Kabanata 1

2539 Words
Kabanata 1: Dumatal Dumatal – dumating TJ’s POV Lumalamig na ang hangin at dumidilim na ang kalangitan. Mistulang may photoshoot na naman sa taas. Sign na uulan na. Sure ako. “Lyca, tara na! Ayoko mabasa sa ulan. Pipila pa tayo, oh.” Pagod, antok, at iritableng boses ang nangibabaw sa ‘kin. “Teka lang magpupulbo muna ‘ko. Dapat fresh pa rin kahit pauwi lang.” Sabay ngiti niya. Sinukbit ko na yung bag ko sa aking balikat at naglakad papunta sa may pintuan ng room namin. Nag-text muna ako kay Papa. TJ: Pa sa’n ka na po? ... Papa: Malapit na. Hintayin mo na lang ako sa terminal. Napatingin na lang ako sa mga ulap. “Oh tara na. Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?” Sabay hampas niya sa balikat ko. “Tulala ka na naman diyan.” “Tagal mo kasi. Tara na.” Halos pabulong ko na lang nasabi dahil sa sobrang antok ko. Naglakad na kami sa hallway at pababa sa first floor. Nagmamadali akong maglakad habang tahimik na nag-iisip. “Nag-o-overthink ka naman no?” Tanong ni Lyca sa ‘kin. “First day pa lang natin gusto mo na umalis?” “Manghuhula ka ng taon, no. O ‘di kaya assuming, sobra.” Natawa kami pareho. “Hindi ba pwedeng inaantok lang talaga?” “Sus alam ko na ‘yang mga ganiyan mo. Eh bakit kasi sa BSA ka pa rin nag-enroll?” Napatingin ako sa buwan. Patuloy lang kaming naglalakad pero ngayon mas mabagal na. “Bukod sa ‘di naman ako natanggal, iniisip ko sayang naman yung panahon.” At tinignan ko siya. “Tsaka hello kaklase ulit kita so choosy pa ba ‘ko niyan? May kokopyahan na ‘ko.” Sabay ngiti ko sa kaniya. Tumingin din siya sa akin. “Anong kopya ka diyan? Ako papakopyahin mo.” Nginitian lang din niya ‘ko. “Sino kayang nag-t-top sa exams lagi?” Nagpatuloy kaming maglakad nang mabagal. “Hindi ba mas masasayang yung mas maraming panahon kapag pinili mong ‘wag piliin ang gusto mo ngayon pa lang?” Nagsalita siyang muli matapos ang ilang segundong katahimikan. “Sana nga ganun lang kadalin ang lahat. Ang uncertain naman kasi ng mga bagay-bagay. Hindi mo alam sa’n patungo. Going with the flow lang ako ngayon.” Sabay yuko at tingin sa sapatos kong madumi. “Eh paano kung sa simula pa lang, nasa maling ilog ka na? Pa’no ka na makakabalik?” Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Para akong batang walang alam sa pagkakataong ‘yon. “Oo nga pala! Bilhan ko muna si Papa ng yum burger with fries.” Nagmadali na ulit akong maglakad. “Hoy! Hintayin mo naman ako.” Sigaw niya. Paglabas namin ng school, dumiretso na kami sa may terminal ng UV. “Mauna na ‘ko TJ ah. Para makapila na ‘ko.” Wika niya. “Oh sige sige. Malayo pa lalakbayin mo. Ingat ka!” “Layo ka diyan.” Sagot niya. “Ingat ka rin! Byeee!” Sabay kaway. Naglakad na papalayo si Lyca. Jeep kasi sasakyan niya pauwi. Mas malapit bahay niya sa school namin kesa sa ‘kin. Nag-text muna ako kay mama habang nakapila sa loob. TJ: Ma, pauwi na po ako. ... Mama: Cge nak ingat Pagka-order ko ng yum burger ay dumiretso na ‘ko agad sa terminal papuntang Bonita Homes. Grabe humahaba na ang pila buti ‘di ko na kailangan makipila. Kaya umupo na lang ako sa may waiting shed sa likod ng pila ng mga tao. And disclaimer ko lang guys, hindi ko na kailangang pumila kasi naka-save na sa ‘kin yung isa sa may harap. Kaya hinihintay ko lagi si papa para libre na rin ako. Yes, bawas sa kita niya yun kaya naman naisip ko na bilhan na lang siya ng pagkain para maka-compensate and since alam ko rin namang pag-uwi pa siya makakapaghapunan. Sa wakas! Dumating na ang UV ni papa. Kaya naman tumayo na ‘ko at nakiraan sa mga nakapila. “Excuse me po. Excuse me po.” Marahan kong sabi habang humahawi sa mga taong nakapila. Nakilala agad ako ni kuyang barker. “Oh andiyan ka na pala. Sakto.” Bati sa ‘kin ni kuya. “Oh unang siyam sa pila!” Sigaw niya. May nauna ng sumakay sa front seat. Akmang bubuksan ko na yung pinto sa may harap ng UV nang nagulat ako na may biglang isa pang kamay na lumitaw na nakahawak din sa car door handle. Napatingin ako sa mukha niya. Ang tangkad niya. Mga 5’10 siguro. Nakapanliliit ‘tong si kuya. He looks taller and muscular ‘cause of his ripped jeans and plain white shirt under his jacket with a color I can’t even identify. Madilim kasi ano ba. Wala na tayong ibang makikita. Ano pa ba gusto niyo? Basta malaki kamay. Sinakop ba naman yung car door handle. “Are you even on the line? I didn’t saw you lining with us.” He looked at me with his eyebrows frowning while arguing with me with a very professional commanding voice. “Kaya ‘di umuusad ang Pilipinas. ‘Di makapag-intay.” Sinabi niya nang mahina. Anong trip nito? Lumubog na ang araw pero naka-shades pa rin. Tsaka ba’t galit na galit? Gustong manakit? ‘Di porket 5’3 lang ako eh mahina na ‘ko. Lalaban tayo. Tinignan ko lang siya nang masama. Hahawakan ko sana ang kamay niya para ialis sa car door handle pero inalis niya ito kaagad. “Don’t you even touch people’s hands whenever you like.” Nakatingin pa rin siya sa akin. Pero yung boses niya ay malumanay na malalim. Pero ramdam mong may inis. “Excuse me! Ang feeling mo no? Imbis na bumibyahe na ‘ko pauwi eh sinasayang mo lang oras ko.” Pagtataray ko sa kaniya. “Nak sakay na!” Wika ni Papa mula sa loob ng UV. “Oh padrino. That’s why.” He muttered then smirked. Hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na ‘ko. Pagkaupo ko, tinignan ko siya nang masama. Hindi ko alam ba’t binelatan ko siya. Tapos sabay ngiting mapang-asar. Pero buti nga sa kaniya. Hays ang isip bata mo TJ! Tigilan mo na ‘yan. “Sino ‘yun ‘nak?” Tanong ni Papa. “Ah wala ‘yun, Pa.” Sagot ko. “Nagtatanong lang ng sakayan.” Makalipas ang halos isang oras ay nakababa na ‘ko ng UV. Nagpa-load muna ako bago umuwi. You know kailangan tinetext ko lagi sila Mama at Papa. Malay mo soon iba na ka-text ko. Oops… ‘wag tayong potassium tulad ng sabi ni Kween Pearl. Just waiting for my constant is my motto. O ‘di ka maka-relate? Watch mo na Pearl Next Door sa YouTube. Kinabukasan... Maaga akong nakarating sa school. 6:45 pa lang nasa loob na ‘ko ng room. 7:30 pa naman ang simula ng klase namin. May babaeng mahaba ang buhok tapos naka reputation tshirt ka-partner ng pantalon ang pumasok sa room. Syempre sino pa ba ‘yun? “Lyca dito ka dali! May ikukwento ako sa’yo.” Sabay tanggal nung bag ko sa uupuan niya. Well alam niyo naman ang kalakaran. Tamang save-save lang tayo para kay bes. Ibinaba ni Lyca yung bag niya sabay dukot sa brush niya tsaka nagsuklay. “Pabitin kagabi ah. Puro deleted messages. Ikuwento mo na ‘yan dali. Marami pang time.” “Kahapon diba nauna ka na. May nakaalitan ako, slight.” Sabay gawa nung slight action sa kamay. Yung kung pa’no niyo dine-describe ang juts gamit ang daliri, ayun. “Ay wow kailan ka pa naging palaban? Buti ‘di ka nautal-utal.” At pinagtawanan lang ako ng gaga. “Oo nga no.” Napaisip din ako bigla. “That was not very me for me to do.” “Ay oh nag-English na. Pero kwento na dali!” May pumasok kaming mga kaklase. “Dumadami na tayo. Kahapon 25 lang tayo ah.” Sabay tingin sa mga pumapasok naming kaklase. “Wala pa namang ganap kahapon eh. First day pa lang naman. Bida-bida lang tayo masyado.” Dugtong ni Lyca. “So itutuloy mo pa ba?” “Ay eto na nga.” Sagot ko at biglang balik ng tingin kay Lyca. “Nakipag-agawan sa ‘kin si kuya mo ng uupuan sa UV. Tapos sinungitan at inaway pa ‘ko. Buti sumingit si Papa na sumakay na raw ako kundi ewan ko na lang ano na nangyari. Kala mo kung sino. May sinasabi pang padrino.” “Are you talking about me?” May sumingit sa usapan namin ni Lyca. Napatingin ako sa likod ko. “What?” Tanong ko. Takang-taka talaga ako. “Excuse me?” Muli kong tanong. “Isn’t it unfair to judge one person based on just first impression and expression?” He butted in again avoiding the question. Tinignan ko siyang maigi. Matangkad, check. Pormahan, same. OMG! Siya nga ba talaga ‘yun? “So ikaw si UV express boy?” Gulat kong tanong sa kaniya. With matching pagtaas pa ng boses. “Who did these then?” Sabay dumila siya at ngumiti. Oh Lord alam kong may itsura ‘tong si kuya pero... “Yuck! Ba’t kailangan mo pang gawin?” Nagulat ako sa sarili ko. Pero nasabi na eh. “Exactly my point. Now you know how I felt.” Sagot niya. “And childish.” Ayan na naman yung boses niyang malumanay na malalim pero may inis. Siya na ang consistent. “Wow what a small world naman pala.” Singit ni Lyca. “Destiny?” “Hindi.” Sabi ko. “Stop.” Sabat ni Kuya na hindi ko man lang alam ang pangalan. Sabay kaming nagsalita. Tinitigan kaming dalawa ni Lyca. “Omg! Super magkamukha kayo! Mas malaki lang mata mo, Jay. Tapos mas moreno lang siya. Tapos mas maliit lang ilong mo, Jay. Tapos, tapos…” Pinutol ko na ang kung ano pang sasabihin ni Lyca. “Shhhhh! Malayo.” Kumukulo na dugo ko sa mokong na ‘to. Alam kong kasama ako sa kapatiran ng mga marurupok pero ang sarap tirisin nito. Nagkatinginan kaming dalawa. Tinignan niya ko nang masama kaya ginantihan ko rin siya. “Mamaya lumuwa mata mo niyan.” Bulong ni Lyca. Humarap na ‘ko kay Lyca. ... 7:30 AM “Guys! Mag-alphabetical daw tayo ng upo. Parating na si Ma’am.” Utos ni Lorence na acting President namin pero siya na rin naman talaga iboboto namin so technically siya na. Tumayo kami at naghintay matawag ang apelyido namin para makaupo. “2nd row, left side na tayo ah. So Geralde, Hontiveros, Javier, Lagman, Laksamana.” “Sayang naman magkalayo na naman tayo.” Kinuha ni Lyca ang bag niya at tumayo. “Ayaw mo nun new friends na tayo? ‘Wag mo ‘kong kakalimutan ah.” “Sira!” Sinipat ko na yung uupuan ko. Nakita ko si Kuyang matangkad papunta malapit sa upuan ko. So lumapit na rin ako. “Diyan ka talaga?” Sabay lapag ng bag ko sa tabi ng upuan niya. Hindi siya sumagot. “Ikaw yung Hontiveros?” Muli kong tanong. Hindi ulit siya sumagot. “Nawalan ata ng dila.” Bulong ko. Ano ba namang problema ng araw na ‘to? Ang daming gustong patunayan ah. Gusto ko lang naman ng mapayapang buhay. Bakit may gulong dumarating lagi. Pumasok na si Ma’am sa room. “So hello class. Good morning.” Magandang bati ni Ma’am. “I am Mrs. Gregorio. Your professor for Pagsasalin sa Kontekstong Filipino.” At nag-umpisa na ang talambuhay. “So I am here today to just give you your assignment for next week then also to know you all. You’ll introduce yourself one by one.” You know the drill guys. First week of classes it is. “You’ll be translating one OPM to English. ‘Yan ang magiging batayan ko sa paunang kaalaman niyo patungkol sa ating klase. ‘Wag masyadong dibdibin ang pagsasalin ah. Enjoy lang tayo rito.” Nakangiti pa rin si Ma’am habang kaharap kaming lahat. “You’ll be paired with your seatmate.” Napatingin ako sa katabi ko sa kanan. Nginitian ko na siya kaagad. Ngumiti rin naman siya sa ‘kin. “Siya ata partner mo.” Sabay turo niya kay Kuyang matangkad. WTF! May ilalala pa ba ‘tong nangyayari sa ‘kin? By friends na lang please! Baka masiraan pa ‘ko ng bait sa subject na ‘to, kainis. Napabuntong hininga na lang ako. Matatapos din ‘yan, self. Act professionally. At sumunod na ang self-introduction portion. Si Hontiveros na ang sumunod na nagpakilala. “I am Alizir Hontiveros, 20. I live now in Bonita Homes.” Oo nga pala taga Bonita rin ‘to. IN MY NEIGHBORHOOD? Oh God ano ba’ng nagawa kong masama? “A fact that people don’t know about me is I don’t play basketball.” Pagpapatuloy niya. “Oh why?” Tanong ni Mrs. Gregorio. “Sayang naman ang height. But by the way, thank you.” Wow! Hindi naman lahat ng matangkad need mag-basketball ah. Hays societal gender norms. ... 3:00 PM Dumiretso na kaming lumabas ni Lyca after ng last class namin. “Do you have a song in mind na?” Lyca asked me while looking at me. Patuloy lang kaming naglakad “Wait ah. I-text ko lang si Papa na palabas na tayo.” “Sige lang.” TJ: Pa, palabas na ‘ko ng school. Bilhan kitang chicken joy. Papa: Cge nak ikaw bahala. Baka 30 min pa ko bago makarating sa terminal “Wala pa ‘kong naiisip, eh. Tsaka ‘di ko pa nakakausap si Ali.” “Grabe it’s not so you again, ah. Hmmmm...” Sabay nginitian niya ‘ko na para bang nang-aasar. “I-messenger ko na lang siya mamaya. Para ‘di ko nakikita pagmumukha niya.” Talaga ba, self? Pagkalabas namin ng school, bumili muna kami ng palamig ni Lyca. Ang init-init na maglakad sa labas. Masakit na sa balat mabilad sa araw. Ang tamad pa naman namin ni Lyca maglabas ng payong. Pero wala ‘di na kinakaya. KAYA NAMAN PRESERVE MOTHER NATURE! Wag selfish! SAVE THE TURTLES! Pati na rin mga fishes. Maawa ka sa magiging anak mo tsaka anak ng mga anak mo (if you want to have a child/children). Tama na ang commercial. So ayun naglakad na kami papunta sa sakayan. “Ali!” Sigaw ni Lyca. Napatingin ako sa likuran ko. “Ba’t mo tinatawag? Ano ka ba? Close kayo?” Tarantang sabi ko sa kaniya. “Edi ayan tanungin mo na siya about sa homework.” Ngiting-ngiti ang gaga. “Ali!” Muli niyang sigaw. Nakita ko na papalapit na si Ali sa amin. Bakit lumapit pa kasi ‘to! “So what is it?” Tanong niya kay Lyca. “Pauwi ka na rin ba? Usap daw kayo about sa homework.” Sabay turo niya sa ‘kin. Nahampas ko kamay niya. Tandaan: Be professional “Ah... eh... sabihan mo na lang ako if may naisip ka ng magandang kanta. Message mo na lang ako.” Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa ng pants niya. Ganun ulit pormahan niya ngayon pero plain blue ang damit niya without the jacket. “What’s your name on f******k?” “Tien Javier” Nilagay niya ang pangalan ko sa search bar. “Is this you?” Sabay pinakita niya yung nasa phone niya. “Yes.” I answered him reluctantly. “Ok.” “Sige una na kami, ah.” Nagpatuloy na kami sa paglakad ni Lyca. Si Ali naman, ayun sa kabilang direksyon naglakad. Though same lang naman kami ng sasakyan pauwi. Hay! Ano bang pakialam mo TJ kung saan pa siya pupunta? Bahala siya sa buhay niya. ‘Di kayo close. Period! Naghiwalay na kami ng daan ni Lyca. Nakasakay na rin ako sa UV ni Papa. Kinuha ko ang phone ko tapos sinaksak ang earphones. Favorite ko talaga ngayon yung “Nasa’n Ka, Oh Luna?” by MarsMango. Sobrang chill and yung lyrics, iba! Nagsimula nang magmaneho si Papa. Binuksan ko yung f******k account ko. May nag-pop up na notif sa friend request. For sure si Ali ‘yun. So pinindot ko. I-stalk ko na ba ‘to? In fairness sa display picture niya. Inaamag na siguro. Shs graduation picture pa rin niya. Pero yung dark brown eyes niya sobrang ganda. Itsurang f**k boy ganun. May pasobrang buhok pa sa may noo. Alam niyo ‘yun? Yung naka-curl pa. Nag-swipe left ako. Pero walang nag-ne-next na picture. So pinuntahan ko ang album niya. Profile picture lang ang meron tapos itong nag-iisang picture niya. Ang weird. Baka may iba pa sigurong account ‘to. In-accept ko yung request tapos biglang may message na nag-pop up. Ali: You can call me by my name. You don’t have to use someone else to approach me. School works are school works. Nothing personal. Omg! May point naman siya. Linawin mo sa isip mo ang lahat, TJ. Should I speak my mind kahit ngayon lang? Baka kasi kung sa’n pa mapunta ‘to. Ayoko ng feeling ng nakikipagtalo. Nanginginig ako, swear, lalo na kapag heated arguments na. TJ: Just to make it straight, I have nothing against you. Ali: I didn’t ask. TJ: You’re mean! TJ: I hate you Sabay in-off ko na ‘yung phone ko. Nakakairita grabe. Madalas naman I just keep to myself kung anong nararamdaman ko pero ‘di ko alam. Iba ‘to. Nagpatuloy na lang ako sa pakikinig ng music. Maya-maya ay may nag-flash na message notif sa phone ko. Nagulat ako sa nakita ko. Ali: I love you too WTF! ... “Kahit saang ilog ka man mapadpad, patuloy ka lang na magsagwan. Sa isang karagatan din ang ‘yong kahahantungan.” - vin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD