Kabanata 8: Matimyas
Matimyas - genuine o tunay
Pagkapasok ko sa room ay bumungad agad sa 'kin si Lyca na nagniningning ang mga tao at may ngiting hindi mo maintindihan na parang may nalalaman o ano.
"Ayan ah. Hindi nagkukwento."
"Ano ba'ng ikukwento ko?"
"Hindi ko alam sa 'yo."
Haaaaaaay! Ayoko na ngang maalala eh. Pero hala! Baka ibig sabihin niya ay yung magkasama kaming natulog?
"Sumilip ka sa kwarto?" bigla kong tanong.
Tumango siya.
"Ahhhh. Eh alangan namang tabihan kita diba. Edi dun na lang ako sa kwarto niya. Ayos lang din naman ata sa kaniya."
"Sige sabi mo eh." Sabay ngumiting pang-asar siya.
Biglang may pumasok sa room namin na naka-uniform. From higher year ng BSA.
"So hi guys! I am Alfred, from 4-3, your team leader. So last week ay nagsimula na yung paglilista sa different events for the upcoming A-week. Now, for our team, kailangan natin makumpleto ang listahan to maximize our resources and kayo to experience it. Para may ka-section o ka-team kayo na susuportahan."
Tumayo rin ang President namin sa harap.
"So far sa team natin ay may kulang pa sa badminton, basketball women's, general knowledge quiz bee, at marami pang iba. I-check ko lang listahan ko." Litanya ng President namin.
Gusto ko sana sumali sa volleyball kaso 'wag na lang. Wala naman akong mga gamit or anything. Larong kalye lang ang alam ko.
During lunch, pinuntahan kami nina Jaydee at Mylene.
"Grabe ang saya nung Friday,” wika ni Jaydee.
"Sorry nga pala, TJ," biglang sabi ni Mylene.
"Ayos lang 'yun. Ako rin naman hindi pa ganun ka-well educated. Yung iilang alam ko, mas ok na ibahagi. At least we can learn together." I tried to genuinely smile at her.
Habang magkakasama kami ay iniisip ko kung nasaan kaya si Ali. Nag-message ako sa kaniya.
TJ: Ziii sa'n ka? Punta ka rito sa garden.
Ali: Buying food. I'm outside school.
TJ: Ok sige.
Bigla ko lang naisip yung sinabi ko sa kaniya na I'll be there for him. Ayoko sana siya mapag-isa hangga't maaari. Hindi ko alam kung bakit.
TJ: Sa'n ka sa labas?
He replied after some time.
Ali: Sisigan
"Sinong kausap mo?" tanong ni Lyca.
"Tara, Lyca. Samahan mo 'ko." Yaya ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Sige mauna na kami ah." Paalam ko kina Jaydee at Mylene.
Sabay hila ko kay Lyca.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" iritable niyang tanong.
"Sa sisigan."
"Anong naisipan mo? Buti di pa tayo nakaka-order kanina."
"Basta."
Patuloy lang kaming naglalakad nang mabilis. Gusto ko siyang mapuntahan agad. Maybe I'm coming from the thought of I know how it feels to be alone but in different circumstances and situations. That's why I really empathize with him. If I can make him not feel that way, then why not make it happen?
Naabutan naming kakarating lang ng order ni Ali sa table niya.
"Pwede kami rito?" Pero umupo pa rin ako kaagad at pinaupo ko na rin si Lyca.
"Sabi na eh. Iba ka talaga, Jay." Pang-aasar ni Lyca.
Kitang-kita sa mukha ni Ali na gulat na gulat siya.
"Ba't nandito kayo?" Banggit niya na may halo pang utal.
"Kakain, eh wala ng mauupuan," sagot ko.
Lumingon si Ali sa paligid. Meron pa namang ibang pwesto.
"Puro reserved na raw." Dagdag ko.
Nakita kong ngumiti siya saglit na para bang at ease na siya at masaya.
"Sige order pala muna 'ko. Umupo agad kasi. Ikaw talaga Lyca, nako." Sabay tumayo ako agad.
"Anong ako? Ikaw nga nagmamadaling pumunta rito."
"Halika samahan mo na lang ako. Sabi mo gusto mo rito kasi paborito mo."
Pagkatayo niya ay binulungan ko siya.
"Ang ingay mo."
"Sorry na."
Pagka-order naming dalawa ay bumalik kami sa kinauupuan namin.
Hindi kami nag-uusap pero napakagaan ng vibes sa paligid. Kumakain lang kami nang tahimik. Paminasan ay nagkakatinginan kaming dalawa pero umiiwas agad ako ng tingin.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa klase. Then nag-uwian na. Gaya ng nakaugalian, sabay-sabay kaming naglalakad palabas ng school. Ngayon apat na kami. Kasama na si Ali at Mylene. Si Jaydee, ibang section kasi kaya iba rin ang schedule niya.
"Ang hirap ng quiz kanina sa IAcc no?" Reklamo ni Mylene.
IAcc = Intermediate Accounting 1
"Sanayan na lang talaga sa pagbagsak." Sabi ni Lyca na tila pagod na rin dahil halata sa boses
"Sus. Tapos highest ka na naman. Wag kami, Lyca." Sabi ko.
"Highest ka diyan."
"Humble talaga ng friends ko nako. Mga pinagpala."
Dumiretso na sa sakayan si Lyca. Kaming tatlo naman nina Ali at Mylene ay dumiretso na sa condo.
Biglang parang nagkaroon ng linta sa paligid.
"Anong paborito mong kulay, Ali?" tanong ni Mylene sa kaniya.
"Ngayon, gray. Bakit?"
"Ah wala lang. Anong paborito mong pagkain?" Tanong niya habang dikit na dikit siya sa kaniya.
"Menudo," he answered coldly.
"Nagka-jowa ka na before?" Hindi pa rin siya tumitigil. "Single ka?"
"Yes."
"Para sa'n yung yes? Sa una o sa pangalawa o both?"
"Both."
"Ang galing naman. Mukhang tama nga si TJ." Hinila ko na siya agad bago pa niya masabi lahat ng mga nasabi ko sa kaniya last time.
"Alam mo quiet na lang kasi tayo," sabi ko.
Pagkauwi namin ay nagpalit lang ako at gumawa na agad ng homework sa kwarto ko. Ganun na talaga ako simula bata pa. Una gawain bago ang ibang bagay. Nasa isip ko na kasi na mas masayang magliwaliw nang walang iniisip na gawain pagkatapos o pag-uwi.
Kumatok si Ali sa kwarto ko.
"Ok lang ba mag noodles muna tayo? May Jin Ramen pa rito."
"Ok po! Bukas na lang tayo bumili ng ulam. Sunod na lang ako." Malakas kong sabi para marinig niya.
Makalipas ang ilang minuto...
Kumatok ulit si Ali.
"Handa na po."
Tumayo na ko at isinarado ang mga libro ko.
Grabe naka-ready na lahat. Well, normal naman. 'Wag tayong palabigay ng kahulugan o ng kung ano man.
Naupo na ko at nagsandok ng kanin.
"Panoorin mo ko sa Wednesday ah." Sabay higop niya ng sabaw.
"Panoorin? Bakit?"
"Sa spoken poetry contest. Sa Wednesday."
"Ahhh kasabay ng volleyball. Sa hapon ba 'yan?"
"Yah."
"Hala gusto ko manood ng volleyball."
"Pleaseeee." Pagmamakaawa niya.
"Oo naman ano ka ba? Support kita."
Nangiti na siya.
"Edi nakapagsulat ka na ulit?" Bigla ko lang naalala.
Tumango siya.
"Wow! Tapos ngayon mag-spoken poetry ka pa! I am soooo proud. Ginagawa mo na ulit ang gusto mo." Sabay nag-aprub gesture ako sa kaniya.
"Salamat sa 'yo," he said quietly.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"Lalamig na yan. Kain na."
Wednesday.
Excused kami sa klase for the whole week. Maliban lamang nung Monday.
Magkasama kami ni Lyca na nanonood ng unang game sa volleyball women's. Naghihintay lang kami na mag 2:30 para pumunta na kami sa Gomez hall.
Grabe ang gagaling ng mga players ng dalawang team. Inabot pa sila ng set 5. Pero nanalo pa rin ang team namin.
"Tara! 2:30 na. Sakto lang natapos 'tong vb."
Hindi ko alam pero pilit niya 'kong pinapapanood sa kaniya. Ano kayang meron?
Pumunta kami sa backstage ni Lyca para kitain si Ali.
Nadatnan namin siyang nag-aayos ng buhok.
"Ako na nga." Sabay kuha ko sa suklay niya. "Tingin ka lang sa salamin."
Inayusan ko siya ng buhok.
"Ang ganda naman ng barong mo." Puna ni Lyca.
"Bagay sa 'yo," sabi ko.
"Kinakabahan ako,” wika niya.
"Kaya mo 'yan! I believe in you!" Sinubukan kong pakalmahin siya.
"Dito lang kami. Alam naming kayang-kaya mo 'yan. Magaling ka!" Puri ni Lyca kay Ali.
Nginingitian lang niya kami.
"Sige dun na kami sa labas. Good luck!"
"Good luck, Ali!"
Pagbalik namin sa may stage ay buti 'di naagaw upuan namin. Nagpa-save kami sa kaklase namin. Nandito rin ang mga kaklase ko para kay Ali. Super support ang lahat. Syempre ako pasimuno sa pa-banner namin.
Number 6 pa si Ali sa 10 na kalahok. Ang gagaling din nung mga nauna.
"Tumindig ang balahibo ko sa ating ika-limang kalahok. Ang galing!" Wika ng emcee.
Nagpalakpakan ang lahat.
"Ngayon, ating pasalubungan ng palakpak ang ating ika-anim na kalahok mula sa Cabin 12, Alizir Hontiveros!"
Nagpalakpakan muli ang lahat. Nagsigawan ang mga kaklase ko kaya nakisigaw din ako.
"GO ALI!!!!" sigaw ng mga kaklase ko.
"GO ALI! GO ALI!" sigaw ko.
Pinuno namin ng ingay ang buong hall. Masaya akong alam kong mararamdaman niyang nandito kami at suportado namin siya.
Tumigil na sa palakpakan ang lahat.
"Buti na lang." Panimula niya.
"Isang araw dumating ka
Oo medyo biglaan
Pero buti na lang dumating ka"
Tila may hinahanap siya sa paligid. Pero huminto siya ng tingin sa akin.
"Dumating ka nung panahon na nag-iisa na lamang ako,
Nung panahon na natatakot ako at walang nakaiintindi sa mga pinagdaraanan ko,
Nung panahon na walang-wala na ako
Kaya buti na lang dumating ka
Nung susuko na dapat ako,
Nung panahon na gustong-gusto ko na lang itapon lahat ito"
Hindi ko alam ano na 'tong nararamdaman ko. Pero ang bilis ng t***k ng puso ko.
Hindi. Hindi tayo assuming.
"Biglaan ka mang dumating
Ay napakasakto naman sa timing
Yung tipong dapat masusunog na ang sinaing
Pero bigla ka na lang dumating
Kaya nama'y nanatiling inin ang kanin at mainit na naihain"
Natawa ang mga tagapakinig.
"Sa iyong pagdating maraming bagay ang nagbago
Nawala ang aking pagkalito,
Pagkalitong bumalot sa aking buong pagkatao,
Na siyang parating talo sa hamon ng mundo,
Na di maipakita ang tunay na ako
Dahil balot ng maskarang nag-iiba-iba sa oras ng pakikisama sa ibang tao
Di ko talaga kilala ang sarili ko
Pero ayan at dumating ka
Pinakilala ang aking sarili sa harap ko,
Sa aking sariling di magawa ang ilang mga gawain,
Sa aking sariling ayaw tumingin sa harap ng salamin,
Sa aking sariling lahat ay di kayang harapin
Buti at dumating ka
Muli akong nakakita ng liwanag sa nasa
At ngayo'y sa wakas ay masayang nakawala
Sa kahong bihag ang lahat ng aking tinta
Tinta upang muling makasulat, muling makalikha
Tinta upang muling makapagpahayag, muling makapagsalita
Matapos ang ilang buwan,
Mahirap na muling sumubok
Sumubok itumbas sa mga salita,
Ang bawat emosyon na di mo naman matantsa
Salamat dahil naging isa ka,
Sa mga dahilan,
Kung bakit muling natasahan,
Ang lapis na matagal nang naitago
At kung bakit nagkakulay,
Ang mundong paikot-ikot"
Damang-dama niya ang bawat salitang binibigkas niya. Sabay pa ng tinig niyang puno ng emosyon at napakaganda sa pandinig. Rinig ko ang tuwa at sinseridad.
"Hindi kailanman humagip sa aking isipan na muling sumulat,
Sapagkat nawalan na lamang ako bigla ng dahilan upang muling lumikha
Ngunit isang araw ay may galak
Nagpapasalamat ako't ikaw ay nakilala,
Sa gitna ng walang katapusang takot at pangamba
Kaya naman sa unang beses ay nakahanap ako ng katapat
Yung alam kong mapagkakatiwalaa't matapat
Kaya naman sa unang beses ay may nasabihan ako ng lahat lahat
Lahat ng hinanakit at drama
Lahat ng kapusukan at problema
Lahat ng di ko masabi sa iba
Lahat ng di ko maipagkatiwala sa iba
Lahat ng basta tungkol sa buhay
Lahat ng kwento ng aking buhay"
Muli siyang tumingin sa akin.
"Kaya naman isang araw dumating ka
Oo medyo biglaan
Pero buti na lang dumating ka
At muli akong nakakita
Ako'y nakapagsalita
Ngayo'y muli ng maipipinta
Buti na lang at dumating ka,
Buti na lang"
Naghiyawan ang lahat. Kinikilig ang mga kaklase ko.
Kilig ba yung ganitong pakiramdam? Sobra akong emosyonal na hindi ko maintindihan.
Patuloy lang sa palakpakan ang lahat.
"Wow! Nakakakilig naman 'yon. Kung para sa 'kin 'yun, baka nahimatay na 'ko." Wika ng babaeng emcee.
Matapos ang lahat ng mga kalahok ay syempre may mga intermission number muna habang nagde-deliberate ang mga hurado.
Matapos ang mga nagtanghal ay muli ng nagsalita ang mga emcee.
"Oras na para ating alamin ang pinakamagaling na manananghal at manunulat sa ating kolehiyo." Wika ng lalaking emcee.
"Excited na ba kayo?" sigaw ng babaeng emcee.
"Oo!" sigaw ng lahat.
Taimtim na 'kong nagdarasal.
"Para sa ating ikatlong gantimpala, congratulations... Stephany Samonte!" wika ng lalaking emcee.
"Ngayon, ang ikalawang gantimpala naman ay nakakit ni... Alizir Hontiveros!"
Napatayo ako sa tuwa sampu ng aking mga kaklase.
"ANG GALING MO!" sigaw ko.
Tinignan niya ko habang tuwang-tuwa siya.
He mouthed thank you to me.
Matapos ang pagpaparangal, dumiretso kami ni Lyca at ng ibang mga kaklase namin sa backstage.
Dinumog siya ng mga papuri ng mga kaklase namin.
Matapos ang ilang minuto ay umalis na ang mga kaklase namin at nilapitan na niya 'ko.
I hugged him.
"Sabi sa 'yo eh. May tiwala ako sa talento mo." I told him while his eyes continue on gleaming.
"Dapat i-celebrate natin 'to!" Lyca cheered so much.
"Aba dapat lang," sabi ko.
"Sa weekend. Libre ko kayo."
"Sabi mo 'yan ah." Lyca clearing things.
Lumabas na kami ng hall at pinatawag muna si Lyca ng President namin dahil siya ang Secretary.
"Sige kita na lang tayo mamaya." Paalam ni Lyca. At umalis na siya.
Naglakad-lakad kami ni Ali sa garden.
"Can we have dinner later?" He suddenly asked.
"Sabay naman tayong kumakain ah?"
"No. I mean we eat outside. I just have to tell you something."
Kinabahan ako bigla sa mga sinasabi niya.
"Anong sasabihin mo? Bakit hindi pa ngayon?"
"I know you have questions for me as well. I'll give you a chance to ask me later."
"Sige. Saan tayo kakain?"
"Ako na bahala."
"Magpapalit na muna ako ah. Tapos alis na tayo?"
"Sige. Ikaw bahala."
Hindi ko alam anong iisipin ko.
Ano namang sasabihin niya? Bakit may pa-dinner? Date ba 'yun? Anong meron?
Umalis na muna si Ali.
...
"Huwag natin ipagkait sa iba ang masalba,
Hindi mo namamalayan na ikaw ang liwanag sa dilim ng iba."
- vin