Kabanata 5.2 " Pagbunga"

3884 Words
**** Ilang panahon pa ang lumipas. Nagpatuloy ang pagmamahalan namin ni Louella. Masaya ang mga araw na lumipas. Nagpatuloy ang normal naming buhay. Lumipas ang una naming buwan bilang magkasintahan. Kame ay kumain sa isang sikat na restaurant at masayang ginunita ang espesyal na araw na iyon. Inilabas ko ang isang maliit na karton na naglalaman ng aking regalo kay Louella . Isa iyong mamahaling brand ng sling bag na aking pinagipunan mula sa kinita ko sa pagkanta sa mga events. "Nagustuhan mo ba ? Actually si Vanessa ang pumili ng design na yan kase di ko naman kabisado ang mga kagustuhan ng babae pagdating sa bag " wika ng dating ako. " oo naman, ang ganda kaya! " masayang wika ni Louella, habang akap akap ang sling bag at sinuot agad ito. Makikita ang malinaw na design ng isang Sunflower sa bag na iyon. "Ako rin may regalo , akala mo ikaw lang ". Sambit naman ni Louella habang nakangiti na kinuha sa kanyang likuran ang isang mahabang bagay na kanyang regalo. Isa iyong gitara. Isang Martid D-18 acoustic guitar. Iniabot nya ito sa dating ako . " pasensya kana Melvin, alam kong hindi yan mismo yung kaparehas na gitara na madalas mong sabihin sakin na gusto mong bilhin. Dahil noong pumunta ako, sabi nung may ari na palagi mong pinupuntahan na Musical Shop ay may nakabili na raw ng mismong Martin D18 .Pasensya kana. Nagpatulong nalang ako kay Jonas upang maghanap ng kaparehas na itsura at brand. " mahinang wika ni Louella . Niyakap ng dating ako si Louella sabay nagpasalamat. "Salamat , hindi na mahalaga sakin kung may nakabili na nung gitara na Martin D18 na mismong gusto ko . Basta galing sayo malugod kong tatanggapin at mamahalin. " wika nito sa kasintahan. Mahalaga at sobrang sentimental ng gitara na iyon. Dahil iyon ang unang gitara na binigay sa akin ng pinakamamahal kong babae. Nilagyan ko rin iyon ng tanda mula sa araw na natanggap ko ito kay Louella. Dated January 24, 2016. Simula noon ay madalas ko nang gamitin ang gitarang iyon sa mga lakad at mga pagtatanghal na aking pinupuntahan. Lumipas pa ang maraming panahon sa aming pamumuhay. Patuloy na kaligayahan ang nanguna sa aming relasyon . Dumating ang aking kaarawan, tanda ko pa noon niregaluhan ako ni Louella ng isang Kwintas. Hindi ito kahabaan pero ang kamangha mangha rito ay yung pendant na krus na gawa sa pilak. Kakaiba at sobrang ganda. "Ipabless naten yan Melvin. Dito sa simbahan na madalas nateng pagsimbahan. " tinig mula kay Louella habang naglalakad at nakayapos sa braso ng dating ako. "Sige ba . Okay yan . " masaya nitong pagsang ayon. Nakarating sila sa isang simbahan. Medyo may kalumaan na ang disenyo ng simbahang iyon , ngunit napakarami paring parokyano na pumupunta para magsimba. Isang lalake ang kanilang pinagtanungan na nung mga oras na iyon ay tahimik lamang na nag wawalis sa gilid ng simbahan. Itinigil nito ang pagwawalis noong makita ang dalawa na patungo sa kanya. "Si Father Adrian po ba ang hinahanap nyo ? " wika nito habang inilapag sa gilid ang malaking walis tingting. Tumango ang dating ako at agad namang itinuro ng lalake ang daan. Nang makalapit na sila sa pintuan kung saan naroroon ang pari ay pinatigil nya ito at sinabihang maghintay. Maya maya ay lumabas na ang isang pari mula loob ng isang kwarto. Hindi pa ganon katanda ang paring iyon at sa aking palagay ay kaedad lamang ng aking ina. Ngumiti ito noong makita kame. Agad namang nagmano si Louella at ang dating ako. "Ano ang inyong pakay mga anak? " malumanay nitong tanong habang naka lapad ang mga palad nito sa kanyang puso na animoy nagdadasal ito. "Ipapabless po sana namin ito , father" wika ni Louella sabay abot ng kwintas . Agad namang kinuha ito ng pari at nagsimulang basbasan ito. Matapos ang pagbabasbas ay ibinalik na ito ng pari. "Ganyan din ang kwintas na ibinigay ko sa isa sa mga sakristan ko dito sa simbahan " sambit ng pari. "Talaga po? " wika ng dating ako habang hawak hawak ang kwintas. " Salamat po , Father Adrian Silva. " wika ni Louella sabay nagmano uli rito. "Walang anuman iha. Sige humayo kayo at gabayan nawa kayo ng ating poong may kapal" mahina nito wika habang hawak nito sa ulohan ang dalawa. ****** Lumipas pa ang mga araw. Nagsimulang maging tanyag ang aking pangalan sa larangan ng pag awit. Marami ang gusto akong kunin sa mga patimpalak upang lumahok at lumaban . Madalas akong manalo at naiuuwi ang mga papremyo. Ito na ata ang isa sa masasabi kong tagumpay sa aking buhay. Nagbago ang lahat, marami na ang aking naging kaibigan. Ganon naman talaga pag kilala ka, saka sila lalapit sayo. Pag sikat kana saka ka lang nila mapapansin at bibigyan ng halaga. Mabilis na nagbago ang senaryo sa aking paligid. Na para bang sa isang kisap mata ko lamang, ay tila bigla napunta ako sa panibagong nakaraan sa aking buhay. Sigurado ako. Dalawang taon ang lumipas sa panahong ito. Dahil nakikita ko ang dati kong sarili na nag aaral na sa ikaapat (4) na bahagi sa kolehiyo at ito na ang aking huling yugto sa buhay pag aaral. Graduating student nako. Nakita ko rin ang isang kalendaryong nagsasabi na ito ay nasa taong 2018. Nakita ko na lamang uli si Louella at ang dating ako na masayang naguusap. Habang naka uniporme ng kanilang magkaibang unibersidad. Graduating student na rin dito si Louella. At ito ang panahon na kung saan medyo naging abala na sya dahil sa kabila kabilang mga aktibidad nya, lalo na sa mga mabibigat na aralin at mga proyekto. Subalit kahit ganon ay hindi namin kinakalimutan ang isat isa , bagkus lalo pa naming minahal ang aming relasyon . Kahit na madalas ay wala kaming komunikasyon ay nagagawan parin namin ng paraan. Itinuring namin na inspirasyon ang bawat isa upang lubos na mapagbuti ang aming pag aaral. ******* Ako ay patuloy paring tumutugtog sa mga events kasama si Jonas. Naging kilala ang tambalan namin hindi lang sa aming lugar kung hindi pati narin sa mga kalapit naming lungsod. Marami nang kumukuha sa amin sa mga events at mini concerts , umusbong na nga ang aming paghihirap at tuluyang sumikat. "Alam mo Melvs, kakaiba ka talaga dahil sa tuwing kumakanta ka talagang napapahanga mo ang mga manunuod. The best ka talaga umawit " wika ni Jonas habang inaayos ang napatid nitong sintas mula sa kanyang kaliwang sapatos. "Nako, kung wala ka baka di ako makakaawit sobrang galing mo kaya mag drum " wika ng dating ako habang nakayuko sa kaibigan habang pinagmamasdan itong magsintas ng sapatos. Lumabas na ang dalawa sa isang events hall kung saan ginanap ang kanilang pagtatanghal. Ang 2018 rockband fest . "Melvs , si Vanessa aalis na pala sa susunod na linggo. " wika ni Jonas na medyo seryoso. Tumingin sya kay Jonas . Nabatid ko sa aking kaibigan ang kaunting kalungkutan. Palagi ko syang nakikitang masaya. Kilala ko sya bilang matatag at malakas na tao. Pero sa mga ganito rin palang sitwasyon ay nakakaramdam din sya ng kalungkutan. Totoo nga na Tao lamang tayo. The Tumatawa at umiiyak. Muli itong nagpatawa upang mapawi ang nararamdaman. "Matutuloy pala sa pag alis si Vanessa ? Akala ko plano palang yun " pagtatakang tanong ng dating ako. "Matutuloy sya pre. Alam mo naman na nagmula si Vanessa sa isang mayamang pamilya . Nakatanggap sya ng offer mula sa ibang bansa . Sa bansa kung saan nakatira ang kanyang magulang. Sa Italya. " tugon nito. "Actually, pinagusapan naming maigi ang bagay na iyon. At talagang napagdesisyunan nyang tanggapin ang offer bilang maging isang Fashion Designer sa bansang Italya. Pangarap nya kase iyon. At hindi ko sya pwede pigilan. Bagkus susuportahan ko pa sya. Dahil mahal ko sya. " mahaba pa nitong sambit "Babalik pa ba sya ? " wika ng dating ako. "Hindi nya pa raw alam. Ang kontrata nya kase ay 6years .Pero kada dalawang taon ay pwede syang makauwi rito sa bansa naten. Mas okay na yun." " Sabi nya rin sakin sa pagbabalik nya magpapakasal na kame. " sambit ni Jonas. Tumingin ang dati kong sarili kay Jonas at inakbayan ito. "The best ka talaga pre. Mahal na mahal mo talaga si Vanessa" sabi nito. Ngumiti ito at nagwika "Syempre naman. Pag mahal mo suportahan mo! May tiwala ako kay Vanessa makakamit nya ang pangarap nya. Ano pa silbi ko bilang boyfriend kung di ko di ko susuportahan diba ? Pre may hihilingin lang sana ako. Pwede bang di ako makaaattend sa thanksgiving party na inaalok sa atin sa susunod na linggo? Ihahatid ko kase si Vanessa sa airport. " Hinigpitan ng dating ako ang pagkakaakbay rito at masayang nagwika. "Oo naman .walang problema sakin pre. Saka kahit di ka magpaalam talagang need mo samahan si Vanessa sa huling araw nya dito sa bansa. Igreet mo nalang ako kay Vanessa ah " wika ng dating ako. "Salamat Melvs. " mahinang sagot nito. ***** Muli pang nagpatuloy ang aking buhay. Bawat araw at bawat buwan ay pahirap nang pahirap sakin kung paano ko pagsasabay sabayin ang pag aaral at career bilang mang aawit. Pero kailangang kayanin. Sa aking pag aaral ay hindi ko naman ito napabayaan. Nagpatuloy ang magandang performances ko sa klase. Ngunit may isang Professor ko noong kolehiyo na labis ang galit sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung saan nagmula ang poot nya pero parang lagi syang namumuhi pag nakikita nya ako. Ilang beses nya na din akong muntik ibagsak ngunit hindi nya magawa dahil aktibo at matataas parin ang aking mga pagsusulit sa klase nya. Ito ay si Professor Robert Galmante. "May araw rin yang Melvin na yan. Darating din ang pagkakataon na luluhod sya sa akin " wika ng professor habang padabog na inilapag nito ang isang makapal na libro sa lamesa . "Bakit ba galet na galet ka kay Torres ? " wika ng isa pang professor na nagaayos ng mga lesson plan nito sa likod. "Sa tuwing nagklaklase ako. Yang si Melvin na yan akala mo alam nya lahat. Lahat tinatama nya kahit konti kong pagkakamali. Nakakainis ! Parang hindi nya ako professor kung umasta." Wika nito sabay pagalit na sinuntok ang lamesa. "Eh baka naman itinatama ka , pero sa maayos na paraan naman. Parang wala naman akong nakikitang mali doon " wika uli ng professor sa likuran nito na ngayon ay tapos na sa pag aayos ng lesson plan at umupo na sa kanyang upuan. "Hindi parin yun tama ! Hindi parin tama ang ginagawa nya sakin , makakahanap din ako ng tyempo at sya naman ang ipapahiya ko sa buong klase" pagpupumilit nito. Habang nakikita ko ngayon si Mr Galmante ay naalala ko ang ginawa nya sa akin. Para syang hindi Professor kung umasta. Wala akong ginawang masama sa kanya. Ang totoo nagagalit sya sa akin dahil sinusumbong ko sya na hindi sya nagtuturo sa klase at ako pinagbabalingan nya ng galit. Yung patungkol naman sa sinasabi nya na sumasagot ako sa tuwing nag tuturo sya (once in a blue moon) ay dahil mali mali naman talaga ang tinuturo nya! pero sinasabihan ko sya sa maayos na paraan. At hindi ko ito sinasabi pag nasa harap ng buong klase, talagang hindi lamang sya marunong tumanggap ng pagkakamali. Sana lang ay nakikita nya ako ngayon para mabigyan ko uli sya ng leksyon . Nakita ko ang aking dating sarili sa kanyang pagaaral sa huling yugto ng buhay Kolehiyo at ngayon unti unti ko ring nababalikan ang mga masasamang pangyayare sa aking nakaraan. Araw araw ay binubully ako ng grupo nila Alfred. Isa syang siga sa aming klase. Kahit na mas matangkad ako rito ng ilang inches. Lugi naman ako sa lapad at laki ng katawan nito.Na animo'y batak sa buhatan ay pakikipag basag ulo. Tama nga naman. Walang araw na hindi sya nasangkot sa gulo mula noong nakilala ko sila. Wala ring araw na hindi nila ako hiningian ng pera , at kapag hindi nakapag bigay ay humahantong sa pangbubugbog nila. Wala akong magawa noon. Wala akong lakas ng loob na lumaban dahil napakarami nila. "Melvin , wala kapa atang nabibigay para sa araw na ito.? " mahina ngunit maangas na tono ni Alfred sa dating ako habang nasa isang sulok ng silid. "Pasensya na pero may sakit kase si mama , kailangan nya ng gamot. Kaya humihingi ako ng konting paumanhin hindi ako makakapagbigay ngayon." Wika ng dating ako habang nakayuko. Umiling ang mga kasama nito at nagtawanan . "Nagpapatawa kaba Melvin ? Alam mo naman na hindi uso sa amin ang salitang HINDI PWEDE. Alam mo naman ang pwedeng mangyare sa buto buto mong katawan. " nakangiting wika nito na nilabas ang kanyang braso at ipinakita ang napakalaking muscles. Nagtawanan uli ang mga kasamahan nito. "Pero wala talaga kayong makukuha sakin ngayon. Sa susunod nalang dododo...doblehin ko nalang " nanginginig na sambit ng dating ako . Lumapit rito si Alfred at tila galit na bumulong "Mamaya ka pag uwian. " mahina ngunit ramdam ko ang galit nito sa pagbabanta. Nakita ko na lamang ang aking dating sarili na binugbog sa isang bakanteng lote na malapit sa unibersidad na pinapasukan nito. Sila Alfred at ang mga tropa nito ang nagtutulong tulong sa pangbubugbog. Sapak, sipa, palo ng kahoy at hampas sa ibat ibang bahagi ng katawan ang tinatamo nito. Hindi nila ito tinigilan hanggang hindi ito nagiging lantang gulay na nakahiga sa lupa. Matapos ng pangbubugbog ay pingduduraan pa ito nila Alfred. "Sa susunod kase bago ka SUMUWAY SUMUNOD KA MUNA !! " pasigaw nitong wika "Alam mo na kung ano mangyayare uli sayo kapag di mo kame pinagbigyan ? May kinikita ka sa pag kanta mo tapos wala ka mabibigay sa amin ? Ano ginagawa mo kameng tanga tanga? Sa susunod di lang yan aabutin mo. Pipilayan ka na namin para di kana makatugtog. " wika ng isa pang kasamahaan nila Alfred na may hawak na pamalong bakal na knina lamang ay inihampas nito sa ulohan ng dating ako. Sabay tawanan ang aking narinig bago sila isa isang nagalisan sa lugar . Nilapitan ko ang aking dating sarili na hindi parin gumagalaw mula sa pagkakabugbog nito. Nakaramdam ako ng awa. Sobrang awa sa aking sarili. Gusto ko syang tulungan pero di ko magagawa dahil hindi naman nila ako nakikita at hindi ko naman sila pwedeng hawakan dahil ito ang aking nakaraan. Lahat ng nangyayare dito ay ang mga dapat talagang mangyare sa buhay ko. Maya maya ay tumayo na ito ay nagpahinga konti. Inayos ang maruming damit saka umuwi na. Halos araw araw ay ganito ang buhay ng dati kong sarili sa kamay ng grupo nila Alfred . Minsan nga kahit na nakakapagbigay ako rito ay binubugbog parin nila ako . Umuuwi akong sugatan at inililihim ang mga nangyayare sakin. Kahit kay mama o kahit pa kay Louella. "Melvin , ano ba talagang nangyayare sa iyo ? Bakit ang dami mo laging sugat ? Nakikipag away kaba ? Aminin mo nga sakin ? " wika ni Louella habang nilalagyan ng benda ang aking ulo dahil sa isang sugat na bumuka dahilan upang tumulo ang dugo nito. Katahimikan lamang ang sinagot nito. "Melvin , umamin ka nga. May nangyayare ba sayo na di ko alam ? Patuloy nitong wika na pilit pinapatingin nito sa kanyang mga mata. Tumingin ang dating ako sa mata ni Louella. Sabay nagwika. " Wala to. Diba sabi ko sayo na nadulas lang ako sa may hagdan habang papunta ako sa Library" "Nagsisinungaling ka. Nakikita ko sa mga mata mo " seryosong wika ni Louella. Tumayo na ang dating ako sabay nagpaalam na kay Louella. Hindi na ito nagsalita pa muli. Habang si Louella naman ay nag-aalalang tinitignan ang kanyang kasintahan. Nalulungkot ako habang tinitignan ko ang aking sarili. Alam kong hindi nya gustong magsinungaling kay Louella pero kailangan. Kailangan dahil alam ko na ayaw nya ito mag alala pa, ayaw nya madamay ito sa problemang kinakaharap nya. Ayaw nya dahil natatakot sya. Higit sa lahat. Hindi lang pisikal na bagay nasasaktan ang dating ako kundi pati narin sa emosyonal na bagay. Umiiyak ito sa kanyang kwarto sa tuwing uuwi ito sa bahay. Si mama naman ay walang magawa kundi kamustahin ang anak ngunit hindi nito pinagbubuksan ang pintuan ng kwarto. Bakit Melvin. Bakit ganito ka . Bakit ganito ako sa aking sarili. Sinolo ko ang mga problema at sakit sa aking buhay. Nandyan ang mga nagmamahal sakin upang tumulong at dumamay.Ngunit bakit hindi ko nagawang humingi ng tulong sa kanila o kahit man lang makipag usap sa kanila ukol sa bagay na ito. Akala ko noon . Ako lang ang nahihirapan sa ginagawa ko. Hindi ko alam pati rin pala ang mga malalapit sa aking buhay ay nahihirapan din. Nakapaselfish ko. Wika ko sa aking sarili. Nagpatuloy pa ang ganitong senaryo ng buhay ko sa aking nakaraan. Araw araw na pangaabuso mula sa mga kamag aral ko aking sinapit. Isang araw ay nalaman ni Jonas ang tunay na nangyayare sa akin sa Unibersidad na pinasukan ko . Nag-apoy sya sa galit at nilusob ang grupo nila Alfred at ng iba pa. Hindi ko sya napigilan , dahil kita ko sa mga mata nya ang galit. Naabutan ko na lamang sya na bugbog bugbog nya ang mga kasamahan ni Alfred. At ang iba pa rito ay nagtakbuhan na. Napakatapang talaga ni Jonas kahit noon pa lamang ay sya na ang nagtatanggol sakin. Ang taong laging nandyan pag talagang kailangan ko. "Pre Melvs, pag binugbog ka uli ng mga yan sabihin mo lang sa akin. Igaganti kita , hindi pwede yung ginagawa nila sayo. Hindi porket na di ka lumalaban ay sasamantalahin nila " wika nito habang pinupunasan ang mga sugat sa katawan. "Salamat . Pero sana wag mo itong sabihin kay Louella at kay Mama. Ayaw kong mag alala at madamay sila. " mahinang wika ng dating ako. "Pero.. Melvs " napatigil ito at hindi na nagsalita muli. "Sige , hindi ko sasabihin. Pero sabihin mo kung sakaling guguluhin kapa ng mga yun ah " sambit pa nito. "Bakit kase hindi ka lumaban. Mas matangkad ka sa kanila , kayang kaya mo sila kung tutuusin " pahabol pa nito. "Alam mo naman na di ako marunong lumaban" tugon ng dating ako. Matapos ang insidenteng iyon, ay saglit na nahinto sa pangbubugbog ang grupo nila Alfred sa dating ako. Dahil siguro sa takot sa pagbabanta ni Jonas rito. Pero di parin nagbabago ang pakikitungo ng mga ito. Binubully parin ako sa ibat ibang paraan. Isang araw ay nalaman ko na lamang na si Jonas ay hinuli ng mga pulis sa kadahilanang nireklamo sya ng isa sa mga kagrupo ni Alfred dahil sa panggugulpi nito sa pagtatanggol sa akin. Ide- detained daw sya ng ilang weeks upang imbestigahan sa reklamo rito. "Wag ka malungkot melvs. Saglit lng ako dito sa detaintion center , tiyak makakalabas din ako after malaman nila ang katotohanan. " masaya pa nitong wika habang nakakulong noong binista ito ng dating ako. "At saka melvs, pasensya kana mukhang magsosolo ka muna sa mga events naten at jamming. Mukhang need ko muna magenjoy rito sa loob eh " pabiro parin nitong sambit . Kalungkutan ang itinugon nito rito. Sabay umalis na ang dating ako. Nakakaawa si Jonas. Nakakaawa ang aking kaibigan. Pinagtanggol nya lamang ako sa mga nang aapi sa akin pero sa huli sya pa ang napasama. Kung marunong lang sana ako lumaban hindi sana mangyayare ang lahat ng ito. Sa mga sumunod pa na mga araw ay unti unting na e stress ang dati kong sarili. Dito nakita ko ang sabay sabay na gawain at mga obligasyon na dapat nyang gawin : pag aaral, pagkanta , pagtulong sa magulang , at ang relasyon nila ni Louella. Hindi nya ito kaya magisa. Unti unti syang kakainin ng kahinaan ng loob at kalungkutan. Halos tuwing gabi ay hindi na sya makatulog ng maayos. Hindi na rin sya makausap ng matino ng kanyang ina at ni Louella. Lagi na syang balisa at pinipiling mapag isa na lamang. Hindi na rin sya madalas kumuha o umattend sa mga music events para kumanta. Dahil pakiramdam nya nanliliit na sya sa kanyang sarili . Dahil sa stress kung ano ano na ang pumapasok sa kanyang utak. Nilalamon na sya ng matinding negatibo sa pagiisip sa buhay. Tuluyan na syang tinalo ng depresyon. Habang tinitignan ko uli ang dati kong sarili sobra akong nasasaktan. Napakasakit para sakin na makita ang aking sarili na maging ganito. Kung pagsubok lamang sa akin ito ng Diyos bakit naman parang sobra. Hindi naman ako naging masamang tao, hindi naman ako nagkulang sa pakikipagusap sa kanya. Pero bakit ? Bakit nya binigay ang mga ito. Isang araw habang malungkot na naglalakad ang aking dating sarili. Isang tinig ang pumukaw sa atensyon nito. "Hoy ikaw. Ikaw nga " Boses ng isang lalaki sa isang madilim na eskinita sa gilid ng kalsada. Nilingon ito ng dating ako at tinignang maigi. Lumabas sa madilim na parte ng eskinita ang isang lalaki na may dalang gitara. Hindi ito katangkaran pero may kalakihan ang katawan. Marami itong tattoo sa ibat ibang bahagi lalo na sa bandang braso nito . Maya maya ay lumabas na rin ang iba pang mga lalake sa eskinita , higit na kumulang sampo ang mga ito. "Gusto mo ba makipag jamming sa amin ? May dala ka ring gitara . baka gusto mong tumigil muna saglit " wika nito. Hindi nagsalita ang dating ako ngunit humarap ito sa direksyon kung saan naroon ang mga ito. At unti unting naglakad pumunta rito. "Wag ! Melvin !!! Wag ka sasama sa kanila ! " sigaw kong sambit sa dati kong sarili. Buong pag aalala kong kinakausap ang aking dating sarili kahit hindi nya ako nakikita at naririnig. "Melvin . Pakiusap wag kang sasama sa kanila. Dahil ang mga taong iyan ay.. " Hindi ko na naituloy. Oo nga. Dito sa parteng ito magsisimula ang lahat. Ang pinakamadilim na parte ng bahagi sa aking buhay. Kung hindi sana ako sumama sa mga taong ito , baka nabago ko pa ang posibilidad na mangyare sa akin ang mga bagay na iyon. Sana nga. Pero di ko na ito mapipigilan. Nakita ko na lamang na kinakausap na ng mga lalaking iyon ang dati kong sarili. Malungkot ko syang tinignan at pumikit. "Dito na ako magsisimulang magbabago". Mahinang wika ko. ******** Itutuloy sa ikaanim na kabanata . ******** ----KeleyanJunPyo Read with your own risk. AUTHOR'S THOUGHT ( Trivia of the Story and author's traits and personality ) Trivia *Si Melvin ay napakagaling sa pag awit dahilan upang napakaraming tao ang humahanga sa kanya. Ito ay dahil ang kanyang Boses sa pagkanta ay kakaiba. Natural lang sa lalaki ang magkaroon ng (Bass) na klasipikasyon ng boses o Baritone na tono nito. Ngunit sa kaso ni Melvin ay kaya nyang itaas o baguhin ang boses nya sa Tenor , Alto at Mezzo Soprano. At ang pinakamataas na boses ang SOPRANO. Hindi lahat ng mangaawit ay may kakayahan na maabot ang mga tono na to lalo na sa isang lalaki na ang kadalasan na boses ay malake. Pero ibang kaso kay Melvin , kaya nyang palamigin ang boses nya at dalhin sa Mezzo Soprano at pababain din kaagad papunta sa natural nyang boses na smooth baritone at Counter Tenor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD