Kabanata 20

1075 Words
Kabanata 20: Mapalisya   Mapalisya - magkamali            Friday ng gabi ay kinuha ko lang ang duffel bag ko sa condo at hinintay kong sunduin ako nila Papa. Uuwi muna kami sa Tagaytay sa rest house ng kapatid ni Mama.            Maybe I need this so much. Magbigay muna ako ng saglit na kapayapaan sa sarili ko. Mag-unwind kahit papaano. At ilagay ang sarili back on track again pagkatapos.            Mahirap din sa 'kin na hindi na kami tulad ng dati ni Ali pero tama naman siya. Mas ok na muna yung ganito. Wala ulit commitment. Para sarili ko muna ang iintindihin ko.            Sumakay na ko sa sasakyan pagdating nila Papa. Naka-earphones lang ako at sleeping mask para makatulog habang bumibyahe.            Bad idea pala. Napadpad sa kung saan-saan ang isipan ko.            Naisip ko bigla lahat ng what ifs ko.            I just listen to this song.            Imperfect            Verse 1   How can I love   If I am so uncapable to do?   I do oh woah I do            How to find love   If I am lost and still unwinding? Oh   I pray oh woah I pray            Pre-chorus   How to be the better version   That I am dreaming of?   How to ease the pain   That's lingering all my life alone?   Could I ever answer all the questions that I throw?   Will I ever so?            Chorus   I couldn't be the perfect man   The one that you keep wishing on   You're a star I couldn't chase   But I will always love you            The one that you don't wish   To be with you forever ohhh   You couldn't look at me   I have all insecurities   Will you ever stay with me?   Please do not look for somebody else               Verse 2   How will I breathe   If I am suffocated by my mind?   My mind ohhhh            How can I stand   If the surge is strong enough   To break my life ohhh            Pre-chorus   How to be the better version   That I am dreaming of?   How to ease the pain   That's lingering all my life alone?   Could I ever answer all the questions that I throw?   Will I ever so?            Chorus   I couldn't be the perfect man   The one that you keep wishing on   You're a star I couldn't chase   But I will always love you            The one that you don't wish   To be with you forever ohhh   You couldn't look at me   I have all insecurities   Will you ever stay with me?   Please do not look for somebody else            I couldn't be that strong enough   The one that you keep wishing on   You're my love I'll not forget   And I will always love you            The one that you don't wish   To be with you forever ohhh   You couldn't look at me   I have all insecurities   Will you ever stay with me?   Please do not look for somebody else            Tamang-tama at sapul na sapul yung kanta. Itinulog ko na lang talaga. I divert immediately my attention to something else whenever I think about certain bad things. Madalas sinasabi ko na lang sa sarili ko na "don't think." Paulit-ulit.            Self, ang goal natin is huwag na masyadong mag-isip. Itaas na natin ang lahat kay Supreme Being. Mag-enjoy ka for a while. Tama na ang pagka-super negastar.            Hindi ko namalayan na mahaba-haba na pala ang nabiyahe namin. Ang lamig-lamig na sa loob ng sasakyan. Napasuot na ko ng jacket ko.            Narating na namin ang Tagaytay makalipas ang ilang minuto. Nag-take out na lang kami ng Bulalo para dalhin sa rest house dahil nag-aabang sa 'min si Tita Mira. Aalis din kasi siya agad pagkarating namin dahil may flight pa siya at ang pamilya niya papunta sa Japan. Yayamanin talaga 'yun. Dinaanan niya lang yung bahay para masigurado na ok ito at masalubong niya kami. Ang tagal na rin namin siyang hindi nakikita sa personal.            Bumusina si Papa para magbigay ng hudyat na nandito na kami. Agad namang lumabas ang caretaker na si Kuya Daryo para buksan ang gate.            Nasa 40s na ata si Kuya. Ayaw lang niyang manong ang tawag sa kaniya. Para feeling young pa rin daw.            Sobrang daming puno at halaman. Yung pader sa labas ay halos matakpan na ng gumagapang na halaman. Sorry, hindi ko alam ang tawag. One with the nature din kasi talaga 'tong si Tita.            Pagka-park ni Papa sa garahe ay sinalubong kami ni Ate Malou na asawa ni Kuya Daryo. Siya ang tagapagluto 'pag nandito sila Tita o 'pag may bisita.            Nagkamustahan agad ang lahat. Magkausap sila Kuya Daryo, Ate Malou, Mama, at Papa. Lumabas na rin si Tita Mira.            "Mga pamangkin!" bati niya sa 'min ni Jas.            "Hello po, Tita!" masayang bati ni Jas.            Niyakap namin siya. She hates that pagmamano dahil hindi pa naman daw siya thunders. Tamang Tita of Manila lang, ganun.            "Kumusta kayong dalawa? Tumatanda na ah," biro ni Tita.            "Ayos naman po kami," sagot ko.            "Sige mauna na kayo sa loob. Chichikahin ko lang mga magulang niyo. Hindi na agad matigil ang bunganga," muli niyang biro.            "Sige po," sabi ko.            Pumasok na kami sa loob. Ang laki na ng pinagbago ng bahay. Mula sa pintura, more halaman, sa pwesto ng mga gamit, mga bagong gamit, at kabuoang disenyo ng bahay.            Naupo lang kaming dalawa sa sala habang hinihintay namin silang lahat na pumasok.            "Kuya, kailan tayo huling pumunta rito?" tanong ni Jas sa akin.            "Grade 12 ako. Nung after graduation. Medyo recent lang pala."            "Ang dami na agad nagbago no? Super asensado na sila. Tapos yung mga anak ni Tita, kahit sa business na lang niya magtrabaho. Kung tutuusin, kahit hindi na sila mag-aral."            "Anong gusto mong sabihin?"            Tumayo siya.            "Tara maglibot na tayo, Kuya." Yaya niya.            Tumayo na rin ako at inikot namin ang baba ng bahay.            "Halika nga rito." Tawag ko kay Jas dahil nauuna siya maglakad.            Tumabi siya sa akin at nakaakbay ako sa kaniya.            "Gusto mo ba talaga mag-engineering?"            Umiling siya.            "Gusto ko mag-psych, Kuya."            "'Wag na 'wag mong ilalagay ang engineering sa application papers mo ah. Sundin mo ang gusto mo. Tama na yung ako na lang ang makaranas ng ganito. Trust me."            "Pero paano sila Papa? Magagalit siya."            "Ako na bahala. Dito lang ako. Kahit dalawa pa tayong palayasin." Biro ko sa huli.            "Kayo, Kuya? Pa'no kayo?"            "Kami? Hindi ko rin alam. Ayusin ko muna mga kung ano sa sarili ko."            "Dito lang din ako, Kuya. You don't have to face everything on your own. Mahal ka naming lahat."            I am so thankful to have a sister na sobrang mapagmahal. Masyado na naman akong na-t-touch.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD