PATOL

1288 Words

CHAPTER 36 Pagdating ko sa kaniyang condo ay binati ako ng guard. Alam ng guard na kaibigan ako ni Brad. Paglabas ko sa elevator ay dumiretso ako sa kaniyang condo. Nag-buzzer ako. Naghintay akong pagbuksan niya ako. Inulit ko ang pagpindot sa buzzer. Kinakabahan ako. Nag-iisip kung ano ang una kong sasabihin. Ilang sandali pa pinagbuksan ako. Hindi si Brad ang tumambad sa akin. Si Erin ang naroon. Si Erin ang nagbukas sa akin ng pinto.Mabilis na tumaas ang kaniyang kilay nang makita niya ako. Tumaas ang kilay ko at dugo nang siya ang nabungaran ko. "Anong ginagawa mo rito?” “Ikaw, ikaw ang dapat kong tinatanong kung bakit ka narito?” “Aba! Obvious ba? Condo ito ng boyfriend ko. Ikaw ba hindi talaga titigil ha! Hindi ka ba puwedeng daanin sa pakiusap?" singhal niya sa akin. "Please

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD