College. New beginning.
I took a Beauty Culture and Cosmetology Course since it reminds me of my mom. We used to have fun while putting make-ups on each others face. It's our bonding together.
Everyday, I'm going to a fish pond near our building. Taking a coin inside my pocket and holding it tight with my two hands with my eyes closed. Wishing everyday that I'll become a famous make-up artist. I opened my eyes and threw the coin inside the fish pond. I breathe throughly.
Ginamit namin ni lola ang savings sa bangko nila Mommy at Daddy para mapakapag-aral ako ng kolehiyo. Habang nag-aaral, nag-apply ako sa isang milktea shop para kumita ng pera. Ayokong iasa lahat sa savings ang pambayad ng tuition at iba pang bayarin ko sa eskwelahan. Nagtrabaho ako doon sa loob ng pitong buwan upang matustusan ang pag-aaral ko. Kung may tira naman sa sahod ko ay ipinambibili ko ng grocery at ng mga kailangan ni lola sa bahay, lalo na ang mga gamot para sa hika niya.
It took me 8 months to finish this course. I didn't expect that 8 months will be that fast. It's like, yesterday is my first day but today is my last day stepping here in my school.
At last, I wore the black toga I've waiting for a long time. I graduated and got my diploma. Yay! I'm very happy and lola was happy too. I hope mom and dad are happy above to see me achieving my goals in life. I hope they're happy eventhough they couldn't make their promise come true that they will both walk with me in the aisle and will put my medals around my neck in the stage. It's a bitter and sweet ending of my college life.
I asked one of my classmate to take a picture of me and my lola. Then I took a cab for lola to send her home because I decided to look and walk around my school one last time.
I took a picture of my classroom, my table and my chair where I learned and eat a lot secretly. Mamimiss ko rin 'yung cafeteria namin na palaging puno at siksikan dahil naguunahan sa pagbili ng ulam na masasarap. Kinuhanan ko ito ng litrato. I went to our library to take a picture of the scenery of a table in the corner with a window beside it. It's my favorite spot in the library. Everyday, after my class I'm always going there to study plus I can feel the warmth of the air and sun in that corner.
It feels like mom and dad. It feels warm.
I sat there for a few minutes and went to the fish pond where I'm always going. I went there to wish one last time. I looked for my wallet in my sling bag and took a coin. As always, I hold it tight and closed my eyes. I sighed.
"I wish, I wish, I will be accepted to the agencies I will apply tomorrow. I wish, I wish." Then, I threw the coin in there.
I walked away until I reached our school's gate. I turned around and took a picture of our school. "Thank you. See you soon xx College. I'm gonna miss the good and bad memories here. Babye!"
I went home and I messaged my manager that I'll take a leave tomorrow. My manager agreed. Naghanda na ako ng susuotin ko bukas. Ipinagluto ko na si lola ng hapunan at nagpaalam na hindi na ako kakain ng gabihan. Gusto ko na lamang magpahinga at magreserba ng lakas para bukas. Pumayag naman si lola at niyakap ako. Aakyat na ako sa hagdanan nang batiin muli ako ni lola. Nagpasalamat ako at ngumiti at saka umakyat para magpahinga.
Kinabukasan, Nagsuot ako ng isang pink na longsleeves na may kaunting ruffles sa dulo ng manggas at leeg. Nagsuot din ako ng paldang itim, black coat at lumang sandals ni Mommy. Inayos ko ang aking buhok. Nakapony tail ako at saka inayos ang buhaghag kong bangs. Mukha na akong presentable. Kinuha ko na ang aking mga prinint na resumé at nilagay ito sa isang clear plastic envelope. Bumaba na ako at saka naglagay ng tumbler na may tubig sa maliit kong bag. Nagluto na ako ng kakainin ni lola at saka nag-iwan ng sulat na naglalaman ng mensahe kung nasaan ang ulam, kanin, at ang oras ng pag-inom niya ng gamot. Umalis na ako ng bahay at saka sinimulan ang paghahanap ng maaaply-an.
Nag-apply ako sa iba't ibang agencies para magkaroon ng trabaho overseas bilang isang Make-Up artist. Tagaktak na ang pawis ko ngunit hindi ako puwedeng tumigil hangga't hindi ko pa napupuntahan ang mga agencies na puwedeng tumupad sa pangarap ko. Hindi ako sumuko. Hindi ako susuko at kung ang araw at gutom ang kalaban ay handa akong makipaglaban alang-alang sa pangarap ko. Tiniis ko ang gutom na nararamdaman ko dahil kung gagastos ako para sa pagkain ay mababawasan nanaman ang pambili ni lola ng gamot at panggastos sa bahay. Unti-unti na rin kasing nauubos ang savings nila Mom and Dad. Tubig lamang ang dala kong pangsangga sa gutom. Kaya ko 'to.
Naghanap at nag-apply ako kung saan-saan hanggang sa nakita ko na ang agency na pinapangarap ko, Make-Up and Cosmetics Care Overseas Agency. Heto rin ang last na pupuntahan ko ngayong araw. Nanginginig ako sa kaba dahil ang agencyng pinasukan ko ngayon ay kilala sa pagpapadala ng mga make-up artists dito sa Pilipinas papunta sa iba't ibang panig ng mundo. Ang iba ay naging tanyag na make-up artist at ang iba naman ay nakapagpatayo ng make-up studios. Gusto ko ring maging gano'n balang araw.
Huminga ako ng malalim at nagdasal na sana makuha ako at maestilo sa pangarap kong mga bansa. Kahit alin sa Korea, Japan, Columbia at Thailand. "I wish, I wish" bulong ko.
Bumukas ang pintuan ng Manager's office at lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Resché, Keiryp?" Sigaw ng isang empleyado roon. Tinaas ko ang kanang kamay ko at saka tumayo bitbit ang isang clear plastic envelope na naglalaman ng resumé at bolpen ko. Pinapasok na ako ng isang employee at pinaupo sa harap ng manager. Pare-pareho lang ang mga tanong at ginawa sa mga nag-daang interviews at sa interview ngayon.
"Why should we accept you to be a make-up artist in the other countries? What's your reason why you're here?"
Nauutal-utal pa ako dahil hindi naman ito tinanong sa mga nag-daang interviews na pinuntahan ko pero nilabanan ko iyon. "Sir, because I know myself." Muli akong huminga ng malalim at nagpatuloy. "I know what I am capable of in terms of make-ups and handling good care of my customers. I know that I can take a good care of people's insecurities in their faces and hide it through make-ups for them to be confident in their self. I already did it back then in my school but now I want to do it to many people around the world. I want people to know my name that I'm the greatest make-up artist in the world. That's it sir. Thank you." Tumango lamang yung manager at sinabing "We'll just call you if you passed. Thank you for applying here."
Tumayo na ako at saka lumabas ng office. Tinanggal ko na aking coat at halatang-halata ang pawis na bumakat sa likuran ko. Inubos ko na ang natitirang tubig sa tumbler ko. Umuwi na ako at kumain ng niluto ko kanina. Tulog na si lola dahil hapon na. Chineck ko ang gamot na iniwan ko para kay lola. Ininom na n'ya. Pumunta ako sa kwarto niya at saka dahan-dahang itinaas ang kumot ni lola. Hinalikan ko ang noo niya at saka umalis.
Pagkadating ko sa kwarto ko ay naligo ako ulit at saka nagpalit ng damit. Humiga ako at saka nagpahinga.
Kinabukasan, Kinakabahan na ako dahil magtatanghali na ay wala pa ring tumatawag sa akin. Hanggang sa dumating na ang hapon, ay wala pa rin. Kumain muna ako ng tinapay at bilang merienda habang naghihintay. Nauhaw ako kaya't pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. Habang naglalagay ako ng tubig sa baso ay may natanggap akong tawag mula sa isang unknown caller. Sinagot ko iyon.
"Hello? Sino po sila?"
"Good Morning po, Si Keiryp Resché po ba ito?" Tanong ng taong nasa kabila ng linya. "Yes po, si Keiryp Resché po ito." Tugon ko. "Mula po ito sa Makeup and Cosmetics Care Overseas Agency na inapply-an ninyo kahapon. Nakapasa po kayo sa interview." Nanlaki ang mga mata ko at kumabog ang aking dibdib. "Hello po?" Sabi ng nasa telepono. Nawala ang pagkagulat ko at sumagot "Ahm, hello po. Salamat po sa pagtanggap sa akin. Ano po ba ang mga dapat kong gawin at ihanda para rito?" Masaya kong sagot. "Isesend nalang po namin ang karagdagang details kung saan ka po didistilo at kung sino ang pagtatrabahuhan mo via email. Pakisend nalang po after this call. Salamat po" Sabi sa telepono. "Sige po, I'll send my email right away. Thank you po. Sobrang thank you" Masayang tugon ko. Ibinaba ko na ang aking telepono at saka nagsend ng email sa number na tumawag sa akin.
Pinuntahan ko agad si lola sa sala at niyakap s'ya. Sinabi ko sa kaniya ang magandang balita na natanggap ko. Masaya si lola para sa akin. Sinabi n'ya na doon nalang muna s'ya titira kila tita habang wala ako para may mag-aalaga sa kaniya at bibisita nalang dito sa bahay namin paminsan-minsan kapag nami-miss n'ya ako.
Umakyat na ako sa taas para tignan ang email na sinend sa akin.
________________________________________
To Ms. Keiryp Resché,
We would like to inform you that you are accepted in our company. We've checked your backgrounds and past experiences in Make-Ups that made you qualify to be a MakeUp artist.
You know well how to speak in different languages so will be sending you to Thailand as a Makeup Artist and a Personal Assistant to Mr. Khaotung Thanawat Ratanakitpaisan. The previous Makeup artist of Mr. Khaotung has finished their contract so he needs a new MakeUp artist and a Personal Assistant.
Come to our office tomorrow so we can assist you regarding the passport and different papers you need to submit so that you'll come to Thailand and do your work with no problems. Thank you for your cooperation.
Sincerely,
Makeup and Cosmetics Care Overseas Agency
_________________________________________
Napanganga at nanlaki ang mata nalang ang mga mata ko sa nang mabasa ang email nila sa akin. MAGIGING P.A. AND MAKEUP ARTIST AKO NG ISANG THAI ACTOR? NANANAGINIP BA AKO? PINAPANOOD KO LANG S'YA SA TONHONCHONLATEE DATI. OMG!!! Ang inapply ko, Make-up artist lang bakit naman may kasamang P.A.?
Pero atleast makakapagpahinga na rin ako mula sa pag-iisip sa trabaho at ng kung ano-ano.
Pahinga na, Keiryp. You've worked hard.
_________________________________________
End of Chapter 2
"I wish, I wish"