Kabanata 2

3744 Words
Kabanata 2: Kahalangdon Kahalangdon – dignidad Umiral na naman 'tong overthinking ko. From all the positives to all the negatives. Sanay na naman ako pero nakakapagod talaga. Kaya lagi kong tinatatak sa isipan ko na to just stop thinking or divert my attention to something else. Eh ano naman ngayon kung nag I love you too? 'Di mo alam anong mood o context nun sa text. 'Di mo alam anong tone. Tsaka bakit ba iniisip mo pa 'yun? Halata namang biro lang or something. Ba't mo lalagyan ng meaning? Inaasar ka lang. Just stop it na. Hahaba lang 'yan. You have no time for that foolishness. "Hay TJ umagang-umaga. Smile lang tayo. Happy vibes. Positive thoughts. Pero sa realistic lang tayo,” sabi ko sa sarili ko habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Walang ganap buong araw. I mean, lessons and lessons and lessons. Boring if I may describe. Gusto ko na lang umuwi. I know ganiyan ka rin kapag pumapasok. Shhhh! Don't twist my words. Lumapit ako kay Ali habang nagliligpit siya ng gamit niya. "Ali, psssst." Sabay kalabit ko sa kaniya. "Yes?" sagot niya. I wanted to ask him about what he texted me. May nalalaman pa siyang "nothing personal" tapos manggaganun siya? Like, can you not tease me? Teaser ka ghorl? "Gusto mo pag-usapan na natin yung sa activity? Sama ka sa 'min sa Jabee. Saglit lang tayo." He nodded. Sinukbit na niya yung bag niya sa kaniyang balikat at sumunod sa 'kin. Ang tahimik lang naming tatlong naglalakad. Akala mo may alay-lakad or contest na bawal mag-ingay. Hindi ko rin naman alam anong sasabihin ko. Ayoko namang ma-left out si Ali if kakausapin ko si Lyca. Ang awkward mga bes! Ilayo niyo na ko rito, please. Ayun na nga. Walang nagsalita. Itong kadaldalan ni Lyca, kung kailan kailangan, tsaka pa hindi tumatalak. Patuloy lang kaming naglakad nang naglakad. Makalipas ang ilang minuto, sa wakas nakarating din sa Jabee. "Anong order mo Lyca?" I asked her while squinting on the menu. "Ikaw Ali?" "I'm good." Ali answered profoundly. "Mag family pan spag tayo, TJ! Omg share tayo dali. Sulit na yun,” excited na banggit ni Lyca. "Oo nga! Tapos pies-to-go." Dagdag ko. "Peach mango pie!" Sabay naming sabi ni Lyca. At si Ali ay nakatingin lang sa'ming dalawa. Para bang hindi mapakali na slightly aburido. Nakalagay lang yung parehong kamay niya sa mga bulsa ng pants niya. Alam ko namang ayaw niya kaming kasama pero konting tiis lang hahaha. Maghihiwalay din tayo ng landas. Awkward na naman bes... "Sige hanap na kayo ng mauupuan natin." Utos ko kay Lyca. "Okie!" Pagkatapos kong mag-order ay pinuntahan ko na sila. Naupo ako sa tabi ni Lyca. "10 minutes pa raw. Sabi ko willing to wait." Sabay ngiti ko kay Lyca. "At least nagsasabi diba. May rason para mag-expect at umasa." Pang-aasar ni Lyca. "Ano-ano na naman sinasabi mo diyan. Gutom lang 'yan nako." Biglang naubo si Ali. Napatingin kaming dalawa sa kaniya. "So can we go to our agenda here besides you two eating?" His eyes are like trying to laser cut my head the way he looks at me. But then tries to smile looking at Lyca. It's so obvious that he's not feeling good towards me. I can feel it. "Teka mag-cr lang muna ako." Biglang putol ni Lyca sa laser na tila papatay na sa 'kin. "Padaan ako, Jay." Pagkaalis ni Lyca ay nanahimik lang kaming dalawa. I wanted to ask anong trip niya at nag-send siya ng I love you too pero I don't want to rub it as if I care or I am thinking too much about it. Which I am... Hirap timplahin ng tao na 'to. "So are we gonna talk? Cause if not, I'll be going." He won't stop being annoying. "Hindi ba pwedeng chill ka lang? Cause if nagmamadali ka then go ahead. Ikaw naman ang pumayag sumama rito." "You said saglit lang tayo." Ayun basag. Wala na. Tapos na. "Wait ka lang. Please?" Anong mukha 'yan, TJ? Aso ka ghorl? He rested his arms on the table. He continued shutting up his mouth. "Tapusin na natin bukas?" I said as I put my arms on the table as well. "Are we going to do it online?" "Sa inyo na lang tayo gumawa? Malapit ka lang naman pala." "Oh no no no." He looked shocked. "Let's do it in your house." "Like do it? In my house?" I sounded so confused for nothing. "Yes, the activity. What else?" Bumalik na si Lyca mula sa cr. Ayan na naman yung tingin niyang mapang-asar na kala mo may nangyaring hindi niya nalalaman. "Kayo Lyca, may kanta na kayo?" I said randomly just to stop the deafening silence to come. "Ah... meron ng nabigay ka-partner ko. Ang sipag nga eh." At naupo siya sa tabi ko. Dumating na ang order namin. Inabot ko kay Ali yung isang 3-pies-to-go na take out. "Para sa'n to?" he asked calmly. "Para sa'yo." I insisted to give him the pies. "World peace na tayo." Then I smiled. He hang up for a few seconds. Looking blank if I may describe because you can't tell if he's in awe or happy or still mad or whatever. I just put it on the table in front of him. "You're welcome." I said while still smiling. "Gawa na lang tayo sa 'min. 10 am?" He slightly moved his head back in an instant as if he just went out of zone. I really wonder what he is thinking or what does he feel right now. "Of course. I'll just go to your place." Then he hold on to the handle of the pie box. "I'll leave now I guess. Enjoy eating." Hindi na niya hinintay pa ang sagot namin ni Lyca. Tumayo na agad siya bitbit ang bag at yung pies. He didn't even looked back or bid goodbye to us. We just didn't mind him though. Kumain na lang kami dahil sa wakas makakakain na ulit ako ng spaghetti. Naghiwalay na kami ng landas ni Lyca matapos kumain at magchikahan. Isang school week na naman ang natapos. Puro gawain na tayo. Let's go! Kinagabihan, habang nakahiga ako sa kama, naisip ko ulit yung kanina. Nag-p-play sa utak ko 'yung mukha ni Ali na hindi ko maintindihan. Napakamisteryoso niyang tao. Medyo nakakatakot if iisipin. Pero siguro there's nothing to worry about him naman. OMG! Mag-ayos tayo ng kwarto, TJ! Tinignan ko yung paligid ng kwarto ko. Maayos na naman at malinis. Yung artworks kong naka-frame maganda naman tignan kahit papaano. Pero gusto ko na i-repaint yung doodle lettering ko sa kanang wall. Lakas ng trip ko nung 19 ako. Buong pader pinaglaruan. Shocks! 'Di pa pala 'ko nakapagpapaalam kay mama. Yari ako nito. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at hinagilap si mama. Naabutan ko siya sa sala na nanonood sa tv. "Ma, may pupunta nga pala 'kong kaklase bukas. Gagawa kaming activity." "O sige, anong oras ba?" "10 am po." "Sige dito na kamo siya magtanghalian. Ipagluluto ko kayo." "Sige Ma. Thank you!" Sabay yakap ko sa kaniya. "Good night!" "Good night din. Love you." "Love you too." At bumalik na 'ko ulit sa kwarto ko para ayusin yung schedule ng gagawin ko tsaka aaralin. Kinaumagahan... Hindi ko alam ba't ako aligaga. Naligo ako nang maaga kahit wala namang pasok. I've chosen a decent shirt to wear. Yung pang-alis mong pambahay na ganun. Nag-try na rin ako maghanap ng pwedeng OPM na gagamitin namin. Biglang may nag-door bell. Tinignan ko ang oras sa orasan namin sa may sala. 10 am na naks on time. "Hala siya na 'yun!" gulat kong sabi. "Ako na magbukas, Ma!" Pagbukas ko sa pinto ay may matangkad na tao. Tumingala ako nang bahagya at si Ali na nga. He's wearing a gray shirt with a japanese print on the upper right and partnered with black shorts. At yung usual na mga bracelets or something na sama-sama sa kanan niyang braso. "Pasok ka." At pinauna ko siya. "Dun na tayo sa kwarto ko. May pa-production maya-maya kapatid ko sa sala. Matatagalan 'yun." Grabe sobrang bango niya. Maybe 'yung damit niya 'yun and 'di siya nagpabango today kasi 'di ganito amoy niya 'pag sa school. Hello katabi ko siya. 'Wag kayong ano diyan. Ginigigil niyo 'ko. Dumiretso na kami sa kwarto ko. Buti na lang nagluluto si mama. Wala ng mangyayaring interview session. Pero mamaya for sure 'yan nako. Nilibot ni Ali ng tingin ang kwarto ko. "You did all of those letterings?" Nilapitan niya yung pader. "And the wall art?" He sounded so amazed. "Yes." I answered. "Your room is a museum. It's so great. You're so talented TJ." That's the first time I heard him say my name plus him giving me endless complements. Basically, also the first time I hear him not bad mouthing me or being mean. "What's supposed to be here?" He pointed out the space between two frames. "I reserved it for someone special." I saw him open his mouth but chose not to utter any word. "So shall we start?" sabi ko. "Of course!" he said without hesitation. "Dito tayo sa may table ko. Kuha lang ako ng upuan sa labas ah. Dito ka na umupo." I offered him my seat, my gaming chair. Umupo siya do'n at ako naman ay kumuha ng mauupuan ko. Pagpasok ko sa loob ay nag-s-search na siya sa google. "Do you have a song in mind na ba?" he asked me. "Nagtingin-tingin na 'ko kagabi and siguro pwede nating gamitin yung Huwag Kang Matakot. I listened to Reese Lansangan's version kagabi. It's so soothing." "Oh eheads!" He looked away from the laptop and caught me looking at him. "We can try that." Umupo na 'ko sa tabi niya and hinarap ko sa side ko yung laptop. I typed 'Huwag Kang Matakot' on YouTube. I played a video of Reese Lansangan's version. I started humming with the intro. Then I started singing out of nowhere. "Huwag kang matakot 'Di mo ba alam nandito lang ako sa iyong tabi 'Di kita pababayaan kailan man..." I rested my back on the chair. Just casually feeling the song. Wondering how does it feel like to be told by someone that you shouldn't be afraid of anything cause you have them. I heard Ali humming and singing quietly some parts. "'Wag kang matakot na umibig at lumuha Kasama mo naman ako Huwag kang matakot...." I continued singing unapologetically. Then I didn't notice that my voice with Reese's, and Ali's, filled the whole room. His voice sounds so good. Sounds kinda deep but sweet. He's just minding his own self there quietly. I stopped and tried listening to him despite Reese's voice is so loud. "'Wag kang matakot na matulog mag-isa Kasama mo naman ako 'Wag kang matakot na umibig at lumuha Kasama mo naman ako..." That's the time we both knew that we wanted that song. "That's it!" He stopped singing. "Your voice is so good!" I complemented him. "Ikaw na!" He got shy and I saw his left ear turn red. "No. Your voice is good. Theater-like almost." "Sige 'yun na gagamitin natin ah." Sabay lihis ko sa usapan tulad ng ginawa niya. We spend an hour and a half translating the whole song. We were so serious doing it. Most of the time I'm just agreeing with him since his English vocabulary is so immensely rich. Patapos na kami ni Ali nang may biglang kumatok sa pinto. Oy ah sa activity kasi. 'Wag kayong judgerist diyan. "Kuya handa na raw ang tanghalian. Tara na." Jas said. "Oo susunod na!" I said with a loud voice. "Tara na, Ali." "Just tell them I'm still full." Ali politely declined. "Pinagluto ka ni mama kaya tara na. I swear 'di mo gugustuhin na siya pa ang sumundo sa'yo rito." Tumayo na rin siya at lumabas kami sa kwarto. Sobrang saya ng pakiramdam ko. Parang ang payapa na ganun. Maybe nakatulong yung pa-peach mango pie ko. A truce is all I want. 'Di pa man nakakaupo si Ali ay tinadtad na siya ni Mama ng tanong. "Taga saan ka iho?" Pagtatanong ni Mama na akala mo ay siya si Kris Aquino o Boy Abunda "Sa kabilang street lang po." "Ay bago lang siguro kayo rito no? Hindi naman kita nakikita rito eh ilang dekada na 'kong naninirahan dito." Tinitigan niyang maigi si Ali habang paupo ito sa tabi ko sa tapat niya at ng kapatid ko. "Pero pamilyar ka." 'Di na nagsalita si Ali. Sobrang nahihiwagaan talaga ko sa pagkatao nito. It's peaking my curiosity. "Opo kakalipat lang namin ulit." "Ah edi maraming beses na pala kayong lumipat." "Jas paabot nung kanin." Bigla kong singit sa usapan nilang malapit nang manlamig. At iniabot sa 'kin ni Jas yung kanin. "Kain ka lang, iho. Minaisang baka 'yan. Paborito ni Jay." "Walang nagtatanong, Ma." I sarcastically smiled. "Ay tanong ako nang tanong sa'yo pero 'di ko alam pangalan mo. Anong pangalan mo iho?" "Ali po." "Pati pangalan lalaking-lalaki ah. Itsura at pormahan oh ang ganda." Puri ni Mama kay Ali. It sounded so wrong. Ali just smiled and continued eating. "Kumusta na pala yung ginagawa niyo? Pagpasensyahan mo na ang kwarto ni Jay ah. Puro abubot. Hindi mukhang kwarto ng lalaki." Nagpantig ang tenga ko at that moment. Nananadya ba si mama o nagpaparinig o ano? I honestly feel so triggered right now. Napaka-sexist. Puro stereotypes. I hate it here. And one more thing. Sinabi niyang abubot? Does she see my art as only abubots? It's like she pierced an arrow through my heart by saying and meaning that. "Sobrang ganda po ng mga gawa niya. He is so talented. Actually hindi nga lang po pang-kwarto ang mga gawa niya. They belong to a museum." He said that while looking at Mom. I looked at him. I am in shock for a moment. I can't believe what he just said. Natahimik si Mama. "Jay, ilabas mo mamaya 'yung mga kahon na ipi-pick up ng courier ah." Utos ni mama sabay change topic. "Ako na kuya if may gagawin pa kayo." Jas offered. "Hayaan mo na ang kuya mo ro'n. Mas kaya niya na 'yon." "Kaya ko naman. Di naman ref ang bubuhatin. Tsaka may ginagawa pa sila." Jas rebutted. "Jasmine sasagot pa?" Pagbabanta ni Mama. "Ok na ako na. Patapos na naman kami." Inako ko na at baka saan pa mapunta ang usapan. Paborito ko ang hinain pero nawalan talaga 'ko ng gana. The underlying homophobic remarks grabe. Matapos namin kumain ay bumalik kami ni Ali sa kwarto. "Pagpasensyahan mo na si Mama ah. Clearly, pang 1990's pa rin ang timeline ng thoughts nila." Hindi umimik si Ali. "Thank you rin pala for appreciating my works. Means a lot to me." Then I looked at him. He looked at me. "No problem. Just stating facts." We proceeded to finalize our translation para makauwi na si Ali. "Print ko na 'to ah. Final na 'to." Sabay pindot ko sa print option sa laptop. "Sige mauna na 'ko ah." Pagpapaalam ni Ali. "Samahan na kita sa labas. Bubuhatin ko pa pala yung mga box." Lumabas kami ng kwarto at nagpaalam na si Ali kay Mama. Inilabas ko na rin yung mga kahon para wala ng maingay mamaya. I NEED PEACE! Pagbalik ko sa kwarto ko ay inilabas ko na yung naka-schedule kong readings for today. "Start na ulit ng bakbakan with accounting." I said while facing all the books in front of me. Inusog ko yung laptop ko and I heard something na nahulog. Tumingin ako sa sahig. May nakita akong wallet. Dinampot ko ito. "Ay! Kay Ali ata ito naiwan." Binuksan ko ang wallet niya. May family picture. Siguro siya ito nung bata kasama ang Mama at Papa niya. "Kay Ali nga." Hello kanino pa ba? Sinarado kong muli ang wallet at dali-daling lumabas ng kwarto ko. "Ma! Punta lang ako kina Ali! Naiwan niya wallet niya!" 'Di ko na pinuntahan si mama sa kwarto at nagmadali akong lumabas ng bahay. "Oo sa record no. 48 azure street daw sila." Pagkarating ko sa tapat ng bahay nila ay may nakita akong lalaki na nagtatapon ng basura na kaedaran siguro ng Papa ko. Pero hindi niya kamukha 'yung nasa picture sa wallet. Baka kapatid niya or kamag-anak. In fairness sa bahay nila. Sobrang minimalistic ng itsura. "Hello po!" sabi ko habang nakasilip ako sa gate ng bahay nila. "Sino ho sila?" tanong niya habang papalapit sa akin. "Si Ali ho sana may iaabot lang po." Nakita kong parang biglang nagliwanag ang mukha niya. Nasundan ito ng tuwa. Sobrang saya bigla ng awra niya. "Ay sige tawagin ko lang siya ah." At dali-dali siyang pumasok sa loob. Naririnig ko pa siyang sumisigaw ng "Zi." Ang cool nun ah. Zi. Bumukas ang pinto at lumabas si Ali na nagmamadali at mukhang galit. Binuksan niya ang gate. "Why did you follow me here?" he asked with his mad voice. "Ch-chill ka lang ibabalik ko lang naman 'tong wallet sa'yo." I answered while my voice slightly shaked. "Babalikan ko naman 'yan eh. 'Di ka na sana pumunta rito. Just go!" "Oh ayan na! Nagmamalasakit na nga 'yung tao." "Dalian mo na! Just go!" he shouted at me. At bigla niya 'kong tinulak nung hindi pa rin ako umaalis. Natumba 'ko sa concrete drive way sa harap ng bahay nila. Naiyak na lang ako out of nowhere. I wanted to curse him, to shout at him but my mouth wouldn't just open. It's all in my head only. He just looked at me with a very angry look not intending to help me stand up or something. He turned his back on me and went inside as fast as he could, leaving me like a helpless child. Mula sa araw na 'to, wala ka ng maririnig sa 'kin. Oo naiinis ako pero sa isip ko, pilit ko siyang iniintindi. Na baka mainit lang talaga ulo niya o baka may nangyari na di maganda o may tinatago siya na ayaw niyang malaman ng iba. Hindi ko alam iisipin ko. Pero mabigat ang pakiramdam ko. I feel like my heart break into pieces. Did I deserve that? Baka ang sensitive ko lang masyado? Gusto ko siyang maintindihan. Ayokong magalit. Tumayo na 'ko at naglakad papalayo habang pinupunasan ang luha na patuloy sa pagbuhos. 'Di alintana ang gasgas sa kanang braso. I heard a door open. Patuloy lang ako sa paglalakad nang mabagal sa bangketa papalayo sa kanila habang wala sa wisyo at naguguluhan. I heard the door close. Ayoko muna siyang makita. ... "Huwag kang tumigil sa paglikha, Mayroong isa na makikita ang 'yong halaga. Hindi man ng lahat, Pero pakiramdam mo'y magiging sapat." - vin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD