang ipinaparamdam ni Ralph.

Sa huli, kailangan nilang piliing gawin ang tama. Kailangan nilang panindigan ang dapat. Si Janna ang dapat kay Justine at si Ralph ang tama kay Airish, ngunit susundin ba nila iyon o ipaglalaban ang t***k ng kanilang puso?

chap-preview
Free preview
THE PAST
The President’s Princess Phenomenal Novel of Joemar P. Ancheta    CHAPTER 1  Kanina pa siya gising ngunit hindi pa siya bumabangon. Gusto sana niyang madugtungan ang kanyang tulog kahit ilang minuto lang ngunit mailap talaga ang antok. Napakarami kasi niyang iniisip at iyon ang dahilan kung bakit napaaga rin ang kanyang gising. Napabuntong-hininga na lang siya nang tumunog na ang kanyang cellphone. Kailangan na talaga niyang bumangon. Uminat muna siya saka umupo sa kanyang kama. Kaiba ang umagang iyon sa mga nagdaang umaga. Haharap kasi siya sa isang hamon na susubok sa kaniyang pagkatao at katatagan. Kaya kahit alas nuwebe pa ang kaniyang appointment ay gumising na siya ng 6 o'clock, hindi dahil sa excited siya kundi kinasanayan na talaga niya ang magising ng maaga. Kung tutuusin nga late na ang gising na iyon ng mga katulad niya. Minabuti na din niyang maligo dahil sigurado naman siyang hindi na siya muli pang dadalawin ng antok saka baka kung makatulog siyang muli ay ma-late pa siya na maaring ikasisira ng inalagaan niyang reputasyon sa trabaho. Pagkaligo niya ay nanginginig pa siyang pumasok dahil sa ginaw ng buga ng aircon sa kaniyang kuwarto. Nakasanayan na niyang pagmasdan ang hubad na katawan sa salamin bago niya isuot ang kaniyang PSG uniform. Ngunit hindi ang PSG uniform niya ang kinuha niya sa mga nakaayos na naka-hanger niyang damit. Isang light blue longsleeves at dark blue neck tie ang inilapag niya sa kama. Muli siyang bumalik sa harap ng salamin at tinanggal niya ang nakatapis niyang tuwalya. Brief na lang na puti ang tumatakip sa kaselanan niya. Sa edad niyang dalawampu't pito, maayos pa din ang pagkakahubog ng kaniyang katawan. Maumbok ang kaniyang dibdib at litaw ang kaniyang abs dahil na din sa disiplina sa katawan at pagkain. Sinipat niya sa salamin ang mukhang kinahuhumalingan na nang hindi niya mabilang na humahanga sa kaniyang hindi ordinaryong kaguwapuhan. Tama lang din ang tangkad niya sa laki ng kaniyang katawan. Huminga siya ng malalim. Habang pinagmamasdan niya ang kabuuan ay hindi niya mapigilang balikan ng alaala ang lahat. Sino ba ang makapagsasabi sa likod ng mala-adonis niyang kaguwapuhan ay dumaan sa hirap at pananamantala ng iba sa kaniyang kahinaan? Dahil sa pagiging mahirap ay naging kakambal na niya ang pang-aalila ng mga tinuturing niyang kadugo. Masakit na kung sino pa ang kanyang mga kadugo, sila pa ang umalipusta at umalipin sa kanya. Iyon ang mga alaala ng kaniyang kabataang pabalik-balik lang sa kaniyang isipan. Lumaki siya sa isang liblib na probinsiya ng Cagayan Valley. Pangatlo siya sa siyam na magkakapatid. Apat na lalaki at limang babae. Pagsasaka ang ikinabubuhay ng pamilya nila. Magsasakang walang sariling lupa ang tatay niya. Kaya kahit gaano kasipag ang kaniyang mga magulang ay masasabing salat sila sa kahit anong bagay. Hindi na nag-aral ang sinundan niyang dalawang kapatid dahil bukod sa malayo ang paaralan sa liblib nilang barangay ay salat din sila sa pangarap sa buhay. Bakit nga daw pa sila mag-aaral kung pagsasaka rin lang naman ang kababagsakan? Ngunit iba siya sa kaniyang mga kapatid. May pangarap siya para sa buong pamilya. Nabuo ang pangarap na iyon, hindi lang dahil sa hirap na pinagdaanan kundi dahil na din may nakita siyang kapitbahay niya na gusto niyang pamarisan. Pulis sa Maynila ang kapitbahay nila at dahil doon ay unti-unting nakaraos ang pamilya nito sa probinsiya. Tulad nila, maralita lang din ang kapit-bahay nilang iyon ngunit naigapang nito ang pag-aaral dahil sa paninilbi sa mga nakakariwasa nilang kamag-anak. Walong taong gulang lang siya noon nang nagsimula siyang mangarap na balang-araw magiging isang magiting din siyang sundalo o pulis . Gusto niyang sundan ang yapak ng kanilang kapitbahay. Gusto rin niyang umasenso at hindi habangbuhay na nabibilad sa araw habang nakalublob sa putikan. Hindi sa ikinakahiya niya ang ikinabubuhay ng kaniyang mga magulang kundi kung may iba pa namang paraan para guminhawa ang estado ng kanilang pamumuhay ay bakit hindi niya subukang tumahak ng ibang landasin tungo sa kaniyang pangarap. Kaya nga nang bakasyon na iyon at mag-grade 2 na siya at umuwi ang tiyuhin niyang may babuyan at panaderya malapit sa bayan ng Tuguegarao ay nabuhayan muli siya ng pag-asa. Naghahanap ang tiyuhin niyang binata pa na kapatid ng tatay niya ng makakatulong nito sa kaniyang babuyan dahil nauubos daw ang oras niya sa panaderya. Ayaw sumama ng mga kapatid niya kaya nagdesisyong magpahanap kay nanay ng kabaryo nilang puwede niyang isama sa bayan pagbalik. Dalawa ang kailangan niya at dahil sinabihan siya ng Tatay niya na haggang Elementary lang ang kaya nilang maigapang sa pag-aaral niya kaya sinubukan niyang kausapin ang Nanay niya. Madaling araw palang iyon noon at gising na ang lahat para pumunta sa bukid. Aalis na rin kasi ang Tito niya. Kailangan niyang gawan ng paraan. Bago pa man dadaan ang hinihintay  na kaisa-isang jeep na parang Christmas tree sa dami ng pasahero ay masabi na niya ang kanyang magdamagang iniisip. "Maaga pa ah! Bakit nagising ka na?" tanong ng Nanang niya habang nagpapainit ng tubig para sa kape ng kanyang tito. Nakakatikim lang sila ng masarap na ulam lalo na ang mga delata kung umuuwi ang tito niya. Ngunit madalang lang iyon. Minsan lang siguro sa dalawa o tatlong taon kahit ang biyahe lang mula sa bayan hanggang sa baryo nila ay humigit kumulang tatlong oras. Bukod kasi sa lubak-lubak na daan ay iisa lang din ang masasakyan. Walang kuryente, walang mapaglilibangan, walang nakikitang pag-aasenso. Kung hindi siya aalis doon, mabubuhay siya bilang magsasaka, mamatay siyang magsasaka pa rin. "Puwede ho kayang ako na lang ang sasama kay Tito 'Nay?" "Anong ikaw? Tumigil ka nga.” “Pero Nay, gusto ko hong makatapos ng pag-aaral.” “Usting, hindi mo pa kaya ang trabaho do'n anak.” “Kaya ko ho.” “Mapilit ka talaga ah. Sige, tanungin mo ang tito mo kung gusto ka niyang isama." Halatang nilakasan ng nanay niya ang tinurang iyon. Sa dami nilang magkakapatid ay kahit mahirap sa isang ina na malayo ang anak ay nanaisin nitong mawalay ang anak kaysa sa kasama niyang magtitiis ang hirap at walang marating sa buhay. "Anong sasama, huwag muna. Hindi mo pa kaya ang sarili mo. Saka na lang kung magtapos ka ng elementarya. Hindi na kita pipigilan at ako na mismo ang kakausap sa tito mo na tulungan kang makatapo kung makatapos ka na sa Elementary." Makapangyarihang sinabi ng tatay niya nang pumasok ito dala ang lubid ng kanilang kalabaw. Tumingin siya sa Tito niya na noon ay nakikinig lang sa usapan. Hinihintay niyang Tito niya mismo ang magsabing kahit hindi na siya tutulong sa babuyan at panaderya nito ay handa siyang pag-aralin siya sa bayan dahil pamilya naman sila. Ngunit tagos ang tingin ng tito niya sa kaniya. Wala itong narinig. Parang walang nakita. Kaya nga nang umalis ang tito niya nang umagang iyon na hindi siya kasama at nasa ibabaw na siya ng kalabaw ay umasa pa rin siyang balang araw ay makakapunta rin siya ng bayan at doon niya pipiliting makamit ang kaniyang pangarap. Dumaan pa ang ilang taon, lalong naging mahirap ang buhay. Alam niyang hindi na siya kayang itaguyod ng kaniyang mga magulang dahil hindi lang naman kasi siya ang pumapasok sa paaralan. Kahit ang mga iba pa niyang mga kapatid ay nagsisipag-aral na rin. Kaya nagdesisyon siyang muling kausapin ang nanay niya kung puwede siyang makitira kina Tiya Dely niya na kapatid ng nanay niya, kapalit ng pagtulong-tulong nito sa gawaing bahay ay susuportahan siya sa kaniyang pag-aaral.   Malapit lang kasi sa paaralan ang bahay ng Tiya Dely niya. Nakiusap nga ang Nanay niya na doon na muna siya tumira dahil nga sa mga magkakasunod na dumating na malakas na bagyo na siyang sumira sa pananim ng mga magsasaka, idagdad pa ang pagkakasakit ng panganay nila. Pumayag naman ang Tiya Dely niya basta kailangan daw tumulong siya sa mga trabahong bahay at sa carinderia tuwing Sabado at Linggo. Dahil kamag-anak, malayo sa isip niyo na alilain siya ng mga ito. Nang una, mabait naman ang Tiya Dely at ang tiyo at mga pinsan niya ngunit nang naglaon lumabas din ang kanilang masamang ugali. Ang Sabado at Linggo na dapat pagtulong niya sa carinderia ay naging araw-araw na. Kailangan niyang magising ng madaling araw para samahan niya ang Tiya Dely niya sa pamamalengke. Ang masaklap, sa edad niyang sampung taong gulang, pinapabitbit na siya ng mabibigat nilang pinamili. Madalas, nahuhuli siya sa pagpasok sa klase. Kahit sa tanghali, bago siya makapananghalian ay kailangan niya rin munang tumulong sa pagseserve sa mga kakain at makapaghugas ng minsan sa mga pinggan samantalang ang mga pinsan niya ay naroon at katulong din kung ituring siya. Kahit nga tubig lang nila o kaya mga simpleng gawain sa bahay ay sa kanya lahat iniaasa. Pagdating niya sa hapon ay sa carinderia pa rin siya didiretso at doon siya hanggang sa wala ng customer na kakain. Ang masaklap, wala na siyang panahon pa para mag-review. Sa mismong carinderia pa siya pinapatulog dahil kailangan daw may magbabantay o tatao doon sa gabi kasama ng kusinerong may katandaan na rin. Ang matandang iyon ang siyang tanging nakakaalam kung paano siya tratuhin. Naawa man sa kaniya ang kusinero ngunit mahirap rin lang ang matanda katulad niya at may sinusuportahan ding pamilya. Kahit may sakit siya ay wala silang pakundangan na utusan siya. Nagsabi siya ngunit pinalabas na nagdadahilan siya para makaiwas sa trabaho. Gumaling lang siya dahil sa gamot na ibinigay ng matandang kusinero. Mabuti pa ang ibang tao, nagagawang pagmalasakitan siya ngunit ang mismo niyang kadugo walang pakialam sa kanya. Hindi lang pang-aalila ang ginagawa sa kaniya sa trabaho. Higit pa ang emosyonal na pagpapahirap sa kaniya. Sa harap kasi ng ibang mga tao ay sinisigawan siya ng asawa ng kaniyang Tiya at mga pinsan. Utos dito, utos diyan at kung nagkamali, may kasundo pang sipa o kaya pambubulyaw. Sa gabi napapaluha siya, naghahanap ng kalinga, ng pagmamahal. Oo nga't masarap ang mga pagkain, may ibinibigay silang baon niyang sampung piso araw-araw (ang sampung piso ng mga panahong iyon ay marami na rin ang puwedeng mabili) ngunit parang hindi naman tao kung ituring siya. Naiinggit siya sa mga pinsan niya sa tuwing nakikita niya silang nagdidiwang sa kanilang mga birthday. May bagong mga damit, mga regalo na bubuksan, mga laruan at cake. Ni minsan hindi pa niya naranasang mag-birthday, ni hindi pa nga siya nakatanggap kahit isang regalo lang. Ang mga suot niya, iyon ang mga damit na di na kasya o kaya napaglumaan na ng mga pinsan niya. Kapag sumasapit noon ang pasko ay gustung-gusto niyang umuwi sa kanila dahil namimiss na niya ang kaniyang mga magulang at kapatid ngunit sinabihan siya ng Tiya Dely niya na kung babakasyon siya, wala na siyang babalikan pang trabaho. Hindi na siya muli pang tatanggapin doon at di na siya papag-aralin pa. Kaya kahit umiiyak siya sa gabi ay mas pinili nitong magtiis at gugulin ang mga bakasyon tulad ng pasko at iba pang mga araw na wala siyang pasok sa pagtulong sa kanilang carinderia. Tinitiis niya ang pagpapaalila. Masakit yung nakikita niyang masaya ang buong pamilya ng kamag-anak niya ngunit dahil katulong ang turing sa kaniya ay hindi siya naging bahagi ng pamilyang iyon. Bumubunot na lang siya ng malalim na hininga nang nakikita niyang nagbibigayan sila ng regalo sa pasko at siya ay naroon lang, nakatingin sa kanila habang ang mga pinsan niya ay nagbubukas ng kani-kanilang regalo at masayang-masaya. Pangalawang pasko na kasing ganoon ang sitwasyon. Noong nakaraang pasko sobrang sakit at kinaiinggitan niya ang mga ganoon ngunit nang sumunod na pasko, kinakaya na niya kahit papaano. Tahimik lang siya sa tabi at pangiti-ngiti kahit nakaramdam ng inggit at pagkaawa sa sarili. Ni hindi niya alam kung napapansin ba siya o sadyang pilit kinakalimutan. Kung sana binisita lang siya ng kaniyang nanay ngunit alam naman niya at sa edad niyang labindalawa noon ay naiintindihan na niya ang sitwasyon ng pamilya niya. Isa pa sigurado rin naman siya na abala sila sa bukid at mas humirap na nga rin ang kanilang buhay dahil sa tumitinding sakit ng kuya niya. Hindi na lang pagkain at baon ng mga kapatid niya ang iniisip ng kaniyang mga magulang kundi ang mga gamot na rin ng kuya niya. Dumadalaw man ang nanay niya doon ngunit iyon ay kung hihiram lang siya ng pera at sa tuwing kinakausap siya ng nanay niya ay pinipilit niyang maging masaya para mapagtakpan lang ang hirap na kaniyang pinagdadaanan. Alam niya kasing kung magsabi siya ng totoo, paniguradong iuuwi na siya ng nanay niya at malabo nang makapagtapos pa siya sa kaniyang pag-aaral. Ang masaklap lang, paniguradong kapag ganoong uuwi na ang nanay niya ay saka sa kaniya ibubunton ng kaniyang Tiyo na asawa ng Tiya Dely niya ang inis at galit. "'Yan, mahirap pa kayo sa daga kaya sa amin na lang kayo laging umaasa. Punum-puno na ako sa walang tigil ninyong panghuthot sa amin. Kulang pa ang pinagtrabahuan mo sa mga hinihiram ng nanay mo sa amin kaya doblehin mong magsipag. Kulang na na lang ibenta ka nila sa amin. Aba, hindi madaling kumita ng pera. Palibhasa kasi mga patay-gutom!" Nang una, nasasaktan siyang marinig ang patutsadang iyong ng Tiyo niya ngunit nang naglaon, tinanggap na lang niya. Hindi dahil nasanay na siya kundi iyon naman talaga ang totoo. Mahirap lang sila at wala naman siyang puwedeng ipagmalaki. Ngunit darating din ang araw na aangat siya. Hindi nga lang niya alam kung paano ngunit umaasa siyang giginhawa rin ang buhay nila. Kahit mahirap sila ay dama niya ang kahalagahan at pagmamahalan nilang pamilya. Kahit salat ang kanilang hapag-kainan sa Noche Buena ay siguradong lahat naman sila ay nagbabahagian ng pagmamahal at matutulog na may ngiti sa labi. Iyon na lang kasi ang mayroon sila, ang pagmamalasakit at pagmamahal nila sa isa't isa bilang pamilya. Hindi nagkulang ang nanay niya sa pagtanong kung maayos lang ba ang kalagayan niya at kung hindi ba siya nahihirapan pero alam niyang walang mabuting maidudulot ang pagsusumbong niya. Siya ang mawawalan. Siya ang madedehado. Kaya kahit anong pagod, hirap at pang-iinsulto sa kaniyang pagkatao at buong pamilya ang naririnig niya ay kakayanin niyang magtiis. Kaya nga para hindi na siya lulunurin ng lungkot at inggit sa nakikita niyang saya ng mga pinsan niya sa mga natanggap nilang mga regalo ay sinikap niyang balikan ng alaala ang sarili niyang pamilya. Ang malulutong na tawanan nila noong kasama pa niya ang pamilya niya. Iba na kasi ang sitwasyon noong naging alila na siya ng mismong kamag-anak niya. Hinubaran na kasi siya ng karapatang magsaya at ang tanging bumubuhay na lang sa kaniya ay ang kaniyang pangarap at pag-asa. Doon na lang siya humuhugot ngayon ng lakas. Tumayo siya. Maluha-luha na siyang umalis noon sa nagkakasiyahang mga kamag-anak niya. Nagdesisyon siyang matutulog na lang nang habulin siya ng pinsan niyang sa Maynila nagtatrabaho at noong paskong iyon lang din nakauwi dahil bihira lang nga ito magbakasyon. Siya ay si Kuya Paul niya. "O insan, hindi mo na ba hihintayin na mag-alas dose?" tanong nito noon. "Gigising na lang ho kuya kung tapos na kayong kumain para hugasan ko ang mga pinagkainan ninyo at magligpit." Nahihiya niyang tugon. "Ano? Halika nga at mag-usap tayo." Hinila siya sa harap ng carinderia kung saan may upuan doon. Maingay ang paligid. Nagkakasiyahan ang mga bawat tahanan ngunit naroon siya't naluluha. Pinunasan niya ang kaniyang luha at napansin iyon ng Kuya Paul niya. "Inaalila ka ba rito sa bahay insan?" "Hindi ho kuya." "Huwag kang magsinungaling. Dalawang araw palang ako rito pero napansin ko ang trato nila sa'yo." "Wala ho 'yun kuya. Ayos lang po 'yun." Pinilit niyang pigilan ang sariling mapahikbi. "Hindi ayos 'yun sa akin. Bukas na bukas, umuwi ka na." "Ho? Hindi ho puwede kuya. Magagalit ang Mama at Papa mo. Mawawalan ho ako ng trabaho. Titigil ako sa pag-aaral ko." "Ako ang bahala sa kanila insan. Kailangan mong gugulin ang bakasyon mo sa pasko kasama ang mga kapatid mo at sina Tito at Tita. Heto, may pasalubong at regalo rin ako sa'yo." Iniabot ng kuya Paul niya ang regalo nito. Nahihiya at nagdadalawang isip siya kung tatanggapin niya iyon. Sa tanang buhay nito, ngayon lang siya nakatanggap ng ganoong regalo at pagpapahalaga ng isang kamag-anak. "Buksan mo, bilis!" nakatawa pang sinabi ng Kuya Paul niya sabay ang pag-akbay sa kaniya. Nakangiti rin siyang sumunod at nang mabuksan niya iyon ay nagulat siya nang makita niyang bagong sapatos at t-shirt ang laman no'n. Hindi niya alam kung paano siya magpasalamat. Bigla na lang umagos ang luha nito sa kaniyang pisngi habang nakatingin siya kay Kuya Paul niya. "Oh, bakit ka umiiyak pa rin insan?" "Ngayon lang ho kasi ako magkakaroon ng bagong damit at sapatos kuya. Salamat po." Garalgal ang boses niya. "Huwag ka ngang parang iba sa akin. Sige na, isuot mo na at makita natin kung kasya ang sapatos mo?" "Sandali lang ho at huhugasan ko pa ang mga paa ko. Mahirap na kasing madumihan eh." "Huwag na, tatagal pa. Bukas mo na lang din isuot 'yan saka sigurado akong kasya mo 'yan kasi bago ako bumili niyan ay sinukat ko muna yung sira-sira mo nang tsinelas kaya ito ang kapalit ng tsinelas mo." Inabutan siya ng bagong tsinelas at lalo lang bumalon ang kaniyang luha. "Bukas pag-uwi mo isuot mo 'yan ha? Saka may mga damit pa doon na itinabi ko na iuuwi mo sa inyo. May mga sapatos at tsinelas na pasalubong mo sa mga kapatid mo." "Talaga ho?" nanlaki ang kaniyang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Sa totoo lang, mas gusto talaga niyang bigyan ang mga kapatid niya kaysa sa magkaroon siya. Uunahin at uunahin pa rin niya ang para sa pamilya bago ang sarili niya kaya nang narinig niya iyon ay bigla na langs iyang napayakap sa kuya Paul niya. "Salamat sa kabaitan mo kuya. Napakabait mo po." "Wala 'yun. Pamilya tayo e. Saka bibigyan kita ng pera. Alam kong magkakasya na hanggang sa makatapos ka ng Grade 6. Nakausap ko kasi ang cook nina Mama at sinabi sa akin ang lahat-lahat. Masakit sa aking malaman na mismong pamilya ko ang umaalila sa'yo kaya bilang pamasko ko, bukas na bukas malaya ka na at ang perang ibibigay ko ay gagamitin mo para makatapos ka ng Grade 6, okey?" Hindi na niya napigilan ang sarili. Ang kanina'y tahimik niyang pagluha ay nauwi sa paghikbi na may kasamang tawa. Iyon ang pinakamasayang pasko ng kaniyang buhay. Bumunot siya ng malalim na hininga. Tapos na ang bahagi ng kanyang buhay na iyon. Kailangan na niyang kalimutan kasama ng sakit na kanyang pinagdaanan.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
342.7K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
239.8K
bc

Faithfully

read
269.0K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

SILENCE

read
386.3K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
34.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook