Kabanata 40: Agam-agam (Part 2) Agam-agam - pangamba TJ’s POV Mga nagsilinis na kami ng katawan pag-uwi. Pagod na pagod kaming lahat sa paglalakad. Ang sarap na lang humilata. Ayaw ko na nga lang matapos ‘tong gabi na ‘to dahil back to aral na naman bukas. Habang nagha-half bath ako ay hindi maalis sa isip ko si Ali. Pinapaulit-ulit ko na lang sa isip ko na wala siyang gagawing ikagagalit ko o ikadidismaya ko. Biglang sumagi sa isip ko si Lyca. “Oo nga pala. May i-h-hotseat pa pala tayo.” Kausap ko sa sarili ko. So usual ay ako ang huling naligo. Kaya naman pagbihis ko ay lumabas ako ng kwarto at kumuha ng snacks. Syempre dapat may pampalubag loob tapos tsaka tayo aarangkada sa mga tanungan. Pagpasok ko sa kwarto ko ay niyaya ko sila na sa sahig kami tapos wala kwentuhan lang ganun

