Kabanata 19: Sagadsad (Part 2)
Sagadsad - dausdos o tuloy-tuloy
Hindi ako makatingin kay Ali. Malinaw na siguro sa kaniya ang mga bagay-bagay. Na hindi ko pa siya nababanggit sa mga magulang ko. Na hindi nila alam ang tungkol sa pagkatao ko.
Ayokong sabihin ngayon. Iniisip ko ang kalagayan ni Papa. Ayoko. Ako na naman ang talo.
"Si Lyca po pala at si Mylene." Turo ko sa kanilang dalawa habang ipinapakilala.
"Siya yung nagpupunta madalas sa bahay. Matagal na atang kaklase ni Jay." Sulsol ni Mama.
"Ah, ayun naman pala. Welcome na welcome ka sa pamilya namin, iha." Kausap niya kay Lyca.
"Salamat po." Nauutal na lang siya at napapatingin sa akin.
Hindi ko na nagugustuhan ang awra sa hapagkainang ito. Ang bigat-bigat na. Paano kung magsalita na lang bigla si Ali? Paano na?
"Bilib ako sa inyo mamili. Mga bagay kayo sa isa't isa." Patuloy na pag-push ni Papa sa sarili niyang pantasya ng katotohanan.
Napapalunok na lang ako. Wala na ring ganang kumain pa. Pinipilit ko na lang mangiti.
"Lyca diba, iha?" pagtatanong ni Papa kay Lyca.
"Opo," sagot niya.
"Anong trabaho ng mga magulang mo?"
At ito na nga. Nagsisimula na naman siya.
Sinubukan kong hawakan ang kamay ni Ali pero iniwas niya ang kamay niya at ipinatong sa mesa.
Naiiyak na 'ko sa loob-loob ko. Gustong-gusto ko ng humingi ng tawad kay Ali. Hindi ko siya magawang ipakilala sa magulang ko bilang kasintahan ko. Na wala man lamang silang alam na kahit ano.
Nagtanong lang nang nagtanong si Papa kay Lyca tungkol sa kaniya at sa pamilya nila.
Anong oras pa ba ito matatapos? Ang bagal ng takbo ng oras. Gusto ko na silang umuwi. Hindi ko na kinakaya.
"Kayo na ba ng anak ko?" muling tanong ni Papa.
"Hindi po."
"Hindi mo nililigawan, 'nak?"
Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi pwedeng mag-oo ako sa harapan ni Ali. Kapag naghindi naman ako, siya na ang ipipilit ni Papa sa 'kin.
"Hindi po. Magkaibigan lang po kami."
"Dun din papunta yun. Bagay naman kayong dalawa. Ano pa bang kulang? Ayos lang naman sa 'min ng Mama mo."
That is an indirect fixed relationship plus kung sino na lang gustuhin ng magulang para sa anak. Hindi naman sila ang iibig...
"Baka masyado ka ng subsob sa pag-aaral at wala ka ng buhay sa labas." Pangaral ni Mama.
"Hindi naman po sa ganun. Ayan po sila, oh. Mga kaibigan ko."
Napayuko ako.
"Kumusta naman kayong dalawa rito?" Tanong sa 'ming dalawa ni Ali ni Papa.
"Maayos naman po," sagot ko.
"Maayos naman po." Ginaya niya lang ang sagot ko.
"Mabuti naman."
Natapos na kumain sila Mama at Papa. Hindi ko naubos ang pagkain ko. Ganun din si Ali. Si Mylene naman ay akala mo may pinapanood na movie kanina at kain lang nang kain.
Pinilit ni Mama na siya na ang maghugas kahit pa inaako ko na ito. Si Papa naman ay naupo lang sa sofa at nagpapahinga.
Matapos maghugas ni Mama ay nagpaalam na sila. Hinatid ko sila pabalik sa fx ni Papa.
Pag-akyat ko ay hindi na nila binalik ang mga gamit sa lamesa at nakaayos na ang mga gamit nila Lyca at Mylene. Hindi ko nakita si Ali sa sala.
"Mauna na muna kami, TJ." Paalam ni Lyca.
"Send na lang natin yung mga finalized output tapos i-compile," sabi ni Mylene.
"Sige ganun na lang. Nasa'n siya? Lumabas ba?" tanong ko.
Ngumuso silang dalawa sa kwarto ni Ali.
"Sige una na kami ah." Muling paalam nilang dalawa.
Pagkalabas nila ay mas naramdaman ko yung kaba. Na baka galit na galit siya. Na parang hindi ko siya kayang harapin.
Ano ba 'tong nagawa mo, Tien Javier? Ilang tao pa ba ang sasaktan mo? Magpaliwanag ka na at humingi ng tawad.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto ni Ali.
"Bee, usap tayo. Please."
Patuloy lang ako sa pagkatok. Nangingilid na ang luha ko pero pinipigilan ko lang.
"Bee. Let me explain." Muli kong tawag sa kaniya.
Binuksan na niya ang pinto. Hindi ko maipaliwanag kung anong emosyon ang meron sa mukha niya.
"Bakit hindi mo sinabi? I forced you out in public. That's a lot of internal struggle for you. Bakit?" His tone right now seems like demanding an explanation in an instant.
"Kasi iniisip kita. I don't want to be unfair with you." Insisting my explanation making me raise my boice a bit.
"Why didn't you tell me from the get go? Why did you hide it from me? You're just so into this relationship that you forget to think straight."
"Edi sabihin ko na sa kanila. Para tapos na."
"I won't let you do that dahil sa 'kin. Hindi mo ba maisip na malaking implikasyon 'yan sa buhay mo? There's a reason why you can't tell them 'til now."
"Inisip ko lang naman yung gusto mo. Ayokong maramdaman mong wala akong pakialam sa 'yo. Ayokong masaktan kita."
"But I'm hurting now. Wouldn't it be better if I just waited for you when you're ready. You went in for a ride leaving everything behind."
"Sorry gumawa ako ng sariling mundo at dun ako nanirahan at nagtago. Akala ko ayos lang na makasama kita sa mundo mo na tinuturing kong akin din."
"SPero hindi ko sinabing gawin mo, bee!"
"Anong gusto mong gawin ko ngayon? Makipaghiwalay sa 'yo?"
"Ba't mo naman naisip 'yan? Ganun lang ba kadaling bitawan? Ganun lang ako kadaling bitawan?"
Pareho ng mainit ang isa't isa. Parehong nagtataasan ng boses.
"Hindi ganun. Hindi mo naman kasi ako iniintindi, eh. Ako na nga 'tong gumawa ng malaking pabor at nagpaka-selfless para sa taong mahal ko, kasalanan ko pa."
"So ayun lumabas din. Ako dahilan ng lahat. Wala naman akong sinabing gawin mo ang kahit ano. Pinili mong magtago at itago sa 'kin ang lahat. I could've helped you. And I should've been the reason why you wanted to suddenly come out to your parents."
"Ok lang naman na 'wag ko na lang sabihin. Hindi rin naman nila matatanggap."
"Akala ko ba gusto mo maging malaya? If you do that, then we'll hide."
"Alam mo ang gulo. Sabi mo ayaw mong ikaw ang dahilan pero you want us to be out in public."
"Oo ganun nga. Ang ibig kong sabihin, wouldn't it be more hurtful for them na malaman na lang sa iba about you and us? Na sila ang huling makaalam. Wouldn't it be better if you tell them, when you're ready, and let them adjust for a while."
"Tapos maghihiwalay muna tayo?"
"I'd let you have your time."
Hindi ko na alam ang iisipin ko. Why does it have to be this hard and complicated? Pareho lang namang pagmamahal na tulad ng sa iba.
"Hindi ba pwedeng ok na tayong ganito? O kaya umalis na lang tayo. Ok naman tayo diba?" I cried.
"Ganiyan na lang ba lagi mong balak, ang tumakas? Ang takbuhan ang lahat? Wala kang mare-resolve kahit isa. Habang buhay ka lang mumultuhin ng lahat."
"Ayoko na Ali. Pagod na pagod na 'ko. Buong buhay ko kailangan may mapatunayan at sundin. Hindi ko na alam saan pa ko magsisimulang ulit."
"Wala kang dapat patunayan. Ang kailangan, irespeto mo rin ang mga mahal mo sa buhay at bigyan mo sila ng pagkakataon na makilala ka once na maging handa ka na. Hindi kailangang ngayon mismo."
"Ano bang dapat kong gawin?" I pleaded for help as I was really lost and my mind's in a lot of things.
"Mahal kita, TJ. Pero unahin mo muna ang sarili mo. I'll just be waiting for you to come back. If you're gonna continue hiding here, in our made up world, how are we gonna live outside?"
Patuloy lang ako sa pag-iyak pero nakuha ko ang punto niya. He's feeling so pitiful about me that he cannot see me crying. Kaya tumulo na rin ang luha mula sa mga mata niya.
Niyakap niya 'ko.
"Start from there. Everything will follow through. It doesn't have to be quick. I'll wait even how long it'll take you."
Mas niyakap ko siya nang mahigpit.
...
"Hawak mo pa ang iyong oras,
Hindi kailangang lumabas kung hindi pa ligtas,
Sa iyong sarili, ikaw ang pantas."
- vin