kabanata 7

2520 Words
Tahimik na pinapanood lamang ni Dorothea ang mama niya na nag-iimpake ngayon sa harap niya, ang papa niya naman ay naririnig niyang naliligo sa banyo. “Gaano kayo katagal do’n, ma?” tanong niya rito. “Dalawang gabi,” sagot nito at tumigil sa ginagawa para pagmasdan siya. “Maraming pagkain sa ref na pwedeng lutuin, nag-grocery ako kanina. At itong bahay, Dorothea, sinasabi ko sayo na ayusin mo ‘to! Baka pagbalik namin ay parang pugad na ito ng mga unggoy.” Ngumuso siya at nagpangalumbaba. Sermon na naman! Hindi naman siya gano’n kakalat, a? Hindi na rin naman siya bata para hindi malaman ang dapat gawin. Namatay ang malayong kamag-anak nila sa side ng papa niya kaya aalis ang mga ito, tatlong raw na silang dalawa lang ng kapatid niya ang matitira sa bahay. “‘Wag po kayong mag-alala, akong bahala,” sabi niya lang para matapos na ang panenermon nito. “Ikaw bahala, tingnan natin,” sabi nito at sinara ang malaking bag. “Sa gabi, i-locked ninyo ang pinto. .” Matipid siyang ngumiti at pumikit habang pinapakinggan ang bunganga ng mama niya. Ayaw niya na lang sumagot dahil siguradong makakatikim na naman siya, maya-maya lang ay dumilat siya dahil tumigil bigla magsalita ito. Para bang naputol bigla ang boses nito. Nagtataka siyang nagpalinga-linga sa paligid dahil wala na ang mama niya sa harapan niya, hinanap din ng mata niya ang mga gamit at bag na iniimpake nito kanina at wala rin iyon. Pero, teka. Bakit parang nag-iba ang mga kagamitan nila? Mabilis siyang napatayo at napatakip sa bibig, ‘yung mga family picture din nila sa dingding ay wala! Ang gawa sa kahoy nilang sofa ay napalitan ng malambot, ang kahoy na lamesa nila na ngayon ay salamin na. “Mama?” pagtawag niya. Bumaling siya sa may banyo, hindi na niya naririnig ang tubig mula ro’n. Napasigaw siya at nagmamadaling umakyat sa taas, isa-isa niyang binuksan ang mga kwarto ngunit naka-locked ang mga ito. “Ma!” sigaw niya ngunit walang sumagot. Siya lang ang mag-isa na nandoon. Tumakbo siya papasok sa kwarto niya pero naka-locked din iyon. Ha, bakit naka-locked? Hindi naman niya nakasanayan na i-lock ang pintuan ng kwarto niya. Nakaramdam siya ng sobrang takot, bakit pakiramdam niya’y nananaginip siya? Parang hindi totoo ang nangyayari! Kanina lang ay kasama niya ang mama niya, ngayon ay mag-isa na lang siya. Sumandal siya sa may pintuan at pumikit, malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ngayon ay sigurado na talaga siya, may something sa bahay na iyon! “Dorothea!” Mabilis siyang napatayo nang marinig niya ang boses ng mama niya, naiiyak na bumaba siya ng hagdan at nakahinga siya ng maluwang nang makita niya ang mama niya ro’n. Nag-iimpake pa rin at galit na nakatingin sa kanya. Nilibot niya ang tingin sa paligid, bumalik na ang mga kagamitan! “Mama,” naiiyak na sabi niya. “Ano bang nangyayari sayo?” galit na sabi nito. “Kinakausap kita kanina, tumalikod lang ako saglit ay nawala ka na! Iyon pala ay umakyat ka na sa taas! Saan ka ba natututo ng ganyang asal mo?” Hindi siya nakakibo. Anong nawala siya? Ito nga ang nawala na lang bigla kanina. “Ang aga-aga ay pinagagalitan mo ‘yang anak mo,” sabi ng papa niya na kagagaling lang sa banyo. “O, bakit parang nakakita ka ng multo?” Napasabunot siya sa kanyang buhok, hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Namamalikmata lang ba siya o nababaliw? Ngayon lang naman nangyari sa kanya ito. “Ma, sama na lang ako,” sabi niya kaya natigilan ang ina niya. “Bakit? Anong nakain mo? Dati-rati ay ayaw mong sumasama,” sabi nito. “At hindi pwede dahil may pasok ka pa.” Sumimangot siya at umupo sa upuan. “May sasabihin ako pero ‘wag niyo akong tatawanan. .” “O, ano na naman?” “Sa tingin ko ay may something sa bahay na ito.” Kumunot ang noo ng mama niya. “Anong something?” “Multo?” aniya at napakagat siya sa labi nang tumawa ang papa niya. “Seryoso, papa, promise! Bigla na lang kayo nawala kanina!” Umiling ito. “Siguro ay dahil sa kakanood mo ‘yan ng anime.” “Kung natatakot ka, dito mo na lang patulugin si Elnora. O kaya ay magtabi kayong matulog ni Gray,” sabi ng mama niya at nilingon ang papa niya. “Bilisan mo, paalis na tayo.” Nagbuntong-hininga na lang siya at sumuko nang magpaliwanag. Tama ang sinabi nito, papupuntahin niya na lang si Elnora para may kasama siya sa kwarto niya. Bago pa makaalis ang mga ito ay inunahan niya itong umalis papuntang school para hindi siya maiwan mag-isa sa bahay na iyon. Sinabihan niya na rin si Elnora na doon muna ito matulog sa bahay nila dahil natatakot siya. Pagkatapos ng klase ay nagpunta sila sa bahay nito dahil kukuha ito ng damit at para na rin magpaalam sa magulang. Tulad ni Elnora ay malapit din ang loob niya sa magulang nito, naranasan niya na rin na matulog sa bahay ng kaibigan dati. “Nasa bahay ba ninyo ang kapatid mo?” tanong nito habang naglalakad na sila pauwi. “Nakauwi na ‘yon, pero baka nagbabasketball ‘yon sa court.” Pagkarating nila sa bahay ay nakaramdam agad si Dorothea ng kilabot, napangiwi siya at hinawakan si Elnora habang papasok sila ng bahay. “Wala ka bang nararamdaman na kakaiba?” tanong niya sa kaibigan. Nagkibit-balikat ito. “Wala naman. .” Bakit parang siya lang ang nakakaramdam ng kakaiba? Hindi lang pala siya, si Amsel din! Nakita rin nito ang nakita niya noong gabi na iyon, pero mukhang balak nito na pagmukhain siyang baliw. Hinila niya si Elnora paakyat. “Tara, samahan mo akong magpalit sa taas.” “Grabe, hindi ko akalain na ganito ka katakot!” sabi nito kaya umirap lang siya. Hindi kasi nito naiintindihan, iba ang nararanasan niya sa bahay na iyon. Pagkatapos nila magpalit ng damit ay pumasok si Elnora sa banyo sa baba, pumwesto siya sa may pinto ng bahay nila dahil natatakot siya sa loob ng bahay. Nangungulangot pa siya nang lumingon siya sa may gate, dumating na ang kapatid niya na si Gray. Halatang kagagaling nga lang nito sa paglalaro, pawis na pawis pa ito. Ngunit nag-yelo ang buong katawan niya nang makita na kasunod nito si Amsel, tumigil ang daliri niya sa loob ng ilong niya nang magkatinginan sila. Nakaputing t-shirt lang ito na punong-puno rin ng pawis. “Ano ba ‘yan, ate? Ang dugyot mo,” sabi ni Gray at nilagpasan siya. Si Amsel ay nanatiling nakatayo sa may gate. Bigla na lang itong napatawa, nag-iwas ng tingin at tinakpan ang bibig gamit ang likod ng palad. Napapikit siya ng mariin dahil sa inis, sa dinami-dami ng oras na darating ito, bakit ‘yung oras na nangungulangot pa siya? “Pre, pasok ka rito. Ayaw mo ba ng tubig?” ani Gray na sumilip mula sa loob. Tumikhim si Amsel at lumapit. Nagtiim-bagang siya at hinarang ito bago pa ito makapasok. “Bakit nandito ka?” tanong niya. Nanatili itong nakatingin sa kanya. “Bakit ang tapang mo ‘pag nasa bahay ka ninyo?” Tumaas ang kilay niya. “Lagi naman talaga akong matapang a.” “E, bakit kahapon namumula kang tumakbo no’ng nakita mo ko—” Tinakpan niya agad ang bibig nito gamit ang palad niya pero agad nitong tinabig iyon. “Katatapos mo lang mangulangot tapos ilalagay mo sa bibig ko ‘yan?” Napasinghap siya. “Tanga, ibang kamay ‘yon!” “Ay, Amsel. Nandito ka pala?” Mula sa likod nila ay narinig niya si Elnora, nakapambahay na rin ito at nagpalit. Naningkit ang mata ni Amsel at tumango lang kay Elnora, inis na umalis si Dorothea sa pintuan dahil ayaw niyang mapadikit kay Amsel. Pawis na pawis ito. Humilig si Elnora sa kanya. “Haggard ba ko?” Pinagmasdan niya ang kaibigan. “Hindi.” “Sh¡t, ‘di ko alam na darating pala siya. .” Napangiwi na lang siya habang pinagmamasdan si Amsel at Gray na nag-uusap sa kusina, may hawak na baso si Amsel na ininuman nito. Nagpapasalamat na lang siya na umalis din ito agad dahil nalalagkitan daw ito sa sarili, narinig niya lang. Tsaka mag-gagabi na rin naman kaya dapat lang na umuwi na ito, no? Kahit may pasok kinabukasan ay nagpuyat sila ni Elnora, hindi siya sigurado kung gising pa ang kapatid niya pero ang tahimik sa buong bahay. “Nagugutom ako,” sambit ng kaibigan na nagbabasa ng libro sa tabi niya. Siya naman ay nanonood ng One Piece sa tablet niya. Nagulat siya nang makita niya ang oras, kaya pala nagugutom na ito ay dahil alas-dose na ng madaling araw. Hindi niya namalayan dahil nawiwili siya sa panonood. “Luto tayo pancit canton?” sabi niya. “Pancit canton? Gusto kong mag-kanin!” reklamo nito. Tumango siya at itinuon ang tingin sa tablet niya. “Sige, magsaing ka na sa baba. Tatapusin ko lang ‘tong episode na ‘to.” Sinara agad nito ang binabasang libro at tumayo, hindi na nga niya napansin na nakaalis na pala ito. Basta napatigil na lang siya sa panonood nang marinig niyang tinatawag siya nito mula sa baba. “Hoy! Luto na ‘yung kanin, ang tagal mo!” sigaw nito mula sa hagdan. Nagmamadali siyang tumayo. Nakakainis talaga ‘pag may kasama, napuputol ang panonood niya. “Ano bang lulutuin natin?” Narinig niya pang tanong nito. Pagkababa niya ng hagdan ay nagtaka siya dahil akala niya ay nakatayo ro’n si Elnora pero wala pala, nilingon niya ang salas— nakapatay ang ilaw. Sa kusina lamang nakabukas. Nanlaki ang mata niya nang ma-realized niya na nangyayari na naman ang nangyari sa kanya kaninang umaga. Tuluyan siyang pumasok sa kusina para hanapin si Elnora pero wala ito. “Sh¡t, s**t!” Natataranta siyang nagtungo muli sa hagdan, pero nanlaki ang mata niya nang makita ang kaibigan na nakatayo sa baba ng hagdan. Nakatingin sa itaas at parang may hinihintay. “N-nor,” sambit niya. Gulat na napalingon ito at binalot ng pagtataka ang itsura. “Saan ka dumaan?” “S-sa hagdan. .” “Ha?” Kumunot ang noo nito. “Nakatayo nga lang ako rito, hinihintay kitang bumaba!” “Wala ka riyan no’ng bumaba ako!” giit niya. “Sige nga, sabihin mo sa’kin kung paano ako makakababa nang hindi ako dumadaan diyan.” Nanlaki ang mata nito. “Seryoso ka? Hindi talaga ako umalis dito at hindi kita nakita.” “Nor.” Huminga siya ng malalim. “Sigurado talaga akong may something sa bahay na ‘to.” Tumakbo ito palapit sa kanya dahil sa takot. Dahil sa nangyari ay nagpasya silang huwag na kumain at itulog na lang ang gutom. Maaga rin silang umalis kinabukasan para pumasok, sinigurado rin nila na nakaalis na sila bago pa umalis si Gray. “Gusto mo sa bahay namin muna tayo matulog?” tanong ni Elnora habang nasa school sila, buong klase yata nilang pinagbubulungan ang nangyari kagabi. Ngayon ay naniniwala na ito sa kanya dahil naranasan na rin nito, at least kahit papaano ay may karamay na siya. Umiling siya. “Walang kasama si Gray, isusumbong pa ko no’n kay mama. Mayayari ako.” “Nakakatakot kasi sa inyo, may something nga talaga.” Humawak ito sa magkabilang balikat. “Kinikilabutan talaga ako!” Hindi na siya sumagot. Iniisip niya na yayain na lang si Gray na matulog katabi nila ni Elnora, kaso hindi sila kasya sa kwarto niya kaya naiisip niya na sa salas na lang silang matulog tatlo. At least ay magkakasama sila. “Ha? Bakit?” tanong ng kapatid nang sabihin niya ang plano niya pagkauwi nila. “May multo nga! Ayaw mo kasing maniwala,” inis na sabi niya. “Basta dito tayo sa salas matulog tatlo, ‘yung higaan nila mama na malaki ay ilatag mo rito at iusog mo ‘yung mga sofa sa gilid para magkasya. ‘Pag hindi mo pa ‘yon nalalatag nang bumaba kami, kutos ka sa’kin.” Magsasalita pa sana ito pero hinila na niya si Elnora sa taas para makapagpalit na sila ng damit. Pagkababa nila ay nakalatag na nga talaga ang malaking higaan, ‘yung mga sofa ay nasa gilid. “Buti malaki ang higaan,” ani Elnora. Pumasok si Gray sa pinto, sabay silang napalingon doon. Halos lumuwa ang mata niya nang kasunod nitong pumasok si Amsel, natigilan ito nang makita sila. Tapos ay kumunot ang noo nang makita ang higaan na nakalatag sa salas. “Dito rin ‘to matutulog,” sabi ni Gray. “Ano?!” bulyaw niya. “Bakit?” “Ito ‘yung gusto kong sabihin sayo kanina, mag-oovernight nga kami rito dahil walang pasok bukas,” inis na sabi nito. “Balak namin maglaro pero ang dami mong alam.” Inis na lumingon si Dorothea kay Amsel na tahimik na nakatayo sa may pintuan, halatang nagdadalawang-isip na ito nang makita ang sitwasyon. Pero sa nangyayari, diba’t mas maganda kung marami sila? Para kung may mangyari man ulit ay mas marami siyang karamay, tsaka mukhang mas maganda na maglaro ang dalawang ito magdamag para may bantay sila ni Elnora habang natutulog sila. Lumingon si Amsel kay Gray. “Sa susunod na lang, marami na pala kayo—” “‘Wag na!” agap niya. “Nandito ka na e, bakit uuwi ka pa?” “Oo nga, pre. Tara na, pumasok ka na rito,” ani Gray. Lumingon si Amsel sa kanya kaya pinandilatan niya ito ng mata, nagdadalawang isip itong pumasok. Naramdaman niya ang pagkurot ni Elnora sa likod niya kaya nilingon niya ito. “Nakakahiya,” bulong nito. “Naghihilik ba ko ‘pag natutulog?” “‘Wag kang mag-alala, maganda ka pa rin kahit tulog,” saad niya. “Hindi ka rin naghihilik.” Ngumiti ito kaya’t umirap siya sa hangin, nilingon niya si Amsel na nakaupo sa may sofa. Naramdaman siguro nito na nakatingin siya kaya tumingin din ito, pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay binalik ang tingin sa mukha niya. Nakasuot lang naman siya ng Winnie the Pooh na pantulog na magka-partner, samantalang ito ay nakaputing damit na naman. Nilingon niya si Elnora na kumuha ng tubig sa kusina bago siya lumapit kay Amsel. “Anong tinitingin mo, ha?” tanong niya nang nakapamewang. Nagsalubong ang kilay nito. “Masama bang tumingin?” “Oo, masama. Bakit?” Tumawa ito. “Akala mo naman talaga. .” Tumaas ang kilay niya. “O, ano? Akala mo naman talaga maganda? Gano’n? Ano naman kung pangit ako?” Nawala ang ngiti nito at seryoso siyang tiningnan. “Wala akong sinasabing ganyan.” “Gano’n na rin ‘yon,” sabi niya at umamba na susuntukin ito pero hindi ito umilag. “Hindi ka naman pangit,” sabi nito kaya natigilan siya. “‘Yung ugali mo ang pangit.” Napanganga siya. “Aba’y, ga—”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD