Kabanata 29: Nabuslot (Part 2)
Nabuslot - nahulog sa butas
Ali’s POV
Biglang bumukas ang pinto at may pumasok.
“Oh, anong nangyayari rito? Sino ‘yan?” tanong nung matangkad na lalaki kina Frances.
“Kung maglolokohan lang din naman tayo, aalis na ‘ko.” Pagbabanta ko.
“Ayaw mo ba siyang makita?” tanong ni Frances habang naiiyak siya.
“Bakit ako? Hindi ba sa iba ‘yan? Anong kinalaman ko diyan?” Labis pa rin akong nasa in denial stage.
“Kasi ikaw naman talaga. Ginusto mo rin ‘yun mangyari tapos ngayon ganiyan ka? Ilang taon na nakalipas, akala ko nga nagtatago ka lang o baka nga nagtatago ka talaga.”
“Kailangan ko muna ng patunay,” sabi ko.
“Hindi ka ba nahihiya? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?” galit na sabi ni Mrs. Narciso.
“Ma’am, kung kayo rin po ang nasa sitwasyon ko ay maiintindihan niyo. Wala naman po talagang nangyari. Pero alam kong kakampihan niyo po ang anak niyo kaya wala akong magagawa. Nagsasabi ho ako ng totoo.”
“Edi sino ang nagsisinungaling sa inyong dalawa?” singit nung matangkad na lalaki.
“Pero ayos lang ho sa akin na magpa-test para malinaw talaga. Dahil alam ko ho sa sarili ko na hindi totoo ang mga sinasabi niya.” I compromised.
“Sige ganun na nga lang ang gawin natin. Frances, tandaan mo, ah. Ngayon pa lang magsabi ka na ng totoo,” wika ni Mrs. Narciso.
Na-trigger nito si Frances.
“Ma! Lagi na lang ganito. Porket ang aga kong nagkaanak, lagi niyo na lang pinaparanas sa ‘kin na isa kong pariwara.”
Grabe, hindi ko alam anong meron sa pamilya nila pero ayokong madamay. Kaso eto para akong ipinasok sa butas na ngayon di ako makalabas. Ang gulo siguro ng pamilya nila.
“Pwede na ho ba ‘ko umalis?” Pagpapaalam ko.
“Mukhang alam ko na kung anong nangyayari rito.” Obserbasyon nung matangkad na lalaki. “Hindi lang ba ito ang unang beses na nangyari ‘to, Ma?” tanong niya.
So magulang niya rin si Mrs. Narciso. So magkapatid sila. Mukhang may mabubunyag na naman.
“Pwede na ho ba ‘kong mauna?” muli kong tanong.
Walang sumagot sa kanila. Mukhang isang pagkakamali lang ‘tong lahat. Kung ako rin naman ay mahihiya.
Kaya naman lumabas na ‘ko ng kwarto at nagpaalam sa kanila.
Napabuntong-hininga na lang ako paglabas ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa ‘kin ‘to. Napaka-teleserye like. Pagbintangan ba naman ako.
Nagulat ako nang bumukas muli ang pinto at niyakap ako bigla ni Frances nang patalikod.
“Mahal pa rin kita, Ali! Ang tagal na ng lumipas pero nung makita kita sobrang saya ko. Hindi ba pwedeng ituloy natin ang atin?” Pagmamakaawa niya.
“Anong sinasabi mo?” Inalis ko ang mga kamay niyang nakayakap sa bewang ko.
Humarap ako sa kaniya.
“Pagkatapos ng lahat mawawala ka na lang tapos kakalimutan mo ‘ko? Na parang hindi tayo nagkaintindihan at naging masaya sa isa’t isa?”
“Matagal na ‘yun! Iba pa ang pag-iisip natin nung mga panahon na ‘yun. Oo naging magkasama tayo at naging sandalan ang isa’t isa-“ hindi niya ‘ko pinatigil sa sasabihin ko.
“Kung ganun naman pala edi bigyan ulit natin ng chance ang isa’t isa.”
Hinalikan niya ko bigla.
Lumayo ako agad.
“Ano ka ba!” Nataasan ko na siya ng boses.
Hindi na ko nagatubiling umalis. Naglakad na ‘ko pabalik sa elevator at umakyat muli papunta sa table namin.
Hindi ko na lang iniisip ang nangyari. Maling-mali talaga.
Pagkarating ko ay wala roon si TJ.
“Nasaan po si TJ?” tanong ko sabay upo.
“Sabi niya kanina mag-cr lang daw siya pero parang ang tagal naman niya,” sagot ni Jas.
Nakita ko siyang papasok sa may front desk.
“Ayan na pala siya!” Puna ni Jas.
Hindi kaya sinundan niya ‘ko? Hindi ko gusto yung mga tingin niya sa ‘kin. Parang nakararamdam ako ng lamig kahit wala pa man siya sa mesa namin.
(TJ’s POV)
Maghagdan ba ako o elevator? Saan ko ba sila hahagilapin? Hindi naman siguro sila lumabas? Usap lang naman daw. Sa’n sila pwede mag-usap?
Nagmuni-muni muna ako sa may pinto kung saan naghihintay ang iba sa reservations nila or kung naka-walk in sila ay nagpapalista sila.
“Bakit ba kasi susunod ka pa? Bakit hindi mo na lang sila hayaan? Alam naman niya kung ano ang tama at kung ano ang mali.” Kausap ko sa sarili ko.
“Sige hagdan na nga lang.”
Ang naging plano ko pa ay tignan ang bawat floor since hindi ko alam kung nasaan sila. If I know nasa rooftop lang din naman mga kasama nung babae, right? Like isang engrandeng dinner para sa suot niya at sa kung ano mang okasyon ang pinagdiriwang nila.
Pagbaba ko sa kasunod na floor ay para kong detective na may sinusundan. Na para bang may krimen silang nagawa at huhulin ko lang sa akto para sila ay mabisto. Parang hindi magandang ideya ‘tong ginagawa ko.
Makalipas ang ilang minuto at ilang floors na natignan ko, hindi ko pa rin sila nakikita. Nagsisimula na ‘kong kabahan. Iniisip ko na lang talaga na sana walang nangyayaring ‘di maganda. Hindi ko talaga alam magagawa ko, nako. Alam kong hindi kami at hindi rin kami mag-asawa o kung ano man, pero… oo nga sino nga ba naman ako?
“Balik na lang siguro ako sa taas,” wika ko sa aking sarili.
Pero isang floor na lang. Last na.
Pagbaba ko ay mas bumilis ang t***k ng puso ko. Nakarinig ako ng nagtatalo ata.
Tumingin ako sa kanan, wala naman. Tumingin ako sa kaliwa, nagulat ako dahil nakita ko sila. May mga lalaking papalapit sa kanilang dalawa.
Nakita kong hinawakan niya sa braso si Frances at lumapit siya sa kaniya. Hindi ko alam kung hinalikan niya sa leeg o may binulong o kung ano man.
Nakaramdam ako ng matinding selos. Hindi ko gusto ‘tong nakikita ko. Para akong mababaliw na ewan.
Gusto kong sumugod pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Siguro mas mabuti na ‘to na hanggang dito lang ako. Sana pala talaga hindi na lang ako bumaba.
Naglakad silang dalawa papalayo sa mga lalaki. Yung grupo naman ay tumalikod na sila at naglakad papunta sa direksyon ko. Maya-maya pa ay malapit na sila sa akin.
“Ikaw! ‘Wag ka ring haharang-harang sa daan. Mga tao nga naman.” Reklamo nung lalaking nasa gitna.
Pero hindi ko sila pinapansin. Nakatingin lang ako kina Ali at Frances kung saan sila papunta.
Huminto silang dalawa at kumatok ang babae. May nagbukas ng pinto at pumasok silang dalawa.
“What?” Halos mapasigaw ako. “Anong gagawin nila dun? Sinong nandun? Bakit?” Kung ano-ano na lang lumabas sa bibig ko. Hindi ko na rin talaga alam ano pang iisipin ko.
Siguro nga wala pa talaga ‘kong alam tungkol sa buhay niya. Ang dami kong hindi pa natutuklasan. Baka mamaya kasal na pala ‘to tapos nagsisinungaling lang. Baka may arranged marami na rin siguro pero tinatakasan niya lang tapos nasakto ngayon na nakita na siya ulit.
Grabe non-stop ang utak ko ngayon. Hindi ko kinakaya. Pero baka wala lang din naman? Send help!
Lalapit na sana ko papunta sa unit na pinasukan nila kaso may lumabas sa elevator at mukhang doon din papunta.
At tama nga ako, doon siya patungo. Pumasok siya sa loob kaagad.
Pupuntahan ko pa ba sila? ‘Yan ang tanong sa isipan ko.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa unit. Pero parang may pumipigil sa akin at ‘wag na lang tumuloy. Kaya naman dahan-dahan akong bumalik sa may hagdan nung halos makakalahati na ko sa hallway.
May narinig akong bumukas na pinto kaya dinalian ko at nagtago ako sa gilid ng pader sa may hagdan.
Sumilip ako.
Lumabas ng kwarto si Ali.
Handa na sana kong sugurin siya at kotongan. Kaso may lumabas din kasunod niya. Nagulat ako nang yumakap ito sa kaniya.
Napamura na lang ako sa loob-loob ko. Hindi ko alam pero sobrang nasasaktan ako sa nakikita ko. Napatalikod na lang ako at napasandal sa pader.
Hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila dahil ang layo nila mula sa ‘kin.
Narinig kong may parang sumigaw.
Humarap ulit ako at tinignan sila.
Hinalikan siya nung babae. And that’s it. Naiyak na lang ako. Wala na ‘kong iniisip. Basta umakyat na lang ako ulit sa taas at dumiretso sa CR sa may mga taong naghihintay.
Iyak lang ako nang iyak. Hindi ako makapaniwala. Akala ko magiging maayos na kaming dalawa. Akala ko wala ng problema. Pero parang hindi na dapat magbalikan pa. Comeback-comeback pa… Nasasaktan talaga ‘ko.
Matapos kong magkulong sa cubicle ay naghilamos ako at nagpunas ng mukha gamit ang mga tissue. Lumabas ako at pumasok ulit sa rooftop resto. Naaninag ko mula pa lang sa malayo si Ali. Nanggigigil na agad ako. Gusto ko siyang ihulog mula rito.
Naupo akong muli.
“Maraming namamatay sa maling akala.”
- anonymous
Basta alam kong alam niyo na ‘yang kasabihan na ‘yan.
…