Kaya't gumulong din ako agad pakanan. Nawasak ulit ang lupang yun na tinamaan ng hampas niya. Nag handspring agad ako paatras ng dalawang beses. At kasabay nun, sunod-sunod din naman niyang ibinato ang dalawang spear tungo sa akin. Yung unang spear ay paikot na bumubulusok sa akin ng patayo kaya't iginilid ko nalang din ang katawan sa kanan, at kasabay nang paglagpas nun sa akin, yung pangalawang spear naman na paikot ding bumubulusok na pahalang sa akin, kaya't niyuko din agad ang ulo ko. At habang nasa ganung posisyon pa rin, paikot kong ibinato ang hawak na lightning sword tungo sa kaniya naman. Pero kahit sa bilis nun ay nakatalon lang din naman siya, palagpas at habang nasa ere pa rin, nagpakawala ito ng malakas na gray lightning strike sa akin mula sa kanyang kanang kamay. Kaya't

