Kabanata 22

1085 Words
Kabanata 22: Hinuhod   Hinuhod - sang-ayon            Magkakasama pa rin naman ang tropa. Normal pa rin kaming lahat nakikitungo sa isa't isa. Alam na rin naman nila kung anong estado namin ni Ali. Kaya wala ng nang-aasar sa 'min. Casual na lang muna ulit.      Nakikiayon lang ulit kami sa daloy ng ilog.      Nitong mga nakaraang araw ay nakapag-isip-isip ako at marami akong na-realize. Marami rin akong natutunan mula sa mga bagay-bagay na nangyari. Napakahirap lang din talaga na walang user guide sa ganitong buhay ng isang minority. But at least I get to conquer my fears one by one. I get to pluck out those thorns na nasa puso ko. I just hope na things will change for the better. I just want to have a peaceful mind.      But speaking of peace, here’s something na hindi peaceful. Lumipas ang midterms na mga halos mabaliw na kami sa dami ng inaral. At ngayon patapos na ang finals. Last day na ng exam sa Friday. Last 2 subjects.            "Ano ganap natin sa Biyernes?" tanong ni Jaydee. Nakisabay siyang mag-lunch sa amin.            "Gusto niyo ba kain-kain lang tayo?" Survey ni Mylene.            "Ayos lang naman sa 'kin," sabi ko.            "Eh, last day na natin sa Friday. Sem break na next week. Dapat itodo na 'yan." Pagtutol ni Lyca.            "Inom na lang tayo." Suhestiyon ni Ali.            "Ayon! Gusto ko 'yan." Pagsang-ayon ni Jaydee.            "Lalabas ba tayo o sa condo na lang ulit?" Tanong ni Mylene.            "Labas na lang tayo," sabi ko.            "Sa condo na lang," sabi ni Ali.            "Oo nga sa condo niyo na lang, Jay." Pilit ni Lyca.      Ayan na naman tayo sa condo. Nagbabalik na naman ang mga alaala. That one night… I wish it could happen again. I was just so vulnerable that time and so as him. He opened his heart and I accepted it. He understood me and I understood him. If only I knew what to do.       "Kina Jaydee naman tayo magkalat. Kami na lang ni Ali sa mga makakain at sa nomu." I insisted para tapos na.            "Naks! Sinong aangal sa offer na 'yan? Sige sa 'min na ang venue. Pahiram na lang ng mic para sa kantahan." Pagpayag ni Jaydee.            "Ok! Back to aral na tayo," sabi ni Lyca.      “Mukhang may topnotcher na naman. Diretso boards na ata eh.” Biro ko kay Lyca.      Inirapan lang niya ‘ko pero natawa lang din kaming dalawa.      Bumalik na kami sa klase.               Sa linggong ito, kada uwian ay nasa condo na agad ako at nasa kwarto lang. Kapag walang pasok ay ganun pa rin. Ramdam ko yung mag-isa lang talaga 'ko kahit pa may tao sa kabilang kwarto. But I don't mind it. Basta nandiyan lang siya. I'm fine.      Pero nami-miss ko yung tinuturuan niya ‘ko kasi hindi ko maintindihan yung mga problems. Tapos aabutan niya ‘ko ng tubig, juice, o kape kapag ang tagal ko nang nasa kwarto at nakatutok sa mga libro. Yung tatawagin na lang niya ko para kumain kasi nakapagluto na siya at nakapaghain.       Ayan naiiyak na naman tuloy ako. Let me not do this in front of my books.       Lumabas ako ng kwarto para magtimpla ng kape. Naabutan ko siyang lumabas sa cr.            "Na-extend mo na yung contract ng rent?" tanong ko sa kaniya.            Ang weird. Sobrang dalang ko na lang siya makausap nang ganito.            "Hindi ko na ipapa-extend."            "Huh? Bakit?" Pagtataka ko.            "Sabi nina Tito na it's better if we get a different place muna. And I think susundin ko na lang sila."            "Kala ko ba dito ka lang?" Medyo tumaas ang tono ng pananalita ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako papayag.            "You don't know how much I..." hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya.            "Sorry. Sa sembreak na lang ako magtatanong. May aalis naman sigurong iba rito sa building na 'to. Ayos na."            Ex na nga lang pala ako. Walang karapatang mag-inarte. Ex na parang wala lang kasi hindi naman naramdaman freely…            "We only have 'til Sunday here," malayong sagot niya.            "'Wag kang mag-alala, Saturday ng gabi uuwi na 'ko."            Hindi na 'ko nagkanaw ng kape. Hindi na kailangan. Igugol ko na lang sa pagre-review yung inis ko.            Bumalik na 'ko sa kwarto ko. Pilit na inaalis sa isip ang mga ibang naiisip.            Focus, TJ! Focus! Unahin natin 'tong exam.            Final day of final examinations...            Maaga akong nagising para maagang matapos kumilos at makarating ako sa room nang hindi nagmamadali. Para makabili rin ng taho at tinapay sa labas.            This is it, TJ! Isang sem na naman ang matatapos.            Humihigop ako ng taho habang papasok ng school. Nakita ko si Ali na nasa harapan ko. Natalisod pa siya sa daan. Napatawa ako at muntik ng ma-choke ng taho.            Pero kunwari walang nangyari at patuloy lang siyang naglakad.            Pagkarating ko sa examination room ko ay naupo ako sa seat number ko at kumain ng tinapay. Ilang minuto na lang ay mag-8 na ng umaga. Magsisimula na kami.            Matapos ang unang subject ay dumiretso muna ako sa study area para roon muna mag-stay habang kinakain yung mga natira kong tinapay.            Naalala ko bigla yung nandito kami ni Ali at magkausap.            Iidlip mo muna 'yan, TJ.            At ganun na nga ang ginawa ko. Tapusin muna natin 'tong exam bago tayo maligaw muli sa mga ala-ala. Mahirap na. Baka wala na talagang masagot.            Matapos ang isang oras ng lunch break ay bumalik na 'ko sa room. Nagsimula na ang exam para sa huling subject.            Konti na lang! Kaya 'yan!            Muntik pa 'ko mapaluha nung mabasa ko ang last item sa test paper.            75. As you close this chapter of your BSA journey, allow me to congratulate all of you for a job well done. Staying and in one of the toughest programs here in our university is a great achievement. Your journey will continue in the next two years inside the walls of our dear university, our prayer is that you have not just the knowledge but sufficient strength because the battle will be tougher in the coming years. Whatever the outcome of this semester, we hope that you will be stronger than who you are when you started this race. Always celebrate every milestone in your life, and this is one of those milestones (na-survive mo ang first sem ng second year mo sa accountancy). Keep on achieving and be ready to soar higher for God will surely bless you and guide every step of your way. We are proud of you kids! And for that, please shade letter A for Achieve!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD