Kabanata 15: Tika
Tika - mithi
Sa harap ng pinto ng bahay nila Ali ay naglagay siya ng piring.
"'Wag kang madaya ah. Baka may nakikita ka pa?" Paninigurado ko.
"Wala na nga po. Ganito kadilim 'pag wala ka."
"Nagkalat ang mais, kainis!"
Natawa siya.
Binuksan ko na ang pinto at ginabayan ko siya papasok. Nakapatay ang lahat ng ilaw maliban sa mga fairy lights na nakapaligid sa sala. May naaninag akong pa-banner sa pader.
Pumunta na 'ko sa harap para kunin ang gitara.
"Sige tanggalin mo na yung piring." Utos ko sa kaniya.
Nadidiliman man siya ay nakita niya akong nakaupo sa may pader na kung saan ay ang ginawa nating stage kumbaga.
"Sa wakas, may aalayan na 'ko ng kantang 'to. Akala ko hindi ko na 'to makakanta pa. Grade 11 pa 'ko nito eh. Para sa 'yo 'to ngayon." Inayos ko ang gitara sa hita ko. Sinimulan na ang pag-awit.
Constellations
Verse 1
Standing outside beside the light post
I can't barely see my whole shadow
I wish that this is just a fake show
I look up the sky with my still pose
Pre-chorus 1
The half moon covered with clouds
I wish that I do not doubt
I just want you to be on my side
Blue aurora, I see on the sky.
Chorus
Constellations are shining up above
There's a sudden formation sparking up
I can see all the stars moving around
I wish I can lift my feet off the ground
I wish I could get up there, form your name
I know you're looking above, I can't blame
We're looking over the same starry things
I wish I can have you as my king
Verse 2
For a moment I set my eyes closed
I can feel the thick air turning cold
I wish that this dream will end so
I can look at the sky with a smile oh
Pre-chorus 2
The half moon setting up high
The clouds are all left behind
I wish that you're still alright
Supernova, blasting on the sky
Chorus
Constellations are shining up above
There's a sudden formation sparking up
I can see all the stars moving around
I wish I can lift my feet off the ground
I wish I could get up there, form your name
I know you're looking above, I can't blame
We're looking over the same starry things
I wish you'll forever be my king
Bridge
I just keep all the pictures
So I can have all the moments with you
I watch all the stars blink
Like the way I see your eyes do
I love how you love me
You're so true and I just can't believe it
Will all this continue?
I'm afraid you'll be too far soon...
Pre-chorus 3
The half moon looking bright now
I wish that you don't doubt now
I just want you to be on my side
Meteor shower lighting up the sky
Chorus
Constellations are shining up above
There's a sudden formation sparking up
I can see all the stars moving around
I wish I can lift my feet off the ground
I wish I could get up there, form your name
I know you're looking above, I can't blame
We're looking over the same starry things
I wish you'll forever be my king
Lumabas na sila Tito mula sa pagtatago nila sa may kusina. Dala-dala nila ang cake na may nakasinding kandila. Bumukas na rin bigla ang mga ilaw.
"Happy Birthday, Zi!" Malakas at masayang bati nila Tito Mar at Rod.
Nagkantahan kami ng Happy Birthday.
"...happy birthday to youuuu..."
"Wish ka na," sabi ni Tito Rod.
At hinipan na niya ang kandila.
"Yeheeey!" Masayang-masaya ang bawat isa.
"Talo pa celebrity ah. Buong araw may ganap," sabi ko.
"Salamat sa inyo, Tito. Ito na ata ang pinakamasaya kong birthday."
"Aba bakit naman?" tanong ni Tito Rod.
"May mga kaibigan akong nakasama tapos Tito Mar, Tito Rod, kami na po ni TJ."
Nagulat sila Tito pero in a joyful way.
"Omg congrats sa inyo!" Masayang bati ni Tito Mar.
"Masayang-masaya ako para sa inyo. Keep the love burning! Nandito lang kami para sa inyo." Niyakap kami ni Tito Rod.
"Sana ok din sa mga magulang mo, TJ. Mas maayos kung maipapaalam niyo rin sa kanila ang relasyon niyo." Paalala ni Tito Mar.
"Opo, Tito. Kung pwede po sana ay mamaya pumunta kami sa bahay." Pagpapaalam ko.
"Ok lang, TJ. Mas ikatutuwa namin 'pag ginawa niyo 'yan. Ayoko lang na isang araw ay sobrang masaktan kayong dalawa dahil na rin sa mga taong minamahal niyo."
Sumagi sa isip ko bigla na paano kung ipagtabuyan nila kami. Paano kung hindi nila kami matanggap at makatanggap kami ng mga masasakit na salita? Aalis na lang ba 'ko sa 'min? Ganun na lang ba lagi ang solusyon? Hindi ko rin naman alam. Bahala na kung anong mangyari.
"Picture-picture muna tayo! Sayang naman yung pa-background."
"Sige po kunan ko na kayo." Pagprisenta ko.
Kinuha ni Tito Rod ang DSLR at binigay sa 'kin.
Kinuhaan din kami nila Tito ng litrato nang kami lang dalawa ni Ali. Tapos nag-timer kami para lahat kami magkakasama sa picture.
Ang saya sa pakiramdam na may isang pamilya na ramdam mo ang pagtanggap at pagmamahal. Wala kang takot at pangamba. Minsan naiisip ko na sana sa ganitong klaseng pamilya ako napunta. Pero mahal na mahal ko pa rin sina Mama at Papa. Sana lang bukas silang pareho sa katulad ko.
"Tara na at maghapunan. Nandito ang mga pabirito mong ulam, Zi." Pananabik ni Tito Rod.
"Maupo na tayo." Pinauna na kami ni Tito Mar.
Kinuwento ni Ali yung nangyari sa trip namin buong araw. Kung pa'no naipit si Jaydee sa LRT, yung mga nakita namin sa museum, at yung nilibre niya kaming lahat mag-samgyup.
"Ay oo nga pala! Ilabas na ang mga regalo." Sabay tayo nila Tito para kunin ang kanilang mga regalo na nasa kwarto nakatago.
"Kunin ko lang din sa bag ko yung akin," sabi ko.
"Meron ka pang ibibigay?" Napapamangha si Ali. "Hindi nauubusan ah. Pa'no na niyan sa mga monthsary natin?"
"Travel at kain." Sabay kindat ko. "Ikaw na bahala kung may pa-material things."
Iniabot na nila Tito ang regalo nila kay Ali.
Sinira na niya ang balot ng bawat regalo. Ang galing kay Tito Rod ay Swiss green water ghost watch. Sobrang ganda! Mukhang mamahalin.
Yung kay Tito Mar naman ay black slim coat bomber jacket. Grabe sila na talaga. Ang gaganda. Nakakahiya naman yung ibibigay ko.
Nagpasalamat si Ali sa mga Tito niya at niyakap niya sila.
"'Wag ko na lang ibigay." Biro ko.
"Bakit naman? Ayos lang 'yan. Ok na nga ko sa kanina eh." Tinignan niya ko habang ngumunguso ata siya nang slight o ewan kung napapa'no na 'to.
Kinuha na ni Ali mula sa kamay ko yung regalo ko para sa kaniya. Ang laman nun ay 6R size na frame na nakalagay yung lettering ko.
"Wow! Ang ganda! First art piece ko 'to mula sa iba. Hindi na puro portraits nasa kwarto ko. Thank you, bee!"
"Ay may tawagan." Asar ni Tito Rod.
"Mahal, papatalo ka ba sa bagets?" Tanong ni Tito Mar kay Tito Rod.
"Makipagkompetisyon ba naman sa mga bata." Sagot ni Tito Mar.
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Maya-maya ay natapos na kami at umakyat kami sa kwarto ni Ali para ipakita niya sa 'kin yung mga gawa niya.
"Practice safe s*x!" Sigaw ni Tito Mar habang paakyat kami.
"Hayaan mo na lang sila. 'Wag kang mag-alala." Sabi ni Ali.
Pumasok kami sa kwarto niya at bumungad ang mga gawa niyang nakasabit din sa pader.
"Mukhang dapat maglagay ako ng isang space sa gitna. May naisip na 'kong i-drawing."
"Ang gaganda ng mga gawa mo. Sobrang hasang-hasa ka na. Talo na ang mga camera." Papuri ko sa kaniya.
Umupo kami sa kama niya. Nilapit ko ang kamay niya para subukan itong hawakan. Ngunit inilayo niya ito.
"Sorry," sabi niya.
"Matagal ko ng napapansin yung pag-iwas mo lagi ng kamay. Bakit? Pero ayos lang na hindi mo sagutin."
"I am always thinking about telling you but I never got the chance to. But maybe right now, it's time."
"Pero ok lang kahit hindi na. If you're gonna bring up something horrible na nangyari sa 'yo, I'd rather not you to relive that pain again."
"It's alright. I trust you and I'm comfortable enough sharing this to you."
"Ok. I'll take that. But don't force yourself. I can understand."
Trigger warning: Rape
"It's my Tito's friend who came to our house when we were still living in Cavite. Lagi kasi akong naiiwan mag-isa kapag nagtatrabaho na sila. I was 13 back then. That's why when we kissed a while ago, it's also a big thing for me. You're changing my nightmares into dreams."
"I can't understand. That friend of Tito Mar and Rod did something to you?"
"Yes. And maybe whatever you're thinking, that's it."
"That's so horrible! Omg, I am so sorry."
"He held me like a captive there in our living room while he's trying to convince me to take off my clothes. Kesyo para makita raw anong mali sa katawan ko o baka may sakit na 'ko o 'di kaya pang model daw ako."
"f**k that's bullshit and twisted." Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Napakababoy. Nakasusuka. And then we get generalized.
"I only did take off my shirt. I knew there's something wrong. He then started using force when I didn't follow what he told me to do. He used his weight to take me down on the floor. He held my hands so tight and aggressively. He never let me go. He was that strong. We were on that scenario for some time until he kisses me wherever his lips reach."
Wala akong masabi. Hindi maproseso ng utak ko ang lahat. What if I was in that situation? I'll never be able to handle it as well.
"I cried for help. I shouted. He was about to punch me when Tito Mar slammed the door open."
"Oh my gosh buti dumating si Tito." Singit ko sa pagkukwento niya. I needed to hear that. It gave me so much relief.
"Buti naiwan ni Tito ang laptop niya or else something more horrifying could have happened."
"Nakulong ba?"
"Yes. The trial was one another terrifying experience of my life. I'd never want anyone like me to go through that. But I needed to. He deserves to rot in jail."
"I'm so glad you got the justice you deserve. Grabe ang mga tao."
"That's why I will never be able to express and tell you how grateful I am for you. You're erasing these traumatic experiences one by one. It really means a lot to me."
Naiiyak na naman ako sa mga sinasabi niya sa akin. He suddenly started to cry.
"Ok lang. Ilabas mo lang 'yan. Basta 'pag tapos niyan, never mo na ulit iiyakan 'yan, ah. We will not cry over same things again. Nandito lang ako."
Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya. Nanginginig siya, slight. Pero hinayaan na niya 'ko.
"Tahan na. Nandito lang ako."
Alam kong kinakailangan niyang marinig ang mga salitang 'yon. He'll never be alone again. He won't go through that hell again.
Nahawakan ko na ang mga kamay niya. I kissed his hand. Niyakap niya ako bigla. Mahigpit na mahigpit.
"Salamat."
Maya-maya ay kumalma na siya at tumahan. Bumalik na yung makulit na Ali na kilala ko. Nang-aasar na naman ang loko.
"Gusto mo pa ba tumuloy?" tanong ko.
"Ikaw? Gusto mo pa ba?" Binalik niya ang tanong sa 'kin.
Sa totoo lang ay natatakot ako. Pinipigilan ko lang mag-isip nang mag-isip para hindi ako mabaliw kaiisip. Ang alam ko lang ay gusto kong maging malaya ang relasyon naming dalawa. Ang gusto ko lang ay matanggap kaming dalawa both sides. He deserves na ipagmalaki at ipagsigawan at mahalin nang hindi itinatago. I deserve that too.
But what if ang gusto mo ay hindi mangyari? Hindi naman kasi lahat aayon sa gusto mo. What if it will do more chaos than what you have right now?
'Yan ang mga tanong ko sa sarili ko.
Pero walang masasagot kung walang gagawing hakbang. It's either I get stuck and be frozen with time or move forward and have a chance to make things the way I wanted them to be. That's why I am wanting to do it now. He makes me this brave.
"Pero gusto ko lang malaman mo na hindi naman natin kailangan sabihin sa lahat. Basta ok sa mga magulang natin, masaya na 'ko. Kuntento na 'ko. Hindi na natin kailangan ang approval nila." Paliwanag ni Ali.
"Tara na?" Tanong ko.
"Inom lang akong tubig sa baba."
"Ok!"
Nagpaalam na rin kami ni Ali kina Tito.
"Baka kung saan pa pumunta ah. Kina TJ lang, Zi! Anong oras na rin oh." Bilin ni Tito Mar.
"Opo, Tito. Sandali lang kami."
At lumabas na kami ng bahay nila. Marahang naglalakad sa ilalim ng buwan.
"Naalala mo yung sinabi kong you are my daylight?"
"Uh-huh."
"Kasi tingin ko ako yung moon na kailangan ng liwanag mo — the sun. Isn't it romantic?"
"That kinda makes sense."
"Isn't it amazing?"
"Ang kulit."
"Isn't it? Isn't it?"
"Isa pa, sige."
Nakarinig kami ng malakas na tunog ng ambulansya.
"Ang sakit naman sa tenga nun," sabi ko.
Nag-ring bigla ang phone ko. Tumatawag ang kapatid ko.
Sinagot ko ang tawag.
"Kuya! Si Papa!" Umiiyak siya.
"Bakit? Anong nangyari?" Nagugulat ako sa mga nangyayari. Napakapit ako sa braso ni Ali.
"Hi-hindi ko alam kay Mama kung stroke o inatake sa puso. Nandito na yung ambulansya." Patuloy pa rin siya sa paghagulgol at ramdam ko yung hirap niya sa pagsasalita.
"Malapit na 'ko. Parating na 'ko."
Tumakbo na 'ko agad at sinundan lang ako ni Ali habang tinatawag niya lang ang pangalan ko.
"Anong nangyari, Jay?" Malakas niyang sabi.
Hindi ako makapagsalita. Panaginip ba 'to? Pakigising na 'ko, please?
...
"Huwag pag-imbutan ang sarili ng mga bagay na karapat-dapat niyang matamasa.
Hanggang kailan ka mananatiling komportable sa sarili mong panaginip?"
- vin