Kabanata 30

1227 Words
Kabanata 30: Balintuna      Balintuna - laban o kabaligtaran      Habang nakaupo na ‘ko ay nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan ang notification.      Mayro’n akong email.      “Good day!      Just a final notice that call time tomorrow is 7 am and the program time is 9 am. Your designated coaster is coaster 2. Please be well prepared and informed for tomorrow’s competition. Good luck and may you be the greatest pride of our university!      Respectfully yours,      Mr. Edison Fuslie”      OH MY GOSH! Bakit ngayon ko lang ‘to nalaman? Final notice? So ibig sabihin may iba pang naunang emails?      Kaagad kong tinignan ang spam folder. At tama nga ako na may mga nauna pang emails. Jusko, buti na lang nakuha ko ‘tong final notice dahil kung hindi, hindi ako makakasama bukas.      Grabe ang tuwa ko. Super pinagdasal ko ‘to because I am taking this as a sign sa binabalak ko.      Biglang may mga instrumentalists sa harapan namin at may isang waiter na may hawak ng cake. Bigla silang tumugtog ng “happy birthday“ kaya naman sinundan namin sila.      Nawala lahat bigla ng inis ko. Na-excite ako and then masaya sa birthday ng kapatid ko. Pero tinignan ko lang si Ali na masayang kumakanta. Parang unti-unti na naman akong nawawala sa mood.      Itigil mo ‘yan, TJ. ‘Wag mong sisirain ang gabi. May oras para riyan. ‘Wag muna ngayon.      “Happy…Birthday…Jas!” Sabay-sabay naming kanta.      “Happy Birthday, ‘nak!” Bati ni Mama at Papa sa kaniya.      Niyakap nila si Jas at tsaka bineso.      “Thank you, Ma.” Humalik siya pabalik. “Thank you, Pa.”      Nagyakapan muli sila.      “Blow mo muna ‘yung candle, Jas,” wika ni Ali.      “Ay oo nga pala.”      Nahiya siya bigla.      “Wish, wish, wish,” sabi ko.      Pumikit siya at panandaliang tumahimik. Ngumiti siya pagkatapos at dumilat.      “Thank you rin po sa inyo!” Pasasalamat niya sa mga tumugtog at sa waiter.      Ibinaba na nung waiter ang cake sa mesa at naupo na kaming lahat.      Ang sarap sa pakiramdam na makita yung pamilya mong masaya. Kaso mapapatingin ka sa nasa gilid mo at -      Hay nako itigil mo muna ‘yan.      Sabihin ko na rin siguro sa kanila ‘yung magandang balita.      “Ma, Pa.” Napatingin sila sa akin. “Medyo late ko na nalaman pero bukas sasali po ako sa writing contest. Pang ncr levels ganun.”       “Wow naman!” sabi ni Mama.      “Galingan mo bukas, ‘nak! Alam naming kayang-kaya mo ‘yan.” Bilin ni Papa.      “Congrats na agad, Kuya!” Bati ni Jas.      Nakatingin lang pala sa akin si Ali. Hinawakan niya ang kamay ko pero inalis ko ang kamay ko at kunwaring iinom ako ng tubig.      “Ikaw lang mag-isa?” tanong ni Mama.      “Hindi ko po kilala yung ibang mga kasali pero sasamahan po ako ni Lyca.”      Napansin kong nagbago ang facial expression ni Ali. He suddenly looks so frustrated. Like he expected na siya ang sasabihin kong pangalan.      Pero hindi, bakit parang ako pa ang may kasalanan ngayon.      Nag-text agad ako kay Lyca.      Me: Uyyyyy! Maaga tayo sa school bukas ah. Samahan mo ko sa venue bukas. May contest ako. May pa-coaster so happy trip tayo.      Lyca: sige g lang! Ka-excite naman lalaban ka na ulit. Congrats na agad! See you tomorrow!      Nagpatuloy na kami sa pagkain at makalipas ang ilang sandali ay hinintay na lang namin ang 5 minute fireworks display para sa gabing ito.      Ito sana yung inaasahan kong parang mga ganap sa teleserye o movies. Yung magkikita ang aming mga mata habang maliwanag ang kalangitan dahil sa mga pailaw. Tapos sasabihin niyang mahal niya ‘ko at sasabihin kong mahal ko siya. Well, I burst my own bubble.      Yung sana kanina eh nabanggit ko na kina Mama at Papa na kami na ulit. Kaso buti hindi nangyari. Mabuti nang hindi muna ulit kami. Trust issues again. Pero grabe parang bumalik lang yung ginawa ko sa sarili ko.      Nagsimula na ang fireworks display. Manghang-mangha ang lahat. Ang background music ay isang classical lively music pero hindi ko alam kung anong pangalan.      He still would want to hold my hand or to even look at me pero wala akong ginagawa. Tumabi ako kay Jas at namamangha lang kaming dalawa sa mga nakikita namin.      Matapos ang lahat ay bumaba na kami gamit ang elevator.      Habang nasa lobby kami ay hinihintay namin ang aming sasakyan pauwi.      “Can we talk?” biglang tanong sa akin ni Ali.      “About what?” sagot ko.      “Bakit hindi ako ang kasama mo bukas?”      “Wala lang.” I cold shouldered him.      “Anong problema?” He sounded so dearly sad that he really wants to know the answer.      “Meron ba?”      “Then why are you like this?”      “Like what? Ako ba may ginawa?” I tried to lower down my voice.      “Please talk to me. Tell me what’s the problem. Let’s fix this right now.”      Hindi ko siya pinansin.      “Oh sige anak mauna na kami ah. Ingat kayong dalawa pabalik.” Paalam ni Papa.      Niyakap ko sila Mama, Papa, at Jas.      “Love you po! Ingat din!”      Winagayway ni Jas ang kamay niya and she mouthed “bye” bago sila lumabas sa lobby.         Nag-book ako mag-isa pabalik sa condo.      “Hindi mo talaga ‘ko kakausapin?”      “Mauuna na ‘ko. Hintayin ko lang sa labas.” Sabay akmang lalabas na ‘ko sa lobby.      “Sabay na tayo.” Pinigilan niya ‘ko.      “Mag-book ka na ng para sa ‘yo.” I said it without even looking at him.      Hinayaan na niya ‘ko. Pero mas nainis ako lalo. Ano ba naman ‘tong trip mo, self? Ayan naman ang gusto mo ‘di ba? Bakit gusto mo magpahabol or something? Choose one only.      Kaya naman lumabas na ‘ko.      Habang nasa sasakyan ako ay hindi siya tumitigil tumawag at mag-text.      Ayokong sagutin dahil alam kong mainit ang ulo ko at ayokong makapagsabi ng mga bagay na makasasakit ng damdamin niya.      Halos sabay lang kaming nakabalik sa condo. Nauna na ‘kong naglakad pabalik sa unit ko. Hindi ko na siya nilingon. Pero hindi niya ‘ko hinahabol so that’s a good thing.      Pagkapasok ko sa loob ay pumunta agad ako sa kwarto ko para kumuha ng damit na pamalit dahil gusto kong maglinis ng katawan.      Paglabas ko ay uminom muna ako ng tubig.      Nakita ko na may papel sa sahig. Nagtaka ako.      Lumapit ako sa may pinto at pinulot ang papel.      “Nandito lang ako sa labas. Please let’s talk. Kanina ayos naman tayo, ah. If this is about Frances, wala lang ‘yun.”      Aba edi lalong uminit ulo ko. Wala lang daw pero ano yung mga nakita ko?      Sa halip na pagbuksan ko siya ng pinto ay nagsulat na lang din ako sa papel niya.      “I’m perfectly fine on my own. You don’t have to be sorry or something. If siya ang nauna, magpapaubaya ako. You don’t have to be confused or anything. Just please go.”      Sabay pinadulas ko sa may ilalim ng pinto yung papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD