Kabanata 10: Kaginsa-ginsa
Kaginsa-ginsa - hindi inaasahan
Tila kami mga lango na sa alak. Nagtatawanan kaming dalawa. Kung ano-ano na lang ang pinag-uusapan habang lumalagok ng alak. Yung pakiramdam na wala kang iniisip na bukas o mga araw na darating. Iniisip mo lang ay yung ngayon. Natatawa kaming dalawa sa kahit mga pinakahindi nakakatawang mga bagay-bagay. Nahahawa ako sa tawa niyang malalim. Ang weird sobra.
"Sana ganito na lang lagi. Hindi natin iniisip ang iba." I sighed.
He pats my head.
Nakaramdam ako ng comfort bigla. Sa hindi maipaliwanag na pagkakataon ay i never knew that I needed that. Napapa-code switching ka na lang talaga kapag senglot na ‘no? Joke, since Chapter 1 pa lang ata ay ginagawa ko na.
"Ang pula mo na." Sabay pisil niya sa pisngi ko.
"Para kang bata 'pag nalalasing. Ang cute mo." Sabi ko.
"Edi paano pa ikaw? Baby?" Hirit niya.
"Tigilan mo nga 'ko."
Grabe bakit nauuwi sa mga galawang ganito. I can feel the tension. Kayo na bahala kung anong tension ang naiisip niyo. Basta it’s something I have never felt before.
"So you have no plan telling your parents?" Bigla niyang iba sa usapan.
"I will! Kapag umuwi tayo sa weekend."
"Gusto mo samahan kita?"
"I'll just talk to them. Kahit 'wag ka na sumama. Kapag naging tayo na lang." I teased him.
"Well I am looking forward to that." He looked at me and smiled.
"How about you? Will they accept me?"
"They'll accept you. They'll accept us." He assured me.
Napapa-sana all na lang talaga ako. Ano kayang pakiramdam nung ganun no? Yung wala ka ng iisipin pa. Yung you don’t have to conceal and make everything disappear. Hindi ka takot maiwan ng mga taong ang turing mo ay pamilya at by blood ay iyong pamilya. Ang sarap siguro marinig ng ganun na alam mong tatanggapin ka with no ifs and buts.
"Kung ganun edi dun na lang ako lagi sa inyo."
I actually meant that. Gusto ko maranasan yung ganung buhay. Yung hindi mo dapat pinoproblema yung kung sino ka. Yung masaya ka at komportable ka sa sarili mo.
"Pwede naman. Pero nag-co-condo na tayo, remember?"
"I mean pag-uuwi tayo ganun. I'll go to your place. Ako naman ang i-house tour mo." Biro ko sa kaniya.
Natawa lang siya.
"Oo ba."
"But how sure are you that they're that accepting?" I sounded so serious again asking that.
He smirked.
"Because they are also like us."
"What do you mean?"
"They're both male. I have gay dads."
For the nth time, I am shocked but delighted at the same time.
Nagulat ako sa sinabi niya. Baka kaya pala ganun na lang siya na palayuin ako last time nung first time ko sa kanila. Imagine how hurtful that was for his parents na ikinakahiya niya or itinatago niya sa lahat. Pero sabagay hindi ko alam ano ang mga rason niya.
"That's great! I never encountered someone who has of same s*x parents."
"I still prefer my biological parents but what can I do?"
I remembered something.
"Ah! Kaya ba ganun na lang na gusto mo 'kong paalisin sa inyo?" Itinanong ko na sa kaniya para sure and hindi lang ako nag-a-assume.
"Yes. I'm sorry again." He looked at me in the eye.
"Ok na yun." I looked back at him. "But why are you hiding it?"
He looks so serious all of a sudden. He filled his glass with wine.
"I was always teased. It's not normal for people to see a child with two male dads. Hindi pa ganun ka bukas ang lipunan. Kaya pilit kong tinatago."
"Hindi ba sila nasasaktan?"
"I took most of the sacrifice. We're fine inside the house but when I'm outside, I can't even talk about them. We go to places na kami-kami lang. Ayaw na namin maulit yung panghihiya na naranasan nila while we're out in public. I witnessed it all."
"Nakakainis naman 'yang mga tao na 'yan." I started to feel the outrage.
Nararamdaman ko yung mga kinukwento ni Ali. Iniisip ko paano kung ako ang nasa sitwasyon ng mga adoptive parents niya. Na paano kung ganun din ako sa future. Ang layo na naman ng nararating ng utak ko.
"Sobrang nasasaktan ako kapag nasasaktan sila dahil sa mga sinasabi ng ibang tao. Na hindi sila karapat-dapat mag-alaga ng bata. Na hindi sila pwedeng maging magulang. Tapos maririnig mo pang mamumura sila at laitin."
"That's so beyond horrible."
"As if my parents are bad. They don't deserve that. But I realized that me trying to protect them turned into me hurting them."
I rub his back while he's continuing telling his story. Buti na lang at na-realize niya ang mga bagay-bagay. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya ay mahihirapan din ako. Imagine walang gumagabay sa ‘yo. Imaging walang taong nagsasabi sa ‘yo na ayos lang ang lahat dahil ang mundo ay sarado pa. At imagine walang taong pumpprotekta sa ‘yo sa kabila ng lahat. Ang hirap din mamuhay sa takot.
"I call them as my Tito. Well, one of them is my legit Tito cause he's my mother's brother."
He gulped the rest of the wine in his glass.
"He took care of me til he finally have a boyfriend. That's when things started to be really rusty because I cannot understand anything."
"But look at you now. You're so knowledgeable and that's what matters. You're able to understand them now."
I tried holding his hand but he took his hand off from me in a not forcing way. Instead, he put his head on my shoulder.
"Have you ever been into a relationship?" He curiously asked.
Hmmmm… bakit kaya niya naitanong bigla?
"No. Ikaw ba?"
"Once. I was rebellious that time. With a girl."
"Ohhh so since rebellious, edi you did the thing?" I carefully delivered my question.
"First base only. Nakunsensya ako. I'm using her and I'm ruining my future."
"Buti natauhan ka. But I can really see how mature you are."
Pinisil na naman niya ang pisngi ko.
Isa pa! ‘Pag ito hindi talaga tumigil, makakatikim sa ‘kin ‘to.
Napakalungkot nga talaga ng nakaraan niya. Bukod sa malungkot ay halos mag-isa niya lang din hinarap lahat. I have this sudden urge na gusto ko, no matter what, I’ll be there for someone like him. Na ayokong nararansan ng iba yung ganun. Pero alam ko namang hindi ko magagawa yun most of the time dahil tao lang din naman ako.
Tinignan ko lang siya.
"Baka ok na sa labas." Tumayo ako sa kama at tumingin sa bintana.
"Let's just stay here til morning. Tapos punta tayo sa bahay. G?" He said as he is preparing to sleep.
He removed his shirt.
"G lang. Wala namang klase. Wala ring gawain. I'll just have my peace of mind even for tonight."
Magkatalikuran kaming natulog. I am facing the lamp and the curtain while he's facing the cabinet.
Kinaumagahan...
Pagmulat ko ng mata ko ay sinipat ko ang paligid. Naupo ako sa kama. Nakaupo naman si Ali sa may bintana nang nakatanaw sa kawalan.
"Good morning!" Bati ko sa kaniya.
Nilingon niya 'ko.
"Morning!" Bati niya pabalik sabay higop niya ng kape mula sa tasa.
"Breakfast na tayo." Yaya ko.
"I think after natin kumain, umuwi muna tayo sa bahay natin para makaligo at makapagpalit tayo." Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo at nag-unat. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"Thank you ulit. I won't let you regret giving me a chance." He said it with so much softness and tenderness.
I AM SHOOK ONCE AGAIN. Ang bilis na naman ng t***k ng puso ko. Tigil na please! I cannot na!
Naghilamos muna ako at nagsipilyo. Pagkatapos ay bumaba na kami para kumain.
Grabe gutom na gutom ako. Tsaka syempre sulitin na natin ang ipinambayad dito. Ang dami-daming pagkain! Heaven!
We rested for a while. Tsaka kami umalis matapos namin pababain muna ang aming kinain.
Habang pauwi kami ay kausap ko si Lyca. Ngayon na lang ulit ako nakapag-check ng phone. 10% na lang din siya.
Lyca: Sa'n kayo nagpunta?
Lyca: Anong nangyari?
Lyca: Nag-date ba talaga kayo?
Lyca: KWENTOOOOO
Grabe daig pa nito ang mga tabloids.
TJ: Nag-dinner kami sa rooftop ng isang hotel. Tapos umulan kaya nag-stay na muna kami.
Lyca: Oy buhay ka pa pala! OMG! Bakit ka raw niyaya?
TJ: Kasi gusto lang daw niyang magpasalamat sa pagtulong ko sa kaniya.
Lyca: Ayun lang?
TJ: Oo nga. Pauwi na kami ngayon.
Lyca: Magkasama pa rin kayo?
TJ: Nag-stay nga kami sa hotel. Hindi kami sa condo papunta.
Lyca: Wait a minute! So natulog kayo sa hotel? Nang magkasama? Hotel???
TJ: Gaga ka kung ano-ano iniisip mo diyan. Nagpalipas lang ng gabi kasi ang lakas ng ulan tsaka bumaha pa raw.
Lyca: Ok sige sabi mo eh. Ingat kayo!
TJ: Sige salamat. Malapit na rin mamatay 'tong phone ko.
Pagkauwi ko ay naligo kaagad ako. Nagtaka pa si Mama kung bakit dito raw ako umuwi.
Ang tagal kong namili ng isusuot. Aligaga na naman ako. Akala mo may guesting o 'di kaya ay pinapatawag sa school dahil sa isang violation ng student code.
Paglabas ko ng kwarto ay tinanong ko si Mama.
"Ma! Ano itsura ko? Ayos lang ba?"
"Maayos naman. Aba eh saan ba ang lakad mo?" Pang-iintriga ni Mama.
"Sa school, Ma. Puro kami events ngayon."
Wow, anong events 'yan? Care to say? Joke lang.
"Sige, Ma. Mauna na po ako. Bukas po ng gabi uwi ako. Kare-kare ulam ah."
At nagmadali na 'kong lumabas ng bahay. Nag-message ako kay Ali na papunta na 'ko.
Nakita ko siyang nag-aabang sa labas ng gate nila.
Nilapitan ko siya nang matanaw niya 'ko.
"Kinakabahan ako." Sabi ko.
"'Wag kang kabahan. Matutuwa sila. Sure ako." He reassured me.
Pahakbang na kami papasok sa gate nang pinigilan ko siya.
"Hindi kaya masyadong mabilis ang lahat?" Pag-aalala ko.
"Bakit naman? We're not yet in a relationship. Gusto ko lang makilala nila yung taong gusto ko."
At nakahirit na naman po si Kuya mo.
Why is this the best feeling ever? But would I be able to give it to him as well?
"Kalma ka lang." at hinawakan niya ko sa braso.
Bawat hakbang ay tila may dagundong pero wala naman talaga. Bawat paghinga ko ay tila may bigat na kasama.
This is all new to me. Ramdam ko na ngayon yung kanta ni Taylor Swift na "Delicate." Wow as if may karelasyon na...
Binuksan ni Ali ang main door nila at pinauna niya 'ko.
"Maupo ka muna diyan. Tawagin ko lang sila. Hindi nila 'to alam."
"'Wag mo 'kong iwan dito."
"Saglit lang 'to."
Bakas sa mukha niya ang pagkagiliw at pagkasabik. Ngiti at kasiyahan niyang kahit kailan ay hindi ko pa nasaksihan.
Naalala ko lang yung oras na sa wakas ay may nasabihan din ako ng pinakatatago ko.
I imagine me telling my parents about Ali then introducing him to them as my lover. I imagine them welcoming him open arms. That there's no problem with it. That they accept our relationship. I just wish that the colonizers didn't brought to us the homophobia and gender roles that led to so many stereotypes.
And I quote @REALLYREVIL 's tweet thread:
"precolonial philippines believed in gender neutral gods, homosexual deities, even had a term "asog" "bayoguin" "binabayi" for the gays, OUR ANCESTORS RESPECTED THE GAYS AND WERE LEFT ALONE TO HAVE RELATIONSHIP WITH FELLOW MEN EVEN DIDNT MIND GAYS DRESSING AS GIRLS
IM SO MAD EVEN IN ANCIENT TIMES OUR ANCESTORS LET MEN MARRY FELLOW MEN EVEN WHEN THEY THOUGHT THEY WOULDNT BEAR A CHILD OUR ANCESTORS ACCEPTED THIS LIKE ITS NORMAL, THAT MATRIMONY ISNT LIMITED TO MAN AND WOMAN RELATIONSHIP IM SO SAD WHAT DID THE COLONIZERS DO TO US
im so sad and did you know our spirit leaders (babaylans) who communicated with the spirits are not solely for girls? BOYS CAN TAKE THIS TOO, GAY BOYS TO BE EXACT! gay boys as ANCIENT PRIESTS?!?! THE FLAVOR!?!?
and then the colonizers came and assigned MALE ROLES AND FEMALE ROLES, IM SO SAD, in ancient times we didnt care who did the laundry who did the cooking who did the hunting :(( gay boys can cook, make a dress and even wear them :(( THEY WERE TREATED REALLY KINDLY AND NORMAL!!!
WE HAVE GAY GODS, HOMOSEXUAL GODS, AND THEY WOULD FALL IN LOVE WITH EACH OTHER, IM CRYING THIS IS SO BEAUTIFUL, OUR ANCESTORS REALLY SAID GAY RIGHTS! THEY SAID LOVEWINS BEFORE THE LIGHTBULB WAS EVEN INVENTED!!
so i tell you when god gave you a gay child, that child is a blessing ?if you think otherwise you are siding with the oppressors, you are betraying our ancestors"
Read here (if you're interested and you have time) the history during pre-colonial period and the Filipino mythology representing queers:
https://www.google.com.ph/amp/s/www.makingqueerhistory.com/articles/2018/12/19/queer-mythology-in-the-philippines%3fformat=amp
Or just search for "making queer history"
...
"Ang bawat takot ay hudyat upang maging matatag,
Pagbabago ay makakamit kung ito'y lakas loob na haharapin."
- vin