Kabanata 14: Katipan
Katipan - irog o minamahal o kasintahan
Alas dose na! Sa wakas! Kanina pa napipikit ang mga mata ko. Napagod na naman kapipindot sa calcu at pagsubok intindihin ang mga new lessons.
Nag-send ako ng ginawa kong video greeting kay Ali. Super excited ako na makita niya ang pinaghirapan ko! Sana magustuhan niya.
Na-seen na niya agad at pagkatapos at may narinig akong bumukas ng pinto.
May kumatok.
"Labas ka sandali," sabi ni Ali.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang pinto.
"Happy Birthday!!!" Masaya kong bati sa kaniya.
"Thank you! Wala bang kiss?"
Sinipa ko siya.
"Ang baba namang kiss niyan." Sabay tawa kaming dalawa.
"Sige na. Matutulog na talaga 'ko. Hinintay ko lang mag-12 para sa 'yo. Ayan hah."
"Opo thank you ulit!"
Sinarado ko na ang pinto at bumalik sa pagkakahiga.
Meron pa siyang nalalaman na halik, halik. Kala mo naman talaga kung makapag-inarte nako, TJ! Itulog mo na ‘yan.
Pero masaya akong masaya siya and lalo na at nagustuhan niya ang ginawa ko. Ganun lang naman kasimple ang gusto ko para sa kaniya. Yung maging rason ako ng kasiyahan niya kahit papaano.
Kinaumagahan...
This will be a loooooooong day...
Nagkita-kita kami sa harap ng school. Kasama rin namin si Lyca. Kumpleto na ang power rangers. Maglalagalag na kami.
Masayang binati muna ng lahat si Ali. Hiyang-hiya siya dahil hindi siya sanay ng ganun lalo na at mga kaibigan ang bumabati.
"Pasalamat ka may lakad tayo kundi puno ka na ng itlog," sabi ni Lyca.
"Ok lang nabigyan na namin siya ng cake kagabi." Pagmamayabang ni Mylene.
"Tara na at mag-jeep!" Putol ni Jaydee sa usapan.
Ang ingay-ingay naming lahat sa loob ng jeep. Akala mo may field trip at kami lang ang sakay. Nakakahiya!
"Manong bayad po!" Sabay abot ni Mylene ng mga barya kay Manong driver. "Lima pong single. Este estudyante."
*kroooo krooo*
"Joke 'yon?" tanong ko.
"Tawa na kayo guys. Mga tatlo," sabi ni Jaydee. "Ha, ha, ha."
"Nakakatuwa 'yon?" Pagtataray ni Mylene.
Gusto ko sana siya i-correct kaso 'wag na lang muna.
Pumara na si Mylene at bumaba kami.
"Lrt na tayo ah," sabi ko.
"Sana pala nag-Grab na lang tayo." Reklamo ni Jaydee.
"Wow! Sino kayang nagsabing mag-jeep? Roll vtr." Pagbibiro ni Lyca.
"Aba dapat sinabi mo kanina lalo na kung sagot mo naman pala ang pambayad," sabi ko.
"Galaw-galaw, Ali. Baka ma-stroke. Hinga." Pang-aasar ni Lyca.
Nagtawanan kaming lahat. Napangiti rin si Ali.
"Let's just go," seryosong sabi ni Ali.
Pumasok na kami sa LRT station at bumili ng ticket.
"Dalian niyo nandiyan na yung tren!" Pagmamadali ni Lyca.
Nagtakbuhan na kami paakyat. Sakto nandiya na nga yung tren.
Nakapasok na kami sa loob nang nakita ko si Jaydee na naipit sa pinto ng bagon.
Nagtawanan kaming lahat pero ako sobrang pigil. The spotlight is on him. What a scene, jusko.
Tawa lang din nang tawa si Jaydee sa sarili niya. Though ramdam kong hiyang-hiya rin siya.
Pagkalagpas ng tatlong istasyon ay bumaba na kami.
"Grabe ang sakit." Sabay hawak ni Jaydee sa magkabilang balikat niya.
"Literal na inipit." Natawa si Mylene.
"Nakakahiya, baliw." Nakahawak pa rin si Jaydee sa balikat niya.
Naglakad kami palabas ng LRT station at nagtalo kung saan na kami papunta.
"Magtanong na lang kayo dun sa tricycle driver, oh." Sabay turo ko sa may pilahan ng tricycle.
Lumapit si Mylene at nagtanong kay Kuya.
"Sundan niyo lang ako. Alam ko na ang daan." She said confidently.
Naglakad na kami nang 'di namamalayang bumibili pala ng candy si Ali.
"Bee!" sigaw ni Ali.
Nagulat ako at napalingon agad. Napatingin din sila Jaydee.
I mouthed “ano.”
"Ano, bubuyog! Daming bubuyog!" sigaw niya.
Napatingin kami sa taas at sa paligid.
"Hala bubuyog! Ayoko ma-sting! Or stung? Stang?" Napaisip siya bigla sa mga pinagsasabi niya.
"Parang wala namang bees." Sabi ni Lyca. At tinignan niya 'ko na para bang may natuklasan siyang sikreto at pangiti-ngiti lang.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi ko lang pinapansin masyado pero nasa tabi ko lang lagi si Ali.
Sa wakas at nakarating na rin kami. Pumila na kami sa harap ng museum.
Ang daming tao. Buti medyo maaga kami at weekdays. Pero ang dami pa rin talaga.
Maya-maya ay nakapasok na kami sa lounge at naglista na ng mga pangalan. Iniwan na rin namin ang mga bag namin sa baggage counter.
Nagsimula na kaming mag-ikot at mag-picture. Disclaimer ko lang ulit na for documentation purposes 'yun. Ang dami kasi na pumupunta lang ng museum para mag-photoshoot para may mailagay sa feed nila. Konting tingin sa bawat room at hallway ng mga artifacts pero hanggang dun lang. Yung parang nag-wi-window shopping lang.
Sana ma-appreciate natin at totoong alamin yung mga bagay-bagay sa loob ng museum na pinupuntahan natin. Magbasa rin tayo ng mga nakasulat. Hindi man lahat, pero magbaon tayo ng mga bagong kaalaman.
Ang saya namin sa loob. Medyo malilikot pero we keep it quiet and hindi nakaaabala sa iba. Sa dulo kami nag-photoshoot. Sa may hallway at sa labas ng museum. Syempre souvenir. It's our first time this school year and also first time with them.
"Saan na tayo kakain? Gusto niyo ba ng unli? tanong ko sa kanilang lahat.
"Mag pork tayo? Alam niyo na kung saan." Suggestion ni Lyca.
"Mukhang may manlilibre..." tinignan naming lahat si Ali.
Tinignan niya lang kami pabalik.
"What?" wika niya.
"Sige na!" sabi ko.
"Ok sige sige." Pagpayag niya.
"YEHEY!" sigawan silang tatlo.
Nilakad lang din namin papunta sa isang samgyupsal place. Grabe bakit ako na-excite. Ang saya lang din ng araw na 'to. Tapos malilibre ka pa.
Ang sarap talaga ng samgyup tapos may kimchi. Gusto ko na rin bigla ng samyang.
Kainan lang ang lahat habang nagluluto ako. Buti pinayagan kami na lima kami sa isang table. Mag-iinarte pa ba sila sa customer nila?
"Ang sarap ng libre!" Sabi ni Jaydee habang napapahagod sa tiyan niyang lumolobo na.
"Thank you, Ali! 'Di mo talaga ko matitiis 'di ilibre, no?" Pag-f-feeling ni Mylene.
"Ano gift mo sa kaniya, Jay?" tanong ni Jaydee.
"Wala eh. Pag-isipan ko pa." Sabay tingin ko kay Ali na nangingiti ako.
"Kuripot naman." Singit ni Lyca.
"O baka naman naibigay na kagabi. Ayieeee." Dagdag ni Jaydee.
"Anong sinasabi mo?" medyo pagalit kong tanong.
"Magkasama kayo sa condo so I assume na nabigay mo na gift mo. May mali ba sa sinabi ko?" He played innocent.
"Ah. Pero wala pa talaga." I calmed down.
Patuloy lang kami sa pagkain hangga't walang pumuputok ang batok. Joke. Pero ang sarap ng kain ng lahat. Sige lang ng hingi ng refill. Luto lang nang luto. Kain lang nang kain.
"Diretso uwi na ba kayo?" tanong ni Mylene.
"Ako, oo,” sagot ni Lyca.
"Balik na rin tayong condo," sabi ni Jaydee kay Mylene.
"Kayo?" tanong ni Lyca na may halong pagtitig sa 'ming dalawa.
"Uwi ako sa bahay," sagot ni Ali.
"Ako rin," sabi ko.
"Eh diba may pasok bukas?" Singit ni Mylene.
"May kukunin lang." Alibi ko.
Matapos naming mag-LRT ay nagkaniya-kaniya na kaming landas sa pagbiyahe pauwi.
Nag-UV kami ni Ali pagkababa sa may school.
"Anong kukunin mo sa inyo?" tanong niya.
"Basta." Sabay tumingin na lang ako sa may kalsada.
Pumara ako sa may malapit na milktea shop sa amin. Pinilit kong bumaba si Ali para sumama sa 'kin.
"Anong gagawin natin dito?" he lazily asked.
"Mag-bo-bowling." I said sarcastically.
"Alam kong gusto mo lang ako makasama. Pwede namang sabihin mo na lang."
"Ang feeling! Ililibre pa naman sana kita. 'Wag na nga lang."
"Ay hindi, hindi. Tara na, bee."
Siya pa ang naunang pumasok sa store. Sinundan ko siya. Naupo kami sa may bandang bintana ng store.
"Anong i-order ko sa 'yo, Mister?"
"Oreo cheesecake with pearl."
"Ok. Just wait for your order, sir."
Pumila na 'ko at naghintay maka-order. Binigyan ako ng buzzer na may sticker na 1. Basta yung umiilaw at nag-ba-vibrate 'pag ready na ang order mo.
Habang naghihintay kami ay nag-phone muna si Ali.
"Wait lang ah. May mga bumabati."
"Ok lang. Sikat na ah. Na-discover na sa school."
Nginitian niya lang ako. So nilabas ko ang phone ko at nag-Twitter na muna.
Trending no. 1 ang #EqualityAct. Na-curious ako so pinindot ko yung hashtag at tinignan kung anong nangyayari.
Mayroong isang trans na kinaladkad palabas dahil sa cr ng babae pumasok. Meron din na pinagbabato ang isang effeminate gay sa daan.
Grabe! Ang lala!
Nag-exit muna ako sa Twitter dahil ayokong kumulo ang dugo ko ngayong may ganap. Pero babalikan ko 'yan. Hindi tayo titigil hangga't hindi tayo pinapakinggan. What a shame na may taong nagmamakaawa para lang maprotektahan ng estado.
Umilaw na yung buzzer at nag-vibrate.
"Kunin ko lang." Paalam ko kay Ali.
Tumayo ako at lumapit sa claiming area.
"Here's your order, Sir." Sabay abot ko sa kaniya ng milktea niya.
"Walang straw?" Pagtataka niya.
"May metal straws ako. Ako pa." Sabay kindat ko sa kaniya.
Nilabas ko yung pang may s**o na straw mula sa pouch. Well, prepared tayo. May plano nga diba?
Inabot ko sa kaniya yung isa.
"Thank you, bee."
"Ngayon lang 'yan dahil birthday mo. Kaya 'wag kang ano diyan."
"Edi ano yung pie na binigay mo sa 'kin? This will not be the last." He smirked.
Iniwasan ko na lang yung topic.
"Random lang. Anong plano mo after grad?" Napahigop ako sa straw matapos kong magtanong.
"Aside from being a slave of a corporation, I want to pursue international studies. Baka 2 in 1 na rin 'yun. Working abroad and traveling. Kasama yung mga mahal ko."
"Ako, gusto ko magka-business. Kuhanin kitang partner."
"Sige ba! Anong business 'yan?"
"Pag-isipan ko pa. Resin art naiisip ko pero gusto ko rin mag-venture sa food industry. Tapos pwede rin yung magpaparenta. Dorms, ganun."
"Well, magandang investment ang pagbili ng properties. May passive income ka if you can make it successful. Tapos another business on the side."
"Business minded tayo rito." Natawa na lang kaming dalawa.
"Kung ano man ang gusto mo, susuportahan lang kita. Alam kong matutupad mo 'yan. Ang layo ng mararating mo, nakikita ko." Sabay pisil niya sa pisngi ko.
"Ay wow, manghuhula ka na pala."
"Totoo kasi! Ang talented mo tapos street-smart pa."
"Hindi naman." Nahihiya ako.
"Humble."
"Tara, lakad-lakad tayo sa labas." Yaya ko sa kaniya.
"Sige."
Tumayo kaming dalawa. Sinukbit ko sa balikat ko yung dala kong backpack at lumabas na kami.
Tumawid kami sa kabilang kalye. Diretso papunta sa park.
Nilipat niya sa kabilang kamay yung milktea niya. Nararamdaman kong gusto niyang hawakan ang kamay ko. Hinahayaan ko lang. Pero, hindi ko alam, parang may pumipigil sa kaniya. Sa huli, hindi niya rin nagawa. Nilagay ko na lang yung kamay ko sa bulsa ng pants ko.
"Kailan mo nasabing gusto mo 'ko?" I randomly asked him again just to cut the awkward silence.
"Naalala mo yung gumagawa tayo ng pagsasalin?"
Tumango ako.
"Right at that moment na nakita ko yung mga gawa mo and just the feeling na ang special mo. I knew that time na I wanted to know you more. That there's something more in you."
"Scam nako." Actually, I just feel overwhelmed kaya 'yun ang nasabi ko.
"And ayan, nakasayad parati ang paa sa lupa. I just know how great and good your heart is. Hindi mo man ipakita, ramdam ng bawat tao sa paligid mo."
"Thank you. Papaiyakin na naman ako. Tama na. Sobrang overwhelming na 'ko."
"You deserve to hear those. I love you!" He looked me in the eyes.
PACKING TAPE!
Naramdaman ko 'yun! Tagos sa puso. I got chills. Napahinto ako sa paglalakad. I almost tear up. Three words that I never knew would make me feel this way. Ang OA ko lang ba? Grabe talagaaaaa!
Lumulubog na pala ang araw. Ang gandang pagmasdan. Ang payapa ng paligid. Mahangin at maaliwalas ang kalangitan.
"Tara sa may club house."
"Wala bang I love you too diyan?"
"Tara na, dali!"
Tinakbo namin papuntang club house though malapit lang naman. Naupo kami sa may open area. Sa may parang gazebo pero mas malawak.
"May bibigay ako sa 'yo." Sabay bukas ko sa zipper ng bag ko at kinuha ang isang sulat.
Iniabot ko ito sa kaniya.
"Happy Birthday!"
Kinuha niya ito. Pero hindi ko mabitawan. Nag-agawan pa kami.
"Sige mapupunit 'to." Babala ni Ali.
"Hindi, ano, ako na magbabasa. Gusto ko marinig mo rin sa 'kin lahat ng mga bagay na karapat-dapat mo ring marinig."
Binitawan niya ito bigla. Hinayaan na niya 'ko.
"Ready ka na ba?" tanong ko.
"Kinakabahan ako." Pero nakangiti siya.
Kinuha ko ang sulat sa envelope at binuksan.
"Dear Charo..." Pagbibiro ko.
Tinignan niya lang ako nang masama.
"Joke. Eto na talaga."
Huminga muna ako nang malalim.
"Hi Dao Ming Zi!" Tinignan ko siya. "First of all, gusto ko lang sabihin na magiging madrama ako rito 'cause I am always putting my walls behind and just say things that I want. Pwedeng maging sobrang cheesy o drama but those will be all from the bottom of my heart." Nagiging emosyonal na 'ko, slight.
Tinignan ko lang siya.
"Makikinig lang ako," sabi niya.
"Gusto muna kitang batiin ng maligayang kaarawan! 20 ka na. Tanda mo na."
"Sobra naman. Mag-20 ka rin, no!"
"Omg! Ano ganap natin today? Hoping you're having such a great day! Will you party with your friends and/or with your family? Sama mo naman kami hehe. I just want to tell you na keep working and striving hard. Keep doing what you love, 'cause I know you can actually see that hard work pays off. Masaya akong ako ang naging dahilan ng muli mong pagsulat. Isa 'yung malaking karangalan. I super appreciate and treasure it that much. Look at all the things that you've accomplished so far. And I know that there still many things to come!"
He looks so touched right now.
"Just know that whenever anxiety or sad moments hit you, I am all ears ready to listen to you. I'll never get tired of saying that you're a wonderful person. Think about all the things that you've been through and see where you are right now. Those things, even with the bad things, are what made you evolve and are the ones that made you be the person you are right now."
"Keep pushing forward and never surrender, cause I can see in you that you can achieve whatever you want. That's what you deserve! Pero alam kong tao lang tayo at napapagod so ready ako sa mga food trip o road trip, kung yayayain mo man ako. You know I'll always be here for whatever you may need. And thank you for the confidence that you've put in me all through this time. I'm really thankful for that."
"Thank you for coming into my life. Alam kong hindi pa tayo matagal magkakilala but it feels like I've known you since the beginning of time. Thank you sa pagpapasaya. Thank you sa pang-iinis." Tinitignan ko siya from time to time. "Thank you for bringing more color to my life. Things would've been harder without you. Thank you for reminding me na kaya ko. Na matatapos din ang lahat. Na maaabot natin ang mga pangarap natin. Na matutupad natin ang mga hiling natin. Thank you for being patient with me. Thank you for being there with me." I am getting emotional already.
"Nagpapasalamat ako kay Supreme Being dahil binigay ka niya sa 'kin. I wouldn't ask for more 'cause my prayers were answered already. I have never imagined that I'll be someone's special person or one of their priorities. I am thankful na may "constant" na 'ko sa buhay and I don't have to bother to be an "x" anymore. There are a million reasons to love you and I can't list them everything right now. You're my daylight. I love you, bee."
I suddenly started to cry as I have put so much emotion saying everything to him. It's my first time doing it. It's the only way I know that he'll feel special and loved more than anything material in this world.
Lumapit siya sa 'kin. Malapit na malapit. Naiyak na rin siya. Pero luha ko ang pinupunasan niya.
"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi matutumbasan ng salita ang lahat ng mga sinabi ko sa 'kin. Mahal na mahal din kita."
He slowly put his face close to mine. Randam ko ang t***k ng puso ko sa bawat segundong dumadaan. Tila ba napadpad kami sa ibang dimensyon at walang pakialam sa paligid kahit na kami lang naman ang naririto.
I closed my eyes and his lips touched mine. I really can't explain how I feel. I am quite shaking. My heart has never been this loud. Happy hormones are celebrating.
It's a passionate kiss.
It took me a second to kiss him back. I gotta step into the daylight and let it go. He has quiet my fears and what ifs with the touch of his lips. This is the feeling that you're ready to risk it all. In the name of love.
Sasabihin ko na kina Mama at Papa.
...
"I wanna be defined by the things that I love
Not the things I hate
Not the things I'm afraid of, I'm afraid of
The things that haunt me in the middle of the night, I
I just think that you are what you love"
- Taylor Swift