Kabanata 11: Lilimiin
Lilimiin - iisipin
Nakita kong pababa na sa hagdan sina Ali.
Mas bumibilis pa uli ang t***k ng aking puso.
Sana po mabait sila. Sana po ok lang sa kanila.
Masaya ang mukha ng mga magulang ni Ali. Yung isa sa kanan, siya yung naabutan ko sa labas ng bahay nila nung nakaraan.
Mas natuwa pa sila nung nakita nila ako. Kaya naman napangiti rin ako. Tumayo ako sa kinauupuan ko.
"Tito Mar, Tito Rod, si TJ po. TJ, si Tito Mar at Tito Rod." Pakilala ni Ali sa bawat isa sa amin.
Kinamayan ko sila.
"Nice to meet you po." Bati ko sa kanila habang yumuyuko ako bilang respeto.
"Nice to meet you din." Sabi ni Tito Mar.
"Hindi mo alam kung ga'no kami kasaya ngayon." Ngiting-ngiti si Tito Rod.
"Hindi mo man lang kami inabisuhan, Zi. Edi sana nakapaghanda kami." Sabay patong ni Tito Mar ng braso niya sa balikat ni Ali.
"Pero ok lang 'yan. Pwede tayo magpa-deliver." Singit ni Tito Rod.
Ang tatangkad nilang tatlo. Feeling ko dwende ako sa harapan nilang tatlo, promise.
"Maupo muna tayo rito. Hintayin lang natin ang i-o-order ng Tito Rod niyo." Utos ni Tito Mar.
Naupo kaming tatlo sa couch habang si Tito Rod ay lumayo muna sa 'min para tumawag na sa bibilhan niya.
"Ngayon lang nagdala ng kaibigan si Ali rito. Masaya 'kong nandito ka." Hindi pa rin mapigil sa pagngiti si Tito Mar.
"Tito, mabait at talented 'tong si TJ." Sabay lagay niya ng kamay sa balikat ko.
Hinampas ko siya sa hita niya nang very light.
"Ay nako Tito, nanalo 'yan kahapon. Ang galing-galing niya." Pagmamalaki ko.
"Talaga? Saan?"
"Kasali po ako kahapon sa spoken poetry contest. Ayun pinalad na mag-second place." Sagot ni Ali habang nahihiya ito at napapakamot sa ulo.
"Aba! Edi dapat lang talagang maghanda tayo ngayon. Proud kami sa 'yo, 'nak."
I melted sa sinabi ni Tito Mar kahit pa hindi para sa 'kin 'yun.
"Syempre po, may inspirasyon." Sabay tingin niya sa 'kin.
"Tumigil ka nga!" bulong ko sa kaniya.
"Ayun naman pala. Mukha napakabait mo namang bata. Alam kong mapili itong si Zi namin. Maswerte ka."
"Hindi po. Ako po ang mapalad,” wika ko.
"O, ano ng napag-uusapan?" Singit ni Tito Rod.
"Aba nanalo raw si Zi kahapon sa spoken poetry,” sagot ni Tito Mar.
Lumapit si Tito Rod kay Ali at winasiwas ang buhok nito.
"Ang galing talaga. Always proud."
"Thank you po," sagot ni Ali.
Naupo na rin si Tito Rod.
"Siya yung kinuwento ko nung nakaraan na nagpunta rito." Banggit ni Tito Mar.
"Taga saan ka?" tanong ni Tito Rod.
"Sa kabilang street lang po."
Nagsalitang magtanong ang dalawa.
"Pa'no kayo nagkakilala?"
"Ikaw ba ang unang lumapit kay Zi?"
"Matagal na kayo?"
"Alam ba ng magulang mo?"
Medyo napalunok ako sa huling tanong na narinig ko kahit pa nagsasapawan na ang boses nilang dalawa.
"Mga Tito.” Putol ni Ali sa kanila. "Isa-isa lang po."
Humingi agad ng paumanhin ang dalawa.
"Magkaklase po kami. Pero sa terminal po kami ng UV unang nagkita. Hindi ko pa po siya kilala."
"Interesting..." Sabay napasandal si Tito Mar sa upuan niya at nag-cross arms.
"So ikaw yung kasama niya sa condo? Never niya kasi kaming pinabibisita roon." Medyo nag-iiba ang tono ni Tito Rod.
"Opo Tito," sagot ni Ali.
"Wala pong nangyayari. Wala po kaming ginagawang masama. Magkahiwalay po kami ng kwarto. Wala pong ganun." Depensa ko.
"Chill ka lang, iho. Hindi 'yun ang ibig kong sabihin." Natawa si Tito Rod.
"Hindi pa kayo?" agad na tanong ni Tito Mar.
"Getting to know, Tito." Si Ali ang sumagot.
"Iba na talaga henerasyon ngayon. Ang dami-dami ng terms and conditions. Tinalo pa ang mga libreta." Napaalis sa pagkakasandal si Tito Mar.
"Ay oo nga hindi man lang kita nabigyan ng maiinom. Anong gusto mo: softdrinks, juice, tubig, kape, gatas? Or?" Biglang alala ni Tito Rod.
"Oo nga naman. Hindi natin naaasikaso ang bisita." Dagdag ni Tito Mar.
"Kahit juice na lang po," sagot ko.
"Ok! Kukuha lang ako." Tumayo agad si Tito Mar.
"Ayusin ko lang ang lamesa. Parating na yung order. Maiwan muna namin kayong dalawa." Sumama si Tito Rod kay Tito Mar.
"Sige po," wika ko.
Grabe! Interrogation is real. Pero ramdam ko yung tuwa at pagkasabik nila na kausapin ako. Mukha bibihira lang talagang may nakikilala sila Tito na kaibigan ni Ali.
"Ok ka lang?" tanong sa 'kin ni Ali.
"Oo naman. Bakit naman hindi?"
"Kinakabahan ka pa rin?" Tinitigan niya ko sa mata.
"Tigilan mo nga 'yan." Tumingin ako sa baba.
Makalipas ang ilang minuto ay may nag-door bell.
"Zi! Yan na yung delivery. Pakikuha. Bayad na 'yan," sigaw ni Tito Rod.
"Sige po!" sigaw pabalik ni Ali.
Nilabas agad niya ang rider. Nanatili lang akong nakaupo. Habang nasa labas si Ali ay tinawag na 'ko nila Tito sa dining area.
Naihain na nila ang lahat at nagsimula na kaming kumain. Galit-galit muna kami ng ilang minuto.
"Kumusta ang pag-aaral niyo?" tanong ni Tito Rod.
"Mahirap po. Pero buti may kasama mag-aral para iwas mabaliw,” sagot ko.
"Sanay na sa bagsak na mga score. What do we expect more from accounting pa ba?" Biro ni Ali.
Napunta ang kwentuhan sa iba't ibang mga bagay. Nagkwento lang sila Tito about sa love story nila na nagsimula sa floppy disk. Pero bumalik din ang topic sa 'ming dalawa.
"Ok lang ba sa magulang mo si Zi?" tanong ni Tito Mar.
Gusto kong sabihing hindi.
"Matanda na raw po ako. Nasa akin na raw po ang desisyon," sagot ko.
Sasabihin ko na ba? Gustong-gusto ko silang makausap para may maibigay silang payo sa 'kin. Kailangan ko rin ng gabay. Ito na ang pagkakataon.
"Gusto ko rin po sanang humingi ng advice sa inyo," sabi ko.
"Saan naman?" tanong ni Tito Rod.
Napalunok ako. Kinakabahan ako na natatakot.
"May kaibigan po kasi ako. Hindi po siya out sa magulang niya kasi natatakot po siya and may homophobic tendencies po kasi sila. Pero in a relationship na po siya. Sorry wala pa po kasi akong masyadong experience."
"Ok lang ano ka ba? Mas mabuti muna sigurong ayusin yung sitwasyon niy bago ipagpatuloy ang relasyon. Pero naiintindihan ko siya. Alam ko ang nararamdaman niya." Tito Mar sympathizes with my friend.
"Ang labas kasi nito, itinatago niya ang relasyon nila unless hindi siya nakatira sa kanila or may sarili na siyang buhay. Tamang tago nga lang sa social media." Dagdag ni Tito Rod.
"Alam kong madaling sabihin pero mahirap gawin. And, hindi dapat maging dahilan ang ibang tao sa pag-amin ng isang tao. Dapat handa siya at alam niya sa sarili niyang ok na at oras na. Pero dapat hindi ganun no? Wala na dapat natatakot at wala na dapat coming out pa." Muling dagdag ni Tito Mar.
"Salamat po sa inyo."
Naiiyak na 'ko sa loob-loob ko. Sana ganun din ka open ang mga magulang ko. Hindi ko na sana kailangan pang ilihim sa kanila yung mga ganitong bagay. Kasiyahan ko rin naman ito diba? Ipagkakait ko pa ba sa sarili ko?
"Pero kung hindi pa siya handa, ayos lang 'yun." Wika ni Tito Rod.
Tumango ako.
Biglang nag-ring ang phone ko.
"Excuse me po. Sagutin ko lang po."
Pumunta muna ako sa may sala.
"Hello?" I said quietly.
I hear her crying. Si Lyca yung tumawag.
"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?" Pag-aalala ko.
Patuloy lang siya sa pag-iyak.
"Pwede magkita ulit tayo sa park?" Sabi niya habang humihikbi.
"Oo sige sige. Nandiyan ka na ba?"
"Oo. Pupuntahan dapat kita sa inyo kaso makikita ako nila Tita na ganito itsura ko. Kaya tinawagan na lang kita."
"Ok sige papunta na 'ko."
Nagpaalam muna ako kina Tito na may emergency at mauuna na 'ko.
"Sorry po talaga," sabi ko.
"Ayos lang 'yun. Sige na Zi ihatid mo na si TJ." Utos ni Tito Mar.
Habang palabas kami ng bahay nila ay 'di ako mapakali.
"Gusto mo ba samahan kita? Anong emergency?" tanong ni Ali.
"Kailangan kong puntahan si Lyca. Usap na lang tayo mamaya?"
"Sige. Ingat ka."
Naglakad na ko papalayo sa bahay nila at unti-unting tumakbo hanggang sa kumakaripas na.
Nakita ko si Lyca na nakaupo sa may gazebo.
"Anong nangyari?" Itinayo ko siya. She hugged me while crying.
"Bakit? Anong meron?" paulit-ulit kong tanong.
"Break na kami," malungkot niyang sabi.
"Anong dahilan? Ikwento mo na."
"Si Ramon kasi may babae."
"Hala! Ang gago naman niyan. Sabi na eh!" Sobrang nainis ako bigla.
Pinunasan na niya ang mga luha niya.
"Tang ina talaga kung 'di ko lang mahal 'yun."
Naupo kami sa sahig.
"Pa'no mo nalaman?" Pag-uusisa ko.
"May ibang account siya sa sss. Kaya pala hindi niya nasasagot mga message ko kasi naka bukas yung ibang account sa messenger."
"So nabasa mo?"
"Yung babae yung matapang. Iwan ko na raw si Ramon. Hindi ko alam sa'n niya nakuha yung lakas ng loob at kapal ng mukha na i-message ako ng ganun."
"Punyeta 'yan ah. Ang tapang. Eh baka naman kasi may dahilan para maging ganun katapang 'yun."
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ikaw ang nakipaghiwalay?" tanong ko.
"Oo. Mas masakit ata kung siya ang makikipaghiwalay. Siya na nga yung may ginawa."
"Sabagay."
Biglang nag-ring yung phone ko.
"Tumatawag si Ramon! Sagutin ko ba?" Nagulat ako.
"Sige sagutin mo na." Utos niya.
"Hello?" wika ko.
"Alam mo ba nasa'n si Lyca?" tanong niya.
"Pucha! Mambababae ka tapos hahanapin mo siya ngayon? Bakit ba hindi ka pa nakuntento?" That came out of nowhere. Hindi ko na napigilan.
"Kailangan naming mag-usap. Ipapaliwanag ko sa kaniya lahat."
Tinakpan ko yung speakers ng phone.
"Gusto ka raw makausap. Magpapaliwanag daw siya." Pag-uulit ko sa sinabi ni Ramon.
Inalis ko na yung kamay ko mula sa pagkakatakip sa speakers.
"Sabihin mo puntahan ako ngayon. Hangga't mas nangingibabaw pa yung nararamdaman ko para sa kaniya. Ayusin niya paliwanag niya."
"Narinig mo 'yon? Dalian mo na!"
Binabaan ko na siya.
Grabe ang gulo pala ng pagmamahal no. Na sa isang iglap pwedeng masira ang tiwala at mawala ang pagmamahal sa isa't isa.
"Dapat kasi walang tinatago. Dapat maayos ang lahat para maging ok ang relasyon. Ldr na nga tapos hindi pa open. Edi pa'no na?" She ranted.
Hala! Binabasa ba nito nasa isip ko?
"What if para naman yun sa ikatatahimik niyo? Like less people na mangingialam, I guess?"
"What do you mean? Yes it'll control the outside but damage more on the inside."
As she said that and as I heard it, para akong tinamaan ng bala sa puso even if I don't know how it feels.
Tumagos.
"Sige kalma ka na diyan. Magtiwala tayong maganda ang paliwanag niya." Sabi ko habang hinahagod ang likod niya.
"Siguraduhin niya lang. Makakatikim talaga sa 'kin 'yan. Naiinis ako."
"Tapos na yung crying lady phase."
"4 years tapos ganito?"
"Punta muna tayo sa 'min. Mamaya pa naman siya makakarating. Kitain na lang natin dito ulit mamaya."
Naglakad kami papunta sa bahay namin. Hindi ko mapigilang hindi mag-isip.
Sabihin ko na lang ba kina Mama tapos tumira na lang ako mag-isa somewhere else 'pag hindi ako tanggap? Maghanap na lang ako ng trabaho? Kakayanin ko ba mag-isa?
Pagkauwi ay pinainom ko muna siya ng tubig.
"Sasama pa ba 'ko pagbalik dun?" tanong ko.
"Oo naman. Ikaw lang magiging tagapagtanggol ko 'pag nagkataon."
"Sige pero hindi ako mangingialam 'pag nag-uusap na kayo unless may malala ng mangyari."
Naupo kaming dalawa sa sofa. Napapaisip ako na magsabi na mamayang gabi kina Mama dahil gusto kong maging malaya lang kami ni Ali at walang problema.
Makalipas ang lagpas isang oras ay bumalik na kami sa park. Nandun na raw siya.
Niyakap siya agad ni Ramon.
"Babe, sorry." Nagpupumiglas si Lyca. Halos ipagtulakan na niya ito.
"Sorry? Hindi mo ba alam ga'no kaliit ngayon ang tingin ko sa sarili ko? Tapos sorry?" Naiyak na siya.
"Wala naman kami nun eh. Siya lang yung nagpupumilit. Ayaw niya 'kong tigilan kahit pa sinabi kong meron na kong girlfriend."
"Ang dali lang naman mang-block. 'Wag mo kong ginagawang tanga. Ginusto mo rin na may naghahabol sa 'yo." Patuloy pa rin ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
Naaawa ako kay Lyca. Hindi niya deserve. Hindi deserve ng kahit sino man.
"Hanggang chat lang 'yun, babe. Walang ibig sabihin. Nanggugulo lang 'yun."
"Tigilan mo 'ko." Tumaas ang boses ni Lyca.
"Hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba. Ikaw ang mahal ko." Lumuhod siya bigla sa harapan ni Lyca.
"Anong ginagawa mo?"
"Hindi ko kayang mawala ka."
"Sana naisip mo muna 'yan."
"Pinagsisisihan ko na. Oo nagkamali ako. Pero hindi kita ipagpapalit. Hindi ko 'yun magagawa."
"Gawin mo ngayon. Patunayan mo. Tawagan mo siya." She sounded feisty and angry.
Nilinaw ni Ramon sa babae niya ang lahat sabay block niyo sa kaniya. Balik na naman sila sa stage na alam ang password ng isa't isa at nag-ch-check ng messages.
They ended their talk by patching things up but leaving a big break on Lyca's heart that's yet to heal and be a scar. She wants to forgive and to still choose love. That I'm sure that if it happens again, no buts and ifs, she'll leave with no trace behind.
Siguro marupok ang tawag ng ilan pero you wouldn't really know til you're in the same situation. Depende na rin sa tao if they can give another chance or multiple chances or no other chance at all.
Please sana ma-apply ko sa sarili kong buhay.
...
"Ang pagtatago at pagtataksil,
Ang pagtatago ay pagsisinungaling."
- vin