Isang malalim na paglunok ang ginawa ng dating ako habang hinahantay ang kasagutan ni Louella.
"Ano na nangyare sa kanila Jonas ? "
Patanong ni Vanessa na nakabalik na rin at nasa likod na ni Jonas .
Gulat na tumingin si Jonas sa likuran , nakita nya ang kanyang kasintahan na nakatingin din sa kanya at nagyoyosi.
"Eto na nga inaabangan ko yung dalawa , mukhang umamin na si Melvin hinahantay nya nalang yung sagot ni Louella"
wika nito.
***
Nagsalita na si Louella
"Walang problema. Nakikita ko naman sa mga mata mo na totoo ka sa sarili mo. Mabuti kang tao Melvin alam ko yan "
wika ng dalaga .
Napatalon sa tuwa ang dating ako sa narinig. Hindi ito makapaniwala. Hindi nito lubos maisip na maliligawan nya na si Louella
"Pangako, magtitiis ako. Pangako lahat gagawin ko hanggang sa makuha ko ang matamis mong oo "
masayang sambit ng dating ako.
Isang malaking ngiti ang itinugon ni Louella rito.
Habang sa isang gilid naman ay halos himatayin na si Jonas sa kilig dahil sa nasaksihan. Nakasara ang dalawa nitong mga palad at sinusuntok sa hangin habang sinasambit ang salitang "YES !!!! "
Tuwang tuwa ito para sa kaibigan.
Masayang natapos ang gabing iyon. At parehas silang nakauwi na nang maayos at ligtas.
****
Pagkauwi
Naabutan ng dating ako ang kanyang ina na nagtutupi ng mga damit. Napahinto ito nang makita ang anak . Nagmano sa kanya at bumati.
"Mama, tulungan ko napo kayo. "
sambit ng dating ako.
"Nako anak wag na , ako na bahala dito magpahinga ka nalang muna dahil pagod ka "
mahinaon nitong tugon habang tinutupi ang isang damit sa kanyang bandang kaliwa.
"Salamat po mama. "
masayang sambit nito
"Kamusta anak? Okay ba yung lakad mo ? " pahabol na tanong nito habang hinabol ng tingin ang anak na papunta na sa kwarto nito.
"Okay na okay po ma. Masaya po "
masayang sigaw nito sabay pasok sa kanyang silid.
Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ng kanyang ina sabay nagwika ng mahina.
"Matteo. Umiibig na ang ating anak , kung nakikita mo lamang sya ngayon ay tiyak matutuwa ka sa kanya "
Kasabay ng pagpapakita ng isang family picture nilang tatlo .
*****
Pagkatapos ng araw na iyon ay madalas na ngang magkita at magkausap si Louella at ang dating ako. Dito nagsimula ang kanilang masayang mga alaala. Laging tinutugtugan at kinakantahan ni Melvin si Louella. Masaya silang namamasyal at kung saan saan pumupunta. Pinakita ni Melvin kung gaano nga nya kamahal si Louella. Hindi lang sa salita pati sa gawa. Inunawa nya ito at inintindi sa lahat ng bagay. Sinuportahan sa mga kagustuhan at hilig pati sa mga bagay na masaya ito, ganon din si Louella sa kanya. Maraming mga litrato ang kanilang naipon , mga tawa at ngiti na di mapagpapalit sa kahit anong kayamanan sa mundo.
Masarap pag masdan ang aking nakaraan. Ang nakaraan kung saan masaya kame ni Louella. Sana hindi na matapos ang nakaraang ito. Dahil dito masaya kong nababalikan ang pagmamahal ko sa nagiisang babae na nagpabago sa aking buhay.
Napunta uli ako sa isang senaryo ng aking nakaraan kung saan , inaya ng dating ako si Louella na mamasyal sa isang parke .
Napakaganda ng tanawin. Napakaraming mga stall ng mga palaruan at bilihan ng pagkain. Masaya nilang sinulit ang mga panahong iyon.
Meron isang palaro na kung saan makakakuha ng papremyo ang kahit na sinong manlalaro na makakatama ng tatlong beses sa isang maliit na bagay na nakapatong sa isang umiikot na lamesa.
Nagpresinta ang dating ako na laruin ang bagay na iyon upang makuha ang premyo na malaking stuff toy na disensyo ng isang kuneho, halos kasing laki ito ng normal na tao.
"Ako bahala , iuuwi ko ang premyo na yan para sayo "
sambit pa nito.
Nagsimula itong maglaro. Sa tatlong tira nito wala miski isa ang tumama .
Tahimik at nakayukong bumalik si melvin kay louella at humingi ng pasensya.
Sinubukan ni Louella ang palarong iyon.
Sa di maipaliwanag na dahilan. Sa tatlong tira ng dalaga. Lahat ito ay tumama. At nakuha nito ang premyo.
"Tignan mo melvin , nakuha ko yung stuff toy, ang lake "
masaya nitong sambit habang tila hirap sa pagbuhat sa napakalaking pa premyo.
Meron pa isang palaro na kung saan manghuhuli sila ng maliliit na gold fish. Kung ano ang mahuli nila ay iyon din ang ibibigay sa kanila.
Agad na sinubukan ito ni Melvin . bumili ng maraming tokens at nagsimulang manghuli.
At tulad nga nang inaasahan. Naubos ang mga tokens na wala man lang syang nahuli.
Halos di makatingin si melvin sa mata ni Louella dahil sa hiya matapos nitong sumubok.
Lumapit si Louella rito at sya naman ang sumubok.
At tulad nga din nang iniisip ko sa unang subok pa lamang nito ay nakahuli na agad.
"Melvin , tignan mo ang cute nya. Papangalanan ko syang Golden. "
sambit nito habang pinaglalaruan ang napanalunang isda.
Marami pa silang masasayang alaala sa lugar na iyon. Natapos ang kanilang pamamasyal sa isang bahagi ng parke kung saan naupo sila sa isang mahabang upuan. Napupuno ito ng mga ukit ng mga pangalan na tila isinulat rito ang mga pangalan ng mga naunang umupo.
Naagaw ang atensyon ng dalaga nang makita si melvin na umuukit sa upuan.
"Ano yang ginagawa mo melvin ? "
pagtatakang tanong nito. Habang hawak ang isang ice cream na binili ni melvin para sa kanya.
"Sinusulat ko ang pangalan naten. Malay mo balang araw kapag malalaki na tayo tapos makita naten to , maalala naten na minsan naupo tayo dito "
masayang wika nito.
Isang inosenteng pagtango lang ang itinugon ng dalaga rito.
*****
Nalipat na naman ako sa isang senaryo sa aking nakaraan na kung saan lumipas na ang mahigit isang taon mula noong nagsimulang itong manligaw kay Louella.
Dec 24, 2015. Ito ang araw na hinding hindi ko malilimutan . Desperas ng kapaskuhan noon, ito ang araw na kung kelan sinagot ako ni Louella.
Nakita ko na lamang uli ang dating ako at si Louella sa harap ng Musical Instrumental Shop na madalas kong puntahan. Napakalamig nang simoy ng hangin noong araw na iyon. Napakarami ring mga tao na naglalakad at mga pamilyang magkakasama. Napakaliwanag ng paligid dahil sa mga Christmas lights na nagpapakinang ng gabi . Mga parol na ibat iba ang hugis na humahalo sa ganda ng mga kabahayan. Kahit saan ka tumingin ay may mga batang masayang nangangaroling at nagtatakbuhan . Nakakabingi din ang mga maririnig mong tugtog na naayon sa kapaskuhan sa buong kalsada. Mga magkasintahan na sabay kumakain sa mga restaurant , at marami pang iba.
Maaaninagan mo sa itsura ng aking dating ako ang paghabol nya sa kanyang paghinga dahil sa pagod. Marahil tumakbo ito sa pagmamadaling maabutan si Louella. Animo'y may pinagusapan silang pagkikita noong araw na iyon.
Naalala ko na , noong araw rin palang ito tinulungan ko ang kaibigan kong si Steven na suyuin ang kanyang kasintahan na si Chloe sa Tanjerin Circle. Nakiusap ito na ako ang tumugtog para sa kanyang paghingi ng tawad rito. Nagawa ko naman ng maayos ang trabaho at napag ayos ko ang dalawa. Pagkatapos noon ay di ko namalayan na may tinakda pala kameng usapan noon ni Louella kaya nagmamadali akong tumakbo mula roon at umaasang maabutan pa ito. Salamat nalang at naabutan ko pa.
"Patawad. Humingi kase ng pabor sakin si Steven. Kaya nalate ako. Di ko sinasadya ang mga nangyare Louella "
paisa isang sambit ng dating ako habang hinahabol pa nito ang kanyang pag hinga.
"Naiintindihan ko, nakikita ko sa mga mata mo na totoo ang sinasabi mo "
mahina ngunit seryosong tugon nito.
Mula sa paghahabol ng hininga, dali daling kinuha ng dating ako ang isang papel na naglalaman ng sulat .Sulat ito ng pag amin sa tunay nitong nararamdaman.
Marahil old school na nga ang pagbibigay ng liham , subalit sa ganong paraan nasasabi ni Melvin ang knyang pagmamahal kay Louella. Hindi kase sya showy sa mga bagay na gusto nyang sabihin . Mas gusto nyang daanin sa pagsusulat at pagkanta.
Iniabot nya ito sa dalaga at mabagal na binuklat. Binasa ang nakasaad rito at maya maya'y tumulo ang mga luha nito. Luha ng pagkatuwa at pagtanggap.
"Bakit ? Bakit ka umiyak ? May nasabi ba akong masama dyan sa liham ? "
pagtatakang tanong ng dating ako.
Hindi nagsalita si Louella at dali daling niyakap ang dating ako. Nabitawan nito ang liham at hindi na itinuloy ang pagbabasa.
Samantalang takang takang ang dating ako sa mahigpit na pagkakayakap ni Louella rito.
"Salamat Melvin. Ikaw ang unang lalaki na nakaunawa sakin . Ang unang tumanggap sakin. Nakita ko kung gaano ka kaseryoso sa pagpapakita kung gaano mo ako kamahal "
iyak nitong sambit sa dating ako.
Habang ramdam na ramdam ng dating ako ang pagkakayakap ni Louella rito ay wala itong ibang naitugon kundi paghawak sa ulo ng dalaga at himasin ang buhok nito.
Paborito kong gawin ito lalo na kay Louella. Pag may nakikita akong malungkot na tao ay hinihipo ko sa ulo sabay hinihimas. Sa paraan kasing ito napapakita ko ang pagsimpayta ko sa nararamdaman ng isang tao.
Tumigil si Louella sa pag iyak at tiningala si Melvin o ang dating ako.
"Sinasagot na kita Melvin. Simula ngayon GIRLFRIEND MO NA AKO "
nakangiting wika nito habang nagpipigil pa ng luha.
Hindi makapaniwala si Melvin o ang dating ako. Gulat nitong napatingin sa kaliwa at kanan at binalik ang tingin kay Louella. Tama ba ang kanyang narinig? Totoo ba to ?
"Oo totoo na yan. Sinagot kana ni Louella. Nagbunga din ang mga pagod mo at sakripisyo mo sa panliligaw. Nagbunga rin ang pagtytyaga at paghihintay mo sa dalaga. Nakamit mo narin ang matamis nyang oo . "
sambit ko sa dati kong sarili.
Kahit alam ko na ang mga mangyayari sa nakaraang ito, ay iba parin talaga kapag personal mong makita at mabalikan ang nakaraan kung saan sinagot na ako ni Louella. Napakasarap sa pakiramdam . Napakasayang balikan.
Sa sobrang tuwa ng dating ako ay napatalon ito at nagsisisigaw sa daanan. Wala syang pakealam kung pagtinginan sya ng mga tao. Ang mahalaga ay nailabas nya ang kasiyahan nya.
Bumalik sya kay Louella at niyakap ito ng buong pagmamahal. Mahigpit nya itong niyakap habang umiiyak. Sinuklian naman ito nang mahigpit ding yakap mula sa dalaga.
Inilapat nito ang mga kamay sa pisngi ni Louella at winika.
"Totoo ba talaga to ? Kasintahan na talaga kita ? " naguguluhang sambit nito.
"Oo Melvin. Totoo to. Mahal kita. Mahal na mahal "
nakatawang tugon nman ni Louella.
Pinunasan ni Melvin ang luha sa mga mata ni Louella at muli itong niyakap. Matagal na pagyakap.
Tinitigan nya ito ng matagal. At tulad ng madalas na gawin ni Loella, animo'y nauusap sila sa kanilang pagtitig sa mata ng isat isa.
Pagkatapos noon ay dahan dahang inilapit ni Melvin ang kanyang mga labi sa manipis na labi ni Louella.
Pumikit ang dalaga na tanda ng pagpayag nito .
At tuluyan na ngang naglapat ang kanilang mga labi sa isat isa at isang halik ang kanilang nabuo. Ramdam ni Melvin ang lambot ng labi ni Louella mula sa kanyang pagkakahalik rito.
Ang kanilang unang halik.
Ang matamis at di makakalimutang halik sa tanaw ng kanilang buhay. Para bang tumigil ang oras noong mga panahong iyon. Para bang sila na lamang ang tao sa paligid at wala silang nakikita o naririnig. Nagtama ang kanilang mga labi kasabay nang pagsiklab ng masidhing damdamin nila sa isat isa.
Dahan dahang pagmulat ng mga mata nagtapos ang kanilang halikan. At muling mahigpit na pagyakap ang kanilang ginawa sa isat isa.
Isang tinig ang kanilang narinig ,dahilan upang sila at matigil at makuha ang atensyon nila sa isang direksyon.
"Sa wakas official na kayo "
sambit ni Jonas na nakaakbay at marahang naglalakad kasama ang kasintahan nitong si Vanessa.
Abot na tengang ngiti ang isinukli ng dating ako sabay lumapit sa kanyang matalik na kaibigan at nakipag apiran ito.
"Salamat pala sa pagtulong kanina sa pag aayos ng kotse namin "
wika ni Jonas sa dating ako.
"Si Melvin. Tinulungan kame kanina na ayusin ang tumirik naming sasakyan. Papunta kame para mamili ng regalo kaso nasira naman habang nasa byahe kame. Sakto naman na nakita nmin si Melvin at tinulungan kame. Sinabi nya na may usapan kayong pagkikita kaya naman pinauna na namin sya. "
mahabang wika ni Vanessa habang nakaharap kay Louella at nagpapaliwanag.
"Oo nga po ate Vanessa nasabi narin sakin ni Melvin knina ang dahilan "
tugon ni Louella kay Vanessa .
"Pero Melvin , bakit ang tagal mo ata bago nakapunta dito ? "
pagtatakang sambit ni Jonas sa kaibigan.
"Tinulungan ko pa kase si Steven. Sakto naman na nagkita kame at nagpatulong kung pwede samahan ko sya upang tugtugan ang kanyang girlfriend na si Chloe na nagtatampo sa kanya. Buti naman at bago maghapon kanina ay nagakaayos sila. Kaya namn pagkatpos nun patakbong pumunta na ako rito. "
wika nya.
Oo naalala ko pa kung paano ko tinulungan sila Steven at Chloe noon. Nakakatuwa at masayang karanasan para sa akin.
Lumapit si Louella sa dating ako. Tinignan ito ni Melvin sabay kinuha ang kamay nito at hinawakan.
Tanda ko, napakainit at napakalambot ng mga kamay ni Louella noong una ko itong nahawakan.
Pagkatapos noon ay masayang nagkwentuhan ang magkakaibigan. Malugod nilang pinagdiwang ang bagong magkasintahang na sila Louella at ang dating ako (Melvin).
Saka sa panahon palang ito sila Vanessa at Jonas ay nagtratrabaho na. Si Vanessa ay nagtratrabaho sa isang sikat na clothing brand , bagay lang naman sa kanya dahil isa syang fashionista . Samantalang si Jonas naman ay isang Office Staff sa isang marketing company.
*****
Lumipas pa ang mga panahon. Itong mga panahon na to ang pagsisimula nang mas lalo pa naming pagkakamabutihan ni Louella. Nagpatuloy ang masasaya naming alaala. Wala kameng oras na sinayang. Bawat oras ipinaramdam namin kung gaano namin kamahal ang isat isa. Lagi kameng nagkwekwentuhan, nagtatawanan, madalas ko ring kinakantahan si Louella , madalas rin kaming mamasyal. Pumunta kung saan saan. Kumukuha ng litrato magkasama at kapag abala kame sa aming pag aaral ay di naming nakakalimutang kamustahin ang isat isa sa pamamagitan ng pagtawag.
Masaya.
Masarap magmahal.
Masarap ma inlove sa taong minamahal mo talaga.
Habang nakikita ko sa nakaraang ito ang mga masayang alaala ng pagmamahalan namin ni Louella noon ay di ko mapigilang hindi malungkot. Kamusta na kaya si Louella ngayon? Okay lang kaya sya ?
Sa panahong din ito. Pinakilala ako ni Louella sa kanyang ina.
Nung una kinakabahan talaga ako. Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kung sakaling kaharap ko na ang magulang nya. Natatakot ako na baka husgahan ako o baka naman di ko masagot ang mga itatanong nito.
Pero isang mahigpit na paghawak saking mga kamay mula kay Louella ang nagpawala sa aking kaba. Habang nakatayo sa labas ng kanilang pintuan at hinahantay na pagbuksan ng kanyang ina.
Sabi ko pa noon. " Kaya ko to " huminga ako ng malalim. At nagtiwala sa aking sarili . Mahal ko si Louella. Hindi ako matatakot dahil mabuti ang aking intensyon sa kanya.
Mabait naman na tinanggap ng ina ni Louella ang dating ako.
Naalala ko nakaupo kame sa isang mahabang lamesa . Ang kanyang ina ay nakaupo sa gitna habang ako naman at si Louella ay magkatabing tahimik na nakaupo at naghahantay na magsalita ito. Ako ay nagpakilala at nagkwento ng mga bagay patungkol sa akin. Lahat lahat sinabi ko .
Pagkatapos nito.
"Mahal mo ba talaga ang anak ko si Louella lou Angela "
seryosong tanong ng ginang na nakatitig sa aking mga mata .
Noon ay napatuwid ako ng pagkakaupo. Humawak sa aking magkabilang tuhod sabay nagwika.
"Opo. Mrs Santos. "
Seryosong wika ng dating ako na seryoso ring nakatingin sa ina ni Louella.
"Mahal ko po si Louella. Hindi hindi ko sya sasaktan , mamahalin ko sya parehas ng pagmamahal ko sa aking sarili. Nangangako po ako sa inyo na hindi ko sya pababayaan. "
diretsong tugon pa nito.
Ilang segundo hindi nagsalita ang ginang. Kinuha ang isang baso ng tubig sa kanyang tabi at ininom. Muli nitong binalik ang kanyang magkapatong mga hita sa pagkakaupo . itinaas baba ang kanyang salamin sabay nagwika.
"Nakita ko naman sayo Melvin, alam kong mabuti kang tao. At saka ikaw ang kauna unahang lalaki na ipinakilala ni Angela rito sa bahay. Marami syang manliligaw pero di tumatagal kase mga walang tyaga at natatakot dahil sa galing ng aking anak sa pagbabasa ng isip ng mga tao. "
mahabang sagot ng ginang.
"May tiwala ako kay Louella Angela. Alam kong hindi ka nya sasagutin kung hindi ka karapat dapat. Basta siguraduhin mo lang na hindi mo sasaktan ang anak ko. Dahil tulad nga ng sabi mo iisang anak ka rin. Kaya sigurado akong alam mo ang pakiramdam nang pagmamahal ng magulang sa knilang nag iisang anak " pahabol pa nitong wika .
"Opo .Makakaasa po kayo Mrs Santos. "
magalang na sambit ng dating ako.
Tumayo na ito at tumalikod. Nagwika
"Mama o Nanay or kung ano man ang gusto mong itawag sakin. Wag mo na akong tawagin sa aking apelyido. Dahil simula ngayon ay parang pamilya na rin ang turing ko sayo. Kaya ituring mo narin akong parang tunay mong ina"
wika nito bago ngumiti at tuluyan nang umalis at umakyat na sa kanilang mahabang hagdan sa knilang napakalaking bahay.
Isang mahigpit na yakap ang binigay ni Louella sa dating ako matapos ang matinding paguusap na iyon. Akala ko hindi ko malalagpasan ang sitwasyong iyon. Pero dahil sa pagmamahal ko kay Louella ay nasagot ko ng buong puso ang mga tanong ng kanyang ina.
"Sabi ko sayo eh, mabait si Mommy. Talagang istrikto lang sya pero napakabait nun, " nakangiting wika ni Louella.
****
Ilang araw mula roon.
Nagbago na naman ang takbo ng senaryo sa aking nakaraan at napunta naman ako kung saan ipinakilala ko naman si Louella kay mama.
Pero di gaya nung ipinakilala ako ni Louella sa kanyang ina na halos himatayin ako sa kaba.
Sya naman ay sobrang excited na tipong gustong gusto nya na makilala si mama at pormal nya na itong makausap.
Nakakatuwa talaga si Louella. Napakabibo at napakapositibo nya sa lahat ng bagay.
Noong binuksan ko ang pinto at tinawag si mama ay agad syang pumasok rito at nagmano agad. Nakangiti at masayang kinamusta si mama. Sinuklian naman ito ni mama ng isang matamis na ngiti at pagyakap rito. Ang sarap nila pagmasdan. Gustong gusto talaga nila ang isa isa.
"Ako nga pala si Janicia Albert Torres, ang ina ni Melvin. Tatlomput siyam (39) na taong gulang tawagin mo nalang akong tita Janice kung nais mo "
wika ni ina rito.
"Napakaganda nyo po tita ! Parang di kayo 39years old. Parang mga nasa late 20s ang itsura nyo. Ano po skin care nyo ? Napakakinis ng kutis at di mahahalatang may anak na kayo "
sambit ni Louella na halos kuminang ang mata noong makita ng malapitan si Ina.
"Ay talaga ba ? Nakakahiya naman hindi naman ako ganon kagandahan "
kinikilig na sambit ni ina habang nakahawak ang mga palad nito sa kanyang mukha.
Habang nakaupo at sama samang kumakain ay masayang nagkwentuhan sila Louella at si Ina. Dito ay nagpakilala ito bilang aking kasintahan.
"Masaya ako para sa inyo iha. Mahalin mo si Melvin ah"
masayang tugon ni mama.
" Opo, makakaasa po kayo sakin. "
isang malaking pagngiti ang itinugon ni Louella rito.
Pagkatapos noon ay nagkwentuhan pa sila sa mga nakakatawang bagay ukol sakin . At tulad nga ng inaasahan ko ibubulgar ako ni mama sa mga nakakahiya kong pinag gagagawa noon.
Natapos ang eksena kung saan nakita ko na lamang sila Louella at si Mama na sikretong naguusap sa labas ng bahay.
Hindi ko matandaan ang pangyayare nato sa aking nakaraan. Siguro dahil ang aking dating sarili ay nasa loob ng bahay at naghuhugas ng mga plato nung mga panahong ito.
Nakita ko uli na lumapit si ina kay Louella at hinawakan ang mga kamay nito.
"Louella, meron lang sana akong hihilingin sayo "
mahinang wika nito , habang nakatingin sa dalaga.
Tinitigan ito ni Louella at dito nabasa nya ang nararamdaman nito. Hinigpitan nya ang pagkakahawak rito at nagwika
"Ano po iyon. Tita . ? "
tanong ni Louella.
Hindi agad nakapagsalita si mama , at maya maya ay pigil itong lumuha. At tulad nga ng inaasahan ni Louella rito sa pagbasa sa mga mata nito. Nagpapakita ito ng mga kalungkutan sa kabila ng masayahin nitong pag uugali.
"Pakiusap, wag mong papabayaan si Melvin. Alam kong medyo makasarili itong hinihiling ko sa iyo , pero sana magmahalan kayo ng buong buhay nyo. Bantayan nyo ang isat isa at wag kayo mag aaway. Kapag dumating ang panahon na di kayo magkaunawaan , kailangan meron sa inyong magpapakumbaba. Iyon ang sikreto sa isang matagalang relasyon. Tanggalin nyo ang salitang selos at inggit sa kapwa. Intindihin nyo ang mga ginagawa ng bawat isa sa inyo. Mahalin at tanggapin nyo ang mga nakaraan nyo. "
mahabang wika ni mama
"Makakaasa po kayo sakin "
sambit ni Louella.
"Alam kong di mo pa maiintindihan to Louella. Subalit malaki ang kasiguraduhan ko na ikaw ang magiging dahilan kung ano ang magiging si Melvin sa hinaharap "
wika ni mama.
Pagyakap ang itinugon ni Louella rito tanda ng pagsimpatya nito.
"Noong dalaga ako hinulaan ako ng isang manghuhula sa aking magiging hinaharap at sa aking magiging anak. May bagay syang sinabi sakin na aking kinagulat noon "
sambit pa ni Ina.
May ganito palang nangyari sa aking nakaraan. Hindi ko alam.
Hindi ko alam na kinausap pala ni Mama si Louella noon , at sinabi ang mga salitang iyon.
Itutuloy sa susunod na kabanta..