Hindi ako agad nagsalita, bagkus ay lihim akong lumingon sa bangkay nang dalawang yun at hindi na nagsalita pa, "Mas maiging 'wag ka na munang gumalaw. Mas mabilis kang gagaling pag nagkataon." May panibagong pagsabog na naganap sa paligid at dalawang tent ang sunod-sunod na sumabog. Hindi rin nagtagal may apat na white knights akong nakitang sabay na tumatakbo ngayon palapit sa akin. May isa sa kanila ang nagbato ng lightning spear tungo sa nakahigang si Ryan, kaya't bago yun tumama mabilis din akong gumawa ng violet lightning spear at pataas na diniflect ang spear energy ng kalaban, at nang ito'y magka-level din sa dibdib ko, paikot kong sinipa ang dulong parte ng spear na ito't mabilis ding bumulusok yun pabalik sa kanila. Tumama sa dibdib nung isa ang lightning spear na nagwasak sa

