Kabanata 7: Naapuhap
Naapuhap - nahanap
All is set and all is good. Ewan ko lang kay Ali. Pero naayos ko na yung mga gamit ko.
Naligo muna ako after ni Ali.
Pagkalabas ko ng banyo ay naaabutan kong paalis na siya.
"Alis ka na agad? Sa'n ka punta?"
I repeat. Ikaw na ang nagsabi. Kailangan ipaalam lahat?
"I don't know how long I'll be out. Just in case, don't wait for me."
"Of course! 'Di mo naman ako guard. No curfew naman. Ingat ka."
"Alright. Have fun."
At lumabas na siya. I kinda felt sad but no we'll celebrate tonight.
6 PM ay dumating na si Lyca.
"Wow naman!" Bungad niya pagpasok. "Ang lawak tignan tapos ang ganda ng kulay. Simple."
"Maupo ka muna sa aming sofa." I emphasized aming sofa.
"Edi kayo na," birong sabi ni Lyca.
Natawa lang kaming dalawa.
TJ: Dee, punta na kayo rito.
Jaydee: Sige bumili lang ako ng mga makakain. Sabay na kami ni Mylene.
TJ: Ok. Naks yayamin talaga.
Jaydee: Loko
Maya-maya ay may kumatok na.
"Sila na 'yan!" Pinagbuksan ko sila ng pinto.
"Wow! Buti maraming potato chips. You know me so well."
"Ako pa ba."
Tinignan ko yung kasama ni Jaydee.
"Kaklase ka namin diba?" tanong ko.
"Oo." Sabay nahiya siya.
"Nice! At least may makaka-close na kaming iba. Tara pasok na kayo."
Pumasok na sila sa loob at naupo sa sofa.
Nanood na kami ng manood ng movie matapos ang panandaliang chikahan.
"Play ko na 'tong The Adventures of Priscilla ah."
Well they thought of it as something else. Little do they know that it's a multi-awarded film about gay and trans people. Plus, it's musical. A film way beyond its time.
We enjoyed it. We laughed and learned so much. But there's this energy from someone that seems so off.
Nagsimula na ang kwentuhan na biglang napunta sa isang usapang nakapipintig ng tenga.
"Ay nakita niyo ba 'yun? Yung sasali raw mga transgenders sa Miss Universe," Mylene said randomly.
Suddenly I get glued on my chair. I wanted to hear what they're going to say.
"Anong issue dun?" I asked hesitantly.
"Hindi pa nila ibalato sa mga babae 'yun. May pageant na nga para sa kanila. Masyado na silang mapaghangad,” she answered so furiously.
"Oo nga may pageant na naman para sa kanila. 'Wag na nila panghimasukan yung sa mga biological women." Jaydee added.
THE TRANSPHOBIA STINKS SO BAD!
"Yes, hindi sila biological women but they are women." I tried reasoning but I know I have to say more than that.
"They can't even bear a child."
"And? Payag ka bang ang p********e mo ay nakukulong lang sa pag-aanak? Na nanay ka na lang parati? Na literal na pinasan mo ang mundo? Ganon? Grabe, maraming babae ang artist, botante, na nadadarang at natutukso rin." I gasped. "Hindi na ba babae ang mga hindi magkaanak?"
The silence in the room filled the atmosphere to be more intense.
"It's more than sa kung anong nasa pagitan ng mga hita mo. Babae sila." I tried to still go on very calmly. I don't want to sound heated on but I am deep inside.
"Grabe lang din kasi yung hate na natatanggap ng lgbt+ community. Imagine being harmed and discriminated just for being you, for not being straight. Tapos wala pang batas to protect them. It isn't like straight people will be stripped off of their constitutional rights." Litanya ni Lyca.
Napalagok na lang si Jaydee ng soju. Sumunod ako.
"Nakalulungkot lang na yung mga taong 'di nakararanas ng mga pang-aabuso at diskriminasyon yung may say sa mga bagay-bagay na hinding-hindi nila maiintindihan. Sila ang may desisyon para sa kapwa nila na tao rin naman, para sa mga karapatan. Tinalo pa nila ang Supreme Being." And I concluded the talk show.
"Tara mag-horror naman tayo." Yaya ni Jaydee.
"Mabuti pa nga," sagot ni Lyca.
Grabeng banlaw session ang nangyari. I have nothing against then pero masakit lang din sa loob na yung kapwa mo yung naglilimita sa 'yo and worst ay yung against pa sa simpleng maprotektahan ka sa lipunan mula sa lipunan.
Masaya akong 'di ako nanahimik na lang kanina. It's up to them na lang. I never stepped or climbed over someone naman.
Shutter ang napili naming panoorin. Pinatay pa namin ang ilaw para mas dama.
Shuta talaga favorite ko mga horror films pero iba talaga ang Thai movies. Malupeeeeet!
Grabe rin nadudulot ng nanonood kang horror tapos umiinom ka. Kaya unti-untiin lang natin. Marami namang dala si Jaydee.
Pero sino ba namang mapapainom diba?
Kaya matapos ang movie ay nagkaraoke na kami. Oras na para ilabas ang mga damdamin. Joke lang.
Mas magaan na ang pakiramdam ko. Nagkakantahan, nagsasayawan, nagkakatuwaan. I know hindi naman ganun kasarado ang isip nila at they got what I said earlier.
"Kunin mo na ang lahat sa akinnnnn! 'Wag langgg ang aking mahaaaaal..." Madamdaming awit ni Lyca.
"Alam kong kaya mong paibigin siya sa 'kin maagaw mo siya. Pakiusap ko sa 'yo magmahal ka na lang ng ibaaaa..." Sinabayan namin siya sa pagkanta.
Grabe tag-isang bote pa lang kami pero parang iba na ang tama.
"Why can't you hold me in the street? Why can't you kiss me on the dance floor?" Tamang buhos lang ng nararamdaman si Jaydee.
Tawa lang kami ng tawa sa pagkanta niya. Parang yung kaibigan mong 'di naaabot bawat notang matataas tapos pumipiyok-piyok pa pero damang-dama talaga niya yung kanta.
"Pangarap koooo ang ibigin kaaaa..." Mapangahas na pagtatangka ni Mylene na awitin ang isang Regine Velasquez song.
At ako na ang sumunod. Pinili ko yung "Siguro" ni Yeng Constantino.
"Siguro'y umiibig kahit 'di mo pinapansin. Magtitiis nalang ako magbabakasakaling ika'y mapatingin..."
"Wow ganda talaga ng boses!" They continued cheering for me.
"Tagay pa 'yan!" sigaw ni Jaydee.
Ano ba 'tong mga tugtugan namin, mga pang sawi or what.
Grabe ang saya. Baliw-baliwan lang magdamag. Pero mag ala-una na wala pa si Ali.
Nasaan kaya siya?
Medyo nahihilo na rin ako at nalulutang. Itong si Lyca mukhang pabagsak na.
"Kapag 'di mo na kaya, mahiga ka na sa kwarto ah." Paalala ko kay Lyca.
"Opo ser," sabi niya.
Nakaupo na lang ako sa sofa habang hawak ang isa pang bote ng soju.
"TJ!" Tawag sa 'kin ni Mylene.
"Oh bakit?" sagot ko.
"Sino nga ulit yung kasama mo rito?" tanong niya habang napipikit.
"Si Ali."
"Ang gwapo nun ah. Ilakad mo na naman ako. I can do the cleaning. I can do the cooking. Kahit NBSB 'to, magaling magluto at mag-alaga."
"Edi sana nagkatulong ka na lang kung gusto mo ng alagain." Singit ni Jaydee.
"Sige ako bahala sa 'yo. Hindi ko lang alam kung trip ka nun. Masungit yun. Snobber pa. Tapos boring kasama kasi hindi nagsasalita." Paninira ko kay Ali.
"Ah ganun ba? Gagawin nating maingay yan... sa kama." Nagtawanan kaming tatlo.
"Iba ka talaga! Grabe ka!" sabi ni Jaydee habang tumatawa pa rin.
"Sige una na kami, Jay." Paalam ni Jaydee.
"Alis na kami TJ. Salamaaaat." Sabi ni Mylene habang para silang mga ewan na nagtatawanan tapos nakitawa na rin ako. Mga baliw na ata kami.
Lumabas na sila.
Nagpatugtog lang ako sa speakers mula sa phone ko. I played "Leaves" by Ben&Ben.
Biglang bumigat yung pakiramdam ko nung naiwan na lang akong mag-isa sa sala.
Ang dami kong iniisip. Ang dami kong gustong mangyari. Ang hirap at bigat sa dibdib na wala kang magawa para sa iba. Pa'no mo pa poprotektahan ang sarili mo? Walang ligtas. Kaya kahit gusto kong magsabi sa magulang ko, mas mabuti pang 'wag na lang. Habang buhay na lang na magtatago. Natatakot ako.
Ang lungkot lang na sa kaibigan ko pa una kong nasabi ang tungkol sa sarili ko sa halip na sa pamilya ko. Na sila dapat ang nandiyan para sa 'kin. Ang lungkot lang na ang daming katulad ko ang hindi magawang maging sila. Na kailangan pa ay marating muna ang rurok ng tagumpay bago magawang matanggap ng iba. Na para may pandugtong sa "bakla kasi 'yan pero buti na lang..."
Pumunta ko sa aming balkonahe dala-dala ang bote ng soju na hindi na gaanong malamig.
Naiiyak na talaga 'ko.
"Pa'no na, Jay? Habang buhay na bang susunod ka na lang?"
Narinig kong bumukas ang pinto. Pero hinayaan ko lang. Nandiyan na ata si Ali.
Maya-maya ay may humawak sa balikat ko. Napalingon ako.
"Nandiyan ka na pala." Sabay ngiti ko.
Nakita kong may hawak siyang Soju.
"Ayos ka lang?" he said it with so much calmness and care.
Hearing that made me let out my tears from my eyes. It just happened. A silent cry.
He hugged me abruptly, getting tighter each second.
"Just let it all out. Masakit sa dibdib at lalamunan kapag pinipigilan."
I cried even more. I cried with a sound. That means a lot to me. It's my first time. I always cry alone in my room on my bed with the ceiling witnessing it and my pillows catching my tears. That scene that I described above feels so unwaveringly gloomy.
I am feeling so comfortable and secured right now. I just seize the moment. I let it all out as he said.
"Teka yung sipon ko." Sabay natawa 'ko.
Kinuha ko yung tissue box.
Hindi na niya ko tinanong pa o kung ano. Umupo kami sa sahig. Uminom siya.
"Ayos ka na?" he asked while smiling.
"Much better. Thank you." I shyly uttered.
Hindi na ko masyadong umiinom. Ni hindi ko na maubos yung hawak ko. Pero si Ali, nakatitig lang sa malayo. Patuloy lang sa pag-inom.
"Alam mo," he said out of nowhere. "to be honest, I was so hesitant to befriend you because I'm afraid that one day you'll just disappear."
"Pa'no mo naman nasabing mawawala ako bigla?"
"Hindi natin alam what will be our cause of death. Hindi sigurado ang bawat bukas."
"May point ka naman. Pero why so anxious about it?"
"That's why I tend not to be around some people. Safeguarding my heart from further damage and breaking."
"Why? What happened?"
"My parents died when I was 8. Car accident."
"I am so sorry. Grabe." I was taken aback by what he just said. I felt pity and sadness. That explains why he's aloof. I can't blame him. It's too much for a child to handle and bare with.
"I feel like I missed so much in life. I envy every other child like me who has a complete family."
Nakinig lang ako sa kaniya. I stayed silent.
"I miss them so so much."
I felt the pain and longingness from his voice. That's when I hugged him. He started crying.
"Please don't leave me."
"Oo nandito lang ako. You have me." I gave him assurance. I even hugged him longer.
"Thank you."
"You matter."
He hugged me back. Then there's this sudden urge that made me want to kiss him. But I won't. Hindi pwede.
"Tara tulog na tayo. Anong oras na." I said.
"I'll just stay here for a bit more. Sayang yung isa pang bote."
"Ok. Good night!"
"Night."
Nag-cr muna ako at medyo nasuka-suka pa. Hilong-hilo na talaga ko. Pero lumalaban pa. Kaya ko pa maglakad. Don't judge me.
Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko si Lyca na bagsak na. Pumasok ako sa kwarto ni Ali at nahiga. Promise, 'di na 'ko nag-iisip. Gusto ko na lang magpahinga. Nagtanggal ako ng damit dahil nakakahiya naman ang amoy ng natuyong pawis ko.
Naalimpungatan ako at nakita kong mag-a-alas tres na. Bumukas ang pinto at nakita ko si Ali na may nakapatong na tuwalya sa balikat niya. Pumikit ako bigla.
Maya-maya pa ay tumabi na siya sa akin. Naramdaman kong humalik siya sa noo ko.
WTF!
Guni-guni ko lang ata 'yun. Antok na antok na ko at napipikit ang mga mata. Nakatulog din kaagad.
Kinaumagahan pagmulat ng mata ko ay nataranta agad ako dahil nagising akong katabi ko si Ali.
Tang ina TJ anong ginawa niyo?!
Bumaba agad ako sa kama niya.
Takte wala kang damit tapos pati siya! Kainis ka naman nako!
Lumabas agad ako ng kwarto at pumasok sa kwarto ko.
Walang nangyari, Jay. Kalma ka lang. Iligo mo na lang 'yan.
"Ay oo nga si Lyca!" Bigla kong naalala.
Nag-check ako ng phone ko. May message siya.
Lyca: Kwentuhan mo na lang ako ah. ?
TJ: Sira ulo ka talaga.
Pumasok na 'ko ng banyo at naligo. Nagluto na rin ako ng agahan. Sakto sa paggising ni Ali.
"Tara kain na tayo." Yaya ko sa kaniya.
Nag-inat siya.
"Pwede bang paluto ng scrambled egg?"
"Ok sige."
"Sa butter ka nagluluto ng itlog?"
"Yes. Mas masarap."
He just smirked.
Pinagluto ko siya ng gusto niya at naupo na kami sa may lamesa.
"Kumusta kagabi?" tanong ni Ali.
Shet!
"Anong oras sila umalis?" Dugtong niya.
"Ayun movies at videoke. Masaya naman. Nakakapagod sobra. Mga bago mag one umalis na sila. Tapos si Lyca bagsak na."
"Mga nag-iyakan siguro kayo." Pang-aasar niya.
"Hindi naman." Naalala ko yung naiyak ako sa kaniya.
Nagpatuloy lang kaming kumain.
"Wala ka talagang damit 'pag natutulog?"
"Yes. Bakit mo natanong?"
"Ah wala naman. Baka magkalamig ka niyan." My hehe moments are here.
"Dapat pala isang kwarto na lang tayo. Mas mura. Like isang kama sa 'yo tapos isa sa 'kin. Pero kasya pala tayo sa isa. Sabagay, maliit ka naman."
Natigilan ako. Sobrang nahihiya ako na kinakabahan. Saan papunta 'tong usapan na 'to?
"Bahala ka diyan. Maghugas ka ah. Uuwi muna 'ko sa 'min. Sa Lunes na ko ng uwian babalik dito."
At tumayo na ko para bumalik sa kwarto.
...
"Friends are for hugging" sabi ni Winnie the Pooh pero more than that...
"Check the label, mommy" sabi ng Nido.
"Damhin ang pag-iisa at yakapin ang pag-asa."
- vin