Episode 1
"Kath, pumunta dito si Coreen. Nagbigay ng invitation para sa birthday nya ngayong Linggo. Aattend ka ba? Kasali ka ata sa 18 bills" ani ng Mama ko habang inaabot sakin ang invitation na para sa birthday ng pinsan ko.
"Pag-iisipan ko pa Ma, di pa kasi tayo vaccinated. Ayoko pa sana makihalubilo sa ibang tao. Kaya lang baka magtampo naman si Coreen at Tita"
"Ikaw bahala, kunti lang naman daw ata bisita. Pamilya lang at wala atang pupunta na taga ibang lugar" Sagot ni mama at pagkatapos ay lumabas narin ng kwarto.
Mukhang mas gusto rin ng nanay ko na um-attend nalang ako ng party kaysa magsuyo ng mga kamag anak naming magtatampo. Sa edad kong bente-otso ay feeling tita narin ako na ayaw naglalabas ng bahay at may gusto makihalubilo sa mga alagang aso at halaman.
Oo, malapit na akong mag trenta pero mukha naman daw akong bata sabi ng mga tao sa paligid ko. Sabagay kahit naman nung di pa ako work from home at sa Manila pa ako nagtatrabaho ay lagi talaga akong napapagkamalang bata.
Minsan automatic na student fair sinisingil sakin ng mga jeepney driver at yung guards sa office halos lahat bunso ang tawag sakin.
Okay din naman na mukhang bata pero yun nga lang mga bata din nangliligaw. Isa ata yun sa dahilan kung bakit single parin ako ngayon. Sa edad ko kasing bente otso ay napapagkamalan talaga akong teenager. Kahit yung mga ka opisina ko na napapabalita na may gusto sakin ay mga 4 years younger than me.
Okay lang naman kasi wala parin naman sa isip ko ang mag boyfriend since family ang priority ko. Tapos adik pa ako sa kpop at mga BL actors so di ko talaga kailangan ng boyfriend kasi marami naman nagpapasaya sakin.
Nagtatrabaho ako sa isang international bank sa Manila pero dahil pandemic lahat kami naka work from home. Umuwi ako ng probinsya since wala naman ako kasama sa Manila. Isa pa 12 years narin akong sa Manila nag stay dahil lumipat na ako dun para mag college.
Pagkatapos kong mag muni-muni ay nakapag desisyon na rin akong a-attend
nalang ng party. Friday naman ngayon at may bukas pa ako para makapag ipon ng energy para makipag socialize sa Linggo.
Namili na ako ng dami na isusuot para di na ako mangarag pa sa mismong araw. Pinili ko ang simpleng pink na dress. As much possible ay ayoko maging pansinin sa party, ayoko ng tinitingnan ako ng mga tao.
"Sunday"
Araw na ng party, tinatamad man ako gumalaw ay nag ayos na ako. Ihahatid daw kasi kami ng tito ko sa event place para di na kami mag commute pa. Kaya lang 3:00pm kasi yung party pero ito ang tito ko nanunundo na ng ala una. Ganun ata talaga pag mga matatanda na, laging excited pumunta sa mga events.
Di na ako nakapag make up, anyways naka mask naman so wala rin kwenta kong mag make up man. Nag pulbos lang ako at manipis na lipstick bago sumunod sa tito ko papuntang sasakyan.
Pagdating sa lugar ay halos ako at dalawanv pinsan ko palang ang bisita. Ang iba ay mga nag staff ng lugar at mga nag aasikaso ng party. Nag picture picture muna kami bago nagpasya na umupo nalang at maghintay.
Barbie theme ng party at puro pink ang design. Sakto lang ang suot kong pink na dress. Kunti nga lang ang mga table at mukhang mga pili lang talaga ang bisita. Hindi na sumama ang magulang ko kasi nga takot din sila sa virus.
Nagsimula ng magdatingan ang mga bisita. Busy ako magmasid masid ng may tumawag sakin galing sa kabilang table. Ang naka ngitingkapitan ng barangay namin ang bumungad sakin.
"Hija, buti naka attend ka. Umuwi ka pala? Sina mama mo bakit di pumunta?" tanong nya.
"Hello po Kapitan, naku opo matagal na. 5 months na po nung umuwi ako. Di lang po talaga ako lumalabas ng bahay haha. Sina mama po di muna daw aattend ng mga party. Sino po pala kasama nyo? " tanong ko sa kanya.
Bago pa sya makasagot ay may lalaki umupo sa tabi nya.
" Oy Karl, andito ka na pala. Naalala mo ba tong si Kath? Ay umuwi din pala dito ay. Hindi bat magkababata kayo? "
Bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang pangalan nya. Ilang taon na nung huli ko syang nakita.. Ilang taon na pero bakit kinakabahan parin ako?
" Hi" bati ni Karl habang nakatingin sakin.