Kabanata 43: Pagsamo (Part 2) Pagsamo - pagmamakaawa Ali’s POV Maagang nakauwi si Tita. Pagkatapos ng tanghalian ay nagpaalam na ‘ko sa kanila. Buti di kami nahuli ni Tita. Ngiting-ngiti lang ako habang naglalakad pauwi sa amin. Hindi ko akalain na mangyayari na. Unang beses ko pa lang naman. Siguro siya rin. Nag-text muna ako sa kaniya ng “practice pa tayo” at nag-reply siya agad ng “gago last na ‘yon.” Tawang-tawa ako sa daan. Naabutan pa ako ni Tito Mar sa may gate. “Aba ngiting-ngiti tayo, ah. Anong meron?” Napangiti na rin tuloy si Tito. “Wala po. Naging masaya lang yung lakad namin.” “Parang ang haba naman ng saya. Mula kagabi pa yung lakad, ah.” Pag-iimbestiga ni Tito. “Hala sige pumasok ka na at magpahinga. May exams ka pang parating. “Opo, mag-aaral na po.” Sabay diretso

