ng enerhiya ang aking kaliwang kamay't naputol at nawasak ang espada sa lakas ng pagkakakuyom ko. Nagulat ang lalaki sa nangyari, kaya't gamit din ang kanang paa, pahalang kong sinipa ang kaliwang pisngi niya't kaagad din nitong ikinatalsik papalayo at bumangga pa sa mga tent na nawawasak din kapag natatamaan. Tapos may tatlong lightning arrows din ang sunod na bumulusok mula sa kadiliman tungo ngayon sa kanang bahagi ko. Pero gamit din ang kanang kamay, mabilis kong sunod-sunod na nade-deflect ang mga ito pagilid, pataas at pababa. Sabay kasing bilis ng kidlat na tinakbo ang direksiyon ng mga palasong yun. Nasa loob ito ng tent kaya't nagulat naman siya nang sa isang iglap ay nakarating ako sa gilid niya. At hindi na ito hinintay na makapalag pa dahil mabilis ko din itong paikot na sin

