CRUSHmate

1220 Words
Ilang linggo na din ang lumipas ng magsimula ang school year. Panibagong enviroment panibagong pakikipagsalamuha sa iba. Pero bago pa man ang lahat ng iyon ay nais kong ipakilala ang aking sarili, ako nga pala si Edward Diemsen ngunit Enyong ang tawag nila sa akin, labing siyam na taong gulang. Lumaking mahirap, masipag at independent na tao. Hindi palaasa sa iba at may sariling diskarte sa buhay. Pangarap kong makapagtapos ng pag aaral at makakuha ng magandang trabaho para mai-ahon sa hirap ang aming pamilya. Bata pa lang ako ay palagi nakong tinutuksong bakla dahil sa kilos ko. Di ko sila masisisi dahil flexible ako nung panahong iyon at dahil na din siguro sa mga hilig ko. Puro larong pang babae kase ang alam ko nun at halos puro babae palagi ang kalaro ko kaya siguro lumaki akong malambot at lampa lampa. Lumaki ako sa Bulacan, subalit ng mapagkatapos ako ng Senior High School ay napagpasyahan kong magbakasyon muna kay kuya ko dito sa Tarlac. Nung una ay bakasyon lang talaga ang nais ko pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay naisipan kong sa Tarlac na lang ipagpatuloy ang pag-aral upang lumayo at may patunayan. Ang dahilan ng aking pagpapasya na mag aral dito ay ang tiyahin ko sa Bulacan. Pinipilit nila akong mag aral sa school na hindi ko naman gusto at sa aming pagtatalo ay nasabihan nila akong wag na lamang mag aral kung wala akong balak dahil hindi ko nga inaasikaso ang mga requirements sa school na gusto nilang pasukan ko. At dahil sa pangyayaring iyon ay sinubukan kong kumuha ng entrance exam sa pinakamalapit na unibersidad dito kanila kuya ko. At nakapasa naman ako sa Unibersidad De Tarlac sa kursong Bachelor of Science in Business Administration major in Financial Management. Nais ko sanang mag accountancy ngunit walang ganung kurso sa unibersidad na napasukan ko kaya kumuha na lamang ako ng mas malapit sa kursong iyon. Lumipas pa ang mga araw, nakilala ko si Jelay, classmate kami at naging malapit kami dahil sa pareho kaming ABM ng senior high school kasama namin si Chie. Sa school kase namin ngayon ay hindi na pinakuha sa amin ang ibang major subject na nakuha na namin nung Senior High School pa lang kaya madalas kaming tatlo ang magkasama habang inaantay ang iba pa naming mga kaibigan na mayron pang klase. Matalino syang babae, black beauty at may pagkaprangka. Palangiti at sobrang masayahin kasama na nakakahawa sa akin kaya parang laging masaya ang araw ko. Naging crush ko sya ng mga panahong iyon dahil nga sa napadalas ang aming pagsasama. Habang tumatagal ay mas lalong lumalim ang pagtingin ko sa kanya. Lahat ng ito ay kinukwento ko kay Chie dahil sya lang naman mapagsasasabihan ko ng mga sikreto. Isang araw ng naisipan ng tropa na uminom sa kanila dahil may isa kaming kaibigan na may problema sa pamilya at yung isa naman ay broken hearted sa lovelife. Wala na kaming klase ng hapon noon kaya sumama na lang din ako dahil medyo maaga pa. At doon ko na nga naisipang ipagtapat kay Jelay ang tunay kong nararamdaman. Nang magkalakas loob na nga akong umamin kay Jelay at dahil na din sa pagpupumilit ni Chie ay sinabe ko na nga sa kanya ang nararamdaman ko. “Jelay, masasabihin sana ako”, pag uumpisa ko habang kinakabahan sa mga sasabihin ko. “Ano yung Enyong?”, pagtataka nyang tanong. “Aahmm.. eeehh.. kasiiii..!!”, pautal utal kong sabi. “Kasiiii??”, pang aasar nya dahil pansin nyang nahihiya ako at nauutal sa sasabin ko. “Kasi Jelay, gusto kita”, papikit kong sabi habang nag aantay ng sagot nya. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng panggitin ko ang mga katagang iyon. “Eh kasi enyong, may gusto nakong iba ehh”, ang diretsong pagkakasabi nya na seryoso na ang mukha. “Ayaw kong saktan ka kaya sana maintindihan mo, hanggang kaibigan lang muna ang kaya kong ibigay sayo”, dugtong pa nya habang nakatingin sa mga mata kong paluha na ng mga oras na iyon. After kong marinig ang mga sinabe nya ay tumalikod ako saglit at nagpunas ng nangingilid kong mga luha na babagsak na anumang oras. Huminga ako ng malalim at saka humarap sa kanya ng nakangiti. “Okay lang, tatanggapin ko naman. Crush pa lang naman kita kaya okay lang, wag mo nako alalahanin. Hehe”, ang nasambit ko kahit iba ang kirot ng aking nararamdaman dahil hindi lang iyon basta crush lang. Pagkatapos ng araw na iyon ay tuloy pa din ang buhay. Gigising para pumasok at uuwi pagkatapos pumasok galing klase. Itinuon ko na lamang sa school activities ang nararamdaman ko. Nasaktan ako sa rejection ni Jelay sakin pero hindi ko na lamang ito pinahalata sa kanila. Pinilit ko na lang maging masaya para sa kanya kahit na ang puso ko’y nadudurog sa tuwing makikita ko syang kinikilig pagnakikita nya yung crush nya sa campus namin. Ang crush ni Jelay ay si Paulo, medyo may katangkaran at maputi. Chinito din at hindi ikakailang lamang ng sampung ligo sa akin. Kaya hindi ko sya masisi kung bakit humaling na humaling ito sa kanya. Nagkaroon ng Halloween Nights sa department namin. Sa bahay ng isa naming kaibigan kami nag ayos at mag make up. Sabay sabay kaming dumating sa gym ng gabing iyon. At habang nasa party ay hindi ko maiwasang tumingin kay Jelay habang sya naman ay nakatingin kay Paulo. Nang tumugtog na nga ang love song ay inaya sya nito upang isayaw. Nanunuod lang ako sa kanila habang nasasaktan ngunit inenjoy ko na lang ang gabi at nagsayaw din ng iba. Todo ang hiyawan sa kanila ng iba naming kaibigan at halata sa muka nito ang pagkahiya habang kasayaw nya ang crush nya. Dumating na nga second semester ng first year namin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay naging kaklase namin si Paulo dahil same courses lang kami. Mas lalo akong nasasaktan dahil madalas na ngang nakikita ni Jelay ang crush nyang si Paulo pero wala naman akong magagawa kaya lumayo na lamang muna ako panandalian kay Jelay. Hindi na muna ko sumasama sa lakad ng tropa at kung minsan ay nagdadahilan na lang ako na may ibang pupuntahan. Tanda ko pa nga nung meron kaming isang group activity at pinagpartner silang dalawa. Ang mga tropa ay todo tukso sa kanila ng mga oras na iyon habang ako’y nasasasaktan pero nakasuporta pa din sa kanila. Lumipas ang mga araw ay nalaman naming may crush na din pa lang iba si Paulo at hindi nito masusuklian ang pagmamahal ni Jelay sa kanya. Kaya nagkaroon ulit ako ng pagkakataon para kay Jelay ngunit hirap syang makalimot agad sa nararamdaman nya para kay Paulo. Bilang isang kaibigan ay dinamayan ko na lamang sya sa abot ng aking makakaya kahit na ako rin ay nasasaktan. Habang tumatagal, mas nagiging malapit kami ni Jelay ngunit bilang matalik na magkaibigan na lamang. Kasama namin si ate Shai, na mas matanda samin ng dalawang taon. Si ate Shai ang naging sandalan namin, sa school at sa mga problema sa buhay. Nang mga panahong iyon, halos kaming tatlo na ang naging magkakasama dahil naging busy na si Chie sa panliligaw nya sa isa pa naming kaibigan kaya sila din ang palaging magkasama ng mga panahong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD