Tumama ito sa mga debris sa may 'di kalayuan at mabilis ding nilingon si headmaster. "Ayos lang po kayo?" Tumango lang siya. Nilingon ko din naman yung takot na mga medic knights na nakatago. "Dalhin nyo na ang iba sa mas ligtas na lugar. Basta malayo dito." utos ko't sinunod din naman nila ako agad. "Ace. Ingat ka." sabi ng headmaster sa akin at tumango naman ako. "Ako napo ang bahala rito." may umakay ng isang medic sa kanya at mabilis na nagpakalayo, tinitiis ang sakit ng kaniyang paa. Mula sa direksyon ni Leligan, bigla namang may tatlong sunod-sunod na gray lightning spears ang bumulusok, tungo sa nakahigang sina Noegi, Hazel, at Komander Revin. Kaya't mabilis din akong tumakbo't humarang agad rito, sabay binalot ng lightng energy din ang dalawang kamay at paa. Unang lightning sp

