Kabanata 18

1388 Words
Kabanata 18: Sagadsad Sagadsad - dausdos o tuloy-tuloy Kinabukasan ay naging maingay na naman sa aming unit. Medyo maagang dumating si Lyca. Mga 8:30 AM. Kaya naman binulabog na rin namin si Mylene para magising na at makapagsimula by 9 AM. Lumabas muna si Ali para bumili ng breakfast naming apat. "Grabe naman. Dinamay niyo pa si Jaydee sa paggising sa 'kin. Dapat kasi umalis na siya kaagad, eh. 10 ko pa balak talaga gumising." Reklamo ni Mylene. "Ayos lang 'yan. Nandito ka na." Pampalubag-loob ko sa kaniya. "Pero kwento muna dali." Pagpupumilit ni Mylene. "Oo nga. Share naman diyan." Dagdag ni Lyca. "Anong ikukwento ko?" At nagpabebe na nga ako. "Pano naging kayo?" paunang tanong ni Mylene. "Nung birthday niya," sagot ko. "So nung magkakasama tayo, kayo na?" gulat na tanong ni Lyca. "Hindi! Nung bago kami pumunta sa kanila para sa surprise sa kaniya ng parents niya." "Hala wow! May pa-part of the family na," masayang sabi ni Lyca. "Sana all talaga. Kayo na may jowa." Lumabas ang ka-bitter-an ni Mylene. "Darating din 'yan. 'Wag kang mag-alala," sabi ko. "Ayun na 'yon? So ano ngang nangyari?" Lyca asked me to tell more. "Nag-milk tea kami tapos naglakad-lakad. Then I gave him my birthday letter. Actually, binasa ko 'yun sa harapan niya then basta bigla na lang alam ko kami na." Pag-shortcut ko sa kwento. "Wow! Ang detalyado at sobrang nakakikilig. Punong-puno ng emosyon," sarkastikong sabi ni Mylene. "Edi para sa 'yo talaga yung spoken poetry niya?" tanong ni Lyca. "Siguro," sagot ko. "Siguro ka diyan. 'Yun yung nag-date kayo after, no!" Pagtutol ni Lyca. "Alam mo naman pala, eh. Nagtanong ka pa." Pambabara ni Mylene kay Lyca. "Oo na. Basta ayun na 'yun." Singit ko. Bumalik na si Ali. Naabutan niya kaming nakaupo sa may mesa. "Nagsimula na ba kayo?" tanong niya. "Hindi pa. Hinintay ka namin," sabi ko. "Ok sige. Kainin muna natin 'tong goto then let's proceed," ani ni Ali. Nagsipagkainan muna kami. Umupo si Ali sa tabi ko, sa harapan ni Mylene. The best talaga yung mga agahan sa baba kina Aling Susan. Ang bait pa. The Susan we only claim. Mapa-silog to goto to sopas, lahat na. Isama na rin ang mga putaheng pang tanghalian. Nagligpit muna ako at naghugas ng mga pinagkainan. Naging automatic na sa 'min ni Ali yung kung sino bumili, yung isa ang maghuhugas. "So hatiin na natin ang gawain," wika ko. "Bunutan tayo ah. Sa porter's na lang may dalawa." Suggestion ni Lyca. Pumayag kaming lahat kaya naman gumawa na siya ng palabunutan. At napaghati-hati na rin namin ang mga gawain. Nilabas na ang laptop ng bawat isa except kay Ali na may Ipad. "Gusto niyo ba may mahinang tugtog habang gumagawa tayo?" Tanong ni Mylene. "I prefer na tahimik na lang," sagot ni Ali. "Ok. Mag-earphones na lang me." Sabay dukot niya sa bag ng earphones niyang buhol-buhol. "Punyemas naman, oo." Natawa na lang ako sa loob-loob ko. Nag airpods na lang din ako. Tamang kinig lang sa album ng Ben&Ben. Ilang oras kaming nagta-type at nagtatanungan ng mga bagay-bagay na hindi namin maintindihan. Pati na rin ang mga bahagi na nahihirapan kaming gawin o buoin. Well, groupings nga diba. Hindi individual. "Grabe idlip lang ako saglit ah. Mga 15 minutes. Antok na antok na 'ko." Paalam ni Mylene. Sabay natulog siya sa mesa. Buang, hindi siya humiga sa mesa. Yes, I'm talking to you. Shhhhh. "Patapos na ba kayo? Mag alas dose na pala." Tanong ni Lyca habang kumukuha siya ng tubig sa ref. "Checking na lang,” sagot ko. "Ano tanghalian natin?" tanong ni Ali. "Bili tayo sa baba, Lyca." Yaya ko sa kaniya. "Sige tara." Pagpayag niya. "Painom din ako," sabi ko sa kaniya. Pinuno ni Lyca ang baso ng tubig at iniabot sa akin. "Thank you!" Naglista ako ng gusto nilang ulam plus yung alternative if in case wala. Hinintay ko na lang din matapos ang 15 minute nap ni Mylene kesa gisingin siya at tanungin. Matapos makumpleto ang listahan at matapos ang ambagan ay bumaba na kami ni Lyca. Iniwan na namin ang mga phone namin. "Kumusta na kayo ng jowa mo?" bigla kong tanong sa kaniya. "Ayun, ok naman. Praning pa rin minsan pero hindi na madalas." "Mabuti naman. Kung ako rin naman, baka figuratively nasasakal ko na partner ko. I mean, kagagawan nila so they have to deal with it diba? 'Til they earn much trust from us again." "Kaya ikaw, maging open ka lang sa kaniya. Nasa kanila na 'yun kung may gagawin silang kalokohan na ikasasakit natin. And if they do that, hindi sila kawalan. Tandaan mo 'yan." Nagmistulang nanay ang pananalita niya. I am not complaining though. Ang sarap mapakinggan mula sa kaniya yung mga sinasabi niyang payo. "Bakit binigyan mo siya ng second chance?" Tanong kong medyo taliwas sa sinabi niya kanina. "Bukod sa mahal ko, malandi lang talaga yung babae. Pero hindi ko sinasabing malinis ang bf ko. Hindi magpapatuloy ang landian kung hindi parehong umaayon. I know that he's sorry naman. 'Pag naulit, the end. We are never ever getting back together, ganun!" Natahimik kami ng ilang segundo habang naglalakad na palabas ng condo premises. "Masaya 'kong nabubuhay ka na sa labas at nagtitiwala ka na sa mga tao." She smiled at me. "Hindi ko pa rin nasasabi kila Mama. Yung kung ano ako tsaka yung kami ni Ali." "Ayos lang 'yan. Pero ni-push mo yung relasyon niyo so you must be ready for the consequences din that comes with it." "Ayun na nga eh. Sasabihin na dapat namin kila Papa kaso ayun diretso kaming ospital. Sa totoo lang, mas wala na kong balak sabihin pa kay Papa. Kay Mama siguro pwede pa. Alam na rin naman ng kapatid ko." "Bakit naman inalis mo siya sa litrato?" "Ayokong may mangyari pa sa kaniya. Hindi ko alam baka atakihin o magwala or tumaas ang dugo tapos kung ano ng mangyari. Bukod sa alam kong babae ang gusto niya para sa 'kin." Natigil ang usapan namin dahil nakarating na kami sa karinderya ni Aling Susan. Medyo maraming tao dahil lunch time na rin. Nakipila muna kami. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay nabili na namin lahat ng nasa listahan namin. Kaya naman bumalik na kami sa loob. Pagpasok ulit namin sa condo ay nagulat akong nakita kong nasa loob si Mama at Papa. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng lamesa. "Oh, Pa! Ma! Napadalaw kayo." Bati ko sa kanila. Lumapit ako at nagmano. "Ba't hindi po kayo nagsabing pupunta kayo?" tanong ko. "Aba nag-text ako sa 'yo. Hindi mo naman pala hawak-hawak ang telepono mo." Paliwanag ni Mama. Ngiting-ngiti lang si Papa. "Kaya ba gusto mo anak eh nagsasabi muna sa 'yo bago pumunta dahil may mga dinadala pala kayo rito?" Biro ni Papa na hindi nakatutuwa. "Ay hindi sa ganun, Pa," sagot ko. "May dala kami para sa inyo. Ihahanda ko lang." Kaagad na tumayo si Mama para alisin sa balot ang mga dala nila. "Sayang 'tong nabili naming mga pagkain, Ma." Sabi ko. Naupo na kami ni Lyca. Tahimik lang sila Ali at Mylene. Biglaang meeting with the parents naman ito. Hindi ako prepared. Ano na namang balak ng universe? Alam ko pa naman 'tong bibig ni Papa na walang habas. Kinakabahan na 'ko agad. "Hayaan mo na 'yang mga ulam. I-ref niyo at ng maihapunan niyo." Utos ni Papa. Tumayo ako para tulungang maghain si Mama. Tahimik lang ang lahat. Walang gustong magsalita. Bukod sa wala naman silang sasabihin ay nahihiya rin ang lahat. Sana ganiyan na lang hanggang mamaya. Hanggang sa makauwi sila Mama. "Paghati-hatian na lang natin 'tong mga barbecue at manok." Sabi niya habang nag-aabot ng dalawang stick ng barbecue sa bawat isa. Nagsimula na kaming kumain matapos manalangin ni Papa. Hindi pa man ako nakakakagat sa barbecue ko ay may hirit na si Papa. "Masaya 'kong makita kayo na may mga iniirog na. Ang gaganda naman kasi nitong mga dilag na ito." Nangingiti lang sina Lyca at Mylene. Jusko! Please tell me na hindi doon papunta 'to sa naiisip ko. Please, 'wag po. "Hindi niyo man lang ba ipakikilala itong mga babae niyo?" Sabi ni Papa na may halong talim ng tingin sa aming dalawa ni Ali. Napapakuyakoy na lang ako. Tinatapik ako ni Ali gamit ang tuhod niya. Gusto ko na lang pong magpalamon sa lupa. …
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD