Kabanata 44: Pagsamo (Part 3) Pagsamo - pagmamakaawa TJ’s POV Nagmamadali akong maglakad para makapunta kaagad kina Ali. Para matapos na rin ito. Pero sa totoo lang ay sobrang kinakabahan na ako dahil heto na naman siya. Pinag-iisip na naman kami. Ano na naman kayang kalokohan ito? I cannot na talaga. Nagsisimula na akong pawisan na akala mo ay napakalayo na ng nilakad ko. Hindi na maganda ang kutob ko. Papalapit na ako sa bahay nila Ali nang matanaw kong may taong lumabas mula sa pinto at mukhang nagmamadali. Patuloy lang ako sa paglalakad nang mabilis. Nakita ko si Ali na palabas din ng gate pati na rin sina Tito. Hinawakan ni Ali ang braso ni Frances para mapigilan ito. Pero nagpumiglas si Frances. “Panondigan mo ‘yang sinasabi mo. Kahit sino pa ‘yang lumalandi sa ‘yo, kahit ano

