Kabanata 16: Tulig
Tulig - tuliro o taranta
Nanghihina ako. Pinipilit kong tumindig kahit na nanginginig mismo ang mga kalamnan ko sa sobrang nerbyos at takot. Ang dami biglang pumasok sa isip ko. Ayokong mangyari 'yun. Sinong anak ang gugustuhing mangyari 'yun?
Unti-unti na namang nagsusulputan ang mga masasamang ideya sa aking isipan. Kung ano-ano na naman ang tumatakbo sa aking utak. Ang hirap bigla makahinga. Ang bigat sa dibdib ng pakiramdam.
Buti nandiyan si Ali para dumantay sa 'kin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
Lumabas si Jas sa bahay dala ang isang bag.
Hindi ko alam kung maiinis ako sa sarili ko o maiiyak muna o kung ano. Sinisisi ko na naman ang aking sarili sa bagay na wala naman akong kinalaman. Lagi na lang akong walang kamalay-malay o walang kaalam-alam. Naaawa tuloy ako sa kapatid ko.
"Kuya, sundan na natin sila."
Banaag ang bahagyang pamamaga ng mga mata ni Jas. Kitang-kita ang lungkot sa kaniya at damang-dama ang panghihina.
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
Hindi ko pa rin mapigilang mainis sa sarili ko.
"Sorry wala ako."
Pagkasabi ko no’n ay naiyak na kaming dalawa.
Habang sa gilid ay may kausap sa cellphone niya si Ali.
"Ok lang, Kuya. Alis na tayo," sabi ni Jas.
Tinignan niya lang si Ali na parang isang estatwa na matagal ng nakalagay sa kalsada.
"Tinawagan ko si Tito Mar. Ihahatid niya kayo." Pagmamalasakit ni Ali.
"Salamat." Muntik ko na masabi yung bee at buti na lang ay napigilan ko agad ang aking bunganga.
Dumating na sina Tito Mar at maneho niya ang kanilang sasakyan.
Sa front seat umupo si Ali at kami naman ni Jas sa likod. Hinahagod ko lang ang balikat niya habang tinatawagan ko si Mama.
Nasa huli talaga ang pagsisisi, no? Lagi ko namang pinapakita at sinasabi ang pagmamahal ko sa kanila. Kung hindi man lagi, minsan. Pero nitong mga nakaraang araw at linggo, nagtanim ako ng lihim na hinanakit sa kanila.
Nakikita mo lang talaga ang sobra-sobrang halaga ng tao kapag mawawala o nawala na ito sa 'yo. Ang hirap isipin na may mawawala kang mahal mo sa buhay.
Sana nasa ayos si Papa.
Nagdarasal lang kaming dalawa ni Jas. Nakikita kong tinitignan kami ni Ali sa rear view mirror.
Medyo mabilis ang patakbo ni Tito Mar pero hindi namin ito iniintindi dahil gusto rin namang makarating kaagad sa ospital.
Alam mo yung hindi ka na makapag-isip ng maayos dahil hindi mo na alam yung iniisip mo. Sa sobrang dami, hindi mo na malaman kung alin ang alin. Basta ang hiling ko lang ay walang masamang mangyari kay Papa.
Makalipas ang ilang sandali ay bumaba na kami ni Jas sa sasakyan.
"Sige na Ali umuwi ka muna. May pasok pa bukas."
"Ok lang sasamahan ko kayo." He offered.
"Ayos lang kami. Tawagan na lang kita."
"Ok sige. Pagdarasal namin si Tito." Sabay halik niya sa pisngi ko.
"Kapag may kailangan kayo, itawag niyo kaagad ah!" Pagmamagandang-loob ni Tito Mar.
"Sige po salamat! Ingat po kayo!"
Muling sumakay si Ali sa sasakyan at umalis na sila.
Nagpapasalamat ako at napagaan nila Tito at Ali ang nararamdaman ko pero hindi ko pa rin mapigilang manghina na hindi ko maintindihan.
Ito ang pinakaayaw kong lugar sa lahat. Lagi akong hindi komportable kapag pumapasok sa ospital. Ayoko ng amoy, ayoko ng atmosphere, ayoko ng pakiramdam na nasa loob ako ng ospital. Sobrang weird. Hindi naman ako natatakot pero basta hindi ko maintindihan.
Nakita namin si Mama na kakatapos lang kausapin ang doktor sa may emergency room.
Nilapitan namin agad siya at niyakap. Alam kong mas higit na mas masakit at mas matindi ang nararamdaman ni Mama kaysa sa amin. Hindi ko ma-imagine kung gaano ka-heartbroken si Mama ngayon. Ang gusto at alam ko lang ay ang matulungan siya at mapagaan ang loob kahit papaano.
"Kumusta na raw si Papa?" tanong ko.
"Nag-re-respond na raw siya. Ite-test pa raw nila para malaman anong mga damages daw ang meron sa katawan niya."
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Mama.
"Buti naman. Salamat sa Diyos," sabi ni Jas.
"Bili lang ako ng maiinom natin, Ma. Labas lang po ako saglit." Paalam ko.
Nagpunta 'ko sa katabing 7 11 ng ospital. Magbabayad na 'ko sa counter nang nakita ko si Jas na papasok sa loob ng 7 11.
Inabot ko yung bayad sa cashier. Kinuha ko ang sukli at yung maliit na recycled bag na laman yung mga binili kong inumin.
Nilapitan ko si Jas.
"Sinong kasama ni Mama iniwan mo dun?" Tanong ko sa kaniya.
"Nagpabili rin siyang isang donut. Alam mo na bakit."
"Ah. Ok."
It's her favorite comfort food. Like ang random pero alam ko even with just a piece of it ay makakalma siya. Ang bata tignan no? Pero it's another long story of why she's like that with a donut. Weird, right? But that's something important for her.
Nagbayad na rin si Jas at lumabas na kami ng store.
"Kuya." Tawag niya sa 'kin,
"Oh, bakit?"
"Bakit ka hinalikan ni Kuya Ali? Kayo ba?"
Muntik ko na mabitawan yung hawak kong eco bag. Inalala ko yung nangyari kanina.
Oo nga! Sa harapan pa niya. Nakita niya. Nakita ng kapatid ko.
"Ok lang, Kuya," sabi niya.
"Ano kasi..." hindi ko magawang magsinungaling pa.
Napahinto kaming dalawa sa paglalakad.
Ito na nga ba ang kinatatakutan ko. Maikukwento ng kapatid ko sa iba. Tapos malalaman na ng buong angkan ko at magiging topic na 'ko ng bayan na akala mo sila ang nagpalaki at nagpapakain sa akin.
Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang humindi o itanggi ang meron kami ni Ali.
"Kami na. Kanina lang." pag-amin ko.
Nakita ko ang saya sa mukha ni Jas. Na animo'y wala kaming amang nakahiga sa hospital bed at hindi alam kung ano na'ng kalagayan.
"Masayang-masaya 'ko para sa 'yo, Kuya. Masaya 'ko para sa inyong dalawa."
Sobrang naramdaman ko yung pagpapasalamat niya. The way niya sinabi yung buong 'yun. Totoo yung galak. Hindi ko alam nangingilid na naman ang luha ko. Saan na naman ba 'to nanggagaling?
"Salamat, Jas." I hugged her so tight.
"Ship ko kayo nung una pa lang sa bahay. Gumana ata ang magic spell ko."
"Anong magic spell naman 'yan? Nagpakupido ka na naman. Ikaw talaga." I messed with her hair.
"Sana kayo na forever. Ang cute niyong dalawa." Ramdam ko yung kilig niya.
Nabunutan na naman ako ng isang tinik. Yung pakiramdam na unti-unti ay nagiging magaan na ang paghinga. Masarap marinig na tanggap ka ng kapatid mo. Wala ng tanong-tanong kung ano ka. Basta siya, naniniwalang walang kasarian ang pag-ibig. Bilib ako sa kapatid ko na malawak ang pang-unawa at bukas sa mga bagay-bagay.
"Pero sa 'tin lang muna, ah. Ako na magsasabi kina Mama at Papa." Pakiusap ko sa kaniya.
"Syempre, Kuya. It's your thing not mine. It's your story to tell not mine. It's your life not mine. Pero nandito lang ako. Support lang ako. 'Wag palubugin ang barko, ah." I even admired more my sister. Sobrang mature niya mag-isip. Sobrang na-t-touch ako.
"Love you." I sniffed her hair trying to kiss her head.
"Love you too, Kuya."
That's one of the best feelings ever. I never got to tell her that before. I'm glad I did now. Who knows until when we're gonna be here on earth? No one. Kaya tell your loved ones and friends how much you love them. We all have different love languages but saying those 3 words in English or 2 words in Tagalog will mean everything to someone you're saying it to.
Pagbalik namin sa may emergency room ay inilabas na si Papa at ililipat na sa regular room. Ang naabutan ko na lang na sinabi ng doktor ay maayos na raw ang lagay ni Papa. Pero kailangan pa rin daw siyang obserbahan at mag-undergo ng testse dahil hindi pa alam ang dahilan ng Transient Ischemic Attack (TIA) na naranasan ni Papa.
Sinabi rin ng doktor na it's greatly possible na related sa highblood pressure and smoking.
A transient ischemic attack (TIA) is sometimes called a "mini-stroke." It is different from the major types of stroke because blood flow to the brain is blocked for only a short time—usually no more than 5 minutes.
It is important to know that:
A TIA is a warning sign of a future stroke.
A TIA is a medical emergency, just like a major stroke.
Strokes and TIAs require emergency care. Call 9-1-1 right away if you feel signs of a stroke or see symptoms in someone around you.
There is no way to know in the beginning whether symptoms are from a TIA or from a major type of stroke.
Like ischemic strokes, blood clots often cause TIAs.
More than a third of people who have a TIA and don't get treatment have a major stroke within 1 year. As many as 10% to 15% of people will have a major stroke within 3 months of a TIA.
Recognizing and treating TIAs can lower the risk of a major stroke. If you have a TIA, your health care team can find the cause and take steps to prevent a major stroke.
Source: https://www.cdc.gov/stroke/types_of_stroke.htm#transient
Kinabukasan...
Pinauwi na muna kami ni Mama kagabi para makatulog para kami ang pumalit sa kaniya ngayong umaga.
Maaga kong ginising si Jas. Naghanda ako ng agahan namin pati ni Mama.
Naabutan naming gising si Papa at si Mama naman ay nasa cr.
"Kumusta na, Pa?" tanong ko.
"Maayos naman," sagot niya. "Halinga kayo rito." Tawag niya sa aming magkapatid.
Niyakap kami ni Papa. Yung yakap na masaya siya at may isang araw na muli niya kaming nakita. Na nagpapasalamat siyang hindi pa niya oras.
Napakababaw ko talagang tao. Naiiyak na naman ako. Ramdam ko lang yung pagmamahal sa 'min ni Papa. Sinong magulang ba naman ang ayaw makita ang mga anak nila? Sinong magulang ang ayaw masaksihan ang tagumpay sa buhay ng mga anak nila? I know that I don't know how it feels 'cause I'm not a parent right now but I bet it's the greatest feeling in the world to see your grown up children achieving their dreams and having a stable-settling life.
It's more than heartbreaking for people who lost their loved ones and them not being here anymore to see them succeed in life or even celebrate small things with them. But I know they are and will always be proud above there.
Bumalik na si Mama galing sa cr.
"Ma, kain po." Sabay abot ko sa kaniya ng niluto at inihanda ko.
"Hindi na 'ko uwi 'nak," sabi ni Mama.
"Nakapagpahinga ka na po ba?" tanong ni Jas.
"Nakatulog na ko riyan sa sofa. Ilang oras din. Ayos na 'ko." Paliwanag ni Mama.
"Kailan ka ba may ipapakila, hah, Jay." Biglang iba ni Papa sa usapan.
Parang madaling-madali naman si Papa sa pagkakatanong niya. Mukhang hindi ko gusto kung saan ito papunta.
"Aral muna, Pa. Ililibot ko pa kayo ni Mama sa mundo." Pag-iwas ko sa tanong.
"Sige mag-aral kayong mabuti. Magiging CPA at Engineer and ang mga anak ko," he said it proudly.
Ngayon ko lang napagtanto. 'Yun yung mga bagay na hindi nakamit ni Papa. How tragic would it be for us, the children, to relive and make our parent's dreams to come true. It's like since the beginning they just wanted us to be a version they weren't able to achieve. Na simula pa lang ay nabubuhay kami sa mundong ginawa at binuo para sa 'min. Na tila wala na kaming kalayaang mamili pa ng nais naming tahakin. It's a sad reality for many kids and young adults.
Nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Ali.
"Sagutin ko lang po." Paalam ko kay Mama.
Lumabas ako ng kwarto.
"Kumusta na si Tito?" tanong niya.
"30 minute break na ba?"
"Oo, katatapos lang ng PE."
"Ah. Ok naman na si Papa. May tests lang maya-maya."
"Mabuti naman kung ganun. Mamayang gabi ok lang bumisita?"
"Ah hindi. 'Wag muna, Ali."
"Bakit naman?"
"Ang pangit naman sa ospital kita ipapakilala. Tsaka 'wag talaga muna."
"Ok, sige," sabi niya.
Sasabihin ko pa ba? Paano kung atakihin naman siya sa puso 'pag sinabi ko? Maraming pwedeng mangyari. Hindi kakayanin ng konsensiya ko.
Pero bakit kailangan ako lagi ang mag-a-adjust? Na dapat laging hindi makasarili kahit pa lahat na ng para sa akin at ang kasiyahan ko ay isinantabi ko na. Paano kung nararamdaman din ng kapatid ko na pressured siyang mag-apply sa engineering dahil kay Papa, sa halip na sa kursong gusto niya.
Ang dami ko na namang naiisip.
"Hello? Nandiyan ka pa ba?" tanong ni Ali.
"Ah oo. Sige balik na 'ko sa loob. Ingat!"
Binaba ko na agad yung tawag. Pumasok na 'ko ulit sa loob matapos kong huminga nang malalim.
Gusto ko na lang lamunin ng lupa.
...
"Marapat ka sa pagmamahal maging sino ka man. Marapat kang umibig sa kahit sino man."
- vin