CHAPTER 2
Tumunog ang cellphone niya.
Napakislot siya.
Si Janna ang nagtext.
"Good morning Hon, see you at lunch. Good luck sa new designation mo. Love u."
"Thanks Hon. See u at lunch." Reply niya.
Si Janna, ang kanyang mahal na mahal na kasintahan.Malaki ang bahagi ni Janna at ang pamilya nito sa kaniyang tagumpay.
Huminga siya ng malalim.
Inilapag niyang muli ang cellphone niya sa tabi ng laptop saka niya kinuha ang nakasabit niyang pantalon. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin na di muna inilalagay ang butones. Ilang hakbang lang ang layo ng kama sa kinatatalungkuan niya kung saan niya inilatag ang kaniyang longsleeves. Muli niyang pinagmasdan ang isusuot niya. Ngayon ay parang nagdadalawang isip na siya kung iyon ang susuotin niya dahil itim pala ang suit na ipapatong niya doon. Ngayon niya higit na kailangan ang opinyon ng girlfriend niya. Hindi siya sigurado sa magiging kalalabasan pero mukhang okey naman siguro, naisip niya. Ngunit minabuti niyang ibalik na lang sa hanger ang kinuha niyang light blue na longsleeve niya at mag-stick sa common. White longsleeve, black neck tie and suit. Simple ngunit elegante. Isinuot niya ang puting longsleeve sa harap ng salamin ngunit hindi na muna niya ipinapasok ang mga butones nito. Hindi kasi niya maiwasang muling pagmasdan ang repleksiyon niya sa salamin.
Hinaplos niya ang kaniyang maskuladong katawan pataas hanggang sa kaniyang mukha, sa nakakahumaling niyang kaguwapuhan. Hindi niya alam kung kailangan ba niyang magpasalamat na biniyayaan siya ng Diyos ng mala-Adonis na kahubdan o kamumuhian niya kung anong meron siya. Dahil kasi sa hitsurang iyon ay may mga masasakit siyang karanasan sa kaniyang kabataang pilit niyang kinakalimutan ngunit sa tuwing nakikita niya ang kakisigan niyang iyon sa harap ng salamin ay bumabalik ang lahat, kahit halos labinlimang-taon na ang nakakaraan.
Labintatlong-taong gulang lang siya noon. Matutupad na rin ang pangarap niyang makapag-aral sa bayan sa tulong ng kaniyang Tito. Nang mga unang araw ay nagiging maayos naman ang pakikitungo ng tito niya sa kaniya ngunit may napapansin lang siyang kakaiba sa mga titig nito sa kaniya lalo na kung hubad siya ng t-shirt at pawisan siya habang abala sa paglilinis sa kulungan ng mga alaga niyang baboy. Hindi niya iyon binigyan ng kahit anong malisya. Para sa kaniya, wala naman kasing masama kung tumititig ang ibang tao sa kaniya lalo pa’t pamilya rin naman niya ito. Kamag-anak.
Doon sa babuyan na iyon ay may tatlong maliit na kuwarto katabi ng mga kulungan na siyang nagsilbing tulugan nilang mga nag-aalaga ng baboy. Nang una hindi niya masikmura ang baho ng dumi ng mga baboy ngunit tinanggap na lang niya na iyon na ang magiging buhay niya kung gusto niya talagang makatapos ng pag-aaral. Naniniwala kasi siya na pansamantala lang naman siguro ang lahat. Kung magsisimula na ang pasukan ay doon na mismo sa bahay ng Tito niya siya patitirahin. Sana iba ang tito niya sa iba nilang kamag-anak na siyang tinirhan niya noong Grade 4 pa lang siya. Sana katulad siya ng Kuya Paul niyang may mabuting kalooban. Nasaan na kaya ang pinsan niyang iyon? Huli na niyang nakita at nakausap noong paskong iyon.
Magdadalawam-buwan na siya noong naninilbi sa Tito niya at ilang araw na lang magsisimula na ang klase nila pero doon pa rin siya siya nakatira sa masikip, mainit at mabahong kuwartong iyon. Ngunit kumakain din naman sila ng sapat at kung nalinis na nila ang kulungan at napakain ang mga baboy ay wala na silang trabaho pa. Siya lang naman ang kusang pumupunta sa bakery para tumulong dahil gusto niyang makita siya ng Tito niya na nagpupursigi. Doon sa bakery ay nahuhuli pa rin niya ang madalas na pagkakatitig sa kaniya ng Tito niya. Tulad ng nakagawian niya, patay-malisya lang ang lahat.
Sa gabing iyon ay bumuhos ang ulan at dahil maginaw at pagod ay mabilis siyang nakaidlip dahil sa pagod. Ngunit kaiidlip lang niya nang napabalikwas siya dahil naramdaman niyang parang may magaspang na palad na dumantay sa mura at patpatin niyang katawan. Ibinababa ng estrangherong iyon ang kaniyang suot na lumang shorts. Pinilit niyang kilalanin kung sino ang pumasok na iyon sa masikip at maalinsangan niyang kuwarto malapit sa kulungan ng mga alaga niyang baboy. Sa tulong ng pumapasok na sinag ng ilaw sa nakasiwang na bintana ay namukhaan niya ang lalaking iyon.
"Tito! Bakit ho! Ano hong ginagawa ninyo rito? Bakit ho ninyo ako hinuhubaran?" nanginginig niyang tanong.
"Huwag kang magulo kung ayaw mong masaktan!" paanas
iyon ngunit makapangyarihan.
Naamoy niya ang amoy-alak na hininga ng kaniyang tiyuhin.
"Bakit ho? Ano hong gagawin ninyo sa akin?" maluha-luhang niyang tanong.
Sinikap niyang hawakan ang shorts niya para hindi ito tuluyang mahuhubad ng kaniyang tito ngunit walang nagawa ang kaniyang bubot na lakas.
"Di ba gusto mong pag-aralin kita? Sandali lang 'to. Patatapusin kita kahit anong gusto mong kurso basta atin lang 'to. Pagbibigyan mo ako sa tuwing gusto ko at walang makakaalam sa munting lihim natin." Halatang jayok na hayok na ang tito niya. Malikot na ang mga mata nito at mga kamay.
"Tito, pamangkin ninyo ako. Kapatid ninyo ang tatay ko. Ayaw ko ho!" sinikap niyang tumayo ngunit hinila ng Tito niya ang kaniyang mga paa kaya siya muling napaupo.
"Tarantado ka ah! Gusto mo pang masaktan gago! Papag-aralin naman kita saka pinapakain at binubuhay tapos simpleng hiling ko di mo mapagbigyan! Anlaki na ng utang ng pamilya mo sa pagkakahospital ng kuya mo noon sa akin kaya kung tutuusin nabayaran na kita sa mga magulang mo!"
"Tito maawa na ho kayo. Pamangkin ho ninyo ako. Iiba na lang ho ang ipagawa ninyo sa akin, huwag ho sa paraang ganito..." pakiusap niya, nanginginig at napapaluha na siya.
"Anong iba na lang tarantado e ito ang gusto ko!" kasunod iyon ng isang malakas na suntok sa kaniyang sikmura na sinundan ng isa pa sa kaniyang tagiliran. Dahil sa kahinaan sa pagiging bata ay napapasinghap na lang siya. Para lang siyang isang basang sisiw na padausdos na pumuwesto sa sulok ngunit hinila pa rin siya ng Tito niya.
Pinadapa siya.
Umibabaw sa kanya ang nanginginig at nasa rurok ng makamundong pagnanasa ang tito niya kaya kahit anong gawin niyang pakikipag-usap, pakikipaglaban at pagwawala ay hindi niya nadadaig ang lakas nito.
May kung anong ipinapasok sa kaniya nang nasipa ng tito niya ang short na suot niya. Isang hindi niya aakalain at masisikmurang bumubundol sa puwitan niya. Sisigaw sana siya ngunit tinakpan na ng Tito niya ang kaniyang bibig. Napakapit siya sa gilid ng kaniyang kama. Ramdam na ramdam niya yung sakit, yung pambababoy sa kaniya ng kaniyang tiyuhin ngunit wala siyang sapat na lakas para lumaban noon. Masaganang luha ang bumaybay sa kaniyang pisngi. Nabuo yung silakbo ng galit.
Pinagsamantalahan siya ng inakala niyang makakapitan niya. Ginamit siya ng kaniyang Tito sa kaniyang kamunduhan. Hindi na niya hinintay pang maulit iyon. Sandali lang ang nangyari ngunit dala-dala niya ang galit na iyon hanggang ngayon. Sa tuwing naalala niya ang kahayupang ginawa sa kaniyang ng tito niya ng gabing iyon ay kumukulo ang dugo niya. Parang gusto niyang manakit. Gusto niyang maghiganti.
Pagkatapos mangyari ang kahayupang iyon ng Tito niya ay kinuha niya lahat ang damit nniya. Sumuong sa lakas ng ulan. Nagtatakbo hanggang makarating sa bus station papunta ng Manila...
Pinunasan niya ang luha sa kaniyang pisngi. Iyon lang naman kasi ang tanging nagagawa niya hanggang ngayon. Sa tuwing naaalala niya kasi ang nangyaring iyon ay nailalabas lang niya ang galit sa pamamagitan ng pagluha. Daman-dama kasi niya yung sakit na kung sino pa ang sana ay aasahan niyang kadugo na siyang tutulong sa kaniya sa mga oras na nasa kagipitan siya ay sila pa yung bumaboy at umalipusta sa kaniya.
Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Kailangan niyang ilabas ang poot sa dibdib. Ito na siya, ibang-iba na. Malayo na ang natahak niyang landas. Kailangan na sana niyang kalimutan ang mapait na mga nakaraan.
Dahan-dahan na niyang inilagay ang butones ng kaniyang longsleeve. Nang maitali niya ang kaniyang necktie at nasuklay ang buhok ay nagwisik na siya ng mamahaling pabango na regalo sa kaniya ni Janna. Muli niyang binuksan ang aparador niya at kinuha ang isa sa mga suits niya. Isinuot niya iyon habang nakaharap sa salamin and that's it. He's ready to go!
Ganoon siguro talaga kung likas ang kaguwapuhan. Walang arte sa mukha at katawan. Paglabas niya ng bahay ay sumakay na siya sa kaniyang kotse. Sinipat niya ang pambisig niyang orasan. Kung hindi siya maiipit sa biyahe ay siguradong mas maaga pa siya sa talagang usapan.
Nang natapat siya sa traffic light ay binuksan niya ang pintuan ng kaniyang kotse. Natawa siya sa sarili nang ginawa niya iyon. Muli niyang isinara. Sa trabaho niya bilang PSG ng halos tatlong taon na ay parang kinasanayan na kasi niyang gawin iyon sa tuwing humihinto ang kanilang sinasakyan para laging handa at mabilis na makalabas para maprotektahan ang Pangulo ng Pilipinas. Dahil sa bilis ng kilos niya, talas ng mata at isip at pagmamahal sa bayan, siya ang kinausap ng Commanding Officer niya. Malaki ang respeto at utang na loob niya sa kanilang Deputy Group Commander kaya kahit ano ang hilingin nito ay hindi niya basta-basta mahihindian. Kaya nga nang sinabihan siya sa bago niyang assignment kahapon ay walang kahit anong pagtanggi. Kailangan niya iyong gawin dahil iyon ang tawag ng tungkulin.
Nang nakarating siya sa Malakanyang ay nagdesisyon siyang dumiretso na lang sa Premier Guest House. Mahuhuli na siya sa appointment niya dahil inabutan pa rin siya ng traffic kahit akala niya kanina ay napaaga pa ang alis niya sa kaniyang bahay. Ang Pangulo ng Pilipinas ang sadya niya nang umagang iyon. Ang dati ay isang alila, naglilinis sa mga kulungan ng baboy at boy sa isang carinderia, ngayon ay haharap sa Pangulo ng Pilipinas para sa isang trabahong may kinalaman sa anak nito.
Dumiretso na muna siya sa reception para i-confirm ang kaniyang appointment at kung puwede na ba siyang pumasok sa Office of the President ngunit sinabi ng staff na kailangan lang niya munang umupo at maghintay ng ilan pang sandali dahil hindi pa natatapos ang naunang meeting. Pagkaatras niya para tunguhin ang mga bakanteng upuan ay naramdaman niyang may nabangga siya.
"I'm sorry..." simpleng paghingi niya ng tawad sa hindi niya napansing dadaan sa likod niya ngunit hindi simpleng tao lang ang nabangga niyang iyon at hindi rin lang simpleng bangga ang nangyari dahil nakita niyang natapon nang bahagya ang kahit may takip na kape galing sa mamahaling kapehan na hawak ng First Daughter ay natapunan nang bahagya ang puti nitong dress.
Mabilis niyang inilabas ang panyo niya sa bulsa para punusan ang kapeng iyon na tumapon sa damit ng alam ng lahat na malditang na anak ng pangulo.
"I'm sorry ma’am, hindi ko ho sinasadya. Sorry talaga." Sunud-sunod niya sinabi iyon bilang paghingi ng paumanhin.
Bago mailapat ni Justine ang kaniyang panyo sa puting dress ng maputi, maganda, sopistikada at seksing first daughter ay mabilis nitong tinabig ang kamay niya. Tuluyan nang binuksan ng First Daughter ang bahagyang bukas na take-out cup na kape na hawak niya saka niya mabilis na isinaboy din sa damit ni Justine.
Nagulat siya sa sumunod na nangyaring iyon. Tumulo ang mainit na kape hanggang sa kaniyang pantalon at halos mapaso siya sa init ng kape na dumikit sa kaniyang katawan. Napakagat labi siya sa poot ngunit ano nga bang magagawa niya kundi pigilan ang sariling magalit. Alam niyang palaban at may kagaspangan ang ugali ng laki sa layaw na anak ng Presidente ngunit hindi niya lang napaghandaan na kaya niyang gawin iyon ng harap-harapan sa mismong office ng nirerespeto ng lahat na Daddy niya.