Kabanata 21: Mapalisya (Part 2)
Mapalisya - magkamali
Pinasa ko sa kaniya yung naka-save kong speech sa phone ko para ipabasa kay Jas. 'Yun yung paalala ko sa sarili ko sa bawat pagkakataon na tingin ko wala na 'kong patutunguhan. And maybe I should share it with you too.
"People lose their way, people lose the love of your life, people lose themselves, and I guess moving forward – if you take anything away from tonight, please take this with you – that when you are having one of those horrible moments, or those long strings of gray, rainy days that never seem to get brighter, or when you are doubting yourself or where you're going, I hope you look in the mirror and remind yourself of what you are, and what you are not, okay?
What you are not? You are not the opinion of somebody who doesn't know you. You are not damaged goods if you've made mistakes in your life, and you are not going nowhere just because you haven't gotten where you want to end up yet.
Let's talk about what you are. You are someone who is wiser now because you've made mistakes. You are someone who is brave enough to take the chances you have to take to make mistakes in life, because those choices are the same things that will make you successful – being brave. I think in 25 years I keep learning every single day, but one think I do know for sure is that going through painful situations is awful but it does make you stronger. And walking through a bunch of rainstorms is horrible at the time, but when you put one foot in front of the other and keep going if you make it through that, it doesn't make you damaged. It makes you clean."
Nakarating na kami sa second floor kakalakad-lakad. Natanaw namin mula rito na nakaayos na pala sila sa dining table.
"Nandito lang pala kayo. Kakain na raw," sabi ni Kuya Daryo.
Sumunod kami sa kaniya pababa.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na si Tita sa amin.
"Enjoy kayo! Bye!" Paalam ni Tita.
Pumunta na kami sa mga kwarto namin. Sa isang solo bedroom ako. Hindi gaanong kalakihan. Pero masaya na ko at may pa-balcony.
Tumambay ako dun kahit pa ginaw na ginaw ako. Partida, may jacket na 'kong suot nito.
Inhale... exhale... inhale... exhale...
No, hindi tayo mag-iisip ngayon.
Tinatanaw ko lang ang bawat bagay na nakikita ko. Mula sa mga ulap na tinatakpan ang buwan at mga bituin hanggang sa mga ilaw ng bawat bahay sa kanan at kaliwang bahagi.
Ang payapa ng paligid ng bulkan. Hindi ko talaga matanaw kung nasaan ito dahil madilim pero yung karaniwang napagkakamalang Taal volcano ay aninag mula sa kinatatayuan ko.
Maya-maya pa ay nag-hot tub ako. Nagpatugtog ako ng classical music tulad ng Spring: I Allegro, Cello Suit No. 1 in G Major, BWV 1007: I. Prelude at III. Alla Turca. Feeling ko nasa isa akong malaking piging ng hari at reyna na imbitado ang lahat ng mga elitista at pilit nagpapaka-elitista.
Na-imagine ko ang sarili kong sumasayaw sa saliw ng musika ng Tchaikovsky: The Nutcracker, Op 71, Act 2: No. 13 Waltz of the flowers habang may kapareha. Nasa gitna kami ng lahat. Pinapanood ng bawat naroroon. Na walang kaso na dalawang prinsipe ang sumasayaw. Ang ganda tignan no? Hindi big deal ang bawat bagay.
Patuloy lang kaming sumasayaw habang di alintana ang bawat manonood na natutuwa sa angking galing na pinapamalas namin sa pagsasayaw. Tinalo ang bawat dance sport. Joke lang.
Natapos ang musika at natapos din ang aming pagsasayaw. Yumuko kami sa harap ng lahat bilang pagpapasalamat sa kanilang malakas na palakpakan.
Nagkatinginan kami ni Ali. Unti-unti ay naglalapit ang aming mukha.
"Ay hindi!" Sabay napailing ako ng maraming beses.
Oo, miss na miss ko na yung dating kami pero hindi tayo marupok. Ito rin ang gusto niya para sa 'kin. We'll get there.
Tinapos ko na ang aking pagbabad sa hot tub. Nahiga na 'ko matapos kong magbihis. Ang sarap higaan ng kama. Sakto lang ang lambot. Para akong nakahiga sa snow at gumagawa ng hulma ng tao habang iwinawagayway ang mga kamay.
Masaya rin ang mapag-isa. Dapat matutunan nating ma-enjoy ang company ng sarili natin. Hindi kailangang laging malulungkot lagi ang maiisip kapag mag-isa. You don't know how much fun it is to just be you in your own kind of safe and somber wonderland place.
Nakatulog na ako.
Paggising ko ay nag-agahan kami. Pumunta kami sa People's Park. Naglakad-lakad sa mahamog na umaga. Family day! Picture kahit saan. Masaya kong makita na nag-e-enjoy sila Mama at Papa.
Sumakay kami isa-isa sa kabayo at kumuha ng litrato. Natatakot pa si Mama nung una at napapamura. Tawa kami nang tawa. Ang tagal bago siya nakasakay.
"Ma, maglilibot lang po ako." Paalam ko.
"Sige. Magkita-kita tayo rito ng mga alas diyes."
"Ok po."
Naglakad-lakad na 'ko. Grabe ang taas-taas na ng kinatatayuan ko. Tanaw na tanaw ang sanlibutan. Napakaganda.
Biglang may kumausap sa 'kin sa gitna ng kumpulan ng mga tao.
"Gusto mo kunan kita?" Tanong ni Kuyang naka-polo at maong. Mas matangkad pa siya sa akin. Nasa late 20s na siguro siya.
"Sayang naman ang chance. Maganda ang view tapos ang gara ng suot mo." Pilit akong kinukumbinsi ni Kuya.
Ang sketchy. Abort mission na ba?
Naalala ko lang bigla yung nasa rooftop kami at nagpi-picture.
Ang saya siguro lalo kung magkasama kami ngayon.
"Hindi mo na kailangan mag-isip pa. You make the timing perfect. Ikaw ang bahala sa bawat pose at tindig mo. Patuloy lang ang buhay ng nasa harap, likod, lahat ng nasa paligid mo."
"Kuya ang lalim naman niyan. Hugot na hugot ah." Sabi ko.
"Point ko ay handa ang mundo sa 'yo. Ikaw na lang ang iniintay."
Grabe, hindi ko alam anong trip ni Kuya pero kanina pa 'ko pinatatamaan. Ang daming bala, ah.
"Sige na, Kuya. Tama na."
Biglang ang daming dumaan na tayo. Nawala na si Kuya. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala na siya. Hindi ko na makita.
Naglakad-lakad lang ako at nag-selfie. Kinunan ko rin ang mga tanawin. Sayang lang dahil hindi makukuha ng camera ang buong kagandahan. Iba talaga sa personal.
Bumalik na 'ko sa spot namin kanina at bumalik na kami sa rest house.
Nagulat ako na may text sa akin si Tito Mar.
Tito Mar: TJ, gusto lang namin sabihin ng Tito Rod mo na nandito lang kami kung ano man ang mangyari. Bukas ang bahay namin para sa 'yo. Ingat palagi.
Sa totoo lang, ang laking dagdag sa confidence ko yung may dalawa akong tito na nandiyan para sa 'kin. Magkamali man ako ng desisyon sa buhay, may mga taong nasa likod at tabi ko ang handang umalalay. Sana unti-unti ko pang mabuo ang lakas ng loob ko. We're getting there, self.
Nagtanghalian kami kasama sina Kuya Daryo at Ate Malou. Ang sarap ng luto niya sa mga seafood. May tahong, hipon, crabs, at seafood pasta. Naparami na naman ng kain.
Nag-sky ranch kami pagkatapos. Isinigaw ko na ang lahat sa mga rides. Puta never ko yung nagawa sa buong buhay ko. Sobrang nakagagaan pala talaga sa pakiramdam. Buti na lang napadpad kami rito. Lagi ko kasing iniisip na magsisisigaw akong mag-isa sa lugar na tahimik at ako lang tao o 'di kaya ay konti lang. Tipong sa tuktok ng bundok o somewhere na mataas na lugar. Pero eto, sa harap ng lahat. Sa rinig ng lahat. Walang judgement. Pare-pareho lang nagtitilian.
Kinabukasan ay nagsimba kami bago mag-mall. Ipinanalangin ko lang muli kahit na araw-araw kong sambit sa Kaniya na sana maging ok ang lahat. Na Siya na ang bahala. Gagawin ko lang ang part ko.
"Bagamat ang simbahang Katolika ay hindi pa rin bukas sa pag-iisang dibdib ng mga nasa lgbt community ay ipinababatid lamang ng simbahan na tayong lahat ay marapat sa pantay-pantay na karapatan at pagtrato. Hindi ibig sabihin na taliwas sila sa kanilang mga totoong kasarian ay nararapat na silang ituring na iba sa normal na tao. Sila ay tao at isinilang na wangis sa Diyos. Sila ay anak ng Diyos." Litanya ng pari.
Napa-Amen na lang ako sa kinauupuan ko. Parang ang sakto naman ng lahat ng bagay. Parang nag-retreat ako at recollection. But I don't complain though.
...
"Tanging sarili lang natin ang makapagbibigay ng kapayapaan sa ating puso't isip. Nasa atin ang desisyon."
-vin