Kabanata 5

2020 Words
Kabanata 5: Adhika Adhika – nais o gusto Busy-busyhan tayo ngayong gabi. Tumatambak na ang mga homeworks. Alam niyo naman ang mga minors, major ang activities. Ganun naman lagi taon-taon miski nung senior high school pa lang naman ako. First batch na nga ng pagiging experimental tapos ulit-ulit pa ang subjects sa college. ‘Di ba? Sinong hindi maiinis sa ganun. Puro na naman ako rant. Hay nako self! Tigil-tigilan mo na ‘yan at wala ka na namang nagagawa. Kung ako sa’yo matulog ka na lang para at least nakapikit ka at ‘di aware na walang ganap. Tapos may tulog ka pa! Nakuha ko lang ‘yan sa prof ko. Sabi kasi niya ok nang bagsak at least kumpleto ang tulog. Laughtrip talaga lagi kay sir. Pagkatapos ko magbasa ng isang chapter ay nagpahinga muna ako at nag-phone. May message pala si Ali sa akin. TJ: Slr. Anong maipaglipingkod ko? Ali: Pwede pa-picture ng notes mo sa cost [accounting]? TJ: sige wait lang ah Kinuha ko agad yung columnar ko sa cost at nag-picture ng notes. TJ: Ayan na po Ali: Thank you po TJ: Bakit may po? Ali: You did it first TJ: Ah sorry, sorry. Sige kain na kami. Ali: Sige Iniwan ko ang phone ko sa kwarto at lumabas. Pagkaupo ko ay sinalubong agad ako ng tanong ni Mama. "Itutuloy mo pa bang mag-dorm?" "Iniisip ko na rin, Ma. Ang haba ng biyahe ko lagi." Bumukas ang pinto at pumasok si Papa. Kakauwi lang galing sa huling biyahe niya ngayong gabi. Tumayo ako at nagmano nung malapit na siya sa lamesa. Ganun din si Jas. "Anong ulam natin?" tanong ni Papa. "Ginataang kalabasa." Naupo na si Papa at nagsandok ng kanin. "Mag-dorm na raw si Kuya, Pa." biglang sabi ni Jas. "Bakit? Hindi na ba kaya nang bumibyahe?" "Puro majors na kami ngayon, Pa. Ang dami pang subjects. Pag weekends uuwi naman po ako." Depensa ko. Tahimik lang si Jas na nakikinig sa 'min. "Hayaan na nating magpaka-independent si Jay." Dagdag ni Mama. "Tsaka may nahanap na rin po ako nung summer pa. Titignan ko na lang po ulit saang unit pa available." "Wala namang problema. Wala ka namang kasamang bakla dun?" Hindi ko alam saan nanggaling yung tanong ni Papa. Hindi ko alam anong pinangagalingan niya. Hindi ko alam kung may galit ba siya sa lgbt. Naalala ko na naman yung usapan nila ng kapwa niya driver nung gay pride. Ang sabi ba naman niya "Tignan mo 'tong kagagawan ng mga bakla at tomboy. Namemerwisyo lang." Sumagot na lang ako ng wala po. Natapos kaming maghapunan at bumalik na 'ko sa kwarto ko. Excited na 'kong mapag-isa, honestly. Hinahanap ko ulit yung kinausap kong contact person sa isang unit na nakita ko nang biglang tumawag si Ali sa messenger. Hala! Ano na namang meron? Sinagot ko na lang yung tawag. "Hello?" "Oh, hello! Bakit ka napatawag?" "Paturo naman ako. Yung last part lang sa cost." "Oh no problem. Sige, sige." Kinuha ko agad yung notes ko. Makalipas ang ilang minuto... "Thank you so much!" he said gladly. "You're welcome." "I'm gonna hang up na." "Oh wait! May tanong lang ako." "What is it?" "May alam ka bang dorm na malapit sa school?" "Oh, are you also looking for one?" He sounded a bit excited. "Oo, eh. Ikaw rin ba? "Yes. I am actually going there to check it on Wednesday after our class." "Hala may iba pa bang room or unit? Sama ako. Punta na tayo bukas?" Yaya ko sa kaniya. "As far as I know, meron pang iba." "Gusto mo hanap tayo ng with 2 rooms?" "You want me to go with you?" he said it charmingly. "You know... like we have different rooms naman so we're still kinda alone but still accompanied by someone. Do I make sense?" "Oh, yes I get it. Let's go tomorrow? Let's leave at 9 am?" "Ok!" "Alright then. Good night!" "Good night din." Halos mapatalon ako. Sobrang saya ko lang ba? Niyakap ko ang unan ko. Tumigil ka na, TJ. Balik na sa pag-aaral. 7:30 AM ako nagising. Maaga nang konti para sa araw na wala akong pasok. Naunahan ko pa alarm ko ng 8:00 AM. Magluluto pa lang ng agahan si Mama kaya naligo muna ako at nagsipilyo. Hahang nagbibihis ako at nag-aayos, nagpapatugtog ako sa speakers ng Sundo by Imago. "Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundooooo!" Halungkat lang ng damit tapos mag-aahit. Hindi ko alam. Ang gulo-gulo ko. Mag-aayos ng buhok tapos nag-aabang sa cellphone ko. Nakatanggap ako ng text mula kay Ali. Ali: Good morning! Magkita na lang tayo sa kanto ng street niyo? TJ: Gandang umaga! Ok! See you later! "Handa na sa liwanag mo. Sinuyod ang buong mundo. Maghihintay sa 'yong sundo..." Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na 'ko para kumain. "Aba saan ka pupunta? Wala kang klase ngayon diba?" Shit! Oo nga pala hindi ako nakapagpaalam. "Ah... eh..." napakamot ako sa ulo ko. "May nahanap na kasi akong dorm, Ma. Ta's may kasama na rin ako. Pero tig-isa kaming kwarto." Paliwanag ko. "Sino kasama mo? Pupuntahan niyo ngayon?" "Si Ali po. Yung taga kabilang street lang, Ma." "Ah." Maikling sagot ni Mama. "Para sa Friday maglipat na 'ko, Ma. May team building mga prof namin kaya wala kaming klase." Hindi na sumagot si Mama. Naupo na ako at kumain. "Mauna na po ako." Sabay tayo ko matapos kong kumain. "Oh sige sige mag-iingat kayo." Sabay beso ko kay Mama. "Bye!" Naabutan kong nasa may sakayan na si Ali. Kinawayan ko siya. Napansin niya 'ko at kumaway siya pabalik. Tumawid ako sa kalsada at lumapit sa kaniya. Papara na sana siya ng UV pero pinigilan ko siya. "Mag-jeep tayo ngayon. Tipid-tipid din. Lakarin na lang natin pagbaba." Pinara ko yung papalapit na jeep sa amin. Wala na siyang magagawa kaya sumakay na kami. Makalipas ang lagpas isang oras ng bakbakan sa gitna ng matinding traffic, nakarating din kami sa malapit sa school. Maglalakad pa ng mga limang minuto tapos diretso na kami sa Skyline condominium sa tabi lang ng school namin. Habang naglalakad kami sa daan ay may dumaan mula sa likod namin na sasakyan at bumusina nang malakas. Napaakbay sa 'kin bigla si Ali at iniusog niya ko papalapit sa kaniya. "Grabe naman 'yun," sabi ko. "Ang sakit sa tenga ah." "Ayos ka lang?" "Oo naman." "Dito ka na lang sa tabi." Lumipat ako sa kaliwa niya. "Bakit 'di ka nag-E-English?" Nawiwirduhan talaga 'ko. "It's for people that I am not close with or 'pag trip ko lang. Actually I love learning languages." "So upfront personality?" "Kinda. Just became used to it too." "Ang galing! Inaaral mo rin yung ibang language. But you write in Tagalog dialect?" "Tagalog is a language under Filipino. Dialect is the difference in pronunciation, grammar, and vocabulary from the standard language. Example is Cantonese sa Chinese language or para mas maintindihan mo, yung Batangueñong Tagalog and Tagalog mismo." Bigla niyang paliwanag sa 'kin. "Oops. Sorry. At least alam ko na." "Just a random thought. Bakit sa 'tin ang weird or cringey ng reaction ng mga tao kapag tinuturo ang isang subject sa Tagalog? I mean I watched many Thai series and imagine engineering, science, accounting are taught using their native language." "Actually natalakay 'yan sa Filipinolohiya. Pati kung bakit ganito kinahinatnan ng bansa natin lalo na sa turing natin sa wika mismo natin at sa asignatura sa kolehiyo. Pati kung bakit sobrang iba ang prayoridad ng mga pulitiko. Lahat 'yan dahil sa sistema ng edukasyon." "Buti meron pa tayong ganiyan. Iniisip ko sa ibang school na wala na, tingin nila dagdag subject na lang ang mga Filipino subjects. Ang galing pa naman ng mga prof natin." "Nakalulungkot isipin pero maka-kanluranin kasi tayo. Standard na ang sa US na hindi naman applicable sa 'tin dahil iba tayo. Tignan mo subjects natin ng Grade 11 at 12, puro US edition books lang meron. Nasaktuhang first batch pa tayo." "Kanluraning edukasyon na nagpo-produce ng maka-kanluraning pag-iisip. 'Di na ko magtataka kung maiwan na lang ang Filipino sa kasaysayan. Napakasaklap." Kakakwentuhan namin ay 'di namin namalayang nakarating na pala kami sa condo. Tinawagan ni Ali yung may-ari ng mga units. Sabi niya ay parating na raw siya. Maghintay lang daw kami saglit. "Oh ayan na pala siya," sabi ni Ali. Halos tumatakbo siyang papalapit sa amin." "Sorry naghintay kayo." "Ah hindi po. Kakarating lang namin." Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. "Ah kayo yung magsasama?" tanong niya. "Ah Ruby nga pala." Sabay nakipagkamay siya sa akin. "Ah hindi po sa ganun. Magkaibang kwarto." Paliwanag ko. "Ah sige. So tara na." Nauna si Ms. Ruby at dinala niya kami sa 4th floor ng building. Natignan namin ang unit at sobrang gusto namin 'tong dalawa. Just like what we wanted. Pasok pa sa budget. "I'll just prepare the papers sa baba. Para you can sign them na and pay the downpayment." "Sige po," sagot ni Ali at lumabas na si Ms. Ruby. "Lagay tayo rito ng 65-inch tv no? Tapos surround sound. Tapos papanoorin natin mga paborito nating palabas." I said with matching actions. "Hindi tayo magbabakasyon dito." "Edi 'wag ka makikinood ah." Pagsusungit ko. "But I hope this will be a home for me." At tumingin siya sa 'kin. Natahimik kaming dalawa. "Labas na nga muna 'ko. Maglibot-libot." "Sama na 'ko." He insisted. Paglabas ko ay may dumaan sa harapan ko. Sinundan ko siya ng tingin. "Kilala ko 'to ah." Kausap ko sa sarili ko. "Jaydee!" Sigaw ko. Napalingon siya. "Hala! Jay!" Kaagad siyang lumapit. "Bakit nandito kayo?" "Oy na-miss kita!" Sabay yakap ko sa kaniya. "Miss din kita." Sabay hagod niya sa likod ko. "Long time no see grabe. Shs pa ata tayo huling nagkita. Mukhang nag-g-gym ka na ah." "Oo eh." Nahiya siya. "Bakit nga kayo nandito?" Napatingin siya sa kasama ko. At ayan na ang mga tinginan na nanunukso. "Ah kasama ko sa unit. Sa kabilang kwarto siya. Si Ali nga pala." Pakilala ko sa kaniya. "Ali, si Jaydee." "Nice to meet you." Bati ni Jaydee. Nagtangka siyang makipagkamay pero binawi na lang niya ito. "Magkatabi lang tayo ng unit! May specifications kasi bawat floor. Single sa baba tapos pang dalawahan tapos sa taas yung pang maramihan." "Hala yes neighbor! May tutor na 'ko sa accounting grabe." "Tutor ka diyan." "Humble naman masyado." Pang-aasar ko. "Bakit ngayon ka lang lilipat? Iniba niya ang usapan. "Ngayon lang napayagan. Kung kailan napagod na kakabiyahe." "I'll just go inside." Paalam ni Ali. Hindi na niya ko hinintay sumagot at pumasok na siya kaagad. Napalakas ang sarado niya ng pinto. Hindi na lang namin pinansin ni Jaydee. "Tara sa room mo. Gusto ko makita, dali." Yaya ko sa kaniya. "Nakakahiya. Ang kalat pa naman." "Sige na. Ayos lang 'yan. Tapos painom na rin ng tubig." "Sige na nga." At pumasok na kami sa condo niya. Puno ng halaman. Napakaaliwalas. Pero tama siya. Makalat yung mga gamit niya. Bawal judgemental. "Ang ganda ng kulay ng wall, cream. Tapos parang ang sarap huminga rito." Sabay ngiti ko. "Puro oxygen." Kumuha ng bottled water si Jaydee. "Ah, Dee! Pwede isa pa? Bigyan ko rin kasama ko." At dinagdagan pa niya ang kinuha niyang bottled water. "No problem." Nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Ali. Sinagot ko ang tawag niya. "Where are you?" He asked agitatedly. "Nasa kabilang unit lang. Dito kay Dee." "Nandito na si Ms. Ruby. It seems like you're having much fun there." Sabay binabaan niya 'ko. "Ah sige mauna na muna 'ko. May aasikasuhin pa. Kita na lang tayo sa Friday." "Oo nga miss ko na mag-movie! Inom na rin." "Ay wow ah. Sige basta libre mo." "Pag-isipan ko." At natawa kaming dalawa. "Sige see you again!" Lumabas na 'ko at bumalik sa unit namin. "Kinuha kita ng tubig." Sabay abot ko sa kaniya ng bottled water. Kinuha niya ito at ininom. Nagkapirmahan na at nakapagbayad na kami ni Ali. "Balik na lang po kami sa Sabado para maglipat." Wika ko. "O sige walang problema. Sa inyo na 'tong mga susi." Sabay abot niya sa amin. "Good luck sa pag-aaral niyo. Kayang-kaya niyo 'yan." Nginitian niya kaming dalawa. "Thank you po," wika ni Ali. "Salamat po." Dagdag ko. Bumaba na kami at lumabas ng condo. Hindi ako iniimik ni Ali simula sa taas pa lang. Hindi ko na lang din siya kinakausap. Naglakad lang kami at walang pansinan hanggang sa marating namin ang sakayan. "May problema ka?" Pag-aalala ko sa kaniya. "Anong iniisip mo?" Hindi siya sumasagot. "Tara mag-lunch muna tayo." Yaya ko. "Mauna na lang ako." "Sige bahala ka. Iwan mo na 'ko." Pagbabanta ko. Natigilan siya. "'Wag na lang pala. Sa bahay na lang. Libre pa." Biglang bawi ko. Nakakainis naman kasi. Nakasakay na kami at lahat, bumibyahe na at lahat, 'di pa rin niya ko iniimik. Bahala siya diyan. I'll let him deal with it on his own, kung ano man 'yun. It's on him if he doesn't want to talk. I could only give respect and peace. Pagkababa namin, doon niya lang ako kinausap. "Bye." Sinagot ko na lang din siya ng "bye." At naghiwalay na kami ng landas. ... "Minsan, mas nakapaghahayag pa ang katahimikan, Kaysa sa buhol-buhol na kaingayan." - vin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD