Kabanata 23

1092 Words
Kabanata 23: Hinuhod (Part 2) Hinuhod - sang-ayon   I didn't knew I needed to read that kind of encouraging words from our professors. It's so much heart warming and validating to read that our effort and hardships will pay off soon.            Makalipas ang tatlong oras ng pag-co-compute at panghuhula ay nagpasa na kami ng answer sheets namin.            Sa wakas at natapos na ang mga exam. PARTY, PARTY NA!            May ibang mga malungkot ang mukha paglabas ng room pero mas nangingibabaw ang tuwa ng mga kapwa ko BSA dahil malaya na muna muli kami. Bahala na kung bagsak o ano. Tapos na naman eh. Hindi na maibabalik. Kaya move on na agad!            Nagkita-kita kami sa may congregating area.            "Jay, bili na. Damihan mo, ah." Bilin ni Jaydee.            "Sige, ah. Sunod na lang ako sa condo niyo. Labas na 'ko." Paalam ko.            "Hintayin ko muna sila rito. Ingat ka."            Lumabas na 'ko ng school para pumunta sa 7 11. Alam na agad ng nasa cashier dito na tapos na ang finals dahil ang pila para sa alak ay humahaba na.            Isang box ng 12 bottles ng smirnoff ang binili ko. Tapos kung anong madampot na lang na mga crackers and such.            Pagbalik ko sa condo nila Jaydee ay naririnig ko pa lang sa labas na nagkakantahan na sila.            Kumatok ako. Si Mylene ang nagbukas ng pinto.            "Siguro konting tulong naman diyan," sabi ko.            "Ay, sorry." Sabay kuha niya sa supot ng mga tsitsirya.            Si Lyca at Jaydee na pala yung kumakanta. Dalawa pala ang mic na gamit.            Ang saya-saya lang nila tignan dahil wala ng bakas ng stress at kung ano pang makapagpapalungkot sa kanila.            Nakiupo na 'ko sa kanila sa sahig. Nakalagay sa maliit na glass table ang mga binili ko. Naglabas na rin ng yelo si Mylene.            "Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako..." awit nila Jaydee at Lyca.            Nagkakatuwaan lang ang lahat magdamag. First time nilang marinig kumanta si Ali. Gandang-ganda sila sa boses niya.            Pilit na inaabot sa 'kin ni Lyca yung isang mic.            "Sige na duet kayo. Kayo na maganda ang boses." Pilit ni Lyca sa akin.            Isiniksik niya sa kamay ko ang mic kaya napilitan na rin ako.            Hinintay ko ang chorus para masabayan siya.            "Kung 'di rin tayo sa huli   Aawatin ang sarili na umibig pang muli   Kung 'di rin tayo sa huli   Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?"            Nararamdaman kong tinitignan niya 'ko pero nakatutok lang ako sa screen.            "Naliligaw at malayo ang tanaw   Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw..."            Itinodo ko na mga kaibigan.            "Kung 'di rin tayo sa huli   Aawatin ba ang puso kong ibigin ka? Haa..."            Natapos ang kanta at nagpalakpakan silang tatlo.            "Thank you! Thank you!" Sabi ko habang nag-b-bow.            "Ipinasa ko na agad kay Mylene ang mic."            Kumanta sila ni Lyca ng Secret Love Song by Little Mix.            Mga bes, damang-dama ko yung kanta. Ayaw paawat.            "It's obvious you're meant for me   Every piece of you, it just fits perfectly   Every second, every thought, I'm in so deep   But I'll never show it on my face   But we know this, we got a love that is homeless..."            Tamang sabay lang sa pagkanta at pangiti-ngiti lang pero nasasaktan na 'yan.            Ininom ko na lang sabay salpak sa bunganga ng mga pagkain. Sige lang ang nguya at inom.            "HAPPY SEM BREAK!" sigaw ni Mylene.            Naghiyawan sila.            Patuloy lang ang kantahan hanggang sa mga mamaos. Hanggang sa maging sabog at bumagsak na lang sa sahig kakainom.            Pero first time ko lang ma-try 'tong iniinom natin at alam niyo namang weakling ako sa inuman so inuunti-unti lang natin dahil mukhang isang bote lang ang kakayanin.            Maaga kaming nagsimula kaya naman hindi pa man malalim ang gabi ay nag-uwian na kami. Tulad ng dating gawi, matutulog si Lyca sa kwarto ko.            Bago pumasok si Ali sa kwarto niya ay nilapitan ko siya.            "Alam mo ba, miss na miss na kita." At naiyak ako sa harap niya.            "Me too! But I'll be patiently waiting."            "Hintayin mo 'ko, ah! Babawi ako sa 'yo."            Pagewang-gewang akong naglakad papunta sa kwarto ko. And the rest is history dahil naipilit nilang mag dalawang bote ako. Ganun pala 'pag as in nalalasing ka. Parang nag accounting discussion lang for 6 hours straight.            Kinaumagahan ay nagsiliguan na kami. Prepared si Lyca dahil may dala siyang pamalit niya bago umuwi.            Nagpatulong muna ako sa kaniya mag-impake at ilagay sa box ang mga kagamitan ko. Dun lang din niya nalaman na maghihiwalay na kami ng lugar ni Ali.            "Ang lungkot naman. Kaya ba hindi pa rin siya lumalabas sa kwarto niya?" tanong ni Lyca.            "Ayaw niya sigurong makita na inaayos ko na mga gamit ko. Sabi ko kasi, Sabado pa lang aalis na ko rito."            Nagpatuloy na kami sa pagliligpit. Inasikaso ko ang mga damit ko habang siya naman ay kinukuha ang mga libro at decor ko sa kwarto. Tapos ay inilabas na namin ang maleta at ibang kahon. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko sa sala at kusina.               "Bili muna tayong pagkain natin. Tsaka para lumabas na rin yun sa kwarto niya." Yaya ko.            "Sige." Pagpayag niya.            Lumabas kami at medyo tinagalan namin. Pakikisama at pakikiramdam ko na lang sa kaniya.            Pinauwi ko na si Lyca dahil uuwi na pala sila sa probinsya nila ngayong gabi. Mag-isa na lang akong bumalik sa condo.            Kumatok ako sa kwarto ni Ali.            "Binilhan kita ng pagkain. Labas ka na diyan. Iiwan ko sa mesa ah. Pasok na 'ko sa kwarto ko."            At ginawa ko ang sinabi ko. Gusto ko sana siya hintaying lumabas pero ano namang sasabihin ko? Wala.            Kinagabihan ay mag-text na ako kay Papa na sunduin na 'ko. Mag-iisang biyahe pa kasi siya para makabalik siya kaagad sa pila.            Narinig kong nag-aayos na rin siya ng gamit niya kanina. Siguro hinihintay na lang niya 'kong makaalis para maligpit na niya ang mga natitirang gamit niya sa labas.            Lumapit ako sa may pinto ng kwarto niya habang inilalagay ni Papa ang ibang gamit sa luggage cart.            "Ali, alis na 'ko ah. See you next sem," malakas kong sabi.            Binabagalan kong lumabas kahit pa alam kong medyo nagmamadali si Papa. Baka lang sakaling lumabas siya at magpaalam. Para mayakap ko lang siya, ulit, after a long time.            Naghihintay kami sa elevator at nagbabakasakali akong lalabas pa rin siya pero mukhang hindi na. Ayos na rin siguro 'yun. Maybe it's just a wishful thinking and probably mindless dreaming.            Sana sa susunod naming pagkikita, pwede na.   ...         "Ang paghihintay ay para hindi tayo pahirapan,   kun'di upang tayo'y maging handa."      - Fr. Luciano Felloni
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD