Kabanata 6: Pulag
Pulag — kislap o nakasisilaw na liwanag
I was able to write another song sa gitna ng lahat ng mga nangyayari.
Title: torn in me
Verse 1
Have you ever felt that you’re in the middle?
Waiting for something just to happen
Go with the light or be in the present
Get so paralyzed, you can’t even decide
Pre-chorus 1
You know what will happen to you
Pain will be gone and you’ll feel numb too
I can point a knife and do so much harm
At myself oh ohh but I will never do
Pre-chorus 2
I can’t think,
I can’t breathe
Hold my hand,
What to see?
My life isn’t free
Oh when will I ever be?
Freedom and peace
There’s poison in me
I can’t feel
I can’t see
Who would dare, dare to save me
Chorus
I, I can’t take my own life
Keep, keep me mourning, mourning inside
This box where I can no longer move
I’m restless, darkness following through
I don’t know
I don’t know when
I don’t know until when
Until when I’ll be a torn in me
Verse 2
Solve my problems, stuck in my head
Waiting for someone just to target
Go with a gun or anti-depressants
Get so paralyzed, you can’t even decide
Bridge
I don’t know what to do
Living my life is a virtual hell too
I can’t tell it to you
I’ll be keeping this forever away from all of you
Repeat pre-chorus 1,
Pre-chorus 2
Chorus
Meron na ‘kong tono niyan pero balik muna ‘ko sa pag-aayos ng mga gamit.
Thursday pa lang nang gabi ay maayos na lahat ng mga ililipat kong gamit. Nag-run down ulit ako sa aking checklist.
Dati napapanood ko lang ‘to sa mga drama sa tv or mga movies. Naiisip ko na naman yung mga kdrama na napanood ko. Like ang saya-saya nila tignan na namumuhay sila mag-isa pero marami silang mga friends na kasama tapos ang ganda pa ng place nila.
Hinihiling ko lang na sana maging independent talaga ‘ko or at least ay matuto ‘di ba? Baka mamaya para akong baby na uuwi sa pamilya ko at sasabihing hindi ko pala kaya. Hello self? Dapat kayanin natin! Tumatanda na tayo and hindi forever ang family natin na nasa tabi natin. May sariling buhay ang kapatid mo tapos tumatanda na rin ang mga magulang mo. Hay nako wag muna tayo sa topic na ‘yan. Hindi pa ako ready.
"Hindi na naman ako makakatulog nito."
Hindi ako natapos sa pag-recheck ng listahan ko. Naupo ako sa gilid ng aking kama at tsaka hinayaang mahiga ang katawan.
Another night of just randomly thinking again. Kung ano-ano at kung saan-saan na naman mapapadpad ang aking isip.
"Mami-miss ko talaga mga luto ni Mama."
Biglang may kumatok.
"Jay! Ano gusto mong ulam na baunin bukas? Dadagdagan ko na rin para kay Ali."
Hmmmm... ano bang gusto ko? Ano bang gusto ni Ali? Para naman may ambag ako sa unang kain namin bukas. Hala! Anong pinagsasasabi mo? Ano ‘yan, date? Magtigil ka nga.
"Wait, Ma. Text ko na lang po sayo."
"Sige dalian mo magdesisyon. Maaga pa ko mamamalengke bukas."
"Ok po!"
Nag-message ako kay Ali.
TJ: Zi! Ano paborito mong ulam?
Ali: Wow that's so random.
TJ: Kung sinagot mo na lang.
Ali: Menudo
TJ: Ok.
Ali: Tapos iiwan mo na 'ko.
TJ: Ang drama naman. Sige na bukas na lang.
Ali: Joke lang. Sige good night!
TJ: Good night Zi!
Sabay nilagyan ko ng nickname ang chat box namin. Nilagay ko ay "Dao Ming Zi." Natawa na lang ako nung na-update na ang chat box namin.
Pinatay ko na agad ang wifi sa phone ko.
TJ: Ma, menudo na lang po.
Mama: Ok
Ganun pala ang mga hilig niya. Ang simple naman pala niyang tao. Sabagay ganun din naman ang nase-sense ko sa kaniya. Sadyang may something lang na kakaiba or something na hidden sa kaniya.
Nakapapagod talaga ang araw na 'to. Pero excited ako para bukas. Kung alam niyo lang ano mga naiisip ko nako. Ayoko i-share. Next time, don't worry.
Kinaumagahan pagkagising ko ay nagkarga na kami sa fx ni Papa ng mga gamit ko. Hindi naman ganun karami. I mean, hindi naman mga aparador, ref, at iba pang malalaking bagay ang dadalhin namin.
May na-imagine ako bigla. Ang drama naming pamilya tapos mga umiiyak. Pati ako naiiyak. Tapos nagbibilin sila mama at papa tapos yung kapatid ko ayaw bumitaw. Grabe ang dami ko na masyadong napapanood. Dulot ‘to ng sobrang pagkaadik sa mga drama.
Back to reality na tayo.
Dala ko na rin ang ulam na pinapadala ni Mama. Sumama na rin siya para makita ang tutuluyan ko at tumulong mag-ayos. Alam mo naman ang ating mga magulang. Masyado tayong mahal. Pero I don't complain though.
Habang bumibyahe kami ay nag-c-cellphone lang ako. Binuksan ko ang aking messenger. May message si Ali at pinalitan niya rin ang name ko sa messenger — Sean Chai
Wtf! Napaka-corny! Nakakainis.
TJ: Anong trip 'yan?
Ali: Nababa na pala lahat ng gamit ko rito. I'll start cleaning first.
TJ: Sinong kasama mo?
Ali: I'm alone here.
TJ: Ikaw lang nagdala lahat?
Ali: See you.
Makalipas ang ilang minuto ng biyahe ay nakarating na kami nila Papa. Umakyat kami sa 4th floor gamit ang elevator dala ang mga gamit ko. Sinakay naman yung iba sa bellman trolley cart.
"Ang ganda rito, Jay." manghang sabi ni Mama. "Malinis din."
"Sabi sa 'yo, Ma eh."
Napatingin ulit ako sa paligid na akala mo ay never ko pa itong nakita. Tila unang beses ulit akong nandito. Grabe, starting over again ang peg. Sana nga. Pero yung may happy ending! Baka mamaya masundan ko love life ni Toni. Joke lang. We are not finding. *wink*
"Buti nakahanap kayo rito ng bakante. Mukhang mabilis mapuno ang lugar na 'to ng mga mangungupahan." Wika ni Papa.
"Kakilala ni Ali yung sa may-ari ng unit, Pa. Kakaalis lang last week nung huling nangupahan."
Kumatok ako sa pinto. Akmang isasalpak ko na yung susi sa door lock nang bumukas ang pinto.
"Eh narito na pala si Ali,” sabi ni Mama.
"Magandang tanghali po." Bati ni Ali kina Papa.
"Magandang tanghali rin naman,” sagot ni Mama at si Papa naman ay tumango lang.
Pumasok na kami sa loob at agad na sinipat ni Mama ang buong unit hanggang sa kwarto namin at cr.
"Hindi niyo na ba kailangan ng tulong?" tanong ni Mama. "Hindi naman ganun kalaki pero maganda na rin."
"Hayaan mo na yang lalaki mo, Ma. Matatanda na yang mga 'yan. Dalawa naman silang mag-aayos." Paliwanag ni Papa.
"Oo nga, Ma. Mapapagod ka pa. Pahinga ka na lang po sa bahay. Kami na bahala rito. Kaya na namin 'to," sagot ko.
"Yes po, Tita." Ali seconded.
"Oh sige sige. Kayo na bahala rito. Tawagan mo na lang kami mamaya, Jay." Bilin ni Mama.
"Sige po."
"Mauna na kami." Paalam ni Papa.
"Ingat po! Love you!" sabi ko kina Mama at Papa.
At lumabas na ng condo namin sila Mama. Naiwan na kami ni Ali.
Ang weird pala sa pakiramdam while at the same time ay sobrang excited talaga ako. Wala munang masyadong mga gambala and kaingayan. Though alam ko mami-miss ko rin ang mga kaguluhan sa bahay.
Nakita ako ni Ali na nangingiti.
“Oh, bakit nangingiti ka riyan?” tanong niya.
"Ano ng nalinis mo?" tanong ko.
“Bakit hindi mo muna sagutin ang tanong ko? Ako nauna.”
“Wala. Baliw na ‘ko,” sabi ko. “Oh saan ka na naglinis?”
"Sa kwarto pa lang ako. Para palabas."
"Sige sa kwarto na rin muna ako para makapaglagay na ng gamit dun."
"Ok. I'll just continue here."
Pumasok ako sa kwarto at pinasok ang mga maleta ko. Inilagay ko ito sa may pinto sa tabi ng altar table.
Kumuha ako ng walis para mag-agiw tapos kumuha rin ako ng basahan para punasan ang pader. Nakapapagod at nakangangalay. Pero masaya lang tayo. Sobrang excited talaga ako na hindi ko alam.
Iniwan kong nakabukas lang ang pinto kaya naman diretso pasok lang si Ali.
"Gusto mong tubig?"
"Sige paki iwan na lang diyan sa table. Thank you!"
Nagpatuloy ako sa paglilinis. Hindi ko muna nilagay ang mga damit ko sa closet. Hindi ko rin muna inayos yung mga gamit ko. Lumabas ako ng kwarto ko at nagsimulang maglinis sa sala at kusina.
"Wow!" banggit ni Ali. "Napakasipag naman. Pati pader."
"Kung tinutulungan mo na lang kaya ako."
"Kahit matangkad ako, 'di ko abot yung ceiling."
Napatingin ako sa itaas at kay Ali. Confirming what he had just said lang kumbaga.
"Dito ka sa balikat ko dali. Hanggat 'di pa ko pagod." He offered.
"Ano? Sasakay ako sa balikat mo? Ayoko nga."
"Dali na. Para matapos na. Magaan ka naman siguro."
"Ayaw."
"Ako na lang sa balikat mo."
"Ito na nga sabi ko."
Umupo siya para makasakay ako sa balikat niya.
"Oy dahan-dahan!" kabado kong sabi.
"See! Magaan ka lang naman. Ako bahala sa 'yo."
Sobra akong nahihiya. I am feeling things.
"Edi mas abot mo na, he said. "Take your time. May sasalo namang sahig sa 'yo if ever."
"Tumigil ka nga diyan. Ibaba mo na lang ako."
Nakita kong kinuha ni Ali ang phone niya mula sa kaniyang bulsa. Biglang nagsimulang tumugtog ang "When I'm With You" by Dey Rose.
Hindi ko namamalayan ang paglilinis na ginagawa namin ni Ali.
Nagtatawanan lang kaming dalawa sa mga corny niyang banat.
Sinubukan kong magpabigat.
"Jay!" he shouted.
Nagulat ako sa sinabi niya. Muntik pa 'kong mahulog dahil nga idinidiin ko ang sarili ko sa balikat niya.
"Sige bababa na 'ko."
Dahan-dahan siyang umupo at tsaka ako bumaba. Napapahagod siya sa balikat niya.
"Oy sorry!"
"Hindi ok lang."
"Hilutin kita mamaya."
"Hindi maglagay na lang ako ng salonpas."
"Sabi ni Papa ang galing ko raw maghilot. Natutumbok ang bawat lamig at napapawala."
"Naks! Sige ma-i-try nga mamaya. Sabi mo 'yan ah."
Shuta ka, TJ. Ano na naman 'yang pinagsasabi mo?
"Ok no problem."
Panindigan mo 'yan. 'Wag kang ano.
Nagtanggal ng damit si Ali dahil halos basa na yung taas na bahagi nito. Dahil ata sa pagkakaupo ko.
Nakita ko ang likod niya. Tumalikod ako.
"Magwawalis na 'ko,” sabi ko.
Binato niya sa 'kin ang damit niyang pinampunas sa kaniyang pawis habang nakatalikod ako.
Humarap ako sa kaniya nung tumama sa likod ko yung damit.
"Anong trip mo?" pagalit kong sabi. Pero hindi mo maiaalis ang tanawing aking nakikita. Hindi super muscular pero ang hot tignan. Parang Tay Tawan ganun pero less man boobs.
Binato ko sa kaniya yung basahan malapit sa 'kin.
"Yuck naman!" Reklamo niya.
"Now you know how it feels." Ginaya ko kung paano niya sa 'kin sinabi 'yan nung nakaraan. At tinignan ko lang siya nang masama. Tumalikod na ako at nagwalis.
"Papahinga lang ako tapos maliligo na. Saan tayo kakain?"
Bakit kailangan ipaalam lahat?
"May luto si Mama. Yung paborito mo."
"Talaga?!" he said it so delightedly.
Nagpatuloy lang ako sa pagwawalis at tsaka dinampot ang mga alikabok gamit ang dustpan.
"Kain na tayo." Yaya niya.
Hindi na niya 'ko hinintay sumagot at naghanda na siya sa lamesa. Nagsuot na rin siya ng damit.
Nagpunas ako ng pawis at naghugas ng kamay. Naupo na kaming dalawa.
"Pasabi kay Tita thank you."
Tumango lang ako.
"Curious lang ako. Bakit pumayag ka na ako kasama mo rito?" Suddenly I sounded so serious.
Napatingin siya sa 'kin.
"Ano namang rason bakit hindi?"
I blushed.
"Also, you're that kind of person na madaling pakisamahan. I don't but I haven't told you na you have this aura na magaan sa pakiramdam. Like I've known you for a long time na."
"'Wag mo nga kong bolahin diyan."
"No, that's true! Plus you're a great artist. Tapos masipag na studyante. In short, good influence para sa tulad kong tamad."
"Tamad ka diyan. Matalino ka naman eh. Kaya tuturuan mo 'ko lagi."
"No problem." He smiled at me as if gustong-gusto niya.
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at nagpatuloy akong kumain. Pero I know deep inside I'm happy.
Stop, self!
Biglang may kumatok.
"Sige ako na magbukas." Sabay tayo ko at punta sa may pintuan.
Sumilip ako sa peep hole.
Si Jaydee!
Binuksan ko agad ang pinto.
"Uy!" 'Yan lang ang nasabi ko.
"Kakatapos lang ng klase ko. Kumusta? Maayos na ba?"
"Halika pasok ka."
Pumasok siya sa loob. Binati niya rin si Ali.
"Tara kain tayo." Yaya ko sa kaniya.
"Sakto bibili pa lang sana ako."
"Luto ni Mama 'to, menudo."
Pinaghainan ko siya.
"Ang bilis maglinis ah,” sabi niya.
"'Di pa 'ko nakakapag-ayos ng gamit eh. Pagkatapos na lang kumain. Maya-maya."
"Tulungan kita mamaya. Tsaka mag-movie marathon tayo mamaya! Sagot ko na inumin natin."
"Oo nga pala! Oo sige!"
"Isama ko si Mylene ah. Kasama ko sa unit."
"Ok lang sige. Sabihan ko rin si Lyca."
"So lima tayo mamaya?"
Tinignan ko si Ali.
"I'll go somewhere later."
"Sige na sama ka na." Pilit ko sa kaniya.
"I have plans later, sorry."
"Pero I'll buy 10 pa rin. Just in case."
"Hindi ba masyadong marami yun?"
"Kaya yan."
Actually, hindi pa talaga ko as in nakakainom. Yung tipong mahihilo at malalasing ganun. Tikim lang ng gin pom, san mig pilsen ganun. Well, tonight is the night.
"Gawin ko na lang pala muna yung isang homework. Para walang iisipin mamaya. Tapos tapusin mo na lang din muna mag-ayos,” wika ni Jaydee.
"Ok!"
Tapos na kumain si Ali. Tumayo na siya at pumasok sa kwarto.
"Sige ako na muna maghuhugas! Mag-schedule tayo mamaya ah!" sigaw ko para marinig niya sa kwarto.
Nagkwentuhan pa kami saglit ni Jaydee habang kumakain at pagkatapos ay bumalik na siya sa unit nila. Ako naman, naghugas at niyaya na si Lyca para mamaya.
TJ: Later pwede ka? Movie and inom.
Lyca: Papaalam ako. Diyan ako matutulog?
TJ: Pwede naman. Sa labas na lang ako mamaya. Nakakahiya naman sa 'yo eh.
Lyca: Talaga ba? Sige ah. Sasabihin ko ikaw naman kasama. Papayagan ako niyan.
TJ: Sige see you later!
Lyca: Bye!
Pumasok na 'ko ulit sa kwarto at inilagay na ang mga gamit sa mga dapat nilang paglagyan.
Napaka-weird talaga niya. Naiinis ako na ewan. Hindi mo alam kung mabait sa ‘yo or ayaw sa ‘yo. I mean ang hirap ispelengin ganun. Hindi mo alam kung anong nasa isip niya. Kung pipilitin mo isama kasi maaawa ka or hayaan na lang kasi syempre hindi natin alam baka mamaya may tropa pala siya diyan at mas masaya roon. Pero hayaan na natin. Basta tayo magsasaya lang. Dadamhin ang kaunting kalayaan.
Inayos ko na muli ang mga gamit kong nakakalat pa sa sahig at pagkatapos ay nagpatugtog muna muli. And guess what, ayun muli ang tumugtog…
...
"Hindi mo maaabot ang kahit ano nang nag-iisa."
Pwede rin literal.
- vin