Kabanata 39: Agam-agam Agam-agam - pangamba Ali’s POV Basa ang kalsada mula sa ulan. Medyo madulas ang suot kong sapatos. Buti na lang at hindi maputik. Madilim na rin ang paligid. Malakas ang hangin. Naiisip ko tuloy na baka mamaya ay ganun na ang pakikitungo sa akin ni TJ. Pero siguro ayos na rin ito dahil sa susunod ay hindi ko na siya bibigyan ng atensyon. Sabihin na nating kabutihang loob at pagmamalasakit sa kaibigan. Naki-carpool na lang ako para makamura dahil kung bumiyahe pa ko sa jeep ay makakailang sakay pa ‘ko at matatagalan pa. Gusto ko na lang din matapos itong sa kaniya. Hindi ko pa sigurado nung una kung nasa tamang bar ba ako. Nakararamdam ako ng parang kakaiba na hindi ko maintindihan kaya naiisip ko na gusto ko na lang huwag pumasok at umuwi na lang. Pero nandito

