CHAPTER 74 "b***h!" singhal ni Erin na namumula ang pisngi at banaag pa ang palad ko sa kaniyang pisngi. “Well, I can do that all night. Gusto mo pa?” hamon ko. Tumalikod si Erin. Halatang nagpipigil. Nilapitan ko sina Matt at Erin na noon ay halatang nagdidiwang sa ginawa ko. "Amanos na!" natatawang sinabi ko sa kanila at naghawakan kami ng kamay ni Miley na parang nanalo sa lotto dahil sa malakas kong pagkakasampal kay Erin. "Hoy! Starlet na akala mo kung sinong magaling! Ansakit no'n ha! Ito ang para sa'yo!" itinaas niya ang kanyang kamay. Halatang sasampalin niya ako ng sobrang lakas. Hindi ko alam kung paano ko pa iiwas ang aking mukha. Maagap na nahawakan ni Matt ang kamay ni Erin. Hindi tuloy siya nakaganti sa akin. HInarap ko siya. "Erin, kung akala mo hindi kita lalabanan

